webnovel

MHR | Chapter 22

Mabilis na nagtungo si Luna sa school clinic matapos sabihin ng mga estudyante na dinala roon si Stefan ng mga guwardiya. Si Ryu Donovan nama'y dinala sa School Counselor's office.

Pagkarating sa clinic ay inabutan niya ang school nurse na nililinisan ang duguang mukha ni Stefan. Gusto niyang maluha sa nakitang anyo nito.

"Stefan..." she muttered as she reached his hand. Subalit anong gulat niya nang tinabig nito ang kamay niya at tinapunan siya ng masamang tingin.

"This is all your fault, Luna!"

Napa-atras siya nang marinig ang sinabi nito. Naiintindihan niya kung bakit ito nagagalit ng ganoon. Ryu Donovan beaten him up real good. Putok ang ilalim ng kilay nito at ang ilalim ng mga mata'y nag-kulay ube. Ang ibabang labi nito'y putok, and his nose was broken, too.

"T-Tell me what happened—"

"Bakit hindi mo itanong sa lalaking iyon? He was a monster, hindi nya matanggap ang pagkatalo niya. He should be kicked out of school!" wari ni Stefan, ang mga mata'y nagbabaga. "He's pretending to protect the students from bullying pero tingnan mo kung ano ang ginawa niya! Dahil lang sa hindi niya matanggap na natalo siya pagdating sa babae ay nambugbog ng karibal!"

"I—I'm so sorry, Ste—"

"Oh, yes. You should be, Luna. Dahil ikaw naman talaga ang dahilan ng lahat ng 'to."

Napayuko siya. Nararamdaman niya ang galit ni Stefan sa mga oras na iyon at pilit niyang iniintindi. Dahil totoo ang sinabi nito. Siya ang dahilan kung bakit ginawa iyon ni Ryu Donovan.

Naikuyom niya ang mga palad. She knew this was going to happen. Sana pala ay binalaan niya si Stefan.

"Leave me alone, Luna."

Muli siyang nag-angat ng ulo nang marinig ang sinabing iyon ng binata.

"Just leave me alone, gusto kong mapag-isa."

Pigil ang luhang tumango siya at akma na sanang tatalikod nang muling marinig ang tinig ni Stefan.

"And also— I am breaking up with you."

Doon na tuluyang kumawala ang pinipigilan niyang mga luha. "Stefan—"

"Maybe it was wrong to be close to you. Ayaw kong mamatay nang dahil sa'yo."

She was about to say something when she heard Dani's voice behind her.

"Let's go, Luna."

Helplessly, she turned to her friend. Gusto niyang humingi ng tulong rito upang kalmahin si Stefan at sabihing h'wag padalus-dalos sa mga desisyon subalit nakita niya ang paniningkit ng mga mata ng kaibigan habang nakatingin sa lalaki.

"Leave. Now," muling sabi ni Stefan.

Doon siya napa-iyak at patakbong nilisan ang clinic.

*****

Ilang araw na hindi naka-pasok si Stefan matapos ang pangyayaring iyon. At muli, si Luna ay naging usap-usapan sa buong campus. Ang ilan sa mga ka-klase nila ay nag-umpisa nang mainis sa kaniya. Siya ang sinisisi ng mga ito sa nangyaring kay Stefan.

But she kept her cool. She kept quiet. Dahil kung tutuusin ay tama naman ang mga ito. Nang dahil sa kanya ay binugbug ni Ryu Donovan si Stefan.

She was heartbroken, dahil kung kailan akala niya ay napasa-kaniya na ang lalaking matagal na niyang gusto, ay nasirang lahat dahil sa pride ng isang tulad ni Ryu Donovan.

Nang maalala ang lalaki ay sumiklab ang galit niya. Simula nang araw na iyon ay hindi pa rin ito bumabalik ng school. He was suspended. Usap-usapan ay pinag-iisipan na ng school na tanggalin si Ryu subalit maraming estudyante ang umapela. Estudyanteng tinulungan at mga kaibigan ng lalaki. Sinabi ng mga itong hindi si Ryu ang tipo ng taong mananakit nang walang dahilan. Binabaliktad ng mga ito ang sitwasyon at pinapalabas na maaaring may kasalan din si Stefan sa nangyari.

Ikinuyom niya ang mga palad. She wished that Ryu Donovan rots in hell! Kapag nakita niya ito ay ilalabas niya rito lahat ng galit niya.

"That ends our lesson for today," anunsyo ng guro nila na kumuha ng pansin niya.

Iyon ang huling klase nila sa araw na iyon. Tumayo na siya at isinilid sa bag ang mga gamit.

Sina Dani at Kaki na ilang araw ding nag-behave dahil sa pinagdadaanan niya at nakasunod lang ang mga tingin sa kaniya. Hanggang sa ang isa sa mga ito ay hindi na nakapagpigil.

"Luna, would you like to join me and Kaki to—"

"No, thank you. Kailangan kong umalis ng maaga ngayon dahil Byernes at bi-byahe pa ako pauwi sa amin," aniya habang tuloy lang sa pag-ayos ng gamit sa bag.

