Dinala ni Kenny si Barbie sa isang madilim na kwarto kung san may mga kung anu anong mga parts ng organ.
"Wha—What the heck? Nasan ba tayo? Bakit ang dilim naman dito?" Sambit ni Barbie at binitawan naman sya ni Kenny "he—hey! Don't leave me here!"
"Chill, masyado mo naman akong na miss." Ang sagot naman ni Kenny na nag hawi ng kurtina at bumungad nga ang biology room kay Barbie.
"Woah!"
"Eh? Hindi ka takot?"
Lumapit si Barbie sa stante ng mga jar na may lamang mga internal organs at kinuha nya yung jar na may lamang tubig at mata "as if I care…ang angas nito ah parang totoong mata talaga."
"Ah… Actually lahat ng nakikita mo sa room na ito ay totoong mga internal organs."
"Wow! Pwede bang akin nalang ito?!"
"H—Ha?"
"Didisplay ko lang sa kwarto ko tapos lalagyan ko ng lights sa ilalim. Oh my para tuwing gabi parang may cctv na nakatingin saki."
"A—Ano?"
"Hahahaha… Just kidding baka naman sabihin mo ang psychopath ko gaya mo pa ko sayo."
"Hoy!"
Naglibot libot naman si Barbie doon sa room habang nag sasalita at pahawak hawak sa mga nakikita nya "mukhang walang na punta dito."
"Oo hindi kasi ito ang ginawa ng science booth na room pangkaraniwan kasi ayaw ng mga students na pumapasok dito napaka creepy daw."
"Ohh… ang weak naman nila. Ano namang creepy samantalang ang mga naririne naman eh mayroroon rin sila sa katawan nila."
"O—Oo nga."
Sa isip-isip ni Kenny "kakaiba talaga syang babae kung kila Ellaine ito baka kanina pa nag titili at nag tatakbo na sa takot pero sya…"
"Hey!"
"Ha? Ano yon?"
"Sabi ko bakit dito mo ko dinala?"
"Ahhh… para hindi ka na mahanap nila Pres. Jemie gusto mo pa bang bumalik sa wedding booth ng SC?"
"Di na no! Nakakapagod ngumiti yung iba makaakbay pa sakin kala mo close kami."
"Aba't ang kapal ng mga mukha ng mga yun ah sinong umakbay sayo? Hinaras ka ba nila? Sabihin mo."
"As if may care ka naman tsaka naka bantay naman sakin sila Pres. Jemie at kuya Manix."
Nag iba naman ang mood ni Kenny na para bang naiinis "mukhang… close ka na kila Jemie at Manix ah."
"Well, they're like my older brother kaya bakit hindi? Mabait sila sakin at hindi plastic di gaya ng iba dyan."
"Ako na naman ba ang pinariringgan mo?"
"Umiwas ka kasi para hindi ka tamaan."
"Ikaw!!!"
Barbie smirked at pag abante nya hindi nya nakita yung plastic na mata na nasa sahig kaya natapakan nya ito at nadulas sya na tumama sa isang cabinet na babagsak pa sa kaniya "Barbie!!!! Ingat!!!"
Pagmulat nya hindi sya na saktan pero nagulat syang nasa ilalim na sya ni Kenny "a—anong…"
Mabilis ang naging pangyayare kaya ang nasaktan ay si Kenny dahil sya ang nabagsakan ng cabinet "ayos ka lang? Nasaktan ka ba?"
"Hi—Hinde pero ikaw…"
Nanghihina namang nagsasalita si Kenny na ang sinasabi ay "mabuti kung ganon…" at bigla nalang syang nahimatay.
"Ke—Kenny!!! Anong nangyayare sayo? Tumayo ka diyan!!! Were too close!!! Kenny!!!"
Dahil nga nahimatay at nakadagaan si Kenny kay Barbie tapos may mabigat pang cabinet na nakatumba hindi na makagalaw ng ayos si Barbie at pag hawak nya sa may bandang batok ni Kenny nakitang nyang may dugong humawa sa kamay nya "may dugo? Du—Dugo? AHHHHHHH!!!!"
