webnovel

Chapter 15: Danger

Chapter 15

Belle

"Tawagan mo ako kapag may kailangan ka, okay? I need to go may class pa ako." Nakangiting tumango ako sa sinabi ni Dawn. Tumayo na ito at umalis na ng clinic. Nakasunod lang ang tingin ko sa kaibigan hanggang sa makaalis ito ng kwarto. Nadako naman ang tingin ko sa lalake na hanggang ngayon ay nakahiga pa din sa sofa.

"Tumayo ka na diyan, wala na si Dawn. Panggap ka din, eh." Nakangisi kong sabi.

Dahan-dahan naman siyang tumayo sa pagkakahiga at humarap sa akin. Tulog-tulugan pa, gising naman pala.

"How did you know that I am awake?"

Tumayo ito at naglakad palapit sa upuan na inalisan ni Dawn kanina bago umupo. Umupo naman ako ng maayos sa gilid ng kama.

"Hindi ko naman alam, hinuli lang kita. Hindi ko naman alam na hindi ka pala natutulog." Maang-maangan ko na siya namang inirapan niya. Maya-maya ay seryoso itong tumingin sa akin.

"Okay ka na ba?"

"Yeah, inatake lang ako ng asthma ko kanina." Tumayo na ako sa kama para mag-ayos na.

"Sa susunod huwag mo ng gagawin 'yon."

"Yung alin?"

"You make me worried."

Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Seryoso siyang nakatingin sa akin habang malalim na nakatingin sa mga mata ko.

"What do you mean by that?" Nakakunot noo kong tanong.

Ilang segundo pa itong nakipagtitigan sa akin bago nagiwas ng tingin.

"Nothing."

Nagtataka ko itong tinignan bago ko inayos ang damit ko na nagusot at kinuha ang bag kong nasa paanan lang ng kama. Napatingin ako sa wall clock na nakasabit sa pader ng silid, lagpas alas dos na pala ng tanghali? Ibig sabihin ay absent na kami ni Fio sa first subject namin.

Binilisan ko ang pagaayos sa sarili at lumabas na ng kwarto. Naabutan ko naman na prenteng nakasandal si Fio sa pader habang masamang nakatingin sa taong kaharap niya. Agad naman akong nagtaka kung anong ginagawa niya dito.

"Peter? Anong ginagawa mo dito?"

Napatingin sa akin si Peter at bakas sa mukha nito ang pagaalala. Nilagpasan nito si Fio at lumapit sa akin. Hinawakan nito ang magkabila kong braso at sinuri ang buong katawan ko.

"Dawn told me everything. Are you okay? Gusto mo bang ihatid kita sa dorm niyo? You want to rest?" Sunod-sunod nitong tanong na nagpailang sa akin. Kakaiba kasi yung tingin niya na hindi ko maintindihan.

Kinalas ko ang mga kamay niya sa braso ko at pilit na ngumiti sa kanya. Napatingin ako sa likuran ni Peter ng makitang nakatingin sa amin si Fio. Ang sama ng tingin niya kay Peter na para bang anytime ay pwede na niya itong suntukin.

"I'm okay naman na and I don't need to go to our dorm. I still have class to attend to, Peter." I uttered. Nagulat ako ng bigla na lang nitong hawakan ang kaliwang kamay ko at matamis na ngumiti sa akin. Ngiting matagal ko nang inaalis sa sistema ko.

"Ihahatid na kita, Like the old times." Hindi na ako nakapagprotesta pa ng hilahin ako nito.

Nang makalagpas kay Fio ay natigilan ako sa paglalakad. Napatigil din si Peter na hila-hila ako ng bigla na lang hawakan ni Fio ang kanang kamay ko para pigilan ako sa paglalakad habang prenteng nakasandal pa din sa pader. Bumagsak ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa akin bago iyon umangat sa mukha niyang masamang nakatingin kay Peter.

"Let go of her, Pan."

Mahigpit na hinawakan ni Peter ang kamay ko. Napatingin ako sa kamay niya na nakahawak sa akin bago umangat ang mata ko sa kalmadong mukha ni Peter. Kahit na kalmado ito ay nakikita kong nagiigting ang panga nito. Nagsukatan ng tingin ang dalawa, yung tinginan nila na para bang may kuryente sa pagitan nila.

"You let go, Torres."

Mariin ngunit kalmadong sabi ni Peter. Nagsalit-salit ang tingin ko sa kanilang dalawa. Humigpit ang kapit sa akin ni Fio bago ako hilahin papunta sa kanya pero hindi nagpatalo si Peter at hindi binitawan ang kamay ko.

"Why not we let her decide on who she's going to, huh?" Fio said.

