Any Swifties there? You can play Sparks Fly by Taylor Swift while reading this Chapter or just play the multimedia above 🤠
Happy Reading!
Chapter 21
Belle
My heart beats rapidly. Anytime now it can jump off of my chest because of the nervousness I've been feeling. Namumuo na sa utak ko ang paliwanag na pwedeng sabihin kay Rhonin, pero hindi kayang sabihin ng bibig ko. Nababara.
It looks like I cheated on him even if it's not.
"Kasama mo siya buong gabi?" He repeated.
Napakagat ako sa pangibaba kong labi dahil sa bigat ng titig niya sa akin. My mind went black for a second.
"K-kanina ano... K-Kanina ka pa d-diyan?" I even stuttered!
Nakatingin pa rin siya sa akin at hindi nagsasalita, parang may nasabi akong masama. I can't take his gaze. Tinutunaw ang mga tuhod ko.
"Si Peter iyong pinuntahan mo kahapon?" He said, coldly.
"O-Oo, ano k-kasi may ano... Nagkaproblema si Peter. Kaya ano... Sinamahan ko muna." Paliwanag ko.
Leche 'tong bibig na 'to. Bakit hindi ka makapagsalita ng maayos? Bakit ba kasi ako kinakabahan?! Wala naman akong nagawang masama! Pakiramdam ko iniimbistigahan ako ng Tatay ko dahil hindi ako umuwi ng bahay buong gabi.
Alanganin akong ngumiti sa kanya para sana kahit papaano ay mabawasan ang kabang nararamdaman ko. Akala ko ay hindi makakatulong iyon.
He sighed before his face becomes soft. He show me his handsome smile once again. Lihim akong napabuntong-hininga, para akong nabunutan ng tinik sa ginawa niyang pagngiti sa akin. Parang bigla, lumiwanag ang paligid.
"Kumain ka na ba ng breakfast? Gusto mo sabay na tayo?" Nakangiti pa rin siya sa harapan ko.
Gusto ko sana sabihin na kumain na ako kasama si Peter, pero ayaw ko naman na madisappoint siya. And I don't want to ruined his heart-warming smile.
Umiling ako sa kanya dahilan para kuhanin niya ang kamay ko at hilahin ako paalis ng parking lot.
Pagkarating sa cafeteria ay parehas kami na umorder ng makakain na almusal, mabuti na lang at naabutan namin ang pang-umagang luto dahil kung hindi ay mapapakain talaga kami sa fast food.
Pagka-order ay naupo na kaagad kami sa pinakamalapit na lamesa. Ramdam ko ang bigat ng hangin sa paligid namin dahil tahimik kami parehas. All I can hear is the murmur of the people around us.
Nagsimula akong kumain at minsan ay napapatingin sa tahimik na kumakain na si Rhonin. He's not like this. Kapag kasama ko siya ay maingay siya at laging nagkwe-kwento ng kung ano-ano. Hindi ako sanay na tahimik siya ngayon. Parang may iba.
Natapos kaming kumain na wala man lang nagsasalita sa pagitan namin. Kung dati ay kaya ko ang makipagtitigan sa isang tao ng matagal ng hindi kumukurap, ngayon naman ay panay ang iwas ko ng tingin kapag nagkakatinginan kaming dalawa. I really can't stand his eyes, parang may kung anong humihila sa akin kapag natitingin ako roon.
"Rhonin, ano kasi---"
"You want some coffee?" Naputol ang dapat na sasabihin ko dahil sa sinabi niya.
"Ahm.. Hindi. Mamaya na lang siguro, mga hapon." Sabi ko habang kinakalikot ang kamay ko sa ilalim ng lamesa.
I bit my lower lip as I think a topic, para mawala 'yung dead air. Nakita ko ang pagtingin niya sa mga labi ko bago iyon mag-angat sa akin. Nagkatinginan pa kami bago nag-iwas ng tingin sa isa't isa. Bakit biglang uminit dito?!
