webnovel

Niyakap Niya Ako

>Sheloah's POV<

Tumatakbo kami ni Veon. Hanggang ngayon hindi ko parin matanggap ang buong pangyayari. I want explanations to be said for my understanding.

Ang dami kong mga tanong. Ang dami kong gustong malaman kay Veon kung paano siya napadpad rito kasama si Kreiss; kung ano ang ginagawa nila sa parang forest na ito kanina.

Why was I locked up? Ano ang mga sinabi ni Kreiss sa kanya? Ano ang mga pinag usapan nilang dalawa? Are they in good terms?

Ang dami kong tanong.

Hinawakan ni Veon ang kamay ko at nagulat ako nang hinila niya ako at nagtago kami sa likod ng puno. Nalampasan kami ng zombie at mabilisan kaming umakyat ng puno para malaman kung nasaan siya pumunta.

We don't want the zombie out of sight. It's our job to distract it pero dapat hindi siya makaalis sa area na ito. Baka mapuntahan niya yung place kung nasaan ang mga kasama namin.

Papunta siya north of the place kaya tinuro ko. "Veon, papunta na siya roon. Halika na at—" hindi natapod ang sasabihin ko dahil nagulat ako sa ginawa ni Veon.

Niyakap niya ako.

"'Wag kang magsalita," sabi na lang niya at mas hinigpitan niya yung pagyakap niya sa akin.

Ramdam ko ang pagkabilis na tibok ng puso ko na halos feeling ko, sasabay na ako sa talon nito. Nararamdaman ko rin na umiinit ang mukha ko kaya alam ko na namumula mukha ko ngayon.

Bakit niya ako niyakap? Bakit ngayon na may nangyayari, niyakap niya ako? Dahil ba matagal na kaming hindi nagkita? Dahil ba sa sobrang pag aalala niya sa akin? Kaibigan lang ako. Siguro naman ganito siya dahil nag aalala siya para sa isang kaibigan niya, 'di ba?

Nakayakap parin siya sa akin. Nakatingin lang ako sa harapan at muli namin nakita ang zombie pero hindi kami kumilos. Napansin namin na yung zombie sumigaw at tsaka siya kumilos sa ibang direksyon. Siguro para hanapin kami pero hindi niya kami makita.

Bigla kong naisipang magsalita. "Hindi pa ba natin idi-disctract yung zombie," tanong ko at naramdaman ko ang hininga ni Veon sa leeg ko.

Bigla akong nakiliti pero pinilit ko ang sarili kong hindi gumalaw masyado. Baka bigla kami malaglag if gumalaw ako.

"Mamaya muna," sabi niya at bumilis nanaman tibok ng puso ko. "Pahinga muna tayo at mag antay tayo ng perfect opportunity bago tayo bumaba," sabi pa niya at tumango na lang ako.

Bakit siya ganito? Hindi ko siya maintindihan. Hindi naman ganito si Veon noon. Hindi siya yung expressive type of guy at bakit ang sweet niya? Is this normal? Is this real? Friendly words lang ba ang sinasabi niya? Wala naman ibang meaning ito, 'di ba? Besides…

Sabi ni Veon wala siyang balak sa love life niya.

Tumigil siya sa kakayakap sa akin. Pareho kaming nakaupo sa branch ng tree at tiningnan niya ako ng seryoso at bigla akong nahiya at umiwas ako sa tingin niya.

"Umm… buti naman at ligtas kayo, Veon," sabi ko naman at tumingin ako sa kanya.

"Hindi baa ko ang magsasabi na buti ligtas ka dahil ikaw ang nakidnap," tanong niya at napatawa ako ng onti.

Totoo nga pero sa totoo lang, wala namang ginawang masama sa akin si Kreiss. Okay lang naman ang pinagsamahan namin. Mayabang lang kumilos si Kreiss. He is somewhat a flirt but turns out that I've met him before and he's a nice guy pero ang tanong…

Bakit niya ako kinidnap?

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Veon at nagsalita ako. "Kamusta naman ang mga kasama natin? Anon a ang nangyayari roon," tanong ko at napabuntong-hininga si Veon.

"Sa totoo lang hindi ko alam. Huling pag alis namin, ligtas naman sila pero ngayon na wala kami ng ilang oras para hanapin ka, sana walang masamang nangyayari sa kanila ngayon," sagot niya sa tanong ko at bigla akong sumimangot.

"Sorry," I apologized at tiningnan ko siya. "Dahil sa akin, siguro nasa mapanganib na sitwasyon na ang mga kasama natin," dagdag sabi ko pa and he shook his head.

"Lahat sila nag aalala para sa'yo. Mas importante na mahanap ka nila bago tayo umalis papuntang Manila," sabi na lang ni Veon sa akin and I forced out a smile.

Kahit nag aalala sila ara sa akin, mas nag aalala ako para sa kanila. Dahil sa pangyayaring ito, baka may mangyaring masama sa kanila. Ayaw ko silang masaktan dahil lang sa akin.

"I see. Gawin na natin ito ng mabilis para makabalik na tayo," sabi ko at nag stretch ako ng kamay.

Tiningnan ko si Veon at nakatingin lang siya sa akin. "Bakit," tanong ko and Veon just shook his head.

"Nagtataka lang," he started tapos nagsalita pa siya. "Kasi na-kidnap ka tapos ngayon… parang okay ka lang," dagdag sabi pa niya at bigla akong nagtaka.

"Why? Do you think that Kreiss is a bad person," tanong ko at biglang lumaki ang dalawa niyang mata na parang hindi siya makapaniwala na tinanong ko 'yon sa kanya.

"Hindi ba parang bad person siya dahil kinidnap ka," pasagot na tanong niya and I raised my eyebrows at him.

"Well, sa totoo lang noong una, I felt like he was a bad guy pero noong nakilala ko, he's a gentle guy," sabi ko na lang sa kanya at sumandal siya sa katawan ng puno.

"Hindi ako naniniwala," sabi niya and he stared at me. "Ni-lock ka niya sa room tapos sinabi niya sa akin na sasaktan ka niya pag hindi ko sinundan yung rules na ginawa niya," dagdag sabi pa niya and my eyes grew wider in disbelief.

Really? Kreiss said that?

Nächstes Kapitel