webnovel

51: One Man Show.

51: One Man Show.

.

.

"Ginagalit nyo talaga ako!!! ".

Sigaw ni Chris. At itinaas ang kanang kamay at lumabas ang GreatSword. 

"plano nyo pumatay Pwes!! Uunahin ko kayong dalawa!!".

.

Gablam!! ------(hindi inaasahan ng Ancestor na sya mismo ang susugurin ni Chris. 

.

Natawa naman ang Judges at mukhang alam nilang hindi na tatagal ang buhay ni Chris dahil nadala ito sa galit. At lalo pa intusan nilang labanan ng Ancestor Reffs si Chris kung sakaling manlaban ito.

.

Pero, hindi nila inaasahan na ang kapangyarihan ni Chris ay hindi na tulad ng Dati.

.

Napa sangga ang Ancestor gamit ang kanyang Shield at naglabas ito ng long sword. 

.

"Impudent!!!, ako ang gusto mong harapin!!! ".

Sigaw na sabi ng Ancestor kay Chris at napaatras sya ng isang hakbang sa atakeng iyon. 

.

Bam!! ----(12x heavy strikes)

.

Hindi tumigil si Chris at plano talaga nyang labanan ang Ancestor stage expert. 

.

Malapit ng makarating ang sandata ng kalaban sa likod ni Bliss. Dahil nasa Gravity spell si Bliss at hindi na makagalaw pa sa lakas ng Pressure na nagmula sa Ancestor stage expert. 

.

'Chris------'. 

Pilit na humakbang si Bliss pero, hindi nya na kaya at napaluhod sya sa isang paa.

.

Pak-----(hand tap)

.

"Substitution!!!!--------"

Sigaw ni Chris sa buong Arena na naglalaman ng Killing Intent. 

.

Nakaabot si Chris kay Bliss dahil sa series ng Destructive attacks sa Ancestor ay naitulak nya ito palapit kay Bliss. 

.

Mas pumangit ang Anyo sa mga mukha ng Dalawang Ancestor Reffs at nakaramdam sila ng kahihiyan. 

.

Pero hindi naalis ang Gravity spell kay Bliss. At lumingon si Chris sa Ancestor na may Control sa spell. 

.

"alisin mo na ang Spell, kung gusto nyong mabuhay ang lalakeng iyan".

Itinuro ni Chris si Toruko na huminto ng maisigaw ni Chris ang pag Substitute kay Bliss. 

.

'Ano pa ginagawa mo!!, sugudin mo silang dalawa!!! Kasama mo ang Reffs!!'.

Sigaw na mental message ni Mocci na nasa tabi ni Bakki sa labas ng Arena. 

.

Mukhang 100% na patunay ngang magkasabwat ang leader ng Team Tyresians at si Mocci. At nakita ito ni Chris at maging sina Ahri. 

.

"tsk, tumaas ng isang Level si Chris sa Physical at Qi cultivation. Sa tingin nyo matatakot sya sa dalawang Ancestor stages na nasa level 2 lang".

Sabi ni Ahri na may expectation sya sa gagawin ni Chris. 

.

"napaka daya ng tournament kung Bias sila masyado sa mga Unggoy".

Hindi maiwasang magsalita ng ganun si Jegger na nasa mismong VIP room. 

.

Napangiti naman ang ilang Higher Powers na nasa paligid ni Jegger, at tila may punto ito sa sinasabi. 

.

(pag si Jegger sumeryoso, tsk hindi natin alam kung buo pa ang katawan ng mga katulad ni Mocci, kahit matawag na ang master nito tiyak darating si Jose para tumulong kay Jegger)

.

*i feel goosebumps bro, something is wrong sa arena*.

.

Sa hindi inaasahang pangyayari, itinaas ni Chris ang kanyang kaliwang kamay at lumabas duon ang isang wand. 

.

"huh!!!??, LongSword at Wand!?---".

.

"isa syang Dual class?!! -----"

.

Madaming nagulat sa ginawang pagpakita ni Chris ng kanyang lakas na itulak ang isang Ancestor stage, at ngayon naglabas si Chris ng Wand!?, para saan pa ang Wand kung bihasa na si Chris sa Sword at physical fights. 

.

