CHAPTER FIFTEEN
LEONA's POV
Natapos kaming maligo at magayos ng mga sarili ngunit wala paring Mrs. Hanna na dumarating. S'ya na lamang ang hinihintay namin papunta sa kung saan-saan.
Dahil sa wala kaming masyadong dalang damit ay naghiraman lang kami. Si melanie ay pinahiram ko ng damit dahil halos magkasing-katawan lang naman kami. Si Dani naman ay medyo chubby kaya ang nagkasya lang sa kan'ya sa mga dala kong damit ay yung double sized shirt ko at jogging pants.
Si ate jane naman ay may sariling dalang damit pero tig-dadalawang piraso lang. Ang underwear n'ya pati na ang damit at short ay pareparehas na tig dadalawa.
Sila clyde naman ay first time kong makita na hindi naka-sundalo uniform, samantalang pinahiram naman ni clyde ng damit at pangibaba si aries.
"May natitira pa naman akong pera dito, We can buy some clothes to wear on" i said and smile.
"It's nice to hear then, Mas gusto ko pang magsuot ng ukay-ukay kesa manghiram ng damit sayo. Sucks, ampapanget kase ng mga damit mo" Melanie said kaya naman napairap ako.
"Ipahubad ko 'yang damit ko sa'yo ngayon tignan mo, Grabe makalait nanghihiram na nga lang tss" Bulong ko.
Naginat si Jam, Yung isa sa tatlong musketeers-este sundalo pala.
"Ang tagal naman ni Mrs. Hanna, Tom Jones na ako" Sabi n'ya habang nagiinat.
"Tom jones kana babe? sandali ha, Timpla lang ako ng gatas" sabi ni Dylan kaya kinaltukan s'ya ni jam.
"Syet may pogi" Jr said habang nagpapacute sa harap ng salamin.
"HA!? SAAN!? Owemji, asan ang fafa? Teh, may wampepte kaba d'yan? peram muna may fafable daw e" sabi ni jam kay Dylan.
"Ulul ka mamah, Kung meron man akong wampepte hindi ko 'yon ipapahiram sa'yo no! Duh nas'an naba yung pogi?" Dylan said.
"Andito, sa harap n'yo" Jr said tapos nagpogi sign pa s'ya sa harap nila Jam at Dylan.
"Ay fafa, Wampepte?"
"Fafa wag ka d'yan sa wampepte, sa wampayb ka"
"olol ka mamah, Sa'n ka naman kumuha ng wampayb mo ha? e.inuutang mo nga kanina wampepte ko"
*Krrruuu*
Natahimik silang lahat ng makarinig ng t'yan na kumukulo na sa gutom. My cheeks reddened. Hindi pa pala kami nagaalmusal tapos nagtatanghalian.
"Ano ba 'yan mamah Jam, Sobrang Tom jones naba you?" Dylan asked kaya naman inirapan s'ya ni Jam.
"It's not me mamah, duh"
Alam n'yo, Kung hindi lang sundalo ang mga 'to, iisipin ko talaga eh mga bakla 'to. hays.
"Hey kids, I know you're hungry. Kumain na muna kayo" Biglang sumulpot si Dr. Emmanuel.
"Ahm, si Mrs. Hanna po?" i asked.
"Ayon, Nakatulog. Kayo nalang daw ang maglibot kase napagod daw s'ya" I nodded.
Pero nakakapagtaka parin, Kase nakaligo na silang lahat tapos ako nalang ang hinihintay nila ng lumapit sa'min si Mrs. Hanna tapos excited pa nga s'ya na makasama kami lalo na yung dalawang bata.
Tapos ngayon kung kailan tapos na kaming lahat maligo at magayos, saka naman s'ya natulog. Hindi kapani-paniwala 'diba? Gan'on ba ako katagal maligo at nainip na si Mrs. Hanna kakahintay at nakatulog? eh kanina nga habang naliligo ako eh narinig ko pa yung boses n'ya- Well that is kung tama ang hinala ko na boses nga ni Mrs. Hanna ang narinig ko na nagsasalita na hindi ko naman naintindihan.
Nakita ko namang nakakunot ang noo ni aries na nakatingin kay Dr. Emmanuel. At lalapitan ko sana s'ya para tanungin kung anong meron pero biglang humarang si Melanie sa daanan ko habang nakataas ang isang kilay.
Napatingin naman sa'min ni melanie si aries kaya naman napayuko nalang ako.
Nilapitan ako nung dalawang bata at hinawakan ako sa magkabilang kamay. "Ate dragona, we're hungry na po. Lets eat na po pwede?" I smiled to B2 and B1 and nodded as they pull me papunta sa kung saan nagpunta yung mga kasamahan namin.
Nang makarating sa hapag kainan ay pinaupo ako ng dalawang bafa at tinabihan nila ako. Andaming pagkain ang nakahanda sa harap namin kaya naman kitang-kita mo sa mukha ng bawat isa sa'min ang pagkatakam na para bang gusto ng kainin lahat ng nakahanda na 'yon at wag mamigay sa iba.
Mauuna na sana sila Dylan sa pagkuha ng pagkain ng pinitik ni clyde ang mga kamay nila. "Let's pray muna po" sabi ni B1 o ni Bianca sa tatlong sundalo na lalantak na sana sa mga pagkain.
