webnovel

CHAPTER 1

"DAD, I have a one year contract to Refreshed Asia. Walong buwan na lamang naman ang natitira, babalik na ako sa Pennsylvania." Nagtitimping sagot ni Apple sa ama. God! Wala pa siyang anim na buwan sa Pilipinas, natuturete na ito. He wanted her to go back! ASAP!

She did everything. Paulit-ulit siyang naging kampeon sa iba-ibang kategorya sa motocrossing. She started racing in men's division when she was sixteen and turned professional at the age of seventeen. She'd been completed national levels, both women and men's expert/pro divisions. Even raced on local events and promotional events.

It was also her dream. Gayunman, sampung taon na siyang sumasabak, mukhang hindi pa kuntento ang ama. Minsan, hindi na niya nagugustuhan ang paghahangad nito ng labis. Ginagawa naman niya ang lahat pero nanatiling kulang.

Ah, dahil siguro hindi niya mapantayan ang kakayahan ng inang namayapa dahil sa isang aksidente. Kampeon din ito ng motocross at dito niya namana iyon. Her father was a frustrated motocross racer. Naaksidente kasi ito at nagkaroon ng tama ang spinal column. Kailangan nitong tumigil dahil tuluyan itong magiging baldado kapag nagkaroon pa ito ng isa pang aksidente.

Maybe, that's one of the reasons why her father was pressuring her still. Lahat ng hindi nito magawa, ipinagagawa nito sa kanya. But he was still her father and she loves him. She wanted to please him too. But sometimes, his attitude was pissing her off. She sighed.

"Okay. Ako na lang ang pupunta d'yan para sabay na tayong bumalik dito." Sagot ng kanyang ama.

Napabuntong hininga siya. Naniguro pa talaga. Pero para sa ikapapanatag nito, pumayag na siya. Ibinaba na niya ang telepono at ngumiti siya sa isang lalaking nais kumuha ng kanyang autograph.

Kasalukuyan siyang nasa pictorial. Saglit siyang nagpaalam kanina dahil sa text ng kanyang ama at pinatatawagan siya. Pictorial iyon ng isang sports magazine at siya ang featured guest doon.

Successful siya bilang motocross racer at laging abala. Bukod sa mga kompetisyong sinasalihan, kaliwa't kanan ang ensayo niya. May mga guestings din siya sa mga sports channel at interview. Product endorser din siya sa states ng isang motorsiklo.

Dahil naging matunog ang pangalan niya sa mga kompetisyong sinalihan, natunton siya ng Balitang K apat na buwan ng nakararaan. Nagkaroon ng isang episode ang mga ito tungkol sa mga kababaihang kabilang sa male-dominated fields at kasama siya sa walong babae. Makalipas ang dalawang buwan, kinuha din silang walong kababaihan ng Refreshed Asia, isang kilalang food and beverages company sa buong Asia—para maging product endorser ng Sweet Booster Energy Drink. Raging Apple flavor ang hawak niya.

Dahil doon ay bumalik siya ng Pilipinas dalawang buwan ng nakararaan na tinutulan ng kanyang ama. Sayang daw ang mga kompetisyong maaari niyang salihan kapag pinatulan niya ang Refreshed Asia. Pero kahit anong sinabi nito ay hindi siya napigilan. Malaki ang offer sa kanya doon. Isang taon ang kontrata niya bilang endorser at sa ngayon at nakaapat na buwan na sila. May one year supply din siya ng sariling produkto na maipagmamalaki niyang bukod sa masarap ay nakakalakas pa ng katawan.

Para mapanatag ang ama, madalas na lamang niya itong tinatawagan at nangakong pagkatapos ng lahat ay babalik siya agad sa Pennsylvania. Para malibang ito, ito na muna ang pinamahala niya sa Apple's Screech. Tindahan niya iyon ng mga safety gears para sa mga motorsiklo. Doon din niya planong dalhin ang perang kikitain niya sa Sweet Booster para mapalaki pa iyon.

