webnovel

Chapter 23 | In Between

Chapter 23 | In Between

Kira's POV

Nawalan na ko ng gana nang bigla na lang umalis si Vince. Idagdag mo pa ang hindi maipaliwanag na tensyon na namamagitan sa bawat isa sa 'min, na hindi ko maintindihan kung ano ba ang pinagmulan.

Kaya naman ay napagpasyahan kong umalis na rin. Mukhang hindi lang din sa 'kin mayroong gumugulo. Dahil pansin ko rin ang pagkabahala ng iba.

Pero hindi ko inaasahan na sasama sa 'kin si Mikan. Damn!

Nag-alangan pa ko no'ng una. Pero dahil ayaw ko namang mahalata ng iba ang nararamdaman kong pagkailang sa kanya ay napatango na lang ako at hinayaan na lang siya.

"What is it this time?" I asked her the moment we go outside the dining hall. Diretso lang ang tingin ko habang mabilis na naglalakad. I don't want to be rude, but I just can't help it right now. Hindi naman ako ganito, eh.

I felt she shrugged with her arm still clinging into mine. Mukhang hindi naman niya iniinda na halos nakakaladkad ko na siya. Pansin ko rin ang pagpukol ng masamang tingin sa kanya ng bawat makakasalubong namin. Habang ang iba naman ay nagbubulungan pa.

"Ang sabi mo kasi ay may gagawin ka pa, eh. I just wanna help you whatever it is," she answered cheerfully.

Napailing na lang ako. Hindi ko na alam ang dapat kong sabihin o gawin sa kanya.

Magmula kasi no'ng araw na nagtapat siya sa 'kin at hinalikan niya ko ay madalas na siyang nakadikit sa 'kin.

Ang tanging pagkakamali ko lang naman ng mga oras na 'yon ay no'ng tumugon ako sa halik niya. Hindi ko alam kung ano ba ang pumasok sa isip ko ng mga panahon na 'yon at nagawa ko ang bagay na 'yon. All I know was that I'm hurt and she's the only one whose there on my side by that time.

Pagkatapos ng pangyayaring 'yon ay agad ko namang ipinaliwanag sa kanya na hindi ko 'yon ginusto at kalimutan na lang namin ang nangyari. Because it was obviously a mistake.

Pero hindi siya pumayag. Hindi raw niya magagawang kalimutan 'yong nangyari dahil isa raw 'yon sa pinakamasayang pangyayari sa buhay niya.

She has become so clingy since then. Madalas na nakabuntot at nakasunod siya sa 'kin. Na para bang matagal na niyang ginagawa ang bagay na 'yon. It's so unusual of her.

That's why I had decided to talk to her last night. Sa likod mismo ng dormitory building nila.

But our conversation didn't end up well. Parang ibang Mikan kasi ang nakausap ko kagabi. She's so possessive and demanding. She's even acting as if she's my girlfriend!

Gustong-gusto ko na nga sanang sabihin sa kanya kung sino at ano talaga ko. Dahil baka sa oras na malaman niya ang tunay kong pagkatao ay siya na mismo ang kusang lalayo sa 'kin.

Pero hindi pwede. It's too risky.

Yes, she's our friend. But for some reason, there was a part of me that is still doubting her.

"Hey! Tara na?"

I came out of my reverie when she snapped a finger in front of me.

I sigh and look at her intently. Malawak ang ngiti niya, habang nakatunghay sa 'kin. She looks so happy and hopeful at the same time.

Hinarap ko siya at mariing hinawakan sa magkabila niyang balikat. "Look, Mikan. Alam kong ilang beses ko ng sinabi sa 'yo 'to. Pero uulitin ko. Kaibigan lang ang tingin ko sa 'yo at alam ko sa sarili ko na hanggang do'n lang talaga ang kaya kong ibigay sa 'yo."

Unti-unting nawala ang ngiti niya.

Diretso ko siyang tiningnan sa mata. "I hope you understand. Sinasabi ko sa 'yo 'to habang maaga pa dahil ayokong mag-expect ka na maaaring maging dahilan para mas masaktan ka pa. Ayoko ring mamis-interpret mo 'yong kabutihan na ipinapakita at ginagawa ko sa 'yo. You're a nice person and you deserve to be treated better as well," mahinahon kong paliwanag sa kanya.

Magpapatuloy pa sana ko, pero natigilan ako nang makitang tila maiiyak na siya. I was lost for a second and I didn't know what to say anymore. Cause I really hate to see someone crying in front of me, especially the girls.

