C H A P T E R S I X T E E N
~**~
Halos ayaw na akong pauwiin ng nanay ko. Pinagpilitan ko lang na may importanteng filiming ngayon sa 1hundred Days at nangako ako sa kanya na bibisitahin ko ulit siya kasama na si Baby Timo. Pumayag siya at na-excite na makita sa personal ang bata.
Alas tres na rin ng hapon ng pakawalan ako ng nanay ko. Sa kinamalas malas ko pa, na-flat ang gulong ng kotse ko. Nasa highway ako nang pumutok ang gulong ng kotse ko sa likod.
Tinawagan ko si Lian at sinabi sa kanyang na-flat-an ako ng gulong. Sinabi niyang bibilisan niyang makarating kung nasaan ako at inutusan akong wag pa-rampa rampa sa gitna ng kalsada. Umupo daw ako sa gilid at manahimik habang hinihintay ko siya.
I do as I was told.
Habang hinihintay ko siya hindi ko maiwasang mapamuni muni. Actually kahit kanina nung nasa apartment ako ni Mommy, once na maiwan akong mag-isa napapatulala ako. I just found myself reminiscing about last night. Kung paano kami magtinginan ni Lian na para bang nag-uusap kami sapamamagitan ng tingin, at kung paano siya ngumiti. Gustung gusto kong balikan ang mga oras na iyon.
While waiting for him, nostalgia enveloped me. Our memorable moment since we were trainees and up to now na naabot namin ang mga pangarap namin. Lian was at my side umpisa palang.
"Timing ka talaga kahit kailan."
Nag-angat ako ng tingin at sa wakas nakita ko na ang taong kanina ko pa hinihintay.
Nanlaki ang mga mata ko at napatakip ng bibig. "Hala, sorry. Nawala sa isip ko. Sana pala iba nalang ang tinawagan ko."
Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko. "Atleast diba ako ang una mong naiisip pag kailangan mo ng tulong."
Napangiti ako sa sinabi niya. Ngunit, "Hindi ka naman pwedeng mag-back out ng ganun ganun nalang. What if mainis sila sa'yo at hindi ka na kunin sa susunod bilang guest?"
"May backer ako. Si Direk BS na bahalang magpaliwanag sa kanila. Besides, mas importante ka kaysa sa kahit na anong show."
Tumango nalang ako. Atsaka bukod doon, may special treatment kapag currently participant ka ng 1hundred Days. Aside from that, kinilig ako sa huli nyang sinabi.
"Dun ka na sa kotse ko sumakay. Ipapakuha ko nalang sa PA ko 'yang kotse mo."
Hinawakan ako sa kamay ni Lian ngunit tinaboy ko ito. Tumingin siya sa akin ng may pagtataka.
"Thank you, Lian," sabi ko. "Maasahan ka talaga. Unang tawag ko lang, dadating ka na agad."
Ngumiti siya ng pa-humble. "Ano ka ba, wala yun. Alam mo namang malakas ka sa'kin."
Hahawakan niya ulit ako sa kamay para hilahin pero tinago ko ang dalawang kamay ko sa likod.
Lalong kumunot ang noo niya.
Tinitigan ko siya ng seryoso. Hanggang sa may naramdaman akong likidong bumabagsak mula sa kalangitan. Umuulan.
"Umuulan na. Tara na. Sa bahay ka na magdrama." Balak niyang kunin ang kamay ko sa likuran ko kaya naman umatras ako.
"Ano ba, Xiana! Nababaliw ka na ba? Tara na, baka magkasakit ka." This time, sa damit na niya ako hinawakan para hilahin.
Kinagat ko ang kamay niya. Ayun, nabitawan niya ako.
"Xiana!"
"Gusto kita, Lian."
Ang kaninang naiiritang ekspresyon niya ay naglaho. Napalitan ito ng pagkagulat.
"A-anong sinabi mo?" Humakbang siya palapit sa akin at tinitigan ako sa mga mata.
"Sabi ko, gusto kita!"
Natahimik siya. Nakatitig lang siya sa akin.
"Bakit hindi ka magsalita? It's that how you show your gratitude? Or it's that how you reject confessions?" Tumingin ako sa iba at napabuga ng hangin. Pagharap ko ulit sa kanya, sinipa ko ang tuhod niya.
Napa-aray siya at napahawak sa nasaktang tuhod.
"Pwede mo na kong pagtawanan!" Nilapitan ko siya at hinawakan sa kwelyo saka ko siya sinapak sa mukha. Tapos nun humarang ako sa papadating na sasakyan.
"Xiana!" malakas na tawag ni Lian sa akin. Akala niya siguro masasagasaan ako.
Bigla nalang kasi akong humarang sa sasakyan. Pero mabuti nalang mabilis na nakapreno ang driver ng kotse. Isang hakbang lang ang naging layo nito sa akin.
Binuksan ko ang pinto ng kotseng hinarang ko at basta nalang sumakay.
"Can you drive me home?" tanong ko sa babaeng driver ng hinarang kong kotse.
She nodded with her eyes wide open and lips slightly parted.
May kumatok sa bintana sa gilid ko. Nang tingnan ko, si Lian.
"L!" the girl shrieked.
"Don't mind him. Kailangan ko ng umuwi hinihintay na ako ng 1hundred Days team." Sinadya kong banggitin ang show dahil sigurado akong susunod agad ang babae.
At hindi nga ako nagkamali.
"Can you give me an autograph as a payment of driving you home?"
Nginitian ko ang babae at tumango. Tapos, tumingin ako sa side mirror. Paliit ng paliit si Lian. Kahit umuulan, nakatayo pa din siya kung saan ko siya iniwan at sinusundan ng tingin itong kotseng pinagsakyan ko.
"May shooting ba kayo ni L kanina?" tanong ulit ng babae habang nagmamaneho.
Tumango nalang ako kahit hindi naman.
"Anong title ng episode niyo? Balita ko next week na ipapalabas. Ang daming teasers and preview ang pinapakita sa TV at nagkalat sa internet. Lalo tuloy nakaka-excite."
Tanging ngiti at tango lang ang masagot ko sa kanya.
Iniisip ko si Lian. Ano kayang ginagawa ngayon ng unggoy na yun? Baka tumatawa yun habang nagmamaneho. Tss. Ano ba kasing naisip ko para umamin agad? Hindi ko manlang inisip ang mga posibleng mangyari kapag umamin ako. Basta nalang ako sumugod nang hindi nagpaplano.
Surely he will make fun of me.