webnovel

Chapter 5

"Excuse me?" usal ni Rei sa mataas na boses. "Delusional ka yata, Denzell."

Nakangisi nitong hinaplos ang pisngi niya. "Tell me. Ano ba ang mayroon sa Hayden na iyon na wala ako? Bulag ka ba? He doesn't see his self as a man."

Tinabig niya ang kamay nito. Wala itong karapatan na hawakan siya. Si Hayden lang ang may karapatan na gawin iyon. "Well, I do! I like Hayden. Kahit na ano pang sabihin ninyo, siya pa rin ang gusto ko."

Lalo pa itong lumapit sa kanya. "But he doesn't like you, Rei. Ako ang gusto niya. While I like you. At kaya kong ibigay sa iyo ang di niya kayang ibigay."

Nanlaki ang mata niya nang makuha ang ibig nitong sabihin. Unti-unting lumapit ang mukha nito sa kanya. Umurong siya palayo dito. "Ayoko sa iyo sabi, eh!"

Maisip lang niya na hahalikan siya nito ay nandidiri na siya. Kasama ito sa mga lalaking kinaiiritahan niya. Pakiramdam nito ay biyaya ito ng Diyos sa mga kababaihan. Kung si Hayden siguro ang gagawa niyon sa kanya, di siya tututol.

Hinatak nito ang kamay niya. "Come on. Nagpapakipot ka pa, eh! You will like it afterwards, Rei. I promise."

Itinulak niya ito ng ubod ng lakas. "Ayoko sa iyo sabi, eh! Ayoko!"

Napaurong siya at naramdaman na lang niya na wala na siyang tatapakan. Nasa dulo na pala siya ng pool. Tumili siya nang bumagsak ang katawan niya. Malamig na malamig ang tubig. Nag-panic siya nang di na maramdaman ng paa niya ang sahig ng swimming pool. Hindi siya marunong lumangoy.

"Tulong!" sigaw niya at lumubog sa tubig.

Nagkakawag siya para makalutang. Nakita niya na nakatayo si Denzell at di alam ang gagawin. Di alam kung sasagipin siya o iiwan na lang.

"Rei!" narinig niyang sigaw ni Hayden.

Di niya alam kung ito ang narinig niya o nililinlang lang siya ng imahinasyon niya. Mamamatay na ba siya at naririnig na niya ang boses ng irog niya? Tuluyan na ba niyang iiwan ang mundo nang di nakakaramdan ng pag-ibig nito?

She heard a splash of water. Isang mapagkanlong na bisig ang pumaikot sa leeg niya na tuluyang nag-angat sa kanya sa tubig. Umubo siya nang makalanghap ng hangin.

"You are safe now. It is okay," bulong ng tagapagligtas niya.

"Hayden? Hayden, ikaw ba iyan?" tanong niya sa nanginginig na boses at habol ang paghinga.

"Yes. Everything is okay now," masuyo nitong sabi.

Nang makaahon siya sa tubig at maisampa sa pool ay yumakap siya kay Hayden nang mahigpit. Iyak siya nang iyak. "A-Akala ko mamamatay na ako. Kung hindi ka dumating, baka nalunod na ako."

Pumaikot din ang bisig nito sa kanya. "Hindi ko papayagang mangyari iyon."

Nang mga oras na iyon, parang ibang Hayden ang naririnig niya. He was not soft spoken. May tigas sa bawat bigkas nito ng salita.

Pumikit siya at ninamnam ang yakap nito. She felt safe with him. Parang isa itong bayani na sasagip sa kanya tuwing kailangan niya ng tulong.

"Rei, sorry. Di ko naman sinasadya ang nangyari," anang si Denzell.

Tumayo si Hayden, itinulak ito sa pader habang ang isang kamay ay nakahawak sa leeg nito. "Anong ginawa mo kay Rei?" pagalit na tanong nito.

"Ano.. sabi kasi niya layuan kita," namumutlang sabi ni Denzell.

"Bakit bigla siyang nalaglag sa pool?" pasigaw na wika ni Hayden. Nakita niya ang pagsilay ng takot sa mata ni Denzell. Kahit siya ay nagtataka. Malayong-malayo kasi ang Hayden na nakikita niya nang mga oras na iyon. Nawala na kasi ang pagiging maamo ng mukha nito. Di rin ito mukhang malambot.