"May pupuntahan ka ba bukas?"
Napatingin ako sa kanya nang marinig ang sinabi nito. He gazed at me intently with his normal smile, this smile can make others smile too, including me. Waiting for his questions to be answered.
Is he asking me for a date?
Inirapan ko ang sarili. Ang advance ko naman magisip kung ganoon. What if, he's asking if I'm free tomorrow? What?! Ganoon na rin 'yon, Belle! Baka naman kasi nagtatanong lang, tapos nago-overthink lang pala ako, e'di nagmukha akong tanga 'di ba? Leche.
Wait, linggo naman bukas kaya walang pasok. It's either I will sleep all day or dadalaw ako sa bahay namin. Paano kung sabihin ko na lang na may lakad ako? Gosh, mas mahirap pa siguro itong tanong ni Rhonin kaysa sa mga tanong noong exams. Sa huli ay naisipan ko rin naman sumagot.
"Wala naman, bakit?" Finally! a safe answer. I guess? Tinanong ko na rin siya para malaman kung ano ba ang dahilan.
"Well, magsasara kasi kami ng shop bukas dahil aalis si auntie. Si crimson kasi ay nasa baguio, at hindi nagpaalam sa amin. Wala rin kaming practice ng team bukas. So…" He thrilled. He's scratching his nape as he looks at me.
"So?" I uttered, excitedly. Leche, pakiramdam ko naeexcite ako sa sunod niyang sasabihin. Bakit kasi binitin niya pa.
"Okay lang ba na... Samahan mo ako maglibot sa Manila? Well, para alam ko ang pasikot-sikot dito." He said.
"Oo naman!" I exclaimed with this smile on my face, without thinking what would happen to me if I get closer to him. Sumilay din sa mukha niya ang isang masayang ngiti habang napapailing.
Date it is!
Well, he didn't pointed out that it was a date, But it seems a date for me. Oo na, ako na ang assumera. Kaya maraming nasasaktan kasi naga-assume ng sobra.
My heart is beating fast because of the excitement and nervous. Ngayon ko lang naisip na kaming dalawa lang ang magkasama bukas ng buong maghapon. There's a possibility that we can get closer to each other, and that's what I'm most afraid of.
Tayo kasing mga babae, kapag nahulog tayo sa isang taong malapit sa atin, Mahirap na makaahon at bumalik sa dati mong wisyo. Malakas tayo sa harapan ng ibang tao pero mahina tayo pagdating sa taong nagugustuhan o minamahal natin.
Getting close to another man that I know, and found myself falling for him. I experienced that thing and I already learned my lesson for that.
---
"I've been calling you all day!" Maarteng sabi sa akin ni Rosè habang nasa kusina kaming dalawa. Dito na ako dumiretso para uminom ng tubig.
Siya ang naabutan ko dito sa dorm dahil wala iyong dalawa. Si Dawn daw ay hindi niya alam kung saan nagpunta dahil maagang umalis at si Silvia ay umuuwi every weekends para tumulong sa restaurant nila.
"I told you, my phone is drained. I can't answer calls from any of you." Ulit ko.
Nilapag ko ang baso sa lababo at nagtungo sa sala. Naramdaman ko naman ang pagsunod sa akin ni Rosè sa akin. Umupo ako sa sofa at ganoon din siya.
"Where have you been all night ba? You know, I'm worried." Malambing nitong sabi sa akin. Napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Nagkaproblema si Peter and he needs me, kaya pinuntahan ko. Doon na din ako nagpalipas ng gabi sa condo. Hinatid niya rin ako kaninang umaga." I uttered. Napatango-tango naman siya.
"Why did he called you instead of Dee? He's courting Dee, right?" She pointed out.
Napatango ako at ipinatong ang paa ko sa ibabaw ng lamesa. "Yeah, but his problem is Dee. I want to talk to her to."
