"Tamara, humina ang immune system mo dahil sa sobrang pagod at puyat. Naambunan ka lang kanina pero tinamaan ka na ng sakit. Di rin nakabuti sa iyo na natulog sa foaling stall. Kaya may lagnat at sipon ka. Kung aabusuhin mo pa ang sarili mo, baka di lang iyan ang abutin mo."
Magkahalo ang medical advice at sermon ni Kester ang natanggap ni Tamara nang I-check up siya nito. Wala siyang nagawa nang buhatin siya ni Reid palabas ng foaling area. Di na siya makalaban pa dito dahil sa sobrang panlalambot.
Sa sasakyan pa lang ay nakatulog na ulit siya. Ni hindi niya namalayan na idinala siya nito sa guestroom ng grand villa. Nang magising siya ay anim na oras na palang tuloy-tuloy ang tulog niya.
"Malamig sa foaling stall kanina dahil umulan," wika ni Reid. "Kung di pa ako dumating, baka hanggang ngayon nakabantay pa rin siya doon."
"Kailangan kong bantayan si Cookie. Kawawa naman siya dahil ayaw sa kanya ng nanay niya," malungkot niyang sabi.
"Ah! The foal must have aroused the motherly instincts in her," nangingiting sabi ni Kester. "But you have to rest, Tamara. Inumin mo ang gamot na inireseta ko para sa iyo. Huwag mong balewalain ang sarili mo."
"Yes, Doc," aniya sa masunuring boses.
"Reid, I'll leave the responsibility to you. Bantayan mo siya. Huwag pababangunin kung di rin lang naman kailangan. She needs total bed rest," bilin ni Kester. "Something tells me that she wants to go back to work badly."
"Ako ang bahala sa kanya," sabi ni Reid.
Bumangon siya nang lumabas si Reid ng kuwarto para ihatid si Kester. Malakas pa rin ang ulan sa labas. Bagamat mainit ang kuwarto dahil sa heater, nararamdaman pa rin niya ang lamig na nanunuot sa kalamnan niya.
Niyakap niya ang sarili. Naalala niya ang panahong nagkakasakit siya at lagi siyang mag-isa sa kuwarto. Umiiyak na lang siya dahil wala siyang walang umaalo sa kanya. The professional nurse's help hired by her grandfather was not enough to make her feel better. Wala itong oras para silipin siya sa kuwarto kapag may sakit siya. Ganoon din ang pinsan niya o auntie. Nobody cared about her.
"Bakit bumangon ka na?" tanong ni Reid nang pumasok ng kuwarto.
"I feel better now. Sa bahay na lang ako magpapahinga."
Pinigilan nito ang balikat niya. "Stay put. Dito ka lang. Ni hindi ka nga dapat na bumangon. Mahiga ka lang at matulog. Ang sabi ni Kester total bed rest." Dinama nito ang leeg niya. "See? Mainit ka pa rin."
"Pwede naman akong mag-total bed rest sa lodge."
"I told you. You can't leave this bed unless you are fully recovered." Sumampa ito sa kama at niyakap siya. "Kaya matulog ka na."
She stiffened. Magkasama sila sa isang kama. Silang dalawa lang. Naramdaman niya ang panginginig ng katawan niya at kakaibang init ang gumapang sa katawan niya. Tiyak niyang wala iyong kinalaman sa sakit niya.
"B-Bakit kailangan mo pa akong tabihan?" nauutal niyang tanong.
Yes, they kissed before. Pero ibang usapan na kapag magkasama sila sa isang kasama. Many disturbing erotic thoughts run through her head.
Tamara, this is not the right time for that, sermon niya sa sarili.
"I just want to make sure that you won't leave this bed." Kinabig nito ang ulo niya at ihinilig sa dibdib nito. "Para kapag nagpilit kang bumaba ng kama, I can easily pin you. Di pwede sa akin ang tigas ng ulo mo."
She let out a ragged breath. "Lalo akong nanghihina sa iyo."
She thought it was not a nice idea to stay in bed with him. Malabong mapahinga ang isipan niya. Her body seemed so restless as well.
