CHAPTER SEVEN
LEONA's POV
"You have arrived" itinigil ko ang kotse ng makitang ilang hakbang nalang ang layo ko sa kotse nila daddy.
Pinagmasdan ko ang lugar.
Para lang akong nasa isang subdivision. Medyo tahimik at may iilan iilang tao ang naglalakad lakad.
Ni wala nga akong makitang sundalo sa paligid e.
"Nasaan kaya dito nageexperiment sila dad?" sa kakalibot ko ng tingin ay may nakita akong sundalo na lumabas galing sa isang maliit at ordinaryong bahay.
Ordinaryo talaga as in. Walang 2nd floor o rooftop. Isang bahay lang talaga pero may gate din sya na nakapalibot dito.
Nagmasid-masid ako for 2 hours at napanganga ako ng makitang lumabas si daddy kasama ang halos isang Company ng sundalo at kinakausap nya ang mga ito.
WTF? Isang buong Company ng sundalo magkakasya sa bahay na yon? I mean, yes. Maybe magkakasya nga sila but adding the fact na malaki ang posibilidad na doon din sila nageexperiment edi may equipments doon.
Plus, the fact na sundalo lang sila ibig sabihin may mga proffesional doctors na kasama.
So WTF talaga.
Nang makita kong umalis sila daddy kasama ang kalahati ng company ay nagsuot ako ng hooded jacket at pasimpleng naglakad.
Pumasok ako doon sa gate na pinaglabasan nila daddy at saka ako pumasok sa bahay.
And there ay halos malaglag ang panga ko. Sino ba namang matino ang makakapagisip na may kakaibang nangyayari dito? Eh ordinaryong bahay lang to sa labas pero pagpasok mo nasa pinakatopfloor ka pala. which means, PAUNDERGROUND ANG BAHAY NA 'TO.
Kung titignan dito sa taas ay napakalaki ng ibaba, May tatlo o dalawang floor pa pababa at talagang malaki yon.
Napayuko ako bigla ng may makita akong naguusap na sundalo sa floor na kasunod lang nito.
Nagsipagtayuan ang mga balbon ko sa katawan ng makarinig ako ng malakas na ungol. Yung ungol na galit at gutom.
Gagapang pa sana ako ulit ng biglang namatay ang ilaw at kasunod nun ay ang pagtunog ng alarm.
Narinig ko ring nagtatakbuhan ang mga sundalo at nagmamadali. Habang narinig ko rin na nagsisigawan na ang mga tao sa ibaba at mas lumakas rin ang mga ungol na naririnig ko kasabay ng mga kalampag.
Dahil sa dilim ay parang nagkakagulo ang lahat. But thanks to the alarming sounds na may kasamang red lights. I can still see some things.
hinugot ko ang dalawang long barrelled hand guns na may silencer sa likod ko saka nagsimulang tumakbo pababa.
Natigilan ako sa pagtakbo ng makarinig ako na may something na nasira sa baba kasunod noon ay sunod sunod na pagputok ng mga baril.
May napansin akong papatakbong sundalo na nakasuot ng night vision glasses. Hinabol ko yung sundalo saka pinalo sa batok ng baril at kinuha ang night vision glasses.
Nasa Last floor na ako at napatigil nanaman ako sa pagtakbo ng makarinig ng napunit na kung anong laman. ano ba 'yon?
Sinampal ako ng masangsang na amoy at ng ibat ibang amoy ng gamot at kemikal ng dumaan ako sa isang daanan na may nakalagay na "Only Authorized Person can enter" Siguro naman authorized person ako diba? anak naman ako ni daddy e.
Napatigil ako sa pagtakbo ng biglang magkailaw at bumungad sakin ang mga sundalo na binabaril ang mga- wait, ano bang itatawag ko sa mga 'to?
Kung sa itsura, Tao pa naman kaso nga lang, taong naaagnas ganon tapos may mga part sila ng katawan na pwedeng maghiwahiwalay tapos babalik ulit sa dati.
Atsaka, Kamukha sila nung nakaharap ko sa miraculous hospital nung nakaraan. Ang kinaibahan nga lang, mas hyper ang mga 'to at todo kung magwala. at ang malala, Brutal sila ha.
"LEONA! TULUNGAN MO KAMI! DITO!" narinig ko ang boses ni melanie pero hindi ko sya makita. yan kase ang liit liit na tao.
"Boys! Protektahan si Maam leona! tayo ang mapapatay ni Sir pag si Maam ang napahamak!" rinig kong sigaw ni clyde.
Napataas ang kilay ko ng matapos sumigaw ni clyde ay sinunggaban sya ng dalawang nilalungs na yon.
mabilis na hinanap ng mata ko si aries, and there i saw a man na halos nakalambitin ang katawan at tulog sa isang nakabukas na human sized capsule.
Tatakbo sana ako pero may nakaharang pala sa harap ko.
kumunot ang noo ko ng mapansing parang kahawig nya ang kuya ni melanie dahil sa suot nitong damit at sa laki ng katawan nito at tangkad.
Ang kakaiba lang sakanya ay warak na ang mukha nya at tyan nya na animo ay pinagpyestahan, pero ang nakakapagtaka ay nakatitig lang sya sakin na parang pinagmamasdan ako?
"dumbo?" pagkasabi ko non ay bigla syang naging rapid at susunggaban sana ako nang mariin kong tinutok ang dalawang long barrelled hand gun ko sa ulo nya.
"Paniguradong putok ulo mo dito dumbo" sabi ko at kinalabit ang gatilyo.
kasunod non ay ang pagtalsik ng mga parte ng ulo nya sa kung saan saan pati na sa damit at mukha ko.
Tumakbo ako at hinila si aries saka inilagay muna sa isang tabi.
"clyde!" Tawag ko kay clyde na busy sa pagbaril.
with that ay biglang napalingon sa akin ang mga bagong kakaevolve palang na mga zombies, sila yung mga doctor na nakagat nung kaninang iilan lang.
Zombie nalang ang itatawag ko sa kanila galing sa pangalan ng project Z ni mommy at ViruZ na sinasabi sa balita na kumalat at nalutas last 2 decades ago.
Pinulot ko ang stainless na lagayan ng mga tools dito sa table at binato yon sa kung saan. Nakuha non ang atensyon ng mga zombie at doon na sila nakatingin ngayon.
Sinenyasan ko si clyde pati na ang ibang sundalo na wag gagawa ng ingay. Gaya kanina na hindi ako nagsasalita ay nasa harap ko lang yung kuya ni melanie at nakatitig lang. Muntanga lang ganon.
lumapit sakin si clyde at sinundan naman sya ng tingin ng mga zombie. Yung iba parang nagalit pero yung iba nanatiling kalmado.
"Narinig ko ang boses ni melanie kanina, Nandito ba sya?" tumango sya.
"Sya lang ba o meron pang iba?"
"meron pang iba"
"We need to take them out of here tapos pasabugin nyo nalang 'tong lugar" sabi ko and he nodded.
sinundan ko sya at pinalibutan naman kami ng iba pang natirang sundalo, napangiti ako ng makitang ang isa sa kanila ay bitbit si aries sa likod.
May hinihilang tela sila clyde at lumikha yon ng konting ingay kaya naman paunti unti ring lumingon sa gawi namin yung mga zombies na nakatanga sa binato kong stainless steel.
Nang matanggal nila ang tela ay sinenyasan ko sila melanie pati na ang iba pa na wag magiingay. Medyo nagulat ako ng konti ng makita na may sanggol silang kasama pero buti nalang hindi umiiyak kase pinapadede sya.
Sa bilang ko ay nasa anim lang sila at pang pito ang sanggol.
Ang isa ay may edad na at ang isang babae naman ay kasing edad ni daddy na syang may hawak ng sanggol at nagpapadede habang ang dalawa naman, si melanie at yung isang lalaki ay sa tingin ko'y kasing edad ko at may dalawang maliit na bata at isang sanggol.
"Isang Sundalo, kada isang tao okay? at clyde, tayong dalawa doon sa babae na may hawak na sanggol" bulong ko at tumango tango naman sila.
Nagbato si clyde ng kung ano sa kabilang gilid at gumawa yon ng sunod sunod na ingay kaya naman ay nagsipagtakbuhan ang mga zombies doon.
Pero hindi silang lahat ang tumakbo, May iilan sa kanila na natira at galit na nakatingin sa amin, dahan dahan kaming naglakad habang nakatingin sa kanila para kapag humabol sila ay alam namin.
Naging alerto ako ng mapansin ko ang biglang pagtanggal mismo ng baby ang pagkakasalpak ng dede ng babae sa bibig nya at tila ba ay iiyak na sya.
Mabilis kong kinuha sa babae ang baby at tumakbo ng magsimula na 'tong kumuha ng pwersa para umiyak. yung para bang kumukuha ng hangin tapos ibubuga ng napakalakas?
Nang kumawala ang malakas na pagiyak ng baby ay syang naging hudyat para magsipagtakbuhan narin ang iba dahil paniguradong hahabulin na nila kami.
Habang tumatakbo kami, ang iba naman ay binabaril ang mga humahabol sa amin. Nang makarating na kami sa pinakataas at nakalabas na kami ng bahay at habang patuloy paring tumatakbo ay sumisigaw ako.
"PASABUGIN NYO NA YAN!" Sigaw ko habang tumatakbo palabas ng gate habang hawak ang baby na patuloy parin sa pagiyak.
Isinakay ko ang baby at yung nanay ng baby sa kotse ko. Isinakay rin ng isang sundalo si melanie at si aries na lupaypay ang katawan at tulog parin sa kotse ko.
Sumabog ang bahay pero hindi yon naging sapat para mapatay ang hindi hihigit sa bente na Zombies.
Nabulabog ang ibang tao na nakatira sa malapit kaya naman ay nagsilabasan sila.
Pumasok ako ng kotse ko atsaka yon pinaandar. nakita ko naman sila clyde at ang ibang sundalo na sa isang armored car sumakay.
Nagsitaasan ang mga buhok sa katawan ng makita ang nagtatakbuhan na zombies na papalapit sa amin.
Pinaharurot ko ng andar ang kotse at hinayaan kong nakabukas ang bintana sa kaliwa ko, dahil kada madadaanan kong tao na nagtataka sa kung ano ang nangyayari ay sinisigawan ko na pumasok sa mga bahay nila at maglock ng pinto.
"Hoy leona, di pork-"
"Putangina, mamaya kana pumutak na hinayupak ka" singhal ko na nagpatahimik naman sa kanya.
Nakalabas ang mga zombies, Madami silang makakagat at mahahawaan dito sa labas.
Sh*t, malaking gulo 'to.