"That explains why I've seen Dee yesterday looks tired and had a sleepless night. Oh! Tinatawag ko rin siya kahapon, but it seems like she didn't notice me." She replied. Bringing herself into an indian sit.
I planned to open my phone when I remembered something. Mabuti na lang at si Rosè ang kasama ko ngayon. I need to talk to her about something.
"Roro?" I uttered, calling her nickname. Keeping a shy smile on my face.
"Yes?"
"May pupuntahan kasi ako bukas, and I want your help on something." Keep your natural smile, Belle! Mahahalata ka niyan!
She intently looks at me before smiling suspiciously. Parang alam ko na ang susunod niyang sasabihin.
"A date, you mean?" I sighed.
"No! It's not a date! May pupuntahan lang talaga ako." Apela ko. Pero mas lalo lang lumawak ang ngisi sa labi niya.
She shrugged. "Okay sabi mo, eh." Nangingiti pa rin siya habang tumatayo at dumiretso sa cabinet ko.
Tinignan ang cabinet ko na puro T-shirts and polo ang laman. Nandidiri niya pa nga na tinignan iyon na para bang isang kasalanan ang pagsuot ng T-shirt. Well, what can I say? Rosè is a fashionable girl and I can't be like that. A simple shirt for me will do.
Humarap siya sa akin na hawak ang mga plaid skirts ko sa kamay niya. Nakabusangot ang maganda niyang mukha sa akin.
"Really? Plaid skirts? Are you a kid, Belle?" Maarteng sabi nito. Inirapan ko lang siya.
"Give me one good reason why should I wear a dress." I said, bored. Napahukipkip ako sa harapan niya habang nakataas ang isang kilay.
"Well, you should! You're cute and looks like a kid but you can be an attractive woman by just wearing a dress!" She exclaimed.
Well, we should trust a fashion designer.
"Okay, suko na ako. Just be sure that I'm going to be comfortable kung ano man ang papasuot mo sa akin." I sighed.
Hanggang sa mag-gabi ay nagtatalo kami sa kung ano ang susuotin ko. She showed me different kind of her dresses na wala man lang akong nagustuhan. All of that is revealing! Para akong pupunta ng bar at magtatrabaho bilang pokpok. Sa tingin ko rin ay walang babagay sa akin doon dahil maliit ako.
Inabot kami ng gabi sa kakahanap ng damit na masusuot para bukas. Gosh, I didn't expect that I need to prepare a lot for a simple meet up with him tomorrow. I can't understand myself anymore.
Hanggang sa matulog na kami ay naiisip ko pa rin ang planong 'paglilibot' namin ni Rhonin. I've been worrying too much. Hindi naman date ang pupuntahan ko pero ang daming what-if's sa utak ko. Hindi naman ako ganito. Sa kakaisip ng kung ano-ano ay hindi ako nakatulog ng maayos.
Kinabukasan, pinapagalitan ako ni Rosè sa kagagahan ko. Stress na stress siya sa natamo kong eye-bags sa pagpupuyat na para bang sinusumpa niya na 'yon.
Ang nakakapagtaka lang ay wala pa rin akong naabutan na Dawn ngayong umaga. Kagabi ay wala rin siya at tumawag lang sa amin na h'wag daw siyang problemahin at maayos naman siya. Noong tinanong ko kung nasaan siya, naibaba na niya ang tawag.
Maya-maya ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Rhonin na bumabati ng Good Morning. Lihim akong napangiti at nagtype din ng reply. Para akong tangang nakangisi rito sa cellphone.
"Here, my Mom gave it to me but I never wear this. It's just--- it's not my type. It's not revealing and I think it'll be look good on you." Nalipat ang atensyon ko kay Rosè nang magsalita ito.
Nilabas niya sa cabinet ang isang cream dress na may mga nakaimprentang mga bulaklak. It has flowers and leaves that gives an innocent aura. Ang nakakuha ng pansin ko ay ang isang angel sa may parteng dibdib noon.
Beautiful.