Kaya naman ay nataranta ako nang magsimula ng tumulo ang mga luha niya. Ang isang katangian ko na kinaiinisan sa 'kin ni Vince ay ang mabilis kong paglambot sa tuwing may nakikita kong tao na umiiyak. Hindi raw dapat ako nagpapadala sa emosyon. He even told me that it's a sign of weakness.

Paulit-ulit din niya kong tinatanong kung bakit ganun na lang kung magmalasakit ako sa mga tao. Sa mga pagkakataon na 'yon ay palaging katahimikan lang ang isinasagot ko. Because honestly, I didn't know why I have this soft spot for them.

Dali-dali ko siyang kinabig palapit sa 'kin at alanganing niyakap. "Wag ka ng umiyak. Pwede mo pa rin naman akong maging kaibigan, eh. Nasisiguro ko naman na makakakita ka rin ng lalaking kayang suklian ang pagmamahal na ibibigay mo at higit pa sa inaakala mo. As soon as that time comes, you'll thank me for that and you'll realize that what I said was right."

Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa 'kin. Hinayaan ko na lang siya kung ito naman ang makakapagpagaan ng pakiramdam niya, lalo pa't alam kong ako ang dahilan kung bakit siya nasasaktan ngayon.

Pero napapikit na lang ako nang bigla na lang siyang humagulgol. If I only have the power to erase all the pain that she's feeling right now, I am more than willing to give all of it to her.

"No! Ikaw lang ang mahal ko! Naghintay na ko ng halos apat na taon! And I'm willing to wait for another day, weeks, months or years. Just for you to love me back." Her voice broke.

Magsasalita pa sana ko ng sa pagdilat ko ng aking mga mata ay nakita ko si Miley na matamang nakatingin sa 'kin.

Pilit siyang ngumiti ng magtama ang paningin naming dalawa. Dahil do'n ay kitang-kita ko kung gaano kalungkot ang mga mata niya.

Ang mga matang kahit kailan ay hindi ko pa nakitang gano'n kalungkot dahil palagi itong punong-puno ng kasiyahan.

Kahit hindi niya sabihin sa 'kin ay ramdam ko na mayroon din siyang mabigat na dinadala. Sa 'kin siya madalas na nagsasabi pagdating sa gano'ng klase ng bagay bukod kay Rei. Kaya naman ay talagang nag-aalala na ko sa kanya.

Tumango lang siya sa 'kin bago tumalikod at mabilis na tumakbo palayo.

I want to follow her and ask her about what's the problem or if she's alright.

Pero sa tuwing sinusubukan ko naman siyang tanungin ay bigla naman siyang lalayo o di kaya ay aalis na para bang iniiwasan niya talaga ko.

Kakalas na sana ko sa pagkakayakap kay Mikan para sundan muna si Miley, pero mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa 'kin na para bang takot siya na pakawalan ako.

"Don't leave me. I need you. And just this once, please let me feel that you love me too."

I was stunned for a moment.

I know that Miley needs me right now, too. But at the same time, I just can't leave Mikan like this.

Damn! It's so hard to be trapped in between the two of them.

I really need to make a decision and do something now.

Dahil alam ko na kahit anong pilit kong iwasan ay hindi pwedeng walang masasaktan.

-----

Miley's POV

Wala naman talaga kong balak umalis. Pero ng biglang mapatayo si Rei ay napasunod na lang ako.

I am really concerned for her. Hindi ko man lang agad napansin na mayroon ding bumabagabag sa kanya, dahil masyadong natuon ang atensyon ko sa sarili kong problema.

Pero pagkalabas namin ay bigla na lang siyang nawala. I didn't know where she goes. So I just decided to walk around and look for her. Ramdam ko pa ang presensya niya sa paligid kaya alam kong hindi pa siya nakakalayo.

Pero napatigil ako sa paglalakad nang may marinig akong umiiyak at nag-uusap. Bigla naman akong nakaramdam ng kaba nang marinig ko ang boses ni Kira.

Ayoko na sanang pakinggan pa ang kung anumang pinag-uusapan nila o kahit ang makita pa sila. Pero natagpuan ko na lang ang sarili ko na dahan-dahang naglalakad patungo sa direksyon nila.

Then everything around me had suddenly stopped the moment I saw the two of them hugging each other so tightly.

Parang may kung anong kumirot sa puso ko nang makita sila sa gano'ng sitwasyon. Kira never hugged me like that before. A protectively hug that seems like he didn't want to let go.

Natigilan ako. Ramdam ko ang pamumuo ng mainit na likido sa mga mata ko na nagbabadya ng bumagsak. Pero mabilis akong napakurap upang pigilan ito nang mapaangat siya ng tingin at magtama ang mga mata naming dalawa.