Maya-maya ay ngumisi si Fio bago tumingin sa akin at ganoon din si Peter. Walanghiya talaga 'to si Fio kahit kailan.

"Belle?" Napatingin ako kay Peter ng magsalita ito. Nakakunot ang noo nito at naghihintay ng sagot ko.

Paano mo maiiwasan yung feelings mo kay Peter kung sasama ka pa din sa kanya? Know your place, Belle. He doesn't need me anymore, napapayag niya na si Dee. I should stay away from him, it's not healthy for me.

Tipid akong ngumiti kay Peter at sa tingin ko naman ay nakuha niya ang ibig kong sabihin. Bumagsak ang mga balikat niya at lumuwag ang kapit niya sa kaliwang kamay ko hanggang sa malaglag na lang iyon sa tabi ko. Matipid na ngiti lang ang sinukli niya sa akin bago ako hilahin ni Fio palayo sa tapat ng clinic. Tumalikod na siya sa akin bago bumagsak ang isang butil ng luha mula sa mata ko.

Nagpahila na lang ako kay Fio habang nakayuko dahil pinagtitinginan kami ng mga estudyanteng nakakasalubong namin. Napaangat lang ako ng tingin ng makitang nasa parking lot na kami ng university. Dinala niya ako sa isang magarang itim na sasakyan bago niya buksan ang pintuan ng passengers seat 'non para papasukin ako.

Masama ko siyang tinignan at ganoon din ang ginawa niya.

"Hoy, Torres. Saan mo ko dadalhin? Alam mo bang kidnapping 'tong gagawin mo?"

"Get in, Hernandez. Don't make me mad." Nagiigting ang panga nito at hindi ko mabasa kung ano man ang tumatakbo sa isip niya.

Napairap na lang ako at wala ng reklamong pumasok ng kotse kahit labag sa loob ko. Hindi niya sinara ang sasakyan kaya naman napatingin ako sa kanya ng biglang bumaba ang mukha niya sa akin. Napalunok ako ng sariling laway sa paraan ng pagtingin niya sa akin, maya-maya ay ngumisi ito. Bakit biglang uminit?

Maya-maya ay nakarinig ako ng pag-click kaya napatingin ako sa kamay niyang nakalagay sa gilid ko dahil kinabit niya pala sa akin ang seatbelt ng hindi ko namamalayan. Nakangisi pa din siya sa akin hanggang sa umangat siya at sinara ang pintuan sa tabi ko. Pagkasara niya ay napahawak ako sa mukha ko dahil pakiramdam ko ay nagiinit 'yon. Am I blushing? At kay hari pa ng kayabangan?! Diyos ko pong mahabagin 'wag po kay Fiodore "kayabangan" Torres.

---

Kanina pa tahimik sa loob ng kotse at nakatingin lang ako sa labas ng bintana dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko. Usually, kapag nagkikita kami ni Fio ay puro pagtatalo lang ang nagyayari sa amin pero ngayon ay mukhang tahimik siya. Bahagya akong napatingin sa kanya at seryoso lang siyang nakatingin sa daan habang nagmamaneho. Hindi ko na kinakaya ang katahimikan kaya nagsalita na ako.

"Alam mo bang kidnapping 'tong gagawin mo? At saan mo ba ako dadalhin?" Napatingin ito sa akin bago ngumisi at binalik ang tingin sa daan.

"Yeah, kidnapping. Sa liit mo mukha ka ngang bata." Nangaasar na sabi nito kaya naman sinamaan ko 'to ng tingin.

Bumalik na po ang pala-asar at bipolar na si Fiodore, gawaran ng palakpak ang mayabang na nilalang na 'to!

"Akala ko habang buhay ka ng hindi magsasalita, tumahimik ka bigla, eh." Sabi ko. Hindi naman nawala ang ngisi sa labi niya bago tumingin sa akin kaya tinaasan ko ito ng kilay.

"Gusto mo pala akong kausap lagi, Hernandez. Dapat sinabi mo na gusto mong naririnig ang maganda kong boses, papayag naman ako, eh. Basta ikaw." Nakangising sabi nito bago kumindat at binalik ang tingin sa daan.

Napanganga naman ako sa sinabi niya. Ang yabang talaga kahit kailan! Walang pasubali kong kinuha ang teddy bear na nasa dashboard at gigil na binato sa kanya.

"Tumahimik ka na nga lang! 'Wag mo na dagdagan ang carbon dioxide sa earth, hindi nakakatulong." I crossed my arms in my chest and heard his loud laugh filled inside the car. Sige tawa, mamatay ka sana sa kakatawa!

Kinuha nito ang teddy bear na binato ko dito habang naririnig ko pa din ang mahinang pagtawa nito. Ibinalik niya sa dashboard ang teddy bear kaya napatingin ako doon. Napaisip naman ako kung kanino iyang teddy bear at mukhang napansin niya iyon.