Is all I can say. Pinaligo na ako ni Rosè at pagkatapos ay pinasuot niya sa akin ang dress. It's weird because I feel comfortable wearing this. Kahit na litaw ang mga braso ko ay hindi naman ako nairita.
"Wow, you look like an angel!" Rosè exclaimed while having a proud smile on her face. Napangiti na rin ako sa sinabi niya.
Inilugay niya lamang ang buhok ko at nilagyan ako ng kaunting make up sa mukha. Mabuti na lang at hindi nairita ang balat ko sa nilagay niya. Pinasuot niya sa akin ang isang block heels na cream ang color. Noong una ay gusto ko na lang sana magsuot ng rubber shoes para komportable pero sinermonan niya lang ako.
Natapos ang mahabang paga-ayos niya sa akin ng kapwa may nakapaskil na ngiti sa mga labi namin.
"You ready?" Excited niyang tanong. Napatango na lang ako bago niya ako hilahin palabas ng kwarto.
Hinatid niya pa ako palabas ng dorm. Naga-away pa kaming dalawa dahil ayaw ko na ihatid niya pa ako. Pero dahil din sa makulit siya ay nagawa niya pa akong kaladkarin papunta sa arch. Kung saan naghihintay doon ang isang lalake.
He's wearing a dark grey shirt underneath of a light blue long sleeves, black ripped jeans and a black shoes. He's so handsome with his natural black curly hair and a gorgeous smile on his face.
Nang makita kami nito na papalapit ay bigla na lang nawala ang ngiti sa mga labi nito. Nagkatagpo ang tingin naming dalawa at bigla na lang akong kinabahan. I don't know why but I immediately got concious of myself. Parang gusto ko na lang kumaripas ng takbo at magtago na lang sa ilalim ng kumot ko.
Hanggang sa makalapit ako sa kanya ay hindi pa rin nawawala ang pagkalabog ng dibdib ko. Mas lalo pa itong lumakas ng pasadahan niya ng tingin ang suot ko, parang bigla gusto ko mamaluktot. Napaawang ang labi niya habang nakatingin sa akin. Hindi ko alam na pinagmamasdan ko na pala siya.
"Hey! Earth to Rhonin!" Rosè snapped in front of his face. Napatingin naman siya sa kaibigan ko na nakakunot ang noo.
"H-Huh?" He blinks twice.
"What do you think? Does she look beautiful?" Natutuwang sabi ni Rosè.
Bigla ay napatingin ako kay Rhonin, naghihintay ng isasagot niya. I'm out of breath while waiting for his answer. Our eyes locked. Seconds later, he gave me a shy smile.
"Adorable." He only said.
Naramdaman ko ang pumulupot na braso ni Rosè sa balikat ko bago ako bulungan.
"You didn't tell me that it was Mr.Iced Coffee." Asar nito. Inirapan ko lang ito at lumapit na kay Rhonin.
"Tara na?" He mumbled while his eyes looking at mine. I nooded.
Nagpaalam na sa amin si Rosè at baka raw maistorbo niya ang date namin na tinawanan lang naman ni Rhonin. Papalabas na kami ng school at may nakaabang na taxi sa labas. Binuksan naman ni Rhonin ang likod na pintuan habang nahihiyang nakatingin sa akin.
"Sorry, ito muna. Wala naman akong sasakyan." Natawa naman ako sa sinabi niya bago sumakay sa sasakyan. Nakapaskil pa rin ang ngiti ko sa labi hanggang sa magsimula ang byahe.
Panay ang kwento niya patungkol sa nangyari sa kanila ni Fio sa bar na pinuntahan nila. What do I expect? Bad influence talaga si Fio kay Rhonin. Unang beses pa lang daw siya nakapasok sa bar at hindi niya ineexpect ang nga nakita. Natatawa ako sa kanya dahil mukha ngang ngayon lang siya nakaluwas sa Manila.