Itinutok ni Chris ang Wand sa Ancestor, at na alarma naman ang Ancestor dahil hindi nya alam kung palabas lang ito ni Chris para maiba ang focus nya. 

.

At nangyari nga, nakatakas na si Bliss patungo sa Labasan ng team St. Cessia. 

.

'Hindi ka makaka alis!!! -----huh?! '.

Isasarado na sana ng isang Judge ang door sa barrier sa team St. Cessia ng biglang may pumigil sa kamay nya. 

.

'Wag, naroon ang babaeng nagmula sa DemonSpiritualist alliance, Rhian'

Sabi ng katabi nitong Judge. 

.

'tsk!!, mukhang hahayaan nating makapuslit ang isang daga, buweno tiyak namang ang Reffs na ang bahala kay Chris-----huh!? '.

Nanlaki naman ang mga mata ng Judges sa kanilang nasaksihan. 

.

Si Toruko ay nahati sa ilang piraso, at ang dalawang Ancestors ay may malaking butas sa kanilang dibdib at nakatayong patay ang katawan ng mga ito. 

.

"Anong nangyari!!??".

Sigaw ng isang Judge at mukhang hindi nila nakita ng maayos. 

.

"Tsk!!, sa tingin ko tama lang ang ginawa ko, pero hindi labag sa Rules ang ginawa ni Chris".

Pasabog na sinabi ni Rhian na may hawak na dalawang puso. 

.

At si Chris ay may dugo ang hawak nitong LongSword. 

.

(sa sandaling dumating si Rhian sa pintuan ng labasan ni Bliss, sinugod nya agad ang Dalawang Reffs at hindi sya nakapag pigil-----at duon din ang pasok ng paglusob ni Chris kay Toruko dahil parte naman ito ng Rules na maaaring pumatay hanggat hindi pinipigilan ng Reffs ang isang competitor).

.

*yan ang hustisya, and at the same time, satisfying*.

.

Napa tulala naman ang ama ni Rhian at hindi nya inaasahang papasok ito mismo sa Arena. 

.

"mukhang may napili na si Ms. Rhian, ha ha ha ha. Rion ano sa tingin mo? ".

Sabi naman ng representative ng DemonSpiritualist alliance.

.

"ha ha ha ha. Hindi ko sigurado kung ano dahilan, pero tila ganun na nga".

Mukhang hindi kumbinsido si Rion na ang nagustuhan ni Rhian ay ang tulad ni Chris. At hindi nila alam na kaibigan pala ni Rhian si Bliss.

.

Ganun nga at pagkatapos ng lahat ay kinuha na ng ilang Ancestors ang dalawang katawan ng Reffs, at naglagay sila ng isang Saint reff na bago sa Arena, ganun ding binigyan ng timeout ang tournament. 

.

Nasa tabi ni Bliss si Rhian at kanina pa sila nag uusap, hindi naman makapaniwala si Chris ng biglang lumitaw si Rhian sa Arena, at lalo pa hinarap nito ang dalawang Reffs. 

.

'mukhang may mga nangyaring hindi ko naantabayanan'. 

Sa isipan naman ni Chris si Rhian ay tinulungan nya, at nasa Saint Stage ito at nagkaroon ng lakas para harapin noon ang tatlong Saint Stage magical beasts. 

.

At ganun namang si Bliss ay nakilala nya sa EvilBeast mountainous region. At hindi rin nya inaasahang mahuhulog ang loob nito sa kanya. 

.

(both girls)

.

Lumapit sina Bliss at Rhian kay Chris, at mukhang ipapakilala nya ito. 

.

"Chris sya si, Rhian, kaibigan ko".

At pumaharap naman si Rhian nakipag kamay kay Chris. 

.

"hi, ako Si Chris, kaibigan ni Bliss".

Pagpapakilala naman ni Chris sa kanyang sarili at hindi nya inaasahang napaka lambot ng kamay ni Rhian.

.

"----C-Chris, ahm i-ikaw nga---".

Tila nakidlatan si Rhian ng maramdaman nya ang pamilyar na Aura at ang boses ni Chris. 

.

-----

.