Nakapagtapos din naman siya ng pagaaral at Management ang kurso niya. Sa bagay na iyon ay malaki ang pasasalamat niya sa ama. Mahigpit ito. Istrikto sa pagaaral at ensayo. Dahil doon ay nakapagtapos siya.

Ilang sandali pa ay tinapos na nila ang pictorial. Saglit pa siyang kinausap ng photographer hanggang sa nagpaalam na siya. She sighed. She was so tired. Palabas na siya ng studio ng mag-ring ang cellphone niya. Napangiti siya ng makitang si Lucille ang caller. She loves her co-endorsers. Simple lamang ang mga ito. All of them were cool. Cowboy. Walang arte sa katawan. Si Lucille ang madalas niyang katawagan at nakakasama. Mukhang nami-missed siya ng bruha. Maingay daw siya at makwela.

"Hello? What's up?" nakangiting bungad niya.

"It's my birthday! Let's celebrate!" masayang sagot ni Lucille. Naging kampeon ito sa isang bartending competition sa Dubai at sa ngayon ay ekslusibong nagtatrabaho sa Booze Republic bilang bartender.

Napahalakhak siya. Madaya ito. Hindi man lang sinabi iyon. Hindi man lang tuloy siya nakabili ng regalo para rito. Ah, babawi na lamang siya. "Sure! Where to?" nakangiting tanong niya.

"Here in Booze Republic. Sagot ng boss ko. Come here. All girls are here now," aya nito.

And how can she say no to the birthday girl? "Okay then. I'm coming over,"

Nakangiting isinuot niya ang helmet at sumakay sa kanyang itim na ninja bike. She drove off and headed to Booze Republic. Alam niya kung saan nagtatrabaho ito dahil minsan na niyang hinatid doon si Lucille. Hindi nga lang siya pumasok dahil nagmamadali siya kaya hindi na niya nakilala ang boss nito. Ilang sandali pa ay nag-park na siya. Napangiti siya ng makitang maraming tao sa bar. Batid niyang hindi lang dahil sa kaarawan ni Lucille kundi dahil sadyang malakas ang Booze Republic—ayon na rin kay Lucille.

"Well… look who's here. The Raging Apple…"

Awtomatikong napapihit siya pakanan dahil doon nanggagaling ang tinig. Ang kung anumang ngiting nakapaskil sa labi niya ay dahan-dahang nabura ng mamukhaan kung kanino galing ang boses.

Napalunok siya. Kumabog ng ubod lakas ang dibdib niya. Bakit naman hindi siya kakabahan? Tatlong hakbang ang layo ng lalaking minahal, pinagalayan niya ng panahon pero sa katagalan ay nagawa siyang kalimutan…

Dumagundong ang kabog sa kanyang dibdib habang hindi makapaniwalang hinahagod ito ng tingin. Ang laki ng pinagbago nito. Magmula sa isang guwpong binatilyo, he became a gorgeous hunk! Napaurong siya ng isara nito ang bagong modelo ng sports car na itim na Mercedes Benz at naglakad papalapit sa kanya. Biglang piniga ang baga niya. Bakit naman hindi? His presence was intoxicating her! It was really hard for her to breathe!

Ang buhok nitong dating laging naka-gel, ngayon ay semi-kalbo na. Mas lalong gumanda ang tikas nito at tindig. Lumaki ang katawan nito na dating patpatin. Ngayon ay mukhang alaga na sa ehersisyo. Mukhang nasa anim na talampakan ang taas nito. Lalong naging kaakit-akit ang mapupungay na mga mata nitong wala nang bahid ng kainostentihan. Matatalino ang mga mata nito na siyang nakapagpadagdag sa karakter nito. Matangos at lalaking-lalaki ang dating ng ilong nito.

