Kinaumagahan maagang pumasok si Thew para makita si Barbie pero wala ito roon…
"Absent?" Ang pa tanong ni Thew kay Gaile.
"Oo absent sya gawa ng ankle nya magang maga raw sabi ng yaya niya nag punta dito kaalis nga lang eh."
"Hindi pwede!"
"Anong hindi pwede? Eh kung ako rin naman yon…"
"Sige dyan ka na alis na ko."
"Hey! Saan ka pupunta?"
Pero hindi sinabi ni Thew kung saan sya pupunta.
"Baka may practice para namang hindi ka pa na sanay dun di naman talaga na attend ng klase ang isang yon." Ang pag sulpot na sambit Uno.
"Edi shing. Oh, bakit ikaw lang ata ang nandiyan? Wala pa ata si Kenny?"
"Oo nga eh hindi naman yun na lelate eh. Na san na kaya yon?"
"Hmmm?"
Samantala sinumulan naman ng hilutin ni Louis ang ankle ni Barbie...
"Wow, ang gaan po ng kamay nyo wala po akong naramdaman." Ang sabi naman ni Barbie kay Louis.
"Ah…nako, hindi naman po Ma'am nakasanayan lang."
"Wag nyo na po ako i-ma'am para naman kayo si ate Chinchay eh Barbie nalang po hehe…"
"Sige po."
"Ehe…wag nyo na rin po akong i-po."
"Ah…sorry."
"Cough… wala po kayong pasada?" Ang tanong naman ni Kenny na nakikipag usap kay Rewin sa kabilang side ng sofa.
"Meron po Sir inuna ko lang po talagang pumunta dito para matignan ko si Ma'am Barbie."
"Hala, nakakahiya naman po babayaran ko nalang po kayo." Ang sabi naman ni Barbie.
"Nako, hindi na Ma'am ayos lang. Ako talaga nag sabi kay Chinchay na titignan ko ang inyong paa."
"Ohh… ganun po nakakahiya naman salamat po ah."
Louis smiled "ahm… tapos na rin po ito basta wag nyo nalang po muna babasain para hindi lalong mamaga."
"Sige po salamat."
"Walang anuman, aalis na rin po ako may kailangan pa kasi akong i-service."
"Hindi nyo na iintayin si ate Chinchay?" Sabi naman ni Kenny.
"Hindi na po Sir nakausap ko naman na sya pero iiwan ko po si Rewin dito ayos lang po ba?"
"Opo walang problema ako na pong bahala sa kaniya."
"Opo Papa mag lalaro po kami dito ni kuya Kenny."
"Gusto mong mag video games tayo?"
"Sige po kuya." excited na sambit naman ni Rewin at napatingin naman si Barbie sa kanila ni Kenny.
"Hindi ko akalain na mahilig pala sa bata ang bwiset na ito." Ang pabulong bulong namang sambit ni Barbie.
Napakamot naman sa ulo nya itong si Louis "nako, itong batang ito talaga wag kang malikot dito Toto."
"Opo Pa, hindi po ako mag lilikot."
Louis sighed "sige ha? Aalis na ko basta behave ka lang dito."
"Opo Pa. Ingat po kayo."
"Um. Sige po Sir, Ma'am aalis na po ako."
"Sige po ingat kayo." Anila.
Pag ka alis ni Louis kinamusta naman ni Kenny ang pakiramdam ni Barbie.
"Ayos lang pumasok ka na."
"Hindi na late na rin naman ako."
"Bakit kasi kailangan nandito ka pa? Ankle ko naman ang gagamutin at hindi sayo."
Sa isip-isip naman ni Kenny "haysss… di man lang sya makaramdam alangan nag aalala ako sa kaniya."
"Pumasok ka na makakahabol ka pa naman bilang idol ka naman."
"Ewan! Rewin tara sa taas doon tayo mag laro."
"O—Opo."
At iniwan nga nung dalawa si Barbie na mag isa sa sala "hoy!!!"
Habang papunta naman sa kwarto yung dalawa may tinanong si Rewin kay Kenny "may gusto po kayo kay Ma'am Barbie?"
"A—Ano?"
Namula ang pisnge ni Kenny at lalo syang pinag dudahan ni Rewin "opo kasi yung kapitbahay namin na si kuya Zero nililigawan yung isa pa naming kapitbahay na si ate Nina at ganyan po si kuya Zero."
"Ha?"
"Namumula na parang nahihiya kapag napag uusapan ang crush."
"No way! Hinding hindi ko magiging crush ang amazonang yon."
"Amazona po?"
"Oo basta… maiitindihan mo rin pag laki mo."
"Pero hindi nyo po talaga crush si Ma'am Barbie?"
"Gusto mo bang mag laro ng video games o wag nalang?"
"Aha…hahaha…kayo naman po di na mabiro sabi ko nga po di nyo kailanman magugustuhan si Ma'am Barbie pero kung ako kasing age nyo ay, liligawan ko po sya kahit na mukhang masungit."
"Hmm?"
"Opo kasi ganyan po kasi ang magandang katangian ng isang babaeng gusto ko masungit at palaban."
"Eh?"
"Hindi naman po maganda yung parati nalang pabebe ayoko po ng ganun parang pag halimabawa po kasi naging mag on na kayo parang wala ng thrill kasi nga pa cute at pabebe lang ang alam. Kumbaga nakakatamad po yung ganun kasi tignan nyo kapag masungit ma thi-thrill kayo na ligawan sya kasi kukunin nyo muna ang loob nya eh sa pa cute baka nga po isang araw lang sagutin na kayo tapos pag mag on na kayo anong gagawin nyo mag lalaro ng luto-lutuan? Pangit po ng ganun."
