webnovel

CHAPTER TWELVE

CHAPTER TWELVE

LEONA's POV

Halos tatlong oras na kaming bumabyahe at tuluyan na ngang binawian ng buhay ang tatlong sundalo na binaril nung baliw na kasama namin.

Dahil sa nangyari ay mabilisan namin silang inilibing at yung natirang tatlong sundalo na nakasakay sa armored car ay pinalipat ko na dito sa van dahil madami-dami narin naman na ang nabawas at kasyang kasya na kami. Di ko alam pero lahat ng nangyaring pagkabawas sa amin ay, somehow i think na nakatulong din.

Nagpunta kami sa gas station para magpalit ng gulong, magrefill ng gas at maghugas dahil nga sa kami-kami lang rin ang naglibing d'on sa tatlong sundalo.

Dahil mukhang normal pa ang lahat dito ay bumaba kami ng van na walang dalang kahit anong armas. Nagpapalit palitan kami tuwing lalabas ng van para kahit papaano ay may natitira parin sa van para magbantay.

Pinalinisan narin namin ang van kase napakadumi neto, ginisa pa nga kami ng tanong nung mga nagtatrabaho sa gas station e. Kesyo kung bakit daw may mga bahid ng dugo yung van, Kesyo bakit daw may kasama kaming mga sundalo.

In order to get them still calm, Nagsinungaling kami. But we promise to ourselves while lying to them na hindi makakaabot ang mga zombie dito. Na hindi nila malalaman ang kung ano ang nangyayari sa manila.

Nakapagbihis narin kami ng damit at lahat ay natapos na ng mabulabog kami ng isang pagsabog hindi kalayuan. Nagkatinginan kami nila Aries, Clyde at melanie.

"Tara na" sabi ko at sumakay na ng van.

Nakasakay na ang lahat at akmang aandar na ang sasakyang namin ng makakita ng isang babaeng buntis na tumatakbo.

"TULONG! TULONG! May mga halimaw doon! Yung asawa ko k-kinain sya!" Pinagtitinginan s'ya ng mga tao at pinagbubulungan.

Inunlock ko ang pinto at sinuot ko ang vest na lagayan ng katana at baril.

"Teka leona, sa'n ka pupunta? Anong gagawin mo?" tanong ni clyde.

"Kahit yung buntis lang, Please" Sabi ko at bumaba ng van saka nilapitan yung buntis.

"Ale, Sumama ka po sa'kin, mapoprotekrahan po namin kayo at ng baby n'yo" sabi ko at ngumiti.

"N-naniniwala ka sakin?" i nodded.

"Omygod tignan n'yo, baril ba yung nasa likod n'ya?"

"Oo nga"

"Mga hired killer siguro ang mga 'yan"

"agree"

Dahan-Dahan kaming naglakad nung buntis at ilang hakbang pa ay van na nung may mga hingal na hingal na mga tao ang nagtatakbuhan rin papunta sa gawi namin.

"Tumakbo na kayo!" sigaw nung lalaki.

Inaalalayan kong sumakay yung buntis ng bigla akong itulak ng ilan sa mga tumatakbo at nagpupumilit syang sumakay ng van.

"PASAKAYIN NYO KO PARANG AWA NYO NA!" Sigaw nya.

Nagsisimula namang matakot yung dalawang bata na kasama namin dahil sa ginagawa nung lalaki.

Kahit anong pilit namang taboy nila aries at clyde sa lalaki ay di padin ito umaalis.

Binuksan ko ang pintuan sa tabi ng driver's seat at sasakay na sana ng may mga kamay na humila sakin at tinulak ako palayo ng van.

Dahil may ilang hakbang ang layo ko sa van ay kitang kita ko kung paano dumami ang mga taong nagpupumilit sumakay kaya naman ay hinugot ko ang baril ko pinaputok 'yon sa ere.

bumaba si clyde at yung tatlong sundalo kaya naman natahimik silang lahat.

"Andami nilang baril"

"Mapoprotektahan nila tayo"

"May mga sundalo pa silang kasama"

"Ligtas na tayo"

Mukhang malayo layo ang natakbo ng mga ito dahil wala pang ni isang zombie ang nakakaabot dito sa pwesto.