(oh no!!!, hindi mawawala ang kaganapang iyon sa isipan ni Rhian, kung saan tinulungan sya ni Chris gamit ang Mental message kung pano puksan ang ilang Qi-channels sa kanyang katawan)

.

*so ngayon alam na nyang si Chris ang inakala nyang Godly Expert. Pero hindi sya tulad ng ibang girls na tatalikod nalang basta dahil mababa ang cultivation stage ni Chris---at malayo ito sa expected level sa kanyang isipan*

.

## Rhian is too angelic, too soft hearted, pero Lioness kung may kalaban. Katulad lang kay Bliss ##

.

-----

.

"eerr?, Rhian? "

Tila naguguluhan naman si Bliss at hindi parin bumibitaw si Rhian sa kamay ni Chris na namimilipit na ito sa sakit. 

.

"ay sorry ha ha ha. May naalala lang ako".

Agad ding bumitaw si Rhian na tila nagising sa isang panaginip.

.

-----

.

(idol you are back!!!, balik sa pangsi-silo sa puso ng babae----at isang Saint stage expert pa).

.

*idol naman, pati Saint stage hindi pinalampas, matamaan ka dyan ng heavenly lightning sa pinag kakagawa mo*.

.

-----

.

"ah eh, pamilyar lang kasi name nya kaya akala ko sya yung lalaking iyon. he he he".

Palusot naman ni Rhian na tila hindi nya na maalis si Chris sa kanyang puso. 

.

"ahh, pero Rhian ingat ka sa Chris na ito, kasi sikat syang babaero".

Sabi naman ni Bliss na walang awang pagpakilala nya kay Chris. 

.

'Bliss naman, ang bait bait ko kaya'. 

Sa isipan naman ni Chris ay napa yuko sya sa hiya sa harapan ni Rhian. 

.

Lumapit naman si Ahri, at planong dagdagan ang uling. 

.

"yah, isa syang Womanizing Devil".

May friendly smile sa mukha ni Ahri at may laman na Sarcasm ang titig kay Chris. 

.

'pati ba naman ikaw!? '.

Parang naka tikim ng crispy langaw si Chris sa anyo ng mukha nito dahil sa sinabi ni Ahri. 

.

"sa totoo nyan, girl nya ako---".

Singit naman ni Vera, at mukhang kanina pa nya mahigpit mahawakan si Minty sa kanyang mga kamay na parang metal hands. 

.

"ruff! raargg! "

Pilit na tahol ni Minty kay Vera. At mukhang hindi na ito makahinga. 

.

"ay sorry, Minty".

Maamong mukha naman ni Vera. Na nakakatakot naman para kay Chris. 

.

Lumapit naman si Lanna.

.

"Hokage galawan ni Chris, kaya doble ingat narin kapag nakatingin na sya sayo Ms. Rhian".

Dagdag ni Lanna na mas dagdag problema sa ulo ni Chris. 

.

'wala ba talaga kayong awa saken?. Hu hu hu hu. ang bait bait kong lalake sa inyo tapos ganito igaganti nyu. hu hu hu. Dont me. Hu hu hu'. 

Tila hirap na sa poker face so Chris at gustong umiyak dahil sa pam-bubully nina Ahri sa kanya. 

.

-----

.

(idol, condolences sa pride mo)

.

*nakikiramay kami sa Pride mo idol*

.

-----

.

Parang magbago naman ang tingin ni Rhian kay Chris, na parang naguguluhan sya kung maniniwa ba sya sa mga babaeng nakapalibot kay Chris---- naisipan nyang lumingon ulit kay Bliss, at napansin nyang natatawa ito sa anyo ni Chris sa mga sandaling iyon. 

'ahhh, mukhang bully lang nila iyon kay Chris.'

.

Hindi na naalis pa sa puso ni Rhian ang mukha ni Chris, kapag galit ito, kapag seryoso, kapag nakangiti, at kapag nahihiya. Hindi mawawala ang pink-blush sa magkabilang pisngi ni Rhian na hindi nakatakas sa mga girls. 

.

-----

.

(ouch, you turn the devil into an angel instead!!!, idol how to be you po!!!? )

.

*pigilan nyo ako!!!, baka bumili ako ng rebulto nyan!! Super Idol ko na yan eh!! *

.

## kinakampihan ng langit----sigh, walang rebulto yan ##

.