Isang homophobic or phobia of blood si Barbie dahil nung bata sya na aksidente sila ng kaibigan nya na humantong sa pagka trauma. Mga anim na taon si Barbie ng niyakag sya ng kaibigan nyang si Deza na maglaro sa playground malapit sa bahay nila at nung mag slide na silang dalawa hindi inaasahang na una ang ulo ni Deza na nag sanhi ng pagkabagok. Sobrang takot na takot noon si Barbie dahil sobrang daming dugo ang kaniyang nakikita sa sobrang takot nya hindi na sya makagalaw pa para bumaba sa may slide. Buti nalang nakita agad sila ng nanay ni Deza na dali-daling isinakay ang anak sa kotse para itakbo sa hospital.
Simula rin ng araw na yon doon na nagkaroon ng phobia sa dugo si Barbie at ng mga panahong iyon halos hindi sya nakibo o kahit lumabas ng bahay para makipaglaro sa ibang bata. Talagang na trauma si Barbie sa nangyare kay Deza kaya kahit na gusto nyang makipaglaro pinipili nya nalang maging mapag isa. Dagdagan pa ng suliraning hindi na sila nagkita ni Deza simula ng aksidenteng iyon. Ang balita nagkaroon ng brain damage si Deza kaya doon sa America dinala ng mga magulang para ipagamot at doon na rin sila nanirahan.
***
Mga ilang oras pa ang nakalilipas kasabay ng pag tili ni Barbie ang naging pagsabog ng lpg tank sa booth nila Thew.
"Hmm? Na saan ako??" Ang sambit ni Thew at napatingin sya sa kaliwa nya nakita nyang nakahiga sa kama si Niro at iba pa nyang ka teammate na animo'y sugatan.
"Oh, gising ka na pala. Kamusta ang pakiramdam mo?" Ang tanong naman ni Gaile.
"Gaile? Ano bang nangyayare? Bakit andito ako?"
"Wala ka bang naaalala?"
"Hindi ko alam pero kanina biglang may sumabog sa booth namin tapos hindi ko na alam kung paano ako naka punta dito sa clinic."
"Ohhh… ganun pala. Pero pasalamat ka at hindi ka nasabugan ng lpg kung hindi baka mabaliw ang nanay mo kung nasabugan ka ng lpg tank."
"What? Sumabog yung lpg tank?"
"Oo at buti nalang wala ring grabeng nasaktan mga galos lang dahil mabibilis tumakbo ang mga teammates mo iba rin talaga pag varsity eh no?"
"Ano na ang nangyare? Si Barbie nasan?"
"Nahimatay sya kanina."
"Ano?! Nasan sya?" bumaba na agad sya sa kama para puntahan si Barbie pero na out of balance sya dahil di nya na pansin na may bandage ang kaniyang kanang paa. "Aray…"
"Oh, yan, tatanga tanga ka na naman madaling madali kasi pag dating kay Barbie. Ulaga!" at binatukan nya si Thew bago nya ito tulungan na tumayo.
"Kailangan kong puntahan si Barbie."
"Wag ka ngang epal ayos na sya nahimatay lang sya dahil na suffocate sya kay Kenny."
"Si Kenny naman?!"
"Maupo ka na nga muna at mag kukwento ako bago ka dyan mag kukuda."
"Ano ba kasing nangyare?"
"Ganito nga kasi yon…"
Ang pangyayare kanina bago pa man maganap ang pagsabog…
"Hoy kayo dyan, kumilos kayo puro kayo mga cellphone ng cellphone eh kung patakbuhin ko kayo sa oval ng 100x na ikot? Mga lintek na ito!" Ang nagagalit na sambit ni Tylon ang captain ng baseball team. Ngayong foundation day kasi ang naisipan ng team ay magkaroon sila ng "turo-turo booth" kaya naman samot saring street food ang laman ng kanilang booth at si Tylon rin ang naging head chef na kanina pa luto ng luto kaya pagod na. Tapos nakita nya sila Thew at Uno na kararating lang ng kanilang booth.