"It's from your so-called-bestfriend."

Hindi ko inalis ang tingin sa teddy bear bago iyon kinuha. Medyo sira na ang ilang tahi noon pero maayos pa naman at malinis, mukhang inaalagaan niya ito ng maayos.

"Hindi ko talaga maintidihan kung bakit kayo nag-away ni Peter. Basta nalaman ko na lang isang araw, hindi na kayo naguusap at nagpapansinan. What happened ba?" Tinignan ko si Fio pero wala na ang ngisi sa mga labi nito at seryoso na ang tingin sa daan.

"You don't need to know." Sabi nito kaya nanahimik na lang ako sa kinauupuan ko at nagmasid na lang sa daan at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung saan kami papunta.

Peter and Fio used to be friends when we are in highschool, Halos magkapatid na nga ang turingan ng dalawa na 'yan. Kapag hindi ako ang kasama ni Peter ay si Fio ang kasama niya. They both liked basketball kaya nagkasundo sila. Madalas na magkasama sila sa lahat ng bagay kasi nga mga lalake. Hindi ko pa masyadong kilala noon si Fio dahil hindi naman kami nagkikita dahil ang madalas kong kasama noon ay sila Dawn. Isang araw, nalaman ko na lang kay Peter na hindi na sila nagkakasama at nagkakausap. Tinanong ko kung ano ang nangyari sa kanila pero hindi pagkakaintindihan lang ang sinagot ni Peter sa akin. Alam ko na may dahilan at ayaw lang nilang sabihin sa akin kaya hindi ko na lang pinilit.

"Gutom ka na ba? We can go order from drive-thru if you want." Napatingin ako dito.

"Hindi naman ako nagugutom." Mahina kong sabi pero pesteng tiyan 'to bigla na lang nagwala. Narinig ko naman ang tawa ni yabang kaya naman iniwas ko ang tingin ko dito.

"Hindi pala nagugutom."

"Hindi naman talaga!"

"Yeah, yeah. What do you want to eat?" Niliko nito ang sasakyan sa U-turn bago tumingin sa akin.

"I-I want jollibee." Nahihiya kong sabi nang hindi nakatingin sa kanya dahil makikita ko na naman iyong nakakaasar niyang ngisi at baka kung ano naang maihampas ko sa kanya.

"You never failed to amaze me."

May sinabi ito pero hindi ko naintindihan kaya hindi ko na lang pinansin. Nang makita ang papalapit na jollibee ay niliko niya ang kotse sa drive thru 'non. Umorder lang siya ng 2 large fries at dalawang combo meal na merong hamburger at softdrinks. Hindi ako pwedeng kumain ng kanin dahil nasa sasakyan kami at hindi makakakain si Fio dahil magda-drive daw siya. Nang makuha ang order ay agad kong kinuha ang hamburger at kinain. Nang mapatingin kay Fio ay nakita ko itong nakangiti sa daan. Baliw.

"Ang sarap kapag libre, ano?" Nakangiting sabi nito.

"Anong gusto mong sabihin?"

"Hindi mo ba ako susubuan? Nagda-drive ako as you can see."

Ang kapal! Subuan ko daw siya!

Inirapan ko ito at hindi na lang pinansin. Maya't-maya naman ang kain niya sa french fries at bahagyang nahihirapan kaya inatake na ako ng konsensya ko. Nakasimangot kong kinuha ang hamburger na nakabalot pa at binuksan iyon. Tumingin ako kay yabang at nakangisi ito sa akin na parang sinasabi sa akin ng ngisi niya na 'I win.' Leche.

"Oh, masaya ka na?" Tinapat ko iyon sa bibig niya at nakangiti naman siyang kumagat doon.

Buong byahe na sinusubuan ko siya ay nakabusangot ako sa kanya dahil sinasadya niya talagang bagalan at untian ang pagsubo sa hamburger. Nananadya ang animal!

Nang maubos ang kinakain niya ay tsaka ko lang napansin na nasa NLEX na kami.

"We're going to bulacan? Pero maggagabi na." Nagaalangan kong sabi. Uminom muna ito sa softdrinks niya bago ako sagutin.

"We're going somewhere and if you want, you can sleep muna para hindi mainip." Napatango-tango na lang ako at hindi na nagsalita. Sinandal ko ang ulo ko sa headrest at nagpaantok pero hindi ko 'yon makuha. Nanatili na lang ako umupo at hinintay na maantok sa byahe hanggang sa makatulog ako.