Ngumuso si Dani, "Hindi ko pa nga natatapos ang sasabihin ko eh..."

Huminga ng malalim si Luna saka hinarap ang mga kaibigan, "Dahil kahit ano pa iyan ay hindi ako makakasama. Please, I just want to have some time to—"

"We have given you time, Luna," ani Kaki. "Hindi pa ba sapat ang tatlong araw na space na ibinigay namin sa iyo? We are your friends, nag-aalala kami sa iyo at nais naming makatulong."

Tahimik niyang tinitigan si Kaki at makalipas ang ilang sandali ay bumuntong-hininga siya. "I'm sorry."

Sabay na ngumiti ang dalawa at tumayo upang yakapin siya.

"Sumabay ka na sa amin ni Kaki at ihahatid ka namin sa apartment mo."

Pilit siyang ngumiti saka tumango.

Sabay silang tatlo na lumabas ng school building at binaybay ang daan patungo sa gate. Sa daan ay may nakakasabay silang mga esudyante, both from high school and college departments, nagbubulungan tulad ng nakagawian ng mga ito noon at tinatapunan ng masamang tingin si Luna.

Upang hindi niya pansinin ang mga ito ay inaliw siya ng kwento ni Dani tungkol sa bago nitong crush.

They were about to approach the exit gate when they saw a familiar man. Naka-sandal ito sa gilid ng gate at nilalaro sa kamay ang lotus origami. No—he wasn't playing with it. He was making it.

"Oh no."

Bahagya nang narinig ni Luna ang sabay na usal nina Dani at Kaki sa likuran niya, at mga bulung-bulungan ng mga estudyanteng kasabay nila na nahinto sa paglalakad. She was fuming with anger, nagdidilim ang mga mata niya nang makita ang lalaki.

Sa malalaking mga hakbang ay lumapit siya sa kinaroroonan ni Ryu Donovan. Alam niyang ang pansin ng mga estudyanteng nasa paligid ay nasa kaniya sa mga oras na iyon. But she didn't care anymore!

Si Ryu, na naka-suot lang ng puting t-shirt at tattered jeans, ay napalingon at nang makita siya at ngumiti. Akma nitong ia-abot sa kaniya ang ginawa nitong origami nang sa harap ng lahat ay malakas niyang sinuntok ang mukha nito.

*****

Nakita niya kung paanong nabigla ang lalaki sa nangyari. Napa-atras ito sa ginawa niya —he probably didn't expect her punch to be that strong. Dala ng matinding galit ay hindi niya kinontrol ang lakas. She went all out and without second thoughts.

"If I could murder someone, that would be you!" she hissed.

Si Ryu ay matagal na natulala, nasa mukha pa rin nito ang pagkagulat. She stared at his jaw kung saan tumama ang kamao niya at nakita niya ang pamumula niyon.

Good.

Itinulak niya ito. "Sino ka sa tingin mo para sirain ang buhay ko? First, you destroyed my name in this school! I've experienced humiliation and bullying because of you! Nang dahil sa'yo ay hindi na ako natahimik sa eskwelahang ito! And when I finally thought I'd be happy coming to school because the man I'm in love with started to fall for me, ay sinira mong muli! You ruined everything and I wish to never see you again!"

Doon ay dahan-dahan siyang hinarap ng binata. Kung ano man ang emosyong nakapaloob sa mga mata nito ay hindi binigyang-pansin ni Luna.

"Stefan is not the man you—-"

"Shut up!" muli niya itong itinulak. "Kahit si Stefan ay sinira mo rin. You are a monster! At kahit ano'ng gawin mo ay hinding-hindi ako papatol sa iyo! I would rather die than be with you! Kapag naaalala ko ang mga ginawa mo kay Stefan ay nasusuka ako! I wish the school kicks you out!"

Sandaling natigilan si Ryu nang marinig ang mga sinabi niya. Hanggang sa dumilim ang anyo nito at yumuko.

"I wasn't sorry for what I did to that guy. He deserved it."

Lalong nag-init ang ulo niya sa sinabi nito.

"But put this on your mind, Luna. I tried to protect you—"

"I don't need your protection, I just want you gone!"

Hinawakan siya nito sa braso, "Luna, listen—"

Subalit marahas niyang tinabig ang mga kamay nito. "Don't you ever try to lay your dirty hands on me, you monster. You disgust me!"

Natigilan ito sa sinabi niya.

"I will forever hate you, Ryu Donovan. Gusto kong itatak mo iyan sa utak mo," mariin at puno ng poot niyang sabi bago ito nilampasan.

"Would it really make you happy if I'm gone?"

Nahinto siya at taas noong hinarap ito. "Yes."

Luna's eyes were blinded with anger that she was not able to see the sadness and pain that crossed Ryu's eyes.

"Very well," he said. Ngumiti ito subalit ang ngiting iyon ay hindi umabot sa mga mata ng binata. "Then I wish you true happiness, Luna."

She gritted her teeth. "As long as you disappear from my life, that can be easily achieved. Never show your face to me ever again, Donovan." Tinapunan niya ito ng masamang tingin bago ito lampasan.

*****

FOLLOW | COMMENT | VOTE | SHARE

Nächstes Kapitel