"Opo captain kukuha lang po kami ng apron." Ang sabi naman ni Niro at hindi naman nakibo si Thew na wala sa mood.
"Ano bang problema nyang si Thew? At saan kayo nanggaling? Kanina pa kami ditong umaga anong oras na? Nga-ngayon lang kayo bumalik? Talaga namang matitindi yang kakapalan ng mukha nyo ano?"
"So—Sorry po talaga captain."
"Haysss…Lumayas nga kayo sa harapan ko baka hindi ko kayo matansa!"
"O—Opo captain."
At hinila na nga ni Niro si Thew sa isang gilid "bilisan nyo at kumuha na kayo ng apron nyo at tumulong kayo!"
"Yes captain."
Siniko naman ni Niro si Thew "pre, ano na?! Bilisan na natin kumuha na raw tayo ng apron."
"Ayoko uuwi na ko."
"Ano? Pre nababaliw ka ba?! Kapag umalis na naman tayo ngayon malilintikan na na tayo nire kay captain ayokong tumakbo ng 100x sa oval!"
"Wala akong pakialam. Sige na uuwi na ko."
At papaalis na nga si Thew na pinipilan pa ni Niro ng biglang "BOOM!"
Sumabog na nga ng mga oras na iyon ang lpg tank na nasa booth nila na buti nalang ay wala noong nag luluto at costumer na malapit sa pinangyarihan.
Samantala sa pag sabog na iyon syang tili naman ni Barbie at saktong narinig naman sya ni Gaile na napadaan doon dahil may hinahanap.
"Bie?!!!" nakita nyang ang gulo ng biology room at nakita nya ring nadaganan ng cabinet sila Barbie at Kenny kaya dali-dali nyang tinulungan ang mga ito inangat nya muna ang medyo may kaibigatang cabinet tapos nag dahan-dahang nag lakad dahil maraming bubog sa sahig na kagagawan ng mga basag na jar na nakalagay sa cabinet.
"Ano ba kasing nangyare dito bakit mag kasama sila dito? At naka…" hindi na nya tinuloy ang sinasabi dahil nakita nyang may dugo sa kamay ni Barbie kaya mabilis nyang tinulak si Kenny na ang akala ay nag mula ang dugong iyon kay Barbie.
"Bie!!! Wake up!!!"
Na alimpungatan naman si Kenny pero nanghihina parin "a—anong nangyare?"
"Ikaw! Anong ginawa mo kay Barbie?!"
"Ha? Wa—Wala akong ginawagawa kay Barbie…" nahipo nya naman yung batok nya dahil kumikirot at nakita nyang may dugo at nakita rin naman yon ni Gaile.
"So, yung dugo sayo pala galing?"
Kenny sighed at muling nahimatay "Ke--Kenny!!! Gumising ka dyan! Kenny!!! HOY!!!!"
Sa magkaparehong oras…
"Yes President wala naman naging malubhang na sugatan." Ang sabi ni Manix kay Jemie habang nasa isang hallway.
"Sigh… mabuti naman kung ganon. Nasan na yung ibang member natin?"
"Inaasikaso na ang ibang mga student para makalabas ng campus ng maayos pati na rin ang ibang taong dumayo."
"Okay sige, si Gaile ba nakita mo?"
"Hindi eh pero di ba kanina mag kasama kayo?"
"Oo pero nag hiwalay kami agad may natukalasan kasi kami at sa tingin ko sila ang may kagagawan ng naging pag sabog na naganap."
"Ha? Tungkol san ba ang narinig nyo?"
"Sa droga, may bentahang magaganap ngayong araw dito sa AGA."
"Ano?! At sinong adik ang gagawa noon dito mismo dito pa talaga sa campus?"
"Sino pa ba sa tingin mo ang may ganoong kabalastugan na suliranin?"
"Ang grupo ni Ronmar Bravante ang sakit sa ulo ng Academy."