Kenny patted him "ikaw bata ka ang bata mo pa ang dami mo ng alam."
"Ahh…kasi po tinuruan na ako agad ni Papa kaya alam ko na po ang ganyang mga bagay."
"Oh… sa tingin mo ba kailangan ko na rin mag paturo sa Papa mo?"
"Ehe… kayo po. Hehe…"
"Sus, sya lika na mag laro na tayo."
"Eh… paano po pala si Ma'am Barbs?"
"Ha? Bakit?"
"Eh kasi po kanina kayo ang may buhat sakaniya nung bumaba sya paano po sya makakalakad kung masakit po ang ankle nya?"
"Ay…oo nga pala nalimutan ko. Tsk…okay sige mauna ka na sa kwarto ko tapos sunod ako wag kang malikot okay?"
"Um."
Pero ang hindi alam ni Kenny nakapasok na si Thew sa bahay nila at kausap na si Barbie.
"Oo hindi ko kasi mailakad ng ayos ang paa ko."
"Paano ka naka punta dito sa terrace?"
"Ah... edi nag dahan-dahan ako gamit ang isa kong paa."
"Ohh…pero kamusta na ang paa mo?"
"Okay, okay naman na hinilot kasi ako ni Mang Louis yung asawa ni Ate Chinchay kilala mo yon? Ang galing nya pala mang hilot ang gaan ng kamay nya hindi man lang kamo ako nasaktan."
"Oo kilala ko sya matagal na rin kasing andito si ate Chinchay kilala ko rin ang anak nilang si Rewin.:"
"Ohh…oo andito nasa taas sya nandun kasama si Kumag."
"Ahhh…"
"Nga pala bakit nandito ka absent ka?"
"Ha? Ah… Eh…"
"Oo nga naman bakit nandito ka Mr. Ace Player?" Ang bungad naman ni Kenny na nakasandal pa sa may gilid ng frame ng pinto.
"Binibisita ko si Bie may problema?"
"Huh! Nalilimit naman ata."
"Tsss… bakit nag seselos ka?"
"Ano? Bakit naman ako mag seselos? Ano ko ba ang babaeng yan?"
Barbie smirked "wag mo na ngang pansinin yan Thew wala kang mapapala sa isang yan mabuti pa lumabas tayo."
"NO! Hindi ka lalabas ng bahay na ito ng wala ang aking permiso."
"Huh! Sino ka ba? Thew lika na."
"O—Oo sige."
At sumama nga si Barbie kay Thew at sumakay sila sa kotse.
"AHHHHH!!! BWISET!!!" Ang sigaw ni Kenny sa inis.
Dumating naman na si Chinchay at nakita nya ang mga nangyare kaya napa buntong hininga nalang sya at na pasabing "ayan na naman sila…"
***
Nalimutan na ni Barbie na sya ay naka pajama pa at hindi pa rin nakaka pag agahan ng umalis sila ni Thew.
Naka upo naman sa isang bench si Barbie ng dumating si Thew na may dalang pagkain "oh, kumain ka muna lam kong gutom ka na."
"Salamat Bro, nga pala na san tayo? Ang ganda naman dito ang sariwa ng hangin at ang tahimik."
"Ah… tahimik talaga dito at oo siguro sariwa nga ang hangin dami kasing puno dito at malaki ang space kaya dito ako madalas nag pa-practice. Cemetery kasi ito."
"A—Ano? Ce…metery?"
"Hahaha… natatakot ka ba? Wag kang mag alala bagong sementeryo lang ito kaya kakaunti pa ang mga naka libing pang mga nakaka luwag-luwag kasi sa buhay ang mga nakalibing dito."
"Ohhh…pero pwede tayong pumasok?"
"Oo naman malakas ako eh."
"Eh? Ayoko pang makulong ha."
"Hahaha… Silly, walang makukulong dahil sa tito ko ang buong lugar na ito."
"Wow… yayamanin."
"Ah… hindi naman tama lang… anyways, kamusta ang paa mo? nakirot ba?"
"Hindi naman, kaya ko naman di naman kasi ako yung tipo ng tao na pala daing. Yung parang nag papabebe kahit di naman masakit sasabihin "aray…ang sakit hindi ko na kaya" kakauma yung ganun sarap sikmuraan."
"Hehe… parehas pala tayo ayoko rin sa mga ganun eh nakakairita."
"Oo buraot di ba?"
"Hahaha…Oo kaya ayoko sa mga babaeng nag papansin sakin naiirita ko."
"Oo nga pero ang ganda nungYveth hindi mo bet?"
"Galing rhyme ah. Pero hindi ko sya gusto."
"Hmm? Bakit naman? Maganda sya at mukhang matalino rin."
"Ah…kasi… hindi sya ang tipo kong babae."
"Ohh…pero ako."
"Ha? I—Ikaw?"
Nanlaki naman ang mata ni Thew ng marinig nya yon pero na misunderstand nya si Barbie "oo ako, type ko si Yveth."
"Wha—What?"
"Oo gaya ng sinabi ko maganda sya at mukhang matalino kung magiging lalaki ako magugustuhan ko sya."
"Ahhhh…yun pala yon…kala ko kung ano na."
"Bakit ano bang akala mo?"
"Wa—Wala naman. Ha…ha…ha… Si---Sige kain ka na."
Pero sa isip-isip ni Thew "sighed…kala ko talaga crush nya si Yveth nakaka luko ang mga ginagamit nyang salita. Intense!"
Bet nyo rin ba si Yveth para kay Barbie? Hala!!! Hahahaha... (•ؔʶ̷ ˡ̲̮ ؔʶ̷)✧