webnovel

35th Chapter

Eloisa's Point of View

I'm only wearing a bathrobe.

Ngayon ko lang napagpasiyahang buksan ang medium size box na dala ni Kuya kahapon. Napag usapan namin ni Paolo itong gown kahapon, at sinabi niyang siya ang pumili ng gown binayaran niya daw ito pero hindi na siya nagtaka kung bakit regalo na ni Ate Patty ang gown. Dahil baka daw hindi ito chinarge sa credit card niya.

Nang buksan ko ang gown halos malaglag ang panga ko. Inalis ko yung gown sa box at tiningnan ang kabuuang disenyo nito.

Napapikit na lang ako sa inis. It's an all-white gown. Kinda heart line. Para tuloy nagbabago ang isip kong umaattend mamayang 6 PM sa Aquaintance Ball. Magmumukha akong ikakakasal sa gown na ito.

Nitype ko ang pangalan ni Paolo sa aking phone. Itapped the call button.

It's now ringing.

"Hello," aniya sa akin.

"Bakit... bakit puti?" tanong ko sa kaniya.

"Ayan lang kasi ang available na gown si Ate Patty." but, I can hear in his voice that he's lying.

"Paolo..." pagtigil ko. "Hindi ko susuotin 'to. I'd rather wear a dress than this," ani ko.

"Dresses were prohibited. Bawal iyon."

I've no choice of course.

"Then‚ hindi na lang ako aattend. Ayokong magmukhang ikakasal. Ayoko nung gown, hindi sa ayoko kasi magmumukha akong ikakasal... teka, sinadya mo ba ito?" I asked.

"Okay, fine. Fine." aniya. "Gusto kong... magmukha kang bride. Yun lang naman."

"Paolo... I can't wear this," sambit ko sa kaniya.

"Eloi, okay. I will ask Ate Patty if she've a spare gown. Ipapadala ko agad iyon," bigla akong nanlamig sa sinabi niyang iyon. Ayokong guluhin siya.

"W-Wait, Paolo. This is fine. Thanks sa gown. I'll wear this don't worry. I don't... I don't want to interrupt you."

"You didn't interru--"

"Shh, thank you again, bye."' pinatay ko na ang tawag.

Am I wicked? All Paolo have wanted was to make me felt his love. Kaso ay I can't see that. Dahil all I see on him is... was his past. I know it's hard for him to tell me the truth about his past pero I do believe in Dominic. Hindi siya magsisinungaling sa akin. Kaso, I should look for the other him. Hindi yung manlolokong siya. Mapaglarong siya. I am sure he can't do that to me. I know he'll never broke my heart in to pieces. I know he's sincere.

Nagising ang diwa ko sa nagdoorbell.

"Who's that?" I'm only wearing a bathrobe, I don't want anyone see me like this.

"Paolo. I just want to check you, if you're done. Okay lang ba talaga sa iyo iyan?" tanong niya.

"Yes, uhm, hindi pa ako ayos atsaka kahit na gusto kong sa 'yo sumabay si Kian dapat ang kasabay ko sa pagpasok sa venue."

"Yah, I know that. Anyway, see you sa venue. Pupunta na ako doon. Bye." aniya.

"Bye," I heard footsteps of leaving.

Niblow dry ko ang aking buhok, medyo natuyo na iyon.

Nagsearch ako ng easy ways to do a messy bun hair style.

Naintindihan ko naman iyon at nagawa ko. Pagkatapos ng aking buhok ay I putted my make up on.

Wala si ate out of town with some of her friends dahil wala naman daw silang gagawin sa Craeven Day 1 and 2. Then sa day 3 naman 1st year and 2nd year lamang ang aattend. Sila Andrea naman mother nila ang nagmamake-up sa kanila, my mom's so busy. Si Ambreen sa isang sikat na salon she asked me to join her anyway, kaso I refused it. Ayokong gumastos kung pwepwede naman ako ang magmake sa aking sarili.

