CHAPTER NINE
MYREEN's POV
"WAAAAAAAAAHHHHH" Napapikit ako ng mariin sa lakas ng ngawa ng sanggol na napulot ko lang sa basurahan nung time na dinakip ako ng mga sundalo at isinali sa mga elixir tester nitong nakaraang linggo.
Yes, Hindi ko naman talaga anak 'to. Single and ready to mingle pa ako 'no! tsaka paano naman ako magkakaanak eh wala nga akong matris.
Matagal ko ng pinapangarap na magkaroon ng mani. ang boobs naman, keri pa kase may tinetake akong pills, Kaso dahil sa hirap ng buhay ay hindi kinaya ng lola n'yo magpalagay ng mani. at habambuhay na ata na saging ang nakadikit sa katawan ko.
Alam n'yo, Bet ko 'yong sundalo na, teka. ano nga pangalan n'on? Claude? Hindi e. Clyde ata.
"WAAAAAAAAHHHHHHH!!!" napairap ako at binuhat ang sanggol na iyak ng iyak. Pinangarap ko din magkababy, pero yung baby na hindi iyakin! hmp.
"Padedein mo kaya si baby, mukhang gutom na e" sabi nung gwapong sundalo na si clyde na tumigil sa pintuan nitong kwarto para magcheck kung ayos ba ang lahat.
"A-ah kase ang totoo n'yan, Wala talaga akong gatas at hindi ko 'to anak"
"ANO!?" sa lakas ng pagkakasabi ni pogi n'on ay naintriga ang ibang chismosa at nakichismis na.
"Gusto mo talagang ulitin ko? kaloka 'to, bingi lang?" tanong ko at napairap. Gosh, ang gwapo gwapo nga bingi naman.
Inilapag ko muli ang iyak ng iyak na sanggol saka sinimulang tanggalin ang sinturon ko.
Nagtakip sila ng mata kabilang si clyde kaya muli akong napairap.
"A-ale, hindi mo kailangang ipakita yan" sabi nung isang binata na nakasama namin sa laboratory bilang elixir testers.
"Para sabihin ko sainyo, Hindi talaga ako babae. Well pinapangarap kong maging babae kaso sa maling katawan nailagay ang babae kong kaluluwa e" sabi ko at ibinaba ang suot kong palda.
"Ang haba"
"Ang laki"
"Talo tayo mga tol, tara uwi" bulungan ng mga chismosong sundalo na nakikitingin.
I rolled my eyes at itinaas ulit ang suot kong palda at bumuntong hininga.
"As i was saying, Hindi ako ang mother earth ng batang ituu"
"Kanina, doon sa lab. Kaya ba umiyak ang sanggol na yan eh dahil sa wala naman syang masipsip na gatas?" tumango-tango ako.
"Isang malaking tumpak pak pak!" sabi ko.
"Edi gutom na gutom na yang bata!" biglang pumasok si melanie at kinuha ang sanggol at di ko na alam kung saan nya dinala.
nagsialisan sila at ako nalang ang natira. Napasandal ako sa bintanang nakabukas at marahas na bumuntong hininga.
Hinihiling ko rin naman ako talaga ang tunay na ina ng batang 'yon ah? hayys. nadedepress ako ha goodness.
Nasa kalagitnaan ako ng pagiisip ng makaramdam na may kumagat sa batok ko at hinila yon. kaya naman ay nanlalaki ang matang hinawakan ko ang batok ko at napatingin sa bintana.
Bumungad sakin ang isang carrier ng ViruZ na kumakain ng nakuha nyang laman sa batok ko.
Maya-maya pa ay bumagsak ako sa sahig at hindi ko na makontrol ang paggalaw ng katawan ko.
Nag All black ang vision ko pero nararamdaman ko ang pangingisay ng katawan ko, hanggang sa tuluyang tumigil ang pangingisay at panginginig at wala na akong maramdaman na kahit ano o makita.
LEONA's POV
I felt sick.
Sobrang sakit ng buong katawan ko at ang hapdi narin ng tenga ko dahil sa matinis na ugong na naririnig ko.
Pakiramdam ko rin ay parang binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit nito.
Siguro naman hindi 'to epekto ng pagkaka-kagat ni aries sa kamay ko diba?
Pinilit kong tumayo at maglakad hanggang sa napansin kong nasa sala na pala ako. Ang ilan sa mga sundalo ay tulog na at ang iba naman ay gising at nanonood ng balita.
Papunta ako ng kusina ng mapansing nakatitig sa kawalan yung nanay nung sanggol na sinagip namin, kakatukin ko sana kung ayos lang sya ng makakita ng bakas ng dugo sa bintana.
Nakakunot ang noong pinagmamasdan ko yung babae saka ko nakita na may umaagos na dito sa likuran nya galing sa batok niya.
Walang ingay na hinila ko ang pinto at ilalapat ko na sana yon para isarado ng biglang sumulpot sa gilid ko si clyde at tinulak ng malakas yung pinto.
"Oy baks, Tara inom" kahit masakit ang ulo ko ay mabilisan kong hinugot ang baril sa tagiliran ni clyde.
"RRRRAAAAA!!!" Susugod na sana sya ng kagat kaya naman ay shinoot ko sa bibig nya ang bariles ng baril saka 'yon pinutok.
Umalingawngaw ang ingay ng putok ng baril at nagkalat ang parte ng ulo nung babae.
"anong sabi mo clyde? baks?"
"oo, Hindi kase yan babae. kundi binabae" i nodded at sinaoli sakanya ang baril at dumiretso na sa kusina.
Kumuha ako ng ilang gamot saka ininom 'yon. Maglalakad na sana ako pabalik ng pagtalikod ko ay nakita ko si aries na nakatitig sakin dalawang hakbang ang layo.
"Are you okay?" Mahinang tanong nya.
I smiled and nodded.
"Stop lying, will you?"
"Im not lying, duh" iirapan ko sana sya nang inisang hakbang nya ang pagitan naming dalawa at pinitik ang noo ko.
"Ouch! You brute!" i said while massaging my forehead. bwiset to.
"Mainit ka" he said. At di pa nakuntento si kupal. pinitik rin nya ang kamay ko na nagmamasahe sa noo ko saka nya pinakiramdaman kung gaano ako kainit.
Tinabig ko ang kamay nya.
"ano ngayon? lagnat lang 'yan di pa ako mamamatay" sabi ko at nagsimulang maglakad at umakyat.
Nakafocus ako sa pagakyat nang halos atakihin ako sa puso ng biglang sumulpot si aries sa gilid ko, nakapamulsa at nakikisabay sa pagakyat.
"Hindi ka man lang ba curious kung pa'no ka napunta dito?" tanong ko kase parang nananatili syang kalmado.
"You are sick"
iba din talaga to magsalita e, hayop yan laging kulang kulang magsalita.
"Oh? tapos?"
"I dont want to bother you" he smiled. oh shit please lose that freaking smile.
"magkano na ipon mo?" i asked.
"Ipon saan?"
"Tipid na tipid ka kase magsalita e, di ka parin nagbabago. Please speak a sentence nga tss, kulang kulang magsalita ang potek nakakastress"
Dahil sa maikling paguusap namin ay di ko namamalayang nasa tapat na pala ako ng kwarto ko.
I was about to open my door when he speak, "Pagaling ka" at nagulat ako ng bigla nya akong yakapin.
"A-ah yeah. sige Goodnight ipis"
He smirked.
"Goodnight, dragona" at halos maglose ang garter ng panty ko ng bigla n'ya akong kindatan.
Abat! Ang harot naman talaga! GrrRr