Napatingin siya sa labi nito. Nanlambot siya ng tumaas ang isang sulok noon. God… Even his smile changed! Hindi na iyon ngiting pa-cute. It was a kind of smile that would make a woman crazy! And she would really be like one if she didn't calm herself…

Ipinilig niya ang ulo ng ganap na itong makalapit. Kinalma niya ang sarili. It was five years over. Napagod na siyang naghintay dito. Balde na ang iniyak niya para sa nasira nilang sumpaang kinupas ng distansya nila. Dumaan na ang sakit at pait. Nasagutan na niya ang mga katanungang: papaano nagawang sumira nito sa kanilang usapan at bakit siya nito pinaasa? It was five years over. Nagawa na niyang tanggapin ang masaklap na katotohanang hindi siya sineryoso nito at kailangan na niyang ipagpatuloy ang buhay…

"Castiel…" anas niya ng ganap na itong nakalapit. Halos ayaw gumana ng utak niya. His presence was overwhelming. Nakakabigla sa kanya iyon. Hindi na niya inaasahang magkikita pa sila. This man abandoned their promises. She didn't expect Castiel to show his face again.

"It's nice seeing you again, Apple," bati nito saka siya pinagmasdan.

Doon nabuhay ang lahat ng damdaming ibinaon na niya sa limot. It was nice seeing her again? Ano'ng nice doon? Ah, parang nanginig ang lahat ng laman niya sa inis! Naikuyom niya ang kamao para pigilan iyong dumapo sa mukha nito. How dare him to talk to her that way!

"It's so nice to see you too, Castiel. How have you been?" nagpipigil na tanong niya. Gustuhin man niyang sapakin ito, nagpakakalma pa rin siya. Kung nagbago man ito, gayun din siya. Marunong na siyang magtago ng sariling damdamin. Hindi na siya ang dating kinse anyos na dalagitang madaling kiligin.

"I've been great." Simpleng sagot nito at lalong tumiim ang titig nito sa kanya.

Hah! Great? Asshole! I hate you!

Napabuntong hininga siya. She thought she was okay now. Naisip pa nga niya na kung sakaling bigla sila nitong magkita sa pagbalik niya sa Pilipinas, hindi na lamang niya ito papansinin o anuman. But what the fuck? Hindi pala ganoon kadaling deadmahin ang lalaking inasahan at pinagkatiwalaan niya ng lubos.

And maybe because, she loved this man. Noong nasa Pennsylvania na siya, doon niya napagtanto ang damdamin niya rito. Minahal niya ito. The distance made her realized that. Her promise to wait for the right time made her realized how much Castiel means to her. Handa siyang maghintay para rito.

Pero binalewala nito ang lahat ng iyon. Naghintay siya. Ni isang sulat, wala itong pinadala. Ilang taon niya ba itong hinintay? Five long years! Pero ni minsan, hindi ito gumawa ng paraan para makipag-communicate sa kanya! Bigla siyang nagngitngit sa naisip.

"Castiel—"

"See you around,"

Napamaang na lamang si Apple ng gawaran siya ni Castiel ng marahang pagpisil sa balikat bago tuluyang iniwaanan. Naiwan na lamang siyang natulala doon hanggang sa nakaramdam siya ng matinding pagbangon ng kanyang galit!

Castiel just simply say hi to her and then just left her just like that! Napakurapkurap siya. Nagpupuyos ang kanyang kalooban. Sa sobrang pagpupuyos, naluha siya sa sobrang gigil! Ang eksenang iyon ay labis na nakapagpabigat sa kanyang puso.

How dare him to dismissed her just like that? Ang kapal! Ito pa ang may ganang tratuhin siyang balewala dito? Ang dapat dito, nagkakandarapang magpaliwanag sa kanya! Ni hindi man lang niya ito nakitaan ng kaunting hiya! Sobrang kapal talaga! It was so remarkable!

Wala sa sariling napahagod siya sa buhok para pakalmahin ang sarili. Ilang beses siyang huminga ng malalim. Pakiramdam niya, hindi na siya makahuma. Gayunman, pinilit pa rin niya. She must think clearly. Kung nagawa ni Castiel iyon sa kanya, dapat lamang na maging handa siya sa mga kaya nitong gawin.