Halos magkasingtangkad lang ito at si Denzell. Dahil basa ng tubig ang uniform nito ay nakita niya ang paghakab ng damit sa katawan nito. His muscles were lean. It made him more intimidating.

"Aksidente ang nangyari. Saka kasalanan niya. Masyado pa siyang pakipot. Alam ko naman na ako ang gusto talaga niya at hindi ikaw."

"Si Hayden ang gusto ko! Kaya pinipilit mo ako nang sabihin kong ayaw ko sa iyo!" sigaw niya.

Lalong tumalim ang mata ni Hayden. "Pinilit mo si Rei? At dahil doon, muntik na siyang mamatay. Ni wala ka man lang ginawa para sagipin siya."

"Natuliro na kasi ako. Pero di ko naman gusto na masaktan siya."

"Kapag sinabi ng isang babae na ayaw niya sa iyo, huwag mo na siyang pilitin. Hindi mo rin siya kailangang bastusin para lang patunayan na lalaki ka nga. Hindi ka lalaki kapag ganoon," mariing sabi ni Hayden.

"Ano ba naman ang pakialam mo sa pagiging lalaki at sa pagtrato ko sa mga babae? Come on! Rei is just any other girl," ngingisi-ngising sabi ni Denzell.

"Sabihin mo ulit iyan at babaliin ko ang leeg mo," banta ni Hayden.

There was a mix of disbelief and fear in Denzell's eyes. "Hayden, you can't do it. We both know that you can't."

Masyado yatang malambot ang tingin nito kay Hayden na di nito gagawin iyon. And she thought that Hayden was too gentle to hurt anybody.

Unti-unting humigpit ang pagkakahawak ni Hayden sa leeg ni Denzell. "Do you want to dare me? Gusto mong subukan na natin ngayon."

Napalunok si Denzell dahil nakita nitong tototohanin ni Hayden ang banta. "S-Sige. Hindi na ito mauulit. P-Pasensiya na, pare."

Saka lang ito binitiwan ni Hayden at nagtatakbo si Denzell palayo. Kinuha ni Hayden ang tuwalya mula sa sports bag nito at saka ibinalot sa kanya. "Pasensiya na. Magtiis ka munang ibalot iyan. Nilalamig ka ba?"

"M-Medyo," aniya at bahagyang tumango.

Binuhat siya nito. "Kailangan mo ng hot shower at magpalit ng damit."

"P-Pero wala akong extra na uniform." Di siya pwedeng umuwi nang ganoon ang itsura. Magtataka ang magulang niya dahil di naman umuulan.

Nasalubong nila si Franzine. "Hayden, ano ang nangyari sa inyo? Bakit basang-basa kayo? Suot pa ninyo ang uniform ninyo."

"Muntik na siyang malunod dahil kay Denzell."

"Bakit? Ano ang nangyari?" tanong ni Franzine.

"Mahabang istorya. Aabsent muna ako. Dadalhin ko muna siya sa apartment ko. Ikaw na ang bahalang mag-explain sa professor natin. Rei, ibigay mo ang number ni Edmarie kay Franzine. Sabihin mo dalhan ka ng damit sa apartment ko."

Ibinigay na lang niya ang numero ni Edmarie kay Franzine. Hangang-hanga siya dahil napaka-authoritative ni Hayden. Di ito ang Hayden na madalas na tahimik. Parang sanay na sanay nga itong mag-utos.

"O…O sige," anang si Franzine na nagulat sa pag-uutos nito.

Di maalis ang tingin niya dito. Parang ibang Hayden kasi ang nakikita niya. "O, bakit ganyan ka kung makatingin?" tanong nito sa malalim na boses.

"Hayden, ikaw ba talaga iyan?" tanong niya. "Pati boses mo nag-iba."

Tumikhim ito. "D-Dala lang siguro ng pagkakalangoy ko."

Humilig siya sa dibdib nito. Kahit na ano pa ito, ito pa rin si Hayden. Ito pa rin ang lalaking gusto niya. At ngayon ay lalong nagtibay ang dahilan kung bakit niya ito nagustuhan. Dahil handa siya nitong sagipin at ipagtanggol anumang oras.

---

Daily updates na po tayo sa Stallion Boys kaya huwag kalimutang mag-alay ng gifts.

---

Gusto mo bang mabasa ang iba pang Stallion Boys in print with signature and other PHR books? Order here:

Facebook: My Precious Treasures

Shopee: www.shopee.ph/sofiaphr

Sofia_PHRcreators' thoughts
Nächstes Kapitel