Nitong nakaraan walang nagiging permanent na teacher sila Barbie para sa kanilang math class bilang napatalsik at nakulong nga itong si Sir Baysan sa kasalanang pambabastos sa kaniyang mga nagiging babaeng estudyante. Kaya naman ang head teacher ng AGA ay nag pa hanap ng matino at maasahang math teacher at iyon nga ay si Ms. Elmundo o kilala bilang isang "terror teacher" dahil isa itong matandang dalaga. Naging guro na rin sya sa AGA ng mahigit 15years umalis lang sya ng nangibang bansa ito para doon magturo. At nito nga lang mga nakakaraang buwan ay nag balik na sya ng Pinas kaya naman nung nalaman nyang nag hahanap ang AGA ng bagong Math Teacher nag apply agad sya kaya ngayong araw ay makikilala na syang ng Grade 8 bilang bago nilang guro sa matematika.
"Good Morning Class." Ang bungad na pagbati ni Head Teacher Sir Ramirez sa klase nila Barbie.
"Good Morning Sir Ramirez." Ang pagbati rin naman ng buong klase nila Barbie.
"Bago kayo mag start ng iyong math class ipapakilala ko muna sa inyo si Ms. Elmudo sya na ngayon ang magiging Math Teacher nyo simula ngayon."
Kapansin pansin sa pag pasok ni Ms. Elmundo ang mataray nitong expression at itim na itim nitong kasuotan na kakaiba sa kapwa nitong mga guro at may dala rin syang stick.
"Good Morning Class I'm your new Math Teacher call me Ms. Elmundo it's that clear?!"
"Ye—Yes Ms. Elmundo."
"Okay, I will go ahead na class maging mabait kayo kay Ms. Elmundo." Ang masayang sambit naman ni Sir Ramirez at nag paalam na rin sya kay Ms. Elmundo at umalis.
Bigla namang ang ingay ng buong klase pag alis ni Sir Ramirez ng biglang may pumito.
"PRRRTTT…"
Kaya biglang tumahimik ang buong klase dahil ang pumitong iyon ay si Ms. Elmundo na ang sama ng tingin sa kanila.
"You! Boy at the back take off your cap!"
Napatingin naman sa likod ang buong klase at hinubad naman agad ni Troy ang kaniyang sombrero.
"FACE AT THE WHITEBOARD!" Ang nagagalit na sambit ni Ms. Elmundo.
Bigla namang nakaramdam ng takot ang buong klase nila Barbie dahil sa bago nilang terror teacher.
Nag pagala gala sa buong classroom si Ms. Elmundo at pinuna ang mga hindi kaaya aya sa kaniyang paningin kahit nga ang necktie na suot ni Barbie ay napansin nito.
"Where's your ribbon?"
"A…Ahm… Ano…po kasi Ma'am…"
Kinakabahan si Barbie at hindi nya alam ang sasabihin dahil simula nga nung pumasok sya sa AGA ay hindi naman nya ginagamit ang ribbon nya at naka sanayan na nga nyang gamitin ang necktie na nakita nya noon sa cabinet nya.
Napansin naman ni Kenny na natatakot si Barbie kay Ms. Elmundo kaya balak nya sana itong tulungan sa pag gawa ng alibi pero hindi na nya tinuloy dahil inisip nyang magiging news na naman silang dalawa sa buong campus.
"Are you the transfer student here?"
"Ye—Yes po Ma'am."
"Oh… I see pero sa susunod ayoko ng necktie ang isususot mo nag kakaintindihan ba tayo?"
"O—Opo Ma'am."
Bumalik sa unahan si Ms. Elmundo at sinabi nyang "get back to your proper seat now!" at gaya ng iniisip nya wala nga sa tamang kinauupuan ang mga estudyante nya dahil dali-dali ang mga itong nagsi tayo at bumalik sa kanilang dapat na kinauupuan at ending nakatayo lang si Barbie dahil hindi nya alam kung saan sya mauupo bilang baguhan nga sya.
"How about you Ms.?"
"Bar—Barbie po Ma'am yun po ang name ko."
Itinaas naman ni Gaile ang kanang kamay nya " Yes?"
"Ahm…. Sorry po Ma'am pero dahil newbie nga po sya hindi pa po na bibigyan si Barbie ng sarili nyang upuan sabi kasi ni Sir Mariano tumabi po muna sya sakin pansamantala kaya po…"
"No need to explain I understand… Barbie right?"
"O—Opo." Ang kinakabahang sambit naman ni Barbie.
"What's your surname?"
"Za—Zamora po Ma'am."
"Okay, let see..." Napatingin sya sa may bandang likuran bilang nag start ang surname ni Barbie sa Z at nakita nyang may dalawa pang bakanteng upuan sa tabi ni Kenny. "Hey you! Boy with the book."
"Ms?" Ang sabi naman ni Kenny.
"What is your name?"
"Mark Kenny Zapanta po."
"Who's your seatmate?"
"Si Matthew Solomon po."
"Na saan sya?"
"May practice po siguro varsity po kasi sya."
"So, kapag varsity hindi papasok ng klase ko?! Who's the class monitor here?"
Kinabahan namang bigla si Quinley at sa taranta nya nasabi nya pa kay Tikboy na seatmate nya na "huy, sino daw ang class monitor?"
"Tanga! Ikaw ang class monitor sa klase natin."
"Ha? A—Ako ba?"
"Miss eto po ang class monitor namin." Ang pa sigaw na sambit ni Tikboy.
"Huy! Ano ka ba?!"
"Bahala ka dyan."
Lalo namang kinabahan si Quinley ng pinatayo siya ni Ms. Elmundo "go outside!"
"P—Po?"