-----

.

Tumunog na ang Drum rolls at mukhang aakyat na si Chris sa arena. 

.

Ang Saint stage na Reff ay napili mimo ng mababait na Judges. At mula pa sa UltraLightning sect ang reff na ito. 

.

(AAAAAAHHHHGGHHHH!!! )

.

*WlALAKALALJWAWLSHJABSIAWK!!!! *

.

## pag pasensyahan nyu sila readers, hindi nila ma-take yung bagong Reff ##

.

"Ipag umanhin nyo ang nangyari kanina mga Elders".

Mabait na yumuko at nagbigay galang si Mocci sa Judges, at sya ang nagtawag sa reff na ito mula sa Sect. 

.

"ok lang yan Mocci, ikaw lang naman ang maaasahan sa pagpili ng Reff para sa tournament na ito, ho ho ho".

Ngumiti ang 8 judas este Judges sa mabait na si Mocci.. 

.

(aawwe, ang bait ni Mocci, gusto ko tuloy syang tirisin ng pinung-pino)

.

*ang cute, ang bait,----- gusto ko sya i-Hug sa TSAR-BOMBA ng russia*.

.

-----

.

Pumasok an si Chris at itinaas ang kanyang kamay at lumabas duon ang isang Red-FireLance. Mid-GrandMaster artifact.

.

"woaahh!!!, ilan kaya sandata ss loob ng Copper ring nya!! ".

.

"mababa grade ng Storage ring nya---pero awesome mga armas nya!! ".

.

Madaming bumaling ng suporta kay Chris dahil sa mga nangyari sa huling labanan. 

.

Maging ang ibang teams ay nakaramdam na ng Pressure sa team St. Cessia dahil ngayon lang nila masasaksihan ang ilang members ng team nito, at mukhang si Chris ang hahakot sa rounds. 

.

"Bro, sa tingin mo, sino mananalo s kaniang dalawa?".

Tanung ni Drey kay Phantem. 

.

"hindi ko alam, Young Master. Pero hindi ko inakalang ganito si Chris. Hindi tulad ng dati sa GreatRaid".

Sabi naman ni Phantem na tila sabik ding makaharap si Chris.

.

Sa grupo naman ng PurpleKnights, na panay kababaihan, at sa BloodMoon na panay rin kababaihan ang members. 

.

"Fellow cultivators, sa tingin nyo, may pag-asa ba sya makapasok sa Finals? ".

Tanong ng babaeng may Purple knight outfit sa team BloodMoon. 

.

"Tyresian?, or St. Cessia?, sa tingin ko dito na mag seseryoso ang Tyresian team, naiba na ang Line-up nila eh".

Sagot naman ng babaeng hindi layong ka edad nina Chris. At may suot na Bloody colored cloak. 

.

-----

.

"Inkan, ano man ang mangyari, kailangan mo syang pahirapan hanggang sa limit ng iyong makakaya".

Bulong ni Bakki sa kasama nitong papasok sa arena. 

.

"masusunod boss".

At agad pumasok sa arena ang lalakeng ito.

.

Dahil nga sa GrandMaster lang ang Physical stage ni Chris at lalong nasa Master stage lang ang kanyang Qi. Naisipan ng karamihan na umaasa si Chris sa kanyang sandata sa labanan at luck----pure luck lang. 

.

Naka suot lang si Chris ng scarf, at ipinahalatang hindi nya kailangan magsuot ng Armored outfits, or enhanced outfits. 

.

"bilang bagong reff, goodluck".

Sabi naman ni Chris na nakabaling ang pansin nito sa dako ng Judges na tila nagbibigay hint sa kanila. 

.

'Khuuhh!!, akala nya hawak nya ang sitwasyon ha ha ha. Isa syang ipis, pasalamat sya tinulungan sya ni Rhian sa huling laban!! '.

Mental message naman ng isang Judge sa kanyang mga kasamahan. 

.

At nasa tabi nila si Mocci nakatayo ito duon at hindi maiwasang makampante dahil alam nyang sa huli ng labanan maaaring mamatay si Chris o ma-Assassinate ito mula sa kanyang kautusan o mula sa mga Judges na may galit at inis kay Chris.

