webnovel

PROLOGUE

"VERY GOOD. Hindi mo kami binigo. Dahil sa'yo, nanalo pa rin ang legion natin," natutuwang saad ng lola ni Demetineirre na si Deumos. Gusto niyang sabihin na mana lang siya sa pagiging tuso nito. Kaya kahit inatake ang pinamumunuan niyang 66th legion sa underworld, nagawa pa rin nilang lumaban. Magulo ang underworld. Lahat gustong mamuno kaya hayun sila, patuloy sa pakikidigma dahil oras na matalo ay sila rin ang kawawa. Walang lugar sa underworld ang mga demon na mahihina.

His grandmother Deumos was the wife of terrible king Balam. Balam has three heads and commands 40 legions. Iyon ang ibinigay na mission ni Hades dito—ang king ng underworld. Sa ngayon ay nasa Avernus si Balam—ang bukana ng underworld. It was the route used to descend to the realm of the dead. Ipinaubaya ni Hades ang lugar kay Balam kasama ang grupo nito para pangalagaan at siguruhin ang pagpasok ng mga kaluluwa. Ipinaubaya naman ni Balam sa kanila ni Deumos ang pagbabantay 66th legion para talunin ang mga demons na gusto silang sakupin.

And Demetineirre was trained by Balam at Deumos. Utang niya sa dalawa ang kakayahan. Nangako siyang hindi gagaya sa mga magulang na naging mahina at naging isang abo na lang dahil pinarusahan ni Balam. He must admit his parents were weaklings. They easily give in and succumb even to the weakest demon. Kahiya-hiya ang mga magulang niya kaya pinatay sila ni Balam. They were evil. They don't value bonds. Para sa kanya ay tama lang iyon. Kailangan, walang pakialamanan...

"Deumos, hindi ko magagawa ang mga ito kung wala ang dalawang kasama ko." sagot niya saka tinanguan sina Inconnu at Baldassarre. Para saan pang nabansagan silang 'Legendary Devils' kung hindi nila makakayang ipagtanggol ang trono?

Si Hades ang nagbansag sa kanila noon dahil noong magtangkang pamunuan ni Haures ang underworld ay silang tatlo ang humarap, nakipaglaban at tumalo dito. Haures was a strong duke of hell. He commands 20 legions. Mababangis ang mga mata nito. Nagaalab at masusunog ang sinumang demon na tititig dito. Gamit ang kakayahan at talino, binalot nila ang sarili ng mga spell para hindi maapektuhan ng kapangyarihan ni Haures. Gamit din ang kaalaman sa pakikidigma, sa huli at natalo nila ito. Umabot man iyon ng maraming gabi, sila pa rin ang nanalo.

Kasama niya ang dalawa sa 66th legion. Balewalang nag-cast lang siya ng spell at ang karamihang mga demons ay naging abo. Si Inconnu ay isang wise na demon. Lahat ng orasyon at technique, alam nito. Iyon ang ginamit nito para mapatay ang mga demons. He was the only son of Berith, the great duke of hell who governs 26 legions. Kagaya ni Balam ay iyon din ang binigay na mission ni Hades dito: ang pamunuan ang 26 legions.

Ganoon din ang ginawa ni Baldassare. Eksperto ito pagdating sa pag-summon ng mga mga halimaw at evil spirits kaya hindi nagtagal ay natalo din nila ang libo-libong demons. Inabot man sila ng maraming oras, sa huli ay sila pa rin ang nagtagumpay. Baldassare was the only son of Asmodeus—the demon of wrath. He was banished by the angel Raphael because of his evil deeds. Tumakas kasi ito noon sa underworld para maghanap ng aanakang babae. Nagtagumpay si Asmodeus at agad siyang ipinadala sa underworld para maitago sa mga anghel na gusto siyang patayin. Sa huli, nahuli ni Asmodeus ni Raphael at pinarusahan.

The three of them possessed a well-known skill and been the greatest demon of all time. Para saan pang nasa linya ng mga royal blood ang dugo niya kundi siya ganoon kahusay? Para saan na lang na naging matalinong demon si Inconnu kundi nito gagamitin iyon? At para saang naging mahusay si Baldassare kung hahayaan lang nitong amagin ang kaalaman? Maning-mani na lang ang misyong iyon dahil madalas na iyong mangyari. Sanay na sila sa kasuwapangan ng mga kapwa demonyo. Malamang, sanay na rin ang mga demons kung gaano katigas ang ulo nila para patunayang sila pa rin ang matindi nilang makakalaban sa underworld.

"Still, you are a big part of the team. Huwag mong kakalimutan iyon," giit ni Deumos. At alam ni Demetineirre na gusto lang ipaalala ni Deumos na dapat niyang solohin ang credit. Practicing him again to be greedy.

Tumango na lang si Demetineirre. Pinagbigyan na niya ito. Nakakatamad na rin kasing makipagtalo. Ang gusto nito ay ipagyabang niya pa iyon. Oo na lang siya para matigil na ito. He was greedy by heart and mind and he has his own way of showing it. Hindi na niya kailangang gawin pa iyon para ipagdiinan.

Napabuga ng hangin si Deumos. Siya naman at tinanguan na ang dalawang kasama para makapagpahinga na sila. Aminadong may katamaran siya. Palibhasa, maraming daang taon na ang lumipas ay wala siyang ibang ginawa kundi ang magsanay at makipagsagupaan sa mga kapwa demons. Sanay na siya sa buhay doon kaya hindi na bago ang lahat.

Pumasok na siya sa kuwartong laan sa kanya at nahiga sa paborito niyang duyan. Natawa siya ng tumahol si Pit, ang paborito niyang aso. Pit is a hell hound. Tatlo ang ulo nito at ahas ang buntot. Si Pit ay anak ng hell hound ni Balam na si Cereberus at kasama nitong nagbabantay ngayon sa gates of hell.

Tinawag niya ito at sumampa ito sa duyan. Tinabihan siya. Hinayaan naman niya ito. He had a long day. All he wanted to do is rest...

Nächstes Kapitel