Pumasok na siya sa loob ng Booze Republic. Agad niyang hinanap si Lucille hanggang sa makita niya ito. Kausap nito ang mga kasamahan nilang endorser at ang mga big bosses ng Refreshed Asia. Huminga siya ng malalim bago humakbang palapit sa mga ito ng matigilan siya ng sumulpot sa kung saan si Castiel at nilapitan si Lucille. Nagusap ang mga ito. Nakita rin niyang nagsipagkamayan sa mga big bosses nila. Biglang mayroong kabang namuo sa dibdib niya. And god forbid, she was starting to hate the idea!

"Apple! Come here!"

Napakurapkurap siya ng makitang kumakaway si Lucille sa kanya. Doon nagsipaglingunan ang lahat at si Castiel naman ay pasimple lamang siyang tinapunan ng tingin. Ayaw man niyang aminin, nasaktan siya sa ginawa nito na tila balewalang uminom sa bote ng beer na hawak nito.

"Apple, I want you to meet my boss," excited na saad ni Lucille. Hindi na ito nakatiis, nilapitan na siya at hinila sa kamay. "Sir Castiel, she is the Raging Apple of Sweet Booster, Pauline Sobrepeña. You can call her Apple," nakangiting pakilala ni Lucille.

"I know her," simpleng sagot ni Castiel.

Biglang kumabog ang dibdib niya. Mabilis na gumana ang kanyang isip. Mukhang walang palalampasin na pagkakataon si Castiel kaya ihinanda niya agad ang sarili kung mayroon man itong sasabihing hindi maganda. Naikuyom niya ang kamao at halos hindi na siya makahinga dahil sa tindi ng antisipasyon.

"Nagkakilala na kayo?" nakangiting usisa ni Lucille.

Umiling si Castiel saka ibinaba ang bote ng beer sa mesa. Nagkaroon ng kislap ng galit sa mga mata nito na tila dinaya lamang siya ng paningin. Bigla muli iyong naging blanko ng itaas nito ang isang sulok muli ng labi nito. "Naging magkaklase kami noong high school. That's all,"

Napatango si Lucille. Siya naman ay hindi magawang makapag-react sa sobrang inis! Her anger made her totally speechless! That's it? Ganoon na lamang siya tukuyin ni Castiel. Ni hindi nito magawang i-elaborate na minsan sa buhay nito, nagkagustuhan sila.

Halos sumabog ang puso niya sa sobrang sama ng loob ng oras na iyon. This man crushed her heart into tiny pieces. Again. At hindi niya maunawaan. Ano ang kasalanan niya para saktan siya nito ng ganoon?

"Kilala mo pala ang boss ko. Siya rin ang may-ari nitong Booze Republic. May mga Booze Republic sa Texas at Detroit, mga kuya naman niya ang may-ari doon." untag sa kanya ni Lucille. Halos hindi na niya namalayan ang mga nagiging kilos dahil si Castiel pa rin ang laman ng kanyang isip. Halos hindi na niya maisaksak sa utak ang lahat ng pangyayaring iyon.

"Tatlo ang branch ng Booze Republic dito sa Asia. Philippines, Singapore at Japan. Si Sir Castiel lahat ang mayari noon. Sa susunod na taon, sa Singapore ako dadalhin ni sir." Nakangiting imporma ni Lucille.

Napatingin siya kay Castiel. Tumalon ang puso niya ng magtama ang kanilang paningin. Tumagal lamang iyon ng segundo saka siya nito nilampasan ng tingin. Kagaya kanina, umasta na lamang itong tila hindi siya nakikita.

And it hurt her. Bigtime. It was such a twist she never imagined. Ito ang nanakit, nakalimot at nagpaasa pero ito pa ang umaastang walang pakialam. Castiel's treatment hurts her. And she didn't deserve that. Wala naman siyang ibang ginawa kundi ang minahal ito noon. Bakit siya nito sasaktan ngayon?

And those questions ran all over again inside her mind. And she was hoping that this time, she might get an honest, decent and sane answer. Para tuluyan na niyang maisara kung anuman ang nasa pagitan nila nito. He was her greatest pain after all and she wanted to move on…

Nächstes Kapitel