'tsk, sino may sabing umangat ang mga tulad ninyo sa ganitong tournament, ang nararapat sa inyo ay malublob sa lupa at magmakaawa sa aming mga paa!! '.

.

-----

.

Pagpasok ni Inkan ay agad nyang ipinasok ang pills sa kanyang bibig. Dahil nakaramdam sya ng takot sa tindig ni Chris.

.

"woah, Isang Flawless Swordsmaster stance, ang tindig, ang sword at ang intent ay iisa---- Jegger ikaw ba ang Master ng batang ito?, kanina ko pa gustong itanong sa iyo ang tunay nyang koneksyon kay Jose, alam kong hindi mahilig si Jose sa sword at tanging ikaw lang ang may walang hanggang pagpupuri sa larangan ng sandatang tulad ng Sword". 

Papuri ng katabing babae ni Jegger. At mukhang hindi maalis sa kanyang isipan ang curiosity nito, kung bakit protektado si Jegger na parang isang treasure si Chris. 

.

"ahm ang masasabi ko lang, ---- ang pagkakilala ko sa kanya kanina ay parang isang munting damo, pero hindi ko lubos maunawaan na ang inisip kong maliit na damong ito ay sadyang napakalaki na pala na Kawayan".

Pag express ni Jegger, na ibig sabihin ay, hindi nya pa lubos kilala si Chris, at panlabas lang ang nakikita nya sa ngayon. 

.

Tila naunawaan na ng katabing babaeng ito ang ibig sabihin ni Jegger, at mukhang kahit naroon si Jose ay ganun din ang sasabihin nito sa kanya. 

.

'isa syang, patagong expert sa madaming bagay'. 

Hula naman ng babaeng ito at nagkaroon ng interesting view kay Chris. 

.

(laging babae ang nauunang napapalapit kay Idol. Mysterious eh woaw. Sana ganun din ako. Mysterious)

.

*yeah mysterious tayo, wala nakakakilala saten dito bro. Di tayo Peymus hu hu hu hu*.

.

## hugot pa more guys, shy din naman kayu eh. ##

.

-----

.

"sa tingin mo, matatalo mo pa ako ngayong nasa Ancestor stage na ako!!"

Sabi ni Inka kay Chris. At hindi ito naglabas ng kanyang Armas dahil sa lakas ng Confidence nyang kaya nyang talunin si Chris.

.

Hindi nag salita si Chris at lumusob sya kay Inka ng walang pasabi-salita. 

'nasa Ancestor level2 ka nga, pero may skills kabang kaakibat ng lakas mong iyan?'.

Mas kampante naman si Chris na kaya nyang patayin ang tulad ni Inka. 

'masyado na akong mabait sa mga huling nakalaban ko, mukhang oras naman ngayon para sa Assassin killing methods'. 

Naalala nito ang lason na ginamit ng UltraLightning sect kay Denz, at ngayon naman tinamaan din ng lason si Bliss.

.

(ohh my gawd!!! Seryoso na talaga si Chris.).

.

Si bliss ay sinusuri ng Medics ang kanyang sugat, at nalinisan na ang nalason na parte. At nag take na sya ng ginawang antidote ni Chris. 

.

'Chris----parang wala sya sa sarili nya lately, madalang ang pagbago nya ng emotions. Pero sa ngayon----isa syang hindi mapigilang Diablo'. 

Nahulog na ang loob ni Bliss kay Chris sa umpisa palang ng kanilang palitan ng atake noon sa great raid. Pero ngayon nya lang makikita ang tunay na kulay ni Chris sa isang madugong laban. 

.

-----

.

Tahimik sina Ahri na naka antabay sa nangyayari sa loob ng Arena. Lahat sila ay hindi pa lubos kilala si Chris. Maliban kay Ruby na noon pa ay alam nyang si Chris ang Poison Assassin sa SecretOperations. 

'----plano mo ulit gamitin ang killing talents mo Chris'. 

Napangiti ng konti si Ruby. 

.

-----

.

Itinago na ni Chris ang kanyang Sandata at sabay bumato kay Inkan ng dalawang itim na bagay. 

.

Ppooooofff!!! -----(smoke bombs)

.

