webnovel

MY EX-FIANCE #17

Nagpahatid ako kagabi kay Andy, sa hospital na. Nagkita na rin si mama at si tita.

Pagkatapos naming ipakilala ang parents ko sa mommy niya ay nagpaalam na ito sa amin. Dahil pagod na ang mommy nito galing sa travel diretsong kompanya.

Sa Hospital na rin ako nag palipas ng gabi. Pinauwi ko si mama para makapagpahinga ng maayos. Isa pa day off ko naman bukas, kaya walang problema..

"Ma! Umuwi na po muna kayo, ako na magbabantay kay Papa. Upang makapagpahinga na po kayo." Sabi ko kay mama habang hawak ko ang dalawang kamay niya. Napadako ang tingin ko kay Papa.

"Sige anak! Babalik na lamang ako bukas. Susunduin ko nalang si bunso, upang sa bahay na kami matulog." Sagot ni mama, mabuti at napapayag ko si mama. Lagi kasi akong tinatangihan kapag pinapauwi ko siya.

"Lumapit si Mama kay Papa at may ibinulong, tapos hinalikan niya ito sa may labi!" napangiti na lamang ako.

Nagpaalam na si Mama sa akin, kaya inihati mo na siya hanggang labasan ng hospital. Pinabantayan ko na muna sa nurse si Papa.

Naghintay kami saglit hanggang sa may pumara sa harapan namin itim na Bmw. Walang nakasulat na taxi.

"Ma'm taxi?" napatingin ako sa lalaking may suot na Black Leather. Mukha namang mapagkatiwalaan, at mukhang matanda na rin.

Hinalikan ko na si Mama at pinagbuksan ng pintuan ng taxi.

"Ma! Ingat!" hinalikan ko na rin sa pisnge si Mama.

"Ingat ka rin anak!"

Humayo na ang taxi at tinahak ang daan palabas ng Hospital.

Pumanhik na ako paitaas, upang pumunta sa kwarto ni Papa. Ngunit habang naglalakad ako, bigla na lamang ng ring ang phone ko.

~Unknown~

Hindi ko pinansin o sinagot lamang ang tawag. Hinayaan ko hanggang matapos ang ring . Ngunit tumawag na naman ulit.

Nakatatlong tawag ito, nakakunot noo kong sinagot ang tawag niya.

"Y-yes! H-hello!" bungad ko sa tumawag.

Hindi man lang nag atubiling batiin ako. Hinintay kong may magsalita sa kabilang linya ngunit wala naman. Inilayo ko ang cellphone sa aking tainga,upang makita kong may kausap pa ako.Papatayin ko na sana ang tawag ng bigla siyang magsalita.

"Mag~iingat ka lagi Nicole. Kahit anong gawin mo, hinding hindi mo makukuha si Andy sa akin. Andy is mine. Only mine!" galit na boses ng isang babae. "Subukan mo pang lumapit sa kanya, gagawin kong impyerno ang buhay mo. Idadamay ko ang pamilya mo kung hindi mo lalayuan si Andy!" biglang umurong ang dila ko , bigla akong natakot sa banta niya, pamilya ko na ang nakakasalalay dito." H'wag kang magkamali Nicole. Alam ko saan ang bahay niy. Saan naka confine ang Papa mo. Alam kong ikaw ang nagbabantay ngayon! Ingat ka Nicole dahil isang pagkakamali mo lamang Uunahin ko ang Papa mo!"tumitingin ako sa paligid ngunit wala akong makitang ibang tao kundi mga nurses lang at ang mga tao na labas pasok sa mga rooms. " Huwag kang nang mag~atubiling hanapin kong sino ako. Binabalaan kitang Huwag ng lapitan si Andy. Hawak ko ang buhay n'yong lahat." tapos biglang namatay ang tawag..

Nanginginig ang mga palad ko at tiingnan ang hawak kong cellphone.

" Kung sino kamang babae ka, huwag mlng gagalawin ang pamilya. Magkakamatayan tayo kapag kinante mo sila." sigaw ko wala akong pakialam kng pagtitinginan ako ng mga tao sa hospital. Nanginginig ang boses ko habang ngsasalita ako.

Pumasok na ako sa kwarto ni Papa at tumabi sa kanya.

"Pa! Kahit anong mangyari poprotektahan ko kayo. Pa! magpagaling na po kayo!" sabay kiss sa noo.

Kinuha ko agad ni Nicole ang kanyang cellphone at dinayal ang numero ng kanyang ina.

Nakailang miscall na ako ngunit hindi ito sinasagot ni mama.

"Ma! Answer your phone!" dabog at buntong hininga ang nagagawa ko.

Kabading~kabado na ako rito, ngunit hindi parin sinasagot ni mama.

Tinawagan kong muli si Mama, sa wakas ay sinagot na niya ang tawag ko.

"Hello! Ma, nakauwi ka na ba? Kumusta ang biyahe? Ma, bakit ang tagal mong sagutin ang tawag ko?" sunod sunod na tanong ko. Ngunit kalmado ang boses ko para hindi mahalata ni mama na nag alala ako.

" Anak , oo nakauwi na ako. Safe naman ako anak, lubre nga pamasahe ko eh, ang bait ng driver anak! Pinakain niya pa ako, nagulat nga ako at kilala niya ako anak eh! kilala ka niya, kaya nagkwentuhan kami habang nagmamaneho siya!" kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni mama. Mas lalo akong kinabahan dahil sa mga sinasabi ni Mama.

" Ahh! Ganoon ba Ma, sige na magpahinga na po kayo!" sabay baba ng phone ni mama.

Kanina pa lakad parito't paroon ang aking ginagawa. Hi di maari, dahil nakita ko ang pagmumukha ng lalaki, hindi ko siya kilala. Kinakabahan ako para sa kaligtasan ng pamilya ko.

Wala na akong ibang mapagsabihan ng mga problema ko. Si Andy na lamang ngunit pinapalayo pa ako.

"Wala nang pag~asa na magkakabalikan pa tayo Andy!" hinawakan ko ang t'yan ko.

Nächstes Kapitel