Simpleng make-up lang ang inilagay ko sa aking mukha na sinigurado kong babagay sa gown ko.

I wore a 4 inches silver stilleto. Never ko pa itong nasuot this is the first time.

"I'm done." ani ko sa aking sarili. Tiningnan ko ang orasan sa aking wall. Quarter to 6 na. Anytime ay magdodoorbell na si Kian para sunduin ako.

Palakad-lakad ako ng may makita akong makinang na bagay sa maliit na table na katabi ng aking sofa, ayun iyong nahukog nung lalaking kwintas, I putted that on my silver purse then suddenly tumunog ang aking doorbell. Marahan akong naglakad papunta doon para hindi ko matapilok sa stilleto na suot ko. Nang buksan ko ang pinto si Kian na iyon.

"Oh my... you're so gorgeous as expected." aniya.

"Thanks."

"Si Paolo ang pumili ng gown mo tama?" I nodded. "He've good taste. By the way, mukha kang ikakasal. Unlucky hindi babagay pang groom ang tuxedo ko para tuloy feeling ko ang pangit ko dahil ikaw ang date ko." aniya tsaka halakhak.

"Gwapo ka naman sa suot mo. 'Di ah, don't lower yourself Kian." I laughed.

"I'm just kidding, alam kong gwapo ako. Hahahaha!" humalakhak siya ng napakalakas. "Tara?" tanong niya at lahad ng kanang kamay niya.

Ibinigay ko ang kanang kamay ko pagkatapos ay kinulong niya iyon sa kaniyang kaliwang bisig.

Pumasok kami sa elevator.

~*~

Nandito na kami sa kotse ni Kian.

He started the car and he drove it.

"Eloi, by the way, hindi ko kasi natanong ito nung unang sinabi mo yung about sa inyo ni P-Paolo." napatingin ako sa kaniya. Nakatingin lamang siya sa kalsada habang nagda drive.

"What is it?" tanong ko.

"What's exactly... ano iyong eksaktong dahilan ng pagpapanggap ninyo?"

"Ipapakasal kasi siya ng Lolo niya kung hindi siya magpapakilala ng babaeng matino at hindi worth it paglaruan." ani ko. "Wala rin akong choice noon inarrange din ako, alam mo iyan. Kaya wala na akong pagpipilian noon kundi gawin iyong gusto niya makakabuti rin naman sa akin..." pag paused ko. "But, he's courting me right now, tinapos na namin iyong deal."

"You mean you love him now?" I nodded.

"Yes I love him now... so much."

"I'm sorry, Eloi."

"Huh? For what?"

"Nothing, nevermind." aniya at ngiti.

The venue was kinda a garden at first pero yung main na kugar ay parang pavilion na napakalaki.

Maingay may sounds na tumutunog. Pero mabagal iyon. Parang ballad ba.

Mayroong carpet. Sabi ni Kian ay doon daw kami rarampa.

"So Mr. Kian was Ms. Eloisa Ramos date. They look good together!" ani ng nasa mic.

It's so crowded. May mga nakatayo at nakaupo. Hindi ko mahanap ang hinahanap ng mata ko. Pero nakita ng mata ko si Eros na nakatayo at nakapamulsa. He's wearing a tuxedo, of course.

Mabilis ang oras, kumain kami, tas kapag may tumutunog na pang party dance may mga tumatayo para sumayaw.

Ngayon palang ang slow dance may tumunog na kantang mabagal.

Piano sounds ng A Thousand Years ang tumutunog. Inilahad ni Kean ang kamay niya sa akin.

"Heart beats fast

Colors and promises

How to be brave?

How can I love when

I'm afraid to fall

But watching you stand alone,

All of my doubt suddenly goes away somehow." tumigil ang kanta. Tunog lang ng slow piano sounds ang tumutunog. Ganito ata dito. Papatigilin ang kanta saka magpapakilanlan ang magsasayawan.

