CHAPTER NINETEEN
LEONA's POV
Kumakain ako ng Ice cream habang nakasakay sa side car ng pinipedalang bisekleta ni melanie.
Kanina pa s'ya nagbabike, Pero duh, s'ya mismo ang naginsist na magbike at ako ay sasakay lang raw, Kaya kahit kita na sa mukha ni melanie ang pagod at pawis na pawis na ang gaga na kahit malamig dito, ay sige lang. Push lang sa pagbababike.
"Gusto mo?" Malanding tanong ko kay melanie at nilapit pa sa mukha n'ya ang Ice cream na hawak ko, Nang akmang kukunin n'ya ito sa akin ay mabilis kong inilayo sakan'ya ang Ice cream at mala-Vice ganda na dumila sa Ice cream.
"Ugh! You!" I laughed when she groaned at irritation.
I am in the middle of laughing with my mouth fully opened nang may bumangga sa likuran ng sidecar which causes for me to accidentally put the whole Ice Cream inside my mouth.
"HAHAHAHAHAHAHAHA!" Sinamaan ko ng tingin si Melanie ng tumigil s'ya sa pagpedal atsaka tumawa ng pagkalakas-lakas with matching paghawak sa t'yan at pagpalo sa hawakan ng bisekleta.
"Fix yourself, You look like a beggar" Tinapunan ko ng napakasamang tingin si Aries na nagpipigil ng tawa and take note, I know he is the mastermind sa nangyari sa'kin.
Sakay ni Aries si Jr na nagpipigil rin ng tawa sa nangyari.
"Orh, genorn?" Halos mabulol-bulol ako sa pagsasalita dahil sa nakasalpak parin ang Ice Cream sa bibig ko.
Niluwa ko 'yon at sinalo ng kamay ko saka tinignan si melanie, Aries at Jr na pareparehong humahagalpak ng tawa.
Bumaba ako ng sidecar at walang sabi na pinahiran ko ng Ice cream na may laway si melanie sa mukha.
"Hoopp! Ikkkaawww!!!" ibinato ko sa mukha ni Aries at Jr yung natirang Ice cream na hawak ko saka tumakbo.
Habang tumatakbo at humahagalpak ng tawa ay may biglang humarang sa harap ko na marungis na lalaki. Binagalan ko ang takbo ko at naglakad sa gilid n'ya pero bigla n'ya akong hinila at kinulong sa bisig n'ya.
I was about to teach him a lesson ng may bigla s'yang idikit sa lalamunan ko at agad akong nakaramdam ng kirot.
"Wowowoah! Ahm kuya, Pakibitawan po s'ya please" sabi ni melanie na sana'y babangga sa'min sa bilis n'yang tumakbo.
Nagkasabay ang kilos naming dalawa, Sa mabilisan kong pagkuha ng kutsilyo sa tagiliran ko at agad 'yong itinarak sa lalamunan n'ya ay s'ya nama'y mabilis na nilaslas ang lalamunan ko.
Nabitawan n'ya ako agad dahil sa ginawa kong pagsaksak sa lalamuna n'ya pero pareho kami ngayong dalawa na nakahawak sa lalamunan.
Nakita kong may mga dumating na sundalo at hinuli yung nanglaslas sa lalamunan ko, Nagsimulang lumabo ang paningin ko pero naaninag ko ang mukha ni Aries na napakalapit sa'kin at naramdaman ko rin na binuhat n'ya ako.
At, Tuluyang nagdilim ang paningin ko ng mailapag ako sa kung saan ni Aries.
Melanie's POV
Nakasabunot ako sa buhok ko habang pinagmamasdan si Leona na nakahiga sa isang clinic bed dito sa emergency area ng parke.
"Sh*t" Rinig kong bulong ni Aries.
"Anong nangyari?" Nang dumating sila Ate jane, Dani at ang tunay na nanay ni Leona ay Agad na niyakap ko ang kapatid ni leona sa ina na si B2 pati si B1 at niyaya sila na lumabas.