Pilit akong ngumiti sa kanya, bago ko siya tinanguan at tumalikod para tumakbo paalis. Kailangan kong makalayo agad dahil pakiramdam ko ay bigla na lang akong bibigay nang dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon.

I looked back, hoping that he'll follow me like what he always does before, every time I ran away from him.

But he didn't. He didn't care of me that much anymore.

Kasi nandiyan na si Mikan. Mayroon na siyang ibang mas iniintindi.

Doon na tuluyang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Ako 'yong umalis at tumatakbo ngayon, pero pakiramdam ko ay ako ang naiwan.

Hindi ako manhid para hindi mapansin ang pagtingin niya kay Ate Nicky. Kaya gano'n na lang ang gulat ko ng sa isang iglap ay mayroong Mikan na umeksena.

I didn't expect that I'm going to be like this. Kung alam ko lang sana na magkakaganito ako ay hindi ko na hinayaan ang sarili ko na mapalapit pa sa kanya ng husto. Sana bago pa man lumalim ang nararamdaman ko ay may nagawa na kong paraan.

Napatigil ako sa pagtakbo ng may biglang tumawag sa 'kin. Mabilis kong pinahid ang mga luhang naglandas sa pisngi ko bago humarap sa kanila.

"Oh, Miley. Bakit ka tumatakbo? May humahabol ba sa 'yo?" nagtatakang tanong ni Ate Nicole.

I shook my head, then waved my hand. "Wala. May kailangan lang kasi akong puntahan," pagdadahilan ko pa.

Alam kong alam nila na nagsisinungaling lang ako, dahil bakas sa mukha nila ni Kuya ang pag-aalala, na kasalukuyan namang tahimik lang na nakatingin sa 'kin.

"Gano'n ba. Itatanong ko lang kasi sana kung nakita mo ba si Steph? May mga gusto kasi akong itanong sa kanya eh."

Umiling ulit ako sabay iwas sa mapanuri nilang tingin. "Hindi ko pa ulit siya nakikita, eh. But don't worry, I'll tell her right away that you're looking for her when I see her." Pilit kong pinasigla ang boses ko.

Gustong-gusto ko ng umalis sa harap nila dahil gusto ko munang mapag-isa. Isa pa ay ayoko naman na mag-alala pa sila sa 'kin dahil alam ko namang may iba rin silang pinoproblema. Hangga't maaari ay ayoko ng dumagdag pa.

"Okay. Sige salamat."

I saw on my peripheral view that Ate smiled at me.

I just nod at them, then waved a goodbye before I turned towards the direction of the place that serves as my safe haven. Sa totoo lang ay paboritong lugar din 'yon ni Kuya.

Palapit na sana ko ro'n ng bigla ko namang makita si Ate Steph na papihit sa direksyon ko. Agad ko siyang tinawag at sinabihan na hinahanap siya ni Ate Nicole. Tumango naman siya at ngumiti.

Paalis na sana ko ng bigla na lang niya kong hinawakan sa braso at tanungin kung may problema ba ko.

I just tell her that I'm okay then off I go. Dahil hindi ko alam kung magagawa ko pa bang makipag-usap sa kanila ng maayos. Though I want to confide to her. Ate Steph is such a good friend of the royalties.

Nang marating ko ang lugar na 'yon ay mabilis akong lumusong sa ilog ng walang pagdadalawang isip.

The moment my foot reached for the ground at the bottom, I immediately closed my eyes. Trying to relax under the clear and cold water. Nakaugalian ko na kasi ang lumublob sa ilalim ng ilog, pool o dagat sa tuwing marami akong iniisip. Para kahit papaano ay mawaglit muna ang mga 'yon sa isipan ko.

Dahil dito ako nakakaiyak ng hindi nahahalata. Kasabay ng pag-agos ng tubig ay ang pag-agos ng mga luha ko.

Pero ilang minuto pa lang ang nakalilipas ng mapadilat ako dahil bigla kong may naramdaman na pumulupot sa beywang ko. Then the next thing I knew is that I'm already sitting on one of the rocks at the side with Kira in front of me.

"What the hell?" I shouted with my eyes wide opened.

He smiled, then cupped both of my cheeks. Biglang nawala ang lahat ng inis ko ng matitigan ko ang gwapo niyang mukha.

Gusto kong sampalin ang sarili. What the hell is happening to you, Miley?

He went closer to me. Until our faces were just an inch away.

Saglit na naghinang ang aming mga mata. Pero napalunok na lang ako ng magsimula na siyang magsalita.

"We need to talk. No more but's, no more excuses. Cause I won't let you escape and run away with me this time." He smirked.

I gulped. Because I know right at this moment, I'm totally dead.

Nächstes Kapitel