"Kilala naman na kita, and seconds dancing with you is enough." aniya. "Miller, can we change partner?" tanong ni Kian sa kalapit naming sumasayaw, it's Eros.

"Yah, sure." sabi ni Eros at lahad ng kamay niya.

"One step closer"

"Wow, Eloi, you're so beautiful!" aniya.

"Thanks, Eros." tugon ko.

"Ang baduy naman ng Aquaintance Ball na ito ang bilis lang ng sayaw." aniya. I chuckled.

"Hey, change partner?" tanong ng hindi ko kilalang lalaki.

"I have no choice Eloi. Kailangan eh. Kapag binastos ka sigaw ka ha?" bulong ni Eros sa akin.

"Okay," sagot ko saka ngisi.

"I have died every day waiting for you

Darling, don't be afraid I have loved you

For a thousand years

I'll love you for a thousand more"

"Hi, I'm Benjamin Tyler or just Bench." aniya.

"Ako si El一" I cutted-off.

"Yah, I know you. Eloisa Ramos," sambit niya at ngiti. "You're so gourgeous tonight, by the way."

"Thanks," ani ko.

"Where's my compliment? Just kidding!" pagbibiro niya.

"Tyler, change partner?" tanong ni Lance.

Tumango lang si Bench at nakipagpalit na.

"Time stands still

Beauty in all she is

I will be brave

I will not let anything take away

What's standing in front of me

Every breath

Every hour has come to this"

"Ganda mo, Eloi!" maligayang sambit ni Lance.

"Thank you, uhm, Lance alam mo ba kung nasaan si Paolo?" we're still dancing. Sumasabay lang ako sa bawat pagsayaw niya.

"Hindi eh, pero nasa tabi-tabi lang iyon. Wala siya dito sa crowded dance floor dahil wala siyang kapartner. Papayagan lang sumayaw yung mga walang partners mamaya kapag ayaan na." aniya. "Hinahanap ka rin niya kanina actually. Ang dami kasing tao kaya hindi kayo magkakitaan." tumango ako.

"Ganun," sambit ko at tango-tango.

"Ayun si Dominic, ask him," sambit niya. "Dom, change tayo."

"One step closer"

"May dala kang umbrella?"

"Huh?" tanong ko.

"Uulan kasi mamayang 9 PM," aniya. "Meron ka? Baka kasi mabasa ka. You can use mi一"

"N-No thanks." sambit ko. Oh my God! Bakit ganito si Dominic?

"Ang ganda mo."

"Pang lima ka na ata sa nagsabi." I laughed.

He just smiled at me and nakipagpalit na sa iba. Hindi ko tuloy natanong kung nasaan si Paolo.

"I have died every day waiting for you

Darling, don't be afraid I have loved you

For a thousand years

I'll love you for a thousand more"

Nakipagpalit na si Trip.

"And all along I believed I would find you

Time has brought your heart to me

I have loved you for a thousand years

I'll love you for a thousand more"

"Thanks," sambit ko sa nagsabing maganda ako, kay Lucas.

"One step closer

One step closer"

"I have died every day waiting for you

Darling don't be afraid I have loved you

For a thousand years

I'll love you for a thousand more"

"And all along I believed I would find you

Time has brought your heart to me

I have loved you for a thousand years

I'll love you for a thousand more"

Natapos ang kanta. Hindi ko na matandaan kung sino ang mga nagsayaw sa aking hindi ko kilala ko.

"Oh my God! Eloi! Ang ganda mo!" ani Julian na kasama ni Japs at Andy. Julian's wearing a tuxedo. Si Andrea nakared gown pagkatapos si Japs ay nakablue ball gown.

"Ang gwapo mo naman sa suot mo." sambit ko.

"Wag kang maingay! What the! Diyos ko! Kung alam mo lang kung gaano ko kagustong magsuot ng gown!" sigaw niya.

"Okay fine." humalakhak ako.