They're too young to see those kind of things, Yes nakakita na sila ng mas brutal d'on magmula nung lumaganap ang ViruZ sa manila kaya naman ayoko ng dagdagan pa ang mga nakita nilang 'yon lalo na kung si leona ang makikitaan nilang gan'on ang kalagayan ay hindi ata ako makakapayag.
"Ate taydor, What's wrong po?" Tanong ni B1.
"Ahm, Hindi kase makatae si ate Leona n'yo. Kaya ayon, Tutulungan nila si ate leona na tumae okay?" paliwanag ko. Susko, kung tinatanong n'yo kung saang lupalop ko nakuha ang sagot na 'yan ay basta, Natatae na kase ako e, Panira lang yung baliw na 'yon at bibigla biglang nanglalaslas ng leeg ng may leeg.
Mga tao ngayon, 'yan na ba ang nagiging epekto ng walang magawa sa buhay? Susme, Kami marami kaming ginagawa, Gusto n'yo bigay ko sainyo? hays, sakit sa bangs ng mga taong gano'n.
"Eh kung gan'on po, Bakit po kami bawal do'n sa loob kung tumatae lang pala si ate dragona?" tanong ni B2 na ang tunay na pangalan ay migo.
"Bakit? Gusto n'yo bang makaamoy ng pamatay na amoy?" Their faces changes from curious cat face to Yuck-ew-kadiri-gross face.
"Ofcourse not! Eww who's a normal people would that kind of smell? yuck!" Sabi ni B2 na animo ay diring-diri.
"But i guess po, Mas pinili nila kuya Aries at ni tita Hanna na pumasok sa loob at tiisin ang amoy na 'yon just to help ate dragona" I nodded to B1.
"Are you a family or a friend of the patient inside of that tent?" Agad akong tumango sa tanong ng isang sundalo na 'di ko alam kung galing saan.
"We found a type of sleeping drugs on the knife used by the crazy man who slashed her neck" Kumunot ang noo ko, WTF? Sleeping drugs?
"And also, The crazy man died because of a hand knife that is stab to his neck" I nodded, mabuti naman kung gano'n, Dahil kung hindi pa s'ya napatay ni Leona sa pamamagitan ng pagsaksak sa leeg ay ako mismo papatay sa baliw na 'yon hmp.
"Pagkatapos tahiin ng leeg ng kaibigan mo dito ay dadalhin namin s'ya sa hospital para mas mabantayan namin, lalo na at nalaman naming s'ya ay anak pala ni General Paulo" tumango ako saka nagpaalam ang sundalo.
Grabe, Ang famous naman ng tatay nitong si Leona, abot hanggang dito sa Baguio ay may nakahandang pumrotekta kay leona. Ay bet, ang kyut. Pero mas kyut ako.
"Ate? I thought ate dragona was just tumatae? Then, bakit may kutsilyo po akong narinig d'on sa sundalo?" Tanong ni B2.
Lakas ng pandinig ng batang 'to susme. Nakuuu, Kung hindi kalang kapatid ni leona baka pinasakan na kita ng kung ano para matahimik.
"Sobrang tigas kase ng tae ni ate dragona mo, Kaya ayon, Kinailangan na nilang gumamit ng kutsilyo" sabi ko at nginitian silang dalawa.
"Eeeewww! Why do you have to say those things to us ate taydor? Your so gross! Yuccckk!!" Reklamo nilang dalawa at umarte pang nasusuka kaya napairap ako.
Arte ng mga 'to, Samantalang noong bata nga ako, Pinaglalaruan namin tae ng kambing. Bilog bilog kase e tapos matigas. Sarap gawing holen gan'on.
A/N: DID YOU ENJOY THIS PART? SPECIALLY THE LAST PART OF THIS CHAPTER? KUNG GANON MAGVOTE AND COMMENT NA HEHEHE LABYU.