He looks like an innocent child for me. Bawal na mapolluted ang utak niya pero sa hindi talaga maiiwasan lalo na kung naging kaibigan niya si Fio. A bad boy and an innocent? It didn't make a good combination but they did it work.
Wala naman siguro sa panahon ang pagkakaibigan. Kapag nag-click kayong dalawa, talagang magwo-work.
Binayaran ni Rhonin ang taxi fee namin. Sabi ko ay hati kami para hindi masyadong mahal, pero hindi siya pumayag. Siyempre, kahit mahilig ako sa libre ay mahihiya pa rin ako. Napangiwi na lang ako ng iabot niya sa driver ang tumataginting na buong limang daan.
"Sana pinagambag mo naman ako kahit 100 man lang." Reklamo ko, pagkaalis ng taxi sa harap namin.
Umiling lang siya sa akin at hindi pa rin naaalis ang ngiti sa labi. "It's okay, it's on me. Ako naman ang nag-aya kaya ako na ang magbabayad."
"But let me buy for our lunch, please?" Pinagdikit ko pa ang dalawang palad ko sa harap niya. He just nooded.
Naglakad na kami papasok sa isang blue na entrance. Maraming bata kaming nakakasabay sa pagpasok na ang iba ay may kasamang mga magulang. Iyong iba ay may mga nakaschool uniform at galing sa iisang school, mukhang field trip nila.
Si Rhonin na rin ang nagbayad ng entrance na 200 pesos, dalawa kami kaya doble iyon. Naglabas ako ng pera pero nakangiting ibinalik niya lang iyon sa akin. Napailing na lang ako sa ginagawa niya. Baka maubos ko ang sinahod niya ngayon buwan kapag puro siya ang gagastos ngayong araw.
Naikwento niya kasi sa akin na kakasahod niya lang at may natanggap siyang bonus sa auntie niya. Kaya malakas ang loob niya mag-aya na lumabas. Ayan, ha? Hindi na date.
"Welcome to Aquarius, Ma'am and Sir! Enjoy your stay!" Nakangiting bungad sa amin noong kumukuha ng ticket para makapasok.
Nang makapasok kami ay dumiretso kami sa isang fish pond na malapit, marami ang nakikitingin doon at namamangha ang mata ko sa nakikita.
Napakaraming isda ang makikita sa fish pond atang iba ay pwede pang ibabad ang paa nila doon. Gusto ko sana ibabad din ang paa ko kaso nalaman ko na may bayad. Napaatras na lang ako at balak na pumunta na sa aquarium pero hinila ako ni Rhonin pabalik. Siya na naman ang nagbayad para magbabad kami ng paa. Hinayaan ko na lang siya at baka magtalo pa kami doon.
Nakakarelax iyong ginagawa ng maliliit na isda sa paa ko, at the same time ay nakakakiliti. Nakakawala raw ito ng mga kalyo sa paa. Trenta minutos lang kaming tumagal doon bago umahon. Hinila ko na rin si Rhonin sa malalaking aquarium sa loob.
Mas lalo akong namangha sa malalaking isdang nakikita. Hindi ko alam ang mga tawag sa kanila pero natutuwa pa rin ako. May mga malalaki pang isda na nakatingin sa akin kapag nilalagay ko ang kamay ko sa salamin. Nakakatuwa.
Habang nakatuon ang aking mga daliri sa salamin ng aquarium ay naramdaman ko ang paghawak ng isang mainit na kamay sa kanan kong kamay. Napatigil ako sa ginagawa at napatingin ako sa katabi kong si Rhonin, na ngayon ay nakangiting nakatingin rin sa mga naglalakihang isda sa harapan.
Napatingin ako sa kamay naming magkahawak bago napabalik ang tingin ko sa harapan. Sumilay sa mukha ko ang isang pigil na ngiti sa labi.
---
There will be a part two of their 'paglilibot' kung saan dumada-moves si Rhonin! Hmmm? Stay tuned!
Love lots!