Naglead ng prayer si B1 atsaka kami nagsimulang kumain. Dahil sa kasama rin namin si Dr. Emmanuel na kumain ay medyo nararamdaman ko ang papausbong ba tensyon sa mga titig n'ya sa bawat sa isa sa amin.
"Nagpapasalamat kami sa ginawa n'yong pagligtas kay Hanna, Pero. No offense ha, Gusto ko lang kayong makilala. Ano ang mga katayuan n'yo sa buhay?" Tanong ni Dr. Emmanuel kaya naman biglang natahimik ang lahat at biglang nagdahan-dahan sa pagkain.
Tumikhim si clyde at s'ya ang sumagot "Kaming apat ay mga sundalo, At s'ya naman- si ma'am leona ay anak ni General Paulo"
"alam ko" Napataas ang kilay ko sa sinagot ni Dr. Emmanuel na ikinatahimik rin nilang lahat.
"I mean, Alam ko kase nabanggit nga sakin ni Hanna kanina ang tungkol sa'yo, leona" I nodded. "How about the others?" Tanong ni Dr. Emmanuel.
"Uhm, Ako naman po. Anak po ako ng isang Business man ang kaso lang po, Namatay sila ng lumaganap ang ViruZ sa manila. Tapos yung kuya ko naman.." Ramdam ko ang talim ng tingin sakin ni melanie kahir hindi ako nakatingin. "Ang kuya ko naman ay namatay rin dahil sa d'yan sa babaeng 'yan!" nagulat kaming lahat sa sinabi ni melanie.
"Infected s'ya ng ViruZ melanie! Anong gusto mong gawin ko? hayaang magpalamon sa kuya mong dambuhala?" sigaw ko sakan'ya.
"Oo! Dapat hinayaan mo! Dapat ikaw nalang ang namat-" Sinampal ko si melanie, at nagawa ko 'yon ng madali dahil sa magkatapat lang naman kami.
"Can you both please stop? If you can't respect each other. Igalang n'yo naman ang pagkain!" Sigaw ni aries na nagpabalik sa'kin sa pagkakaupo.
"And you, Why do you need to ask things like that? Nagaaway-away sila dahil sa mga tanong mong 'yan e" Sigaw ulit ni aries pero this time, para kay Dr. Emmanuel.
"You! Know your place! Nandito ka sa pamamahay ko! Matuto kang gumalang sa mas nakakatanda sa'yo! Ang sinabi ko kanina ay 'No offense' Hindi ko na kasalanan kung magaway away sila!" sigaw pabalik ni Dr. Emmanuel. "Tsaka isa pa, Pinapatira lang kayo dito. Mahiya hiya naman kayo ng konti sa mayari"
Dahil doon ay tumayo ako.
"Thank you sa pagpapatuloy sa'min dito 2 hours ago, Aalis na kami"
Sa lahat ng ayaw ko ay 'yung sumbatan. Ayoko ng tumutulong ka sa kapwa mo tapos in the end isusumbat mo pala.
Hindi ko alam kung duling ba ako o ano kase nakita ko si Dr. Emmanuel na sumama ang tingin sa'kin.
Naglakakad kaming lahat pabalik sa kwarto para kuhanin yung mga gamit namin ng hilahin ako ni melanie.
"Hoy, anong kaartehan 'yon ha? Anong aalis? Hindi lang ikaw ang may karapatan magdesisyon kung aalis o hindi! wag kang padalos-dalos! Saan tayo titira ha? sa van?" Iwinaksi ko ang kamay n'ya na nakahawak sa braso ko.
"Wala naman sa'kin kung gusto mong magstay dito, Bahala ka sa buhay mo kung ayaw mong sumama! Basta kami, aalis kami!" I shouted to her face.
Papunta na sana ako sa kwarto ng tumatakbo yung dalawang bata galing sa kwarto namin at para bang takot.
"Oh bakit?" tanong ko.
"Leona! Yung mga gamit!" Sigaw ni clyde kaya naman napatakbo ako at nakitang wala na sa kwarto yung mga gamit namin.
Si aries naman ay sumilip sa bintana.
"Yung van! Jam, Dylan! Tignan n'yo sa baba kung nand'on yung van!" Sigaw ni aries na sinunod naman nila Jam at Dylan.
"WTF is happening?" gulong gulo na tanong ko sa hangin.
Tila ba ay pinagsakluban kami ng langit at lupa dahil pareparehas na nakakunot ang mga noo namin at gulong-gulo sa mga nangyayari.
"I-ibig sabihin, totoo yung mga narinig ko? s-si General Paulo.." nanlalaki ang mata na tumingin ako kay melanie dahil sa narinig ko ang bulong n'ya.
"Anong meron kay daddy, melanie?" tanong ko.
"Y-yung daddy mo leona, N-nandito s-s'ya."
"ANO!?" Sabay sabay na sabi namin nila clyde, Jr at aries.
A/N:I JUST WANT TO INFORM YOU THAT VOTE AND COMMENTS ARE HIGLY APPRECIATED, PEOPLE.
HIHI LABYU OL.