"Yes, go outside at tawagin mo yung varsity na ayaw pumasok sa klase ko!"
Naka hinga naman ng malalim si Quinley "ah…sige po Miss."
"Bilisan mo!"
"O—Opo." At dali-dali nga syang lumabas para tawagin si Thew.
"And for you Ms. Zamora go at the back with Mr. Zapanta he and Mr. Solomom will be your seatmate from now on."
"No way!!!" Ang sabay-sabay na sambit naman ng mga babaeng may crush kay Kenny na pinangungunahan ni Ellaine.
"THUD! THUD!!!" ipinalo ni Ms. Elmundo sa desk nya sa unahan ang dala nyang stick at sinabing nyang "QUIET!!!"
Sabay-sabay namang na patungo sila Ellaine sa takot nila kay Ms. Elmundo "go ahead Ms. Zamora maupo ka na."
"O—Opo Ma'am."
Kahit na napipilitan walang na gawa si Barbie kung hindi maupo sa tabi ni Kenny at pinag gigitnaan pa sya nila Thew.
"Huh! Napakaliit talaga ng space pagdating sating dalawa." Ang pabulong bulong na sambit ni Kenny habang nakatingin sa libro nya pero hindi sya pinansin si Barbie at tinalikuran pa sya nito.
"Mukhang magiging maganda ang klase sa natitirang buwan sa Grade 8." Ang pabulong bulong na sambit ni Gaile na ang katabi ay sila Uno at Sam.
"May sinasabi ka?" Ang sagot naman nung dalawa.
"Wag nga kayong maingay baka makita tayo ni Ms. Elmundo ayokong mapalo ng stick nya."
"Balita ko terror daw talaga yan." Ang sabi naman ni Sam.
"Wow ha, kalalaki mong tao para kang si Uno ang chismoso rin."
"Anong ako? Si Sam lang ang nag bibigay sakin ng mga impormasyon at wala akong alam dyan."
"Ano? Ikaw kaya."
"Hoy Sam tumigil ka wag kami kasali ka sa journalism club natural lang sayo na maging chismoso."
"SHHH!!! Kayong tatlong nag bubulungan labas!"
Napatayo naman si Gaile at sinabing "pero Miss hindi po ako kasali sa kanila."
"GET OUT!"
"Kayo kasi!!!"
"Anong kami? Ikaw nga ang na una." Ang sabi naman ni Uno.
"Oo nga tahimik kaya naming dalawa ng bigla kang nag salita." Ang pag sangayon na sambit naman ni Sam.
"THUD!" ipinalo na naman ni Ms. Elmundo ang stick nya sa desk kaya naman pandalas na ng labas yung tatlo. "Diyan lang kayo sa may gilid at tumayo! Kapag nakita ko kayong wala diyan ipatatawag ko ang parents nyo!"
"YES MISS." Ang sigaw ng sagot nung tatlo kaya naka agaw sila ng atensyon sa mga estudytanteng nasa labas.
"."
Kinatanghalian tsaka lang nakapasok at naka upo yung tatlo nila Gaile dahil noon lang natapos ang kanilang math class.
"Bie…tara na gutom na gutom na ko."Ang sambit ni Gaile na nakaupo at minamasahe ang kanyang tuhod nila Uno at Sam.
"Okay." Ang sagot naman ni Barbie na tinatabi ang book nya sa bag.
"Bie, sabay ako sa inyo ni Gaile kumain." Ang masayang sambit ni Thew.
"Hmm? Hindi ba kailangan mo pang pumunta sa teacher's office?"
"Okay lang yun akong bahala dyan kay Ms. Elmundo."
"Okay sige ikaw bahala."
"Ayos, ako ng mag dala ng bag mo?"
Kenny smirked at pabulong bulong pa sya "huh! ano sya baldado? Para hindi madala ang sarili nyang bag?"
Narinig naman yon nung dalawa kaya ang sama ng tingin sa kaniya at nilayasan sya "tsss…edi umalis kayo! Humph!"
Nilapitan naman agad sya ni Ellaine na niyayakag sya sa cafeteria para mag lunch pero hindi sya pinansin nito at iniwasan rin sya "Uno, tara na ." Ang sabi ni Kenny at hinila na papalabas si Uno na nag aayos pa ng bag nito.
"Teka naman!!!"
Sumunod rin naman si Sam dun sa dalawa "hoy, inatayin nyo ko na gugutom na rin ako."
Hindi naman maipinta ang pag mumukha ni Elliane at sinipa nya pa ang upuan pero nasaktan ang paa nya "aw…aw its hurt." At hindi naman sya tinulungan ng kaniyang mga alipores.
"Hoy! What are you girls doing? Help me!"
Kaya pala hindi sya pinapansin nila Hannah busy ang mga ito sa phone nila dahil may nag send sa kanila na picture ni Kenny at Barbie na umuwi sa iisang bahay.
"Besh… look." Ang sabi ni Dana kay Ellaine at ipinakita nya yung pic ni Kenny na buhat-buhat si Barbie.
"What…is that?! AHHHHH!!! Bakit sila pumasok sa iisang bahay?!" Ang pa galit na sambit ni Ellaine.
"Ang sabi dito the two are living in a one roof." Ang sabi naman ni Shiella.
"Kaya pala parang may care si Kenny kay Barbie." Ang sabi naman ni Hannah at ang sama naman ng tingin sa kaniya ni Ellaine. "ah…eh…ang akin lang naman kasi…"
"SHUT UP!"
Hala! Ano kaya ang mangyayare? Sabihin na kaya nila Kenny af Barbie na sa iisang bahay sila nauwi? Abangan... mehehehe... ( ͡❛ ͜ʖ ͡❛)