"Age?" tanong ko.

"34"

"28"

"32"

"17"

tumigil ako sa tapat nung babaeng nagsabi na seventeen lang daw sya at pinapasok ko sya ng van.

"Give us one reason why should we take you" sabi ni clyde.

"Maganda ako"

"Mabait po ako"

"kaya kong makipaglaban"

"mayaman ako"

"anak ako ng mayor"

"May sakit ako" tumigil ako sa harap nung babaeng medyo kaedad ni daddy na babae at tinignan sya mula ulo hanggang paa.

physically she's healthy at mukha syang mayaman. Morena ang balat at mukhang may pinagaralan.

"Anong sakit mo?" tanong ko.

"HIV/AIDS"

"sakay" sabi ko at sumakay narin sa tabi ng driver's seat.

Sumakay narin sila clyde at yung mga sundalo.

"Teka, paano naman kami?"

"oo nga"

"mga sundalo kayo at sigurado ako na isa karing sundalo! Layunin nyong unahin ang kapakanan ng iba! Tulungan nyo kami!"

"Oo nga!"

napatingin ako kay aries.

"You guys are all healthy and young, You can run for your life" panimula ko.

Nagabot sakin si clyde ng limang hand guns at ibinigay ko 'yon sa mga taong hindi nakasakay samin.

"Your welcome" sabi ko ng maiabot ko sakanila yon atsaka pinaharurot na ni aries ng takbo ang van.

"We are all now twelve sakto lang sa maximum capacity nitong van. Me- Leona, Aries, Clyde, Melanie, B1 and B2 , The three musketeers and the three newbies" i said then smile at them.

"Maraming maraming salamat sa tulong nyo hija, Ano ba ang mga pangalan nyo ng maisama ko kayo sa mga dalangin ko" sabi nung buntis.

"okay guys, lets have a short introduction one by one. Ako muna, My name is Leona Ocampo. General Paulo's Daughter and this guy right here is Aries Alboleras my Bestfriend" sabi ko at pinatong ang kamay ko sa ulo nya "Ako na nagpakilala sayo ha? sige drive kalang" sabi ko.

"I am Melanie, Aries Girlfriend"

"Clyde here. General Paulo's Right hand or assistant"

"Kami po ba yung tinutukoy n'yong three musketeers ma'am leona? ako po si Jr, Sya si Dylan at etong isa si jam" sabi nung tatlong sundalo.

"I forgot who am i po e, Pero sabi po ni ate dragona kanina I am B2 daw po" Sabi nung isang batang lalaki, kwinento nya kase sakin kanina na wala daw syang naaalala kaya sabi ko sya nalang si B2.

"My name is Bianca po pero sabi po ni ate dragona, B1 nalang daw po"

"My name is Danielle but you can call me Dani, Thank you po pala sa pagsave sakin. love ko na po kayo agad" sabi nung seventeen years old girl.

"My name is Jane" sabi nung buntis.

"And my name is Hanna, Kagagaling ko lang sa Coma at may sakit daw akong HIV/AIDS" i saw aries, Tinititignan nya din kada kung sino ang magsasalita.

"Dragona, Kamukha mo yung Hanna" my forehead knotted sa sinabi ni aries.

"Kamukha ka dyan, ulul magdrive kana nga lang" sabi ko.

"Sige na, Magpahinga na kayo" sabi ko at pinikit narin ang mata ko.

Isang tao lang ang kamukha ko, At yun ay si mommy. Well yun kase ang sabi ni daddy eh. Di ko pa kase nakikita ang whole face ni mommy ng malinaw.

I've only seen her at picture, tapos malabo pa. Yung picture nyang 'yon ay nandito sa suot kong relo. Nabubuksan 'tong relo at may lagayan s'ya ng picture, regalo 'to ni mommy kay daddy pero binigay sakin ni daddy ng mag sixteen ako.

Picture ko at picture ni mommy ang nilagay ko tutal araw araw ko namang kasama si daddy kaya si mommy nalang napili kong ilagay.

Nächstes Kapitel