---

Nagising ako ako at naramdaman ko na lang na nakatigil na pala ang kotse sa gilid ng daanan. Wala na kami sa NLEX at hindi pamilyar sa akin ang lugar. Medyo madilim na ang paligid at mukhang pa-gabi na. Tinanggal ko ang nakapatong na pulang jacket sa akin at naamoy ko pa mula dito ang mabangong panlalakeng pabango.

Mabait naman pala iyong si yabang kahit papaano.

Tinupi ko ang jacket at nilagay sa likod ng sasakyan. Inilibot ko ang paningin sa paligid at nakita si Fio na nakatayo 'di kalayuan sa akin. Napagpasyahan kong lumabas ng kotse at puntahan ang binata.

Nakatalikod ito sa akin at nakalagay ang mga braso nito sa railings. Nang makalapit sa kanya at nilagay ko din ang mga braso ko sa railings na hanggang tiyan ko lang. Nasa bangin kami at mula dito sa kinatatayuan ko ay tanaw na tanaw ko ang papalubog na araw at ang nagtatalong liwanag at dilim. Ang ganda sa pakiramdam na makakita ng sunset.

"ANG UNFAIR NG MUNDO!" Nagulat ako ng bigla na lang sumigaw si Fio sa tabi ko. Napatingin naman ako sa paligid at mabuti na lang at walang kabahayan dito para magambala. Hindi pa 'to nakuntento at sumigaw na naman.

"NAPAKAUNFAIR! GUSTO KO LANG NAMAN NG TOTOO KAIBIGAN! BAKIT HINDI MO IYON MAIBIGAY SA AKIN?!" Hingal na hingal ito pagkatapos sumigaw. Tumingin siya sa akin kaya napataas ang kilay ko.

"Your turn, Hernandez."

"A-Anong sinasabi mo diyan? Ano ako tanga?" Napabuntong hininga ito na para bang stress na stress sa sinabi ko.

"Isigaw mo lahat ng gusto mong isigaw dito. Para gumaan naman yan." Itinuro nito ang dibdib ko. "I don't mind." Ngumiti ito sa akin.

Malalim akong napabuntong hininga bago humigpit ang kapit ko sa railings at humarap sa malawak na lupain na kaharap ko.

"WALANGHIYA KA! ANG MANHID MO! NANDITO NAMAN AKO PERO IBA PA DIN ANG NAGUSTUHAN MO!" Hinihingal kong sabi.

"Is that all you've got?"

"SANA AKO NA LANG! BAKIT HINDI AKO? AKO NAMAN LAGING NANDYAN PARA SAYO PERO SIYA PA DIN NAPILI MO! BAKIT?! HINDI BA AKO MAGANDA? HINDI BA AKO KASING GANDA NIYA?!"

Namalayan ko na lang ang paghila sa akin ni Fio at ang pagyakap niya sa akin. Sa paghigpit ng yakap niya sa akin kasabay ng pagtulo ng luha sa mga mata ko. Hindi na ako nakapigil pa at iniyak ko na lang lahat sa dibdib niya lahat ng nararamdaman ko.

"Bakit ka-kasi hindi ako? Bakit hindi na lang ako?"

Nauwi ang hikbi ko sa paghagulgol at parang sumisikip ang dibdib ko. Maya-maya ay nagdilim na lang ang paningin ko.

Fiodore

Masakit sa mata na nakikita siyang umiiyak kaya niyakap ko lang siya para hindi makita iyong luhaan niyang mata. I can endure hearing her sobs but it still hurts at hindi ko din maintindihan iyong nararamdaman ko.

Habang yakap siya ay wala na akong narinig na iyak dito at bahagya siyang bumigat habang nakasandal sa akin. Nagtataka man ay nagsalita pa din ako, para kahit papaano ay mawala ang awkward silence sa pagitan namin.

"Masarap ba akong kayakap, Hernandez? Alam ko naman na huggable ako, eh. Don't mention it."

Napangisi tuloy ako sa sinabi ko. Kung ano-ano na lang lumalabas sa bibig ko kapag siya ang kasama ko. Hindi na maganda 'to Fiodore. Hindi na maganda, hindi healthy. Napailing na lang ako.

"Hey, tumatagal na yakap mo. Dapat may bayad yakap ko sayo, eh." Bumaba ang tingin ko dito at nakita ko ang nakapikit nitong mga mata. Hilam pa ang mga luha sa gilid ng mga mata nito at basa pa ang mga pisngi nito. Bigla akong nagtaka ng hindi ito magising.

"Hoy, Hernandez. Ginawa mo naman akong kama, eh. Gumising ka naman."

Nagpanic na ako at walang alinlangan itong binuhat papunta sa kotse. Iniupo ko siya sa passenger seat at ikinabit ang seatbelt nito bago umikot sa driver seat para magmaneