webnovel

Chapter Seven

Nang dahil sa ginawa kong gulo sa ball, napilitan kami ni Celine umalis at umuwi.At dahil sa ginawa ko, nasira ko ang gabi ni Celine. Kahit sinabi nya na okay lang kung umuwi kami, alam kong malungkot sya.

Habang nasa kotse kami tahimik lang sya at nakatingin sa labas. Kahit isang bese, hindi sya tumingin sa akin. I don't know how to start any conversations now after of what I've done.

Pagdating namin sa bahay nila, hindi na nya ako hinintay na pagbuksan pa sya ng pinto ng kotse. Agad syang pumasok sa loob.

"You can go home now. Just leave the key to yaya." She said without looking at me.

"Celine, I'm sorry" sabi ko. Hinintay ko kung hihinto sya. Oo, huminto pero hindi sya tumingin sakin. Alam ko na galit nga talaga sya. Kagaya ng sinabi nya,iniwan ko sa yaya nya yung susi at umuwi na ako gamit ang sarili kong sasakyan.

Nang makarating ako sa bahay dumeretso na ako sa kwarto ko. Itinext ko sya para magsorry ulit at ngayon naghihintay ako ng reply. Ala una na pero wala pa din syang reply. As if naman magrereplya sya sayo Xander! Ala una na nga diba !? Malamang tulog na yun. Sa kahihintay ko nga sa reply nya hindi ko na namalayan na nakatulog na ako.

Pagkagising ko 6 am pa lang.This is the first time that i woke up so early. 9 or 10 am ang pinakamaaga kong gising pero dahil sa nangyari kagabi, heto ako, hindi nakatulog ng matino.

"Oh hijo, ang aga mo nagising ngayon ah." Mom said ng makita nya akong nakaupo sa sala habang hawak ang phone ko at naghihintay pa din ng text ni Celine. Lumapit sakin si Mommy at umupo para magbasa ng news papers. Bakit ba ako naghihintay pa ng reply? Tumayo na ako para umalis. Kung hindi nya ako replyan, kakausapin ko na lang sya ng personal. Sandali lang ang byahe papunta sa bahay nila.

"Celine??" Sigaw ko sa loob ng bahay nila. Hindi naman yung malakas na sigaw, yun sakto lang. Lumabas sa kwarto ni Celine yung yaya nya.

"Ay hijo,wala dito si Celine."

Wala si Celine?

"Na-nasan po sya?"

"Nasa condo nya.!" Sagot nya hahang inaayos ang mga damit na kinuha nya sa kwarto ni Celine.

"Umalis sya kagabi nong pagdating nyo galing sa party. Pinalipat na nga nya lahat ng gamit nya don eh.!" Lumipat na sya ng condo?

"San po ba yung condo nya? Alam nyo po ba kung san!?" Di ko na napigilang itanong. Kaya siguro sya hindi nagrereply dahil busy sya sa paglipat sa condo.

"Xander, hindi ko nga alam kung saan yun eh. Hindi naman nya ako isinama don. "

Pano ko malalaman kung san ang condo nya? E kahit pala ang yaya nya ay hindi alam. Maybe my mom know where it is.

"Mauna na po ako.!" I said. Napansin kong medyo natigilan ang yaya nya sa sinabi ko. Ano nga ba ang sinabi ko?? Umalis na lang ako. Tinawagan ko lang si mom para tanungin and now I'm on my way now papunta sa condo nya.

Ilang beses na akong nagdo- doorbell pero wala naman lumalabas. Maybe she's not here so i decided to hang out. But not with those girls. Manonood lang ako ng motocross. Alone.

Nächstes Kapitel