"Mabuti iyan. Matulog ka na lang. Argue with me once you are well," bulong nito habang hinahaplos ang buhok niya. His voice seemed so gentle. O baka dala lang iyon ng pagkakasakit niya? Her hearing was altered.
"Paano na si Cookie ngayong wala ako?" tanong niya.
"Hanggang ngayon ba si Cookie pa rin ang iniisip mo?"
"Kawawa naman siya. It is not easy to be an orphaned foal."
Bumuntong-hininga ito. "You worry too much. We got a nursing mare for her. We have a draft breed of horse that willingly accommodates orphaned foals. Bakit ba masyado kang attached kay Cookie?"
Lumungkot ang mga mata niya. "Pareho kasi kami."
"Pareho kayong orphaned foals?"
Tumango siya. "Yes. Namatay ang magulang ko. Wala na akong nakilala kahit sino sa kanila. At tulad niya, ni-reject din ako ng mga tao na inaasahan kong magmamahal sa akin."
"Bakit mo naman nasabi iyan?"
"Isang malaking eskandalo sa pamilya namin na nagkaanak si Mommy sa isang lalaki na hindi tanggap ng pamilya namin. Mahirap lang si Daddy. Starving artist. Tingin ni Lolo walang patutunguhan sa buhay. Kaya pinaglayo sila ni Mommy. Iyon ang kwento sa akin ng kaibigan nila Mommy at Daddy. Masakit iyon sa part ni Lolo dahil paborito niyang anak si Mommy."
"And you think he hates you because you symbolizes the destruction of his every dreams for your mother?" pag-aanalisa ni Reid.
"Must be. Masyado siyang malamig sa akin. Yes, he provides everything that I need. Pero hanggang doon lang. Di ko maramdaman na nagmamalasakit siya sa akin. Parang ginagawa lang niya ang responsibilidad sa akin bilang apo niya."
"How about your aunt and cousin?"
Hinipan niya ang ilang hibla ng buhok niya na naligaw sa mukha niya. "Ah! My cousin is forever competing with me. And she loves the fact that she is my grandfather's favorite granddaughter. Ibinigay sa kanya kahit anong gusto niya. Habang ako, kahit minsan di ko naranasan na humiling."
"Let me guess. You auntie is jealous of your mother when she was alive. Kaya para makabawi, ikaw ang pinag-initan niya."
Pabiro niyang natampal ang didbib nito. "Ang galing mo! Paano mo nalaman?"
"Wife, parang teleserye ang buhay mo."
Lumabi siya. "I am serious here."
Hinaplos nito ang buhok niya. "Sa kanila ipinamana ng lolo mo ang lahat ng kayamanan niya, hindi ba?"
Naluluha siyang tumango. "Di naman masama ang loob ko dahil sa kanila ibinigay ni Lolo ang lahat. Na ang lupa lang sa lakeside ang ibinigay niya. Mabuti nga naalala pa niya ako. Pero namatay siya nang di ko man lang nararamdaman na minahal niya ako. Kung naiparamdam sana niya iyon, di ako malulungkot nang ganito. I won't feel so unloved."
Kinabig nito palapit ang katawan sa kanya. "Tamara, don't cry. Baka sa huling sandali, ipinaramdam din ng lolo mo ang pagmamahal niya. He left your mother's haven to you."
"I don't know. He is dead so how will I know? At kung mahal niya ako, bakit kailangan pa niyang ikabit ang lahat ng kondisyon para lang makuha ko ang pamana niya? Gusto lang niyang gawin na miserable ang buhay ko."
"Siguro ayaw din niyang iwan kang mag-isa."
"But I will still end up alone in the end, right?" Mamamatay siya nang di niya nararanasan na may nagmamahal sa kanya.
"Don't you think you will find someone who will love you and will love you back? Well, that's what most girls believe."
Please support me on Patreon and you can read some of my unprinted books, books that are already out of print and not on ebook, and to be released stories.
Be a patron here:
https://www.patreon.com/filipinonovelist