Umupo sa table namin nila Kian sila Japs, Julian at Andrea.

"This AB is kinda boring. Hanggang 9PM lang kasi. Uulan kasi ng ganung oras. It's 7:49 na." ani Japs.

"Sana ay iniba nila ang araw para hanggang alas dose ang Ball." sabi ni Andrea.

"Oo nga eh, anyway, Eloi. Are you free tomorrow night? Magoovernight sila Japs and Andy sa house namin. Gusto mo?" tanong ni Julian.

"I'll try, busy kasi ako bukas." sagot ko.

Nagkwentuhan pa kaming apat ng kung ano-ano.

~*~

Paolo's Point of View

"Mr. Scott is alone? Wala kang partner Andrei Paolo Scott?" kailangang ipamukha pa ng nasa mic na yun?

Tumango ako. 'Puta, oo!' I mouthed.

6PM na pero wala pa rin si Eloisa at ang chossy niyang date. Tangina. Ako na nga ang nakikipagtrade ayaw pa. Bwiset.

Pumunta muna akong comfort room para mag-ayos.

Nakatingin ako sa salamin ang aking reflection. Kulay itim na ulit ang buhok ko. Inayos ko ang tie ng aking tuxedo.

Lumabas ako. Nakaupo si Lance sa table namin.

"Dude, nakita mo na si Eloi?" tanong ko. Hindi ako sigurado kung nandito na ba siya o wala pa.

Umiling siya. "Hindi pa dude," aniya. "Pero narinig kong tinawag siya at nung nasa mic kanina, panigurado andito na iyon."

Nasaan siya? Ang daming tao dito hindi ko alam kung saan siya hahanapin.

~*~

Dumaan ang kainan, ang sayawan ng mga magkadate. Wala akong partner kaya naman nakaupo lang ako dito sa table namin, nganga.

It's almost 9 PM, okay. Wala na akong pag-asang makasayaw siya. Dammit, I wasted my time to look good. May kung ano mang tumulo sa noo ko. Pagkaangat ko ng mukha ko ay kita ko ang pagpatak ng ulan.

Nagsalita ang MC na pagtulu-tulungang ilipat ang mga tables sa papasok sa pavilion. And the MC even said. If you still want to dance with someone in the rain ask her. It's still has a time.

Iniikot ko ang paningin ko. Pumapatak na ang ulan sa aking damit pero hindi ko alintala ang ulan.

Halos parang kumawala ang puso ko ng nakita ko si Eloi na hawak ang kaniyang puting gown gamit ang kaliwang kamay at ang kanang kamay niya ay hinaharangan ang pagpatak ng ulan sa kaniyang ulo.

Napatigil siya ng harangan ko siya. Ganoon pa rin ang kaniyang puwesto.

"Paolo?" aniya.

Inilahad ko ang kamay ko sa kaniya. "May I dance you?" tanong ko sa kaniya.

Tumango siya at ngumiti.

Ipinuwesto ko ang kamay ko sa kaniyang bewang. Kusa naman niyang nilagay ang kamay niya sa aking leeg.

"Ako ata ang pinaka malas na lalaki." sambit ko. Napataas ang kilay niya. "Hindi na nga ako ang first dance ng babaeng mahal ko, hindi pa kami nakapagsasayaw ng romantic. Walang kanta."

"This is fine, Paolo. Mas romantic nga ang sayaw sa ilalim ng ulan." aniya.

Nagsayaw lang kami. Wala nang naglakas ng loob mag sayaw dahil naulan. Kaya kami lang ang nandito sa labas, wala na rin ang mga tables dahil ipinasok iyon sa loob. Lahat ng estudyante ay nasa pavilion na. I kissed her forehead and I whispered. "You're the most beautiful girl tonight. How I wish you can be my girl."

"Yes," aniya. Huh?

"Anong, 'Yes'?" tanong ko.

"Yes, sinasagot na kita."

Nächstes Kapitel