'tsk!!, ano sa tingin mo saken bata!? '

Agad namang sumalubong si Inka ay Chris. Pero. 

.

Ssswwwoooossshhh!! ----(wind)

.

Kahit anong gawin nya sa usok ay hindi ito maapula sa kanyang paligid. At wala na ang kakayahan ng kanyang pandinig sa labas ng Smoked Radius na iyon.

.

'anong klaseng usok ito!!!? '.

Tumalon sya ng mataas na umabot sa 60ft. Pero may humatak sa kanya pababa na tila hindi sya hahayaang makatakas sa Smoke area. 

.

(that feeling na hindi mo maramdaman ang kalaban mo, at hindi ka makatakas sa usok na iyon)

.

Ang commentator ay hindi malaman ang nangyayari sa loob ng arena at natahimik din kagaya ng mga manunood. 

.

Bumagsak ng malakas ang katawan ni Inka sa lupa. At may naramdaman syang masakit sa kanyang binti. 

.

"wwwwwaaaaagghhhh!!!! ".

Napasigaw sya sa galit at ganun din sa sakit na nararamdaman nya. 

.

Nabaluktot ang kanyang kanang binti at halos magoma-gomang tignan ang kabahaging paa nito. 

.

Wala syang narinig na salita kay Chris o maging tunog sa paligid. Isang nakakabinging katahimikan na nagtanim ng takot sa kanyang kaluluwa. 

.

"Lumabas ka kung matapang ka!!, isa kang mahinang-----Rraaaagghh!!! ".

Nakaramdam ng hiwa si inka sa likod.

.

At nahulog ang pirasong karne sa kanyang likod at kaliwang braso. Na tila binabalatan sya ng buhay. 

.

(ouch!!!! ------)

.

Mga sigaw na hindi lubos maisip ng karamihan kung ano nangyayari sa loob ng usok na iyon. 

.

'alisin mo yang usok na iyan!!! '.

Mental message ni Mocci sa Saint stage na Reff. 

.

Sa isang kumpay ng kamay ng reff ay may lumabas na isang malakas na hangin at sumalpok ito sa mausok na lugar na iyon. 

.

Pero hindi nagtagal ay tila may buhay ang usok na ito at naging dumilim pa ang kulay nito kesa sa dating anyo. 

(familiar color------Chris special element!!)

.

Pilit tumayo si Inka pero wala syang magawa dahil, biglang may spear na tumama sa kanyang kaliwan Binti.

.

Mapa hiyaw sya sa sakit na nararamdaman nya. Na tila may lamang likido ang mga matalas na bagay na ginamit sa kanya ni Chris. 

.

Swoooosshhh-----(piercing wind)

.

Bamm!!!! -----(heavy hit)

.

Tumilapon ang katawan ni Chris sa labas ng smoke at laking gulat ng lahat ang anyo ni Chris ay naka itim na Extreme outfit at may Metallic Mask sa mukha nito. 

.

'isang Project Cultivator!!? '

.

Sa isipan ng ilan ay ang matagal na nilang sinirang program para sa mga orphans. At ngayon nakita nila ito at sya ay si Chris. 

.

Nag dive in ulit si Chris sa loob ng usok at tumilapon isa-isa ang partes ng katawan ni Inka palabas ng uso. 

.

Una ay kanang braso, ilalawa kaliwang binti, ikatlo ang kaliwang braso, at ang Ulo ni Inka. 

.

Napatayo ang judges dahil hindi sila naka handang ipaligtas si Inka sa loob ng usok na iyon na maske Saint stage ay walang magawa. 

.

(Total despair at dread ang kanilang naramdaman sa nangyari kay Inka)

.

Ang usok na tila kontrol ni Chris ay naipon sa kamay nya. At nawala na parang hangin. 

.

"Refreshing!, oh bawal ba ang pagsuot ng Extreme Outfit para sa labanang ito?, bawal ba ang pagsuot ng metallic mask?, bawal din ba ang paggamit ng smoke screen? Sure naman hindi bawal ang pumatay. ha ha ha. ---Ok sino next?".

Isang boses na naglalaman ng endless Despair sa makakarinig nito, sa likod ng metallic mask na iyon ay tila hindi si Chris kundi si kamatayan mismo. 

Nächstes Kapitel