webnovel

Kabanata: Close Friend

Fil Am's POV:

Habang nasa canteen kami. Oo, may kasama ako. Si Calvin. Kaibigan ko na siya simula nung dumating kami dito sa Pilipinas. Tumira kami ng nanay ko sa Digos City, Davao del Sur, Mindanao.

Hindi ko alam kung anong exact name location namin at hindi ko rin alam kung anong name ng lugar namin ngayon. Basta ang alam ko na sa Digos kami ngayon nakatira.

Hinihintay ko ngayon si Calvin na makabalik dito sa table namin. Nag-order kasi siya ng pagkain namin. Hindi ko alam kung bakit sobrang tagal niya. Nilingun ko kung saan siya ngayon nakatayo.

Kaya pala ang tagal niya, dahil may kausap siyang babae. Wait... parang nakita ko na ang babaeng 'yun, ah. Ohhh... what a small campus para hanggang dito makikita ko siya. That girl was so funny. 'Haha'.

I'm no doubt kung bakit natagalan si Calvin sa pakikipag-usap sa babaeng 'yun. She's so funny. I'll make myself busy na lang while I'm waiting him.

I grabbed my phone and watched some videos of Kyo Quijano. He is a vlogger in the Philippines and he is well-known for he have reached million subscriber. I like the series videos of Jonas and him, on Omegle.

"Oh, bro. Parang nag-eenjoy ka diyan sa pinanunuod mo." sabi niya sabay upo. "Ano ba 'yan?" he added.

"Ahhh... si Kyo. Pinapanuod ko vid niya." sagot ko habang nakangiti pa rin.

"Ahhh ganun ba. By the way, wala akong gustong ulam, eh. Pero baka gusto mo ng bangus na prito." wika niya.

"Sige, 'yun na lang." sabi ko at ngumiti.

Umalis siya ulit para bilhan ako ng ulam. Hindi ko alam kung kakain ba siya o bibili na rin siya katulad nung sa akin.

Pag-alis ni Calvin, nilingon ko ang kinaruruonan ng babae kanina. Hindi ko pa pala alam kung anong pangalan niya. Pagkakataon ko na sanang alamin ang name niya nung hinatid ko siya.

Nahihiya kasi ako, dahil she is the kind of a girl that I really like. Like, she have a sense of humor, she is really a respectful, and she is a Filipina girl. Natural and modernized personality, in a good way.

Tama nga sabi nila, you are confident to tell a person a fake feeling. But when you are facing the person you like, nawawala ang confident mo and maiiwan ka na lang na stuck sa imagination mo, na sana ginagawa ko 'yun 'yan.

It's not my first time na nakita ko siya nung nagbanggaan kami. Nakita ko na siya nung enrollment. And that's the time na she captured my whole dark world.

"Kain na tayo, bro!" pag-aaya niya.

"Sige bro."

At kumain na kaming dalawa. Mga nakadalawang subo pa lang ako ng kanin at ulam. Nilingon ko siya ulit... pero, hays. Wala na siya. Umalis na sila ng mga kaibigan niya. Hindi ko lang man napansin.

"Sino tinitingnan mo diyan?" curious na tanong ni Calvin.

"W-wala." shaking my head side to side.

Bretta's POV:

"Brettttt... pupunta ka ba sa Araw ng Digos ngayong linggo?" excited na pagkakasabi ni Carmela.

"Hindi ko pa alam, eh. Magtatanong pa ako kay mama kung papayagan niya ba ako." sagot ko kasama ang malungkot na boses ko.

"Ay!" malungkot niyang sabi. "Pilitin mo mama mo. Malaki na naman tayo, eh. At tiyaka, HELLO? College na tayo." pagtataray niyang sabi.

"Hahahahaha...," natawa na lang ako sa kaniya.

"Wag kang tumawa!" galit niyang sabi. Pero halatang nagjo-joke lang siya. "Seryoso ako. Pilitin ko mama if in case na ayaw ka niyang payagan." pangungulit niya.

"Okay. Okay na." pag-awat ko sa kaniya. Dahil hinihila niya ang kanang kamay ko.

At kumalma naman ang bruha. "Yehey!!!" parang bata talaga 'to si Carmela. Ang baliw niya talaga kasama.

"Hindi pa ba tayo uuwi?" tanong ko sa mga kaklase ko. Dahil nakaupo lang kami sa maliit na dike sa gilid ng maliit ring sapa dito sa school boundary. Dito kami tumatambay pag walang klase dahil malamig kasi dito.

"Bakit? Uuwi ka na? Maaga pa naman, eh." wika ni Fritzie Ann. Chubby, maputi, short hair na hanggang leeg lang, adik sa kpop at masaying babae.

"Oo eh. Wala kasing wifi dito. Ang boring na. Nakatanga lang naman kasi tayo dito." sagot ko.

"Hindi pa, eh. Nakakapagod kasi sa bahay. Dito na muna kami." wika nila.

"Sige. Mauna na lang muna ako." pagpapaalam ko sa kanila.

Habang naglalakad ako palabas ng campus. May biglang tumawag sa akin sa likuran ko. Hindi niya tinawag ang pangalan ko. Pero alam kong ako ang tinatawag niya dahil ako lang naman ang babaeng naglalakad dito sa daan.

Hindi ako lumingon, baka hindi pala ako tinatawag niya. Nagpatuloy ako sa paglalakad, pero mabagal lang ang lakad ko.

"BRETTA!!!" malakas na sigaw ang narinig ko ulit mula sa likod parin.

Sa pagkakataong ito, lumingon na ako dahil parang galit na siya, eh. Paglingon ko, nawala ang kaba ko nang makita kong si... si Calvin lang pala. Pero ano kaya ang pakay nito at biglang sumusulpot kahit saan.

"Ohhh, ikaw pala! Anong pakay mo?" diretso Kong tanong.

"Galit ka ba?" napakunot siya.

"A-ako? Galit? Hindi ah. Nakakagulat ka lang kasi. Bigla-bigla kang tumatawag ng pangalan ko." paglilinaw ko.

(Tumawa siya.)

"So, uuwi ka na ba?" bigla niyang tanong.

"Oo, bakit mo na tanong?" sagot ko.

"Halika muna. May gustong nakipag-usap sayo." thrilling na tono ng boses niya.

Kinakabahan tuloy ako. Sino kaya gusto niyang ipakilala sa akin. Baka member siya ng gang or fraternity dito sa school. Lord, ano ba 'tong napasukan ko. Hindi ako ready sa mga ganitong bagay. AYAW KO NANG MAULIT ANG NANGYARI SA AKIN NUNG GABING 'YUN.

Hinawakan niya ang right arm ko at hinila ako ng dahan-dahan. "Sumama ka muna sa akin." malambing niyang pagkakasabi tapus bigla siyang tumawa na para bang tuwang-tuwa siya sa itsura ko.

"Hindi kita ipapahamak noh! Ano akala mo sa akin? Repes?" wika niya habang nakaukit pa rin sa mukha niya ang saya sa mukha ko.

Habang ako, sobrang naiinis na sa pagtawa niya. Grrr... nakakainis na siya. Pero hindi ko parin pinamumukha sa kaniya na naiinis ako.

"Eh, ikaw nagsabi niyan. Hindi ako." sabi ko bilang pagtanggi sa judgement niya.

"Hali ka na nga. Baka naiinip na yung naghihintay sayo. Kanina pa kita hinahanap, eh." wika niya.

Nagsimula ulit kaming maglakad. "Saan ma ba kasi ako dadalhin at sino bang gusto makita ako." pangungulit ko sa kaniya. Hindi niya kasi sinasagot ang mga tanong ko.

"Basta, wait ka lang." kalmado niyang sagot.

Kaya tumahimik na lang ako at pinabayaan siyang hilahin ako kahit saan. Hanggang sa makarating kami sa may parking lot.

Ano kaya gagawin namin dito, medyo walang katal-tao dito. Except sa mga students na nasa loob ng room nila na nagkaklase.

Huminto kami sa may pulang sasakyan. WAIT!!! Parang alam ko kung kanino ang sasakyang ito. Don't tell me... si Fil Am ang naghihintay sa akin.

"Ow, you're here." American accent na boses ang narinig ko mula sa likuran namin.

Sabay kaming lumingon ni Calvin. Paglingon ko, biglang tumibok ng sobrang lakas ang puso ko. Para gusto nitong kumawala sa kaloob-looban ko. Paran mapupunit ang dibdib ko. Si Fil Am. Nasa harapan namin.

"Salamat, bro." wika ni Fil Am sabay aper at hug niya kay Calvin. At umalis si Calvin. Lumingon siya at nginitian lang ako. Gago pala siya eh. Yung weakness ko nandito sa harap ko.

"B-bretta?" parang hindi siya sure kung name ko ba talaga ang Bretta.

"Oo, Bretta nga pala. S-sorry kung hindi ako nakapagpakilala sayo nung..."

"No, it's okay. Dapat nga tinanong ko sayo yung name mo that day." pag putol niya sa pagsasalita ko.

"Ahhh... hehe." na-aawkward na ako. Nahihiya ako. Hindi ako mapakali.

"I'm Cyrus Smith, by the way." pagpapakilala niya sabay offer ng kamay niya. Gusto niyang makipag shake hands. Gosh mahahawakan ko na ang kamay niya for the first time and forever.

"I'll drive you home. Kung okay lang sayo." pag-aaya niya.

Omegeshhhh!!! Is this real? Totoo ba 'to? Sheyt. Please tell me!!! Lord, bakit parang tinutulak mo ata ako sa kaniya. Hindi naman ito yung gusto ko eh. Ang gusto ko ay ang makilala lang siya. Totoo ngang sobra-sobra pa ang magiging kapalit pag hiningi mo kay God, ang gusto mo sa tamang oras.

"B-bret? Are you okay?"

Napamulat na lang ako nang nagsalita si Fil Am. "H-hah?..." gulat kong sabi.

"Are you okay?" sabi niya sabay hawak sa arms ko.

Tiningnan ko ang kamay niyang nakadampi sa braso ko at dahan-dahan kong tiningnan ang pagmumukha niya.

"Ahhh... okay lang ako." mabilis kong sagot ng mamulat ako.

Nächstes Kapitel