webnovel

That Bastard!

>Sheloah's POV<

Nandito kami sa Pangasinan. Pangalawang araw na namin dito. Maraming nangyari noong isang gabi at kahapon. Namatay si Ace, ang kakampi naming hindi akalain na unang mawawala sa amin. Dahil doon, nagkaroon ng away ang grupo nina Ray. Army of True Salvation versus Weapons of Massive Destruction.

Sa survival na 'yon, napag usapan ang rules. Pag nanalo si Veon, makaka-proceed further kami paalis ng Pangasinan and we can get whatever we want and use their properties. Kung natalo naman si Veon, hindi kami makakalagpas dito, at kukunin naman nila ang resources namin.

Ako dapat ang makikipaglaban para sa grupo namin pero dahil sa aksidente na nangyari na nahulog ako sa bangin at nasaktan ako, hindi natuloy. Dahil sa akin, kahit nanalo si Veon, nasaktan siya. May intentional injury na siya sa kanyang katawan.

Ang sarap ng tulog ko dahil ang tagal na naming hindi nakatulog sa kama. Palagi na lang natutulog na nakaupo, o sa sahig, nakasandal sa wall, na kumot lang ang nakabalot, eh, ang tigas ng pinaghihigaan namin.

Pero wala kaming choice kasi zombie apocalypse na. Ngayon, swerte na dahil nakakatulog kami rito sa hotel na 'to, dito sa kama na ito. Kaso nga lang… pag aalis na namin dito, matutulog nanaman kami sa sahig or kahit saan pa man na matigas ang surface. No choice. 'Wag nang magreklamo.

I changed my sleeping position and I noticed something different as I sleep. Parang may mabigat na nakapatong sa bandang tagiliran ko. Tapos, yung ulo ko may sinasandalan. May nararamdaman pa akong hangin sa tuktok ng ulo ko.

"Ivan, sorry. Nangangawit ka ba," tanong ko sa pinsan kong lalaki pero wala siyang sagot.

I opened my eyes slowly at nagulat ako nang makito ko ang sleeping face ni Veon. Natutulog pa siya at mukhang comfortable pa siya sa tulog niya. Yung way ng pagkahinga niya, ang bagal. Talagang kita mo na relax na relax siya. Tapos yung mabigat na nakapatong sa tagiliran ko, left arm pala ni Veon. Parang nakayakap siya sa akin habang magkatabi kami. Wait…

Ganito ba yung position namin buong gabi?

Teka…

PAANO AKO NAPUNTA KAY VEON!?

Tumingin ako sa kaliwa ko at napansin ko na nasa gitna na pala ako ni Veon at ng pinsan kong si Ivan.

Ang bilis nanaman ng pagtibok ng puso ko. Hindi ko akalain na habang natutulog kami ni Veon, ganito yung nangyayari. Understandable naman na ganito since natutulog kaming dalawa na magkatabi kaya ganito ang position pero… hindi ako makapaniwala na parang nakayakap siya sa akin! And my face is even just an inch away from his face!

PERO PAANO AKO NAPUNTA SA TABI NIYA!?

"Kalma lang, Sheloah. Kalma lang," sabi ng guardian angel version of me sa akin and I sighed slightly, trying my best not to wake him up.

Kinalabit ko yung pinsan ko. "Hoy, pa'no ako tumabi kay Veon," tanong ko sa kanya at tumalikod siya para matulog uli pero sinagot niya tanong ko.

"Tumayo ako para umihi. Pag balik ko, katabi mo naman na siya. Gumulong ka ata. Hindi na kita ginising kasi inaantok na ako, natulog na ako agad," pabulong na sagot niya at natulog uit siya.

That bastard! Pag nakita ako ng nanay ko o tito ko magagalit sila sa akin!

Tiningnan ko si Veon. Okay na ba yung sugat ni Veon? Hanggang ngayon nag aalala parin ako sa kanya. Paano kung hindi siya na-stab doon at sa dibdib mismo? Edi, mas malala naman 'yon. Ayaw ko ng gano'n. Ayos lang na masaktan si Veon, basta 'wag siyang mamamatay sa harapan ko. Gagawin ko ang lahat para mabuhay siya.

Gumalaw ng onti si Veon and he slightly opened his eyes. Nagulat ako at nag eye-to-eye kaming dalawa. It took him 5 seconds to notice na masyado kaming magkalapit at nakapatong yung left arm niya sa tagiliran ko. Parang nakayakap kasi siya sa akin kaya medyo gulat yung expression niya.

"G-good morning, Veon," bati ko sa kanya pero hindi ko maiwasan yung pag stutter ko sa pag sasalita ko. Nahihiya kasi ako.

Agad niyang tinanggal yung braso niya sa tagiliran ko at tumingin siya sa ceiling. Umiwas din ako ng tingin dahil nahihiya rin ako sa kanya.

"Sorry. Hindi ko alam na nakayakap ako sa'yo," dagdag sabi pa niya at bumangon ako, pero nakaupo parin ako sa kama.

"Yung sugat mo, okay na ba," sagot at tanong ko sa kanya at bumangon siya nang dahan-dahan and judging by his facial expression, hindi parin siya masyadong okay.

"Higa ka na lang muna o kaya, sumandal ka sa rest ng kama. Gagawa lang ako ng breakfast at inumin mo na yang sinabing gamot ni Isobel na pampawala ng kirot ng injury mo," sabi ko sa kanya at dahan-dahan siyang sumandal sa rest ng kama at hinawakan yung injury niya.

Nginitian ko siya at sinipa ko ng konti yung pinsan ko bago umalis ng kama at pumunta sa kusina para lutuan siya ng breakfast.

Alis na ako bago makita ni mama at ni tito!

Sorry for the late release. Nawalan kami ng net, at kakauwi ko lang from masters. ^^

Please rate my chapters, send me power stones, leave a comment or review, and add my story in your library.

Salamat sa pagbabasa!

MysticAmycreators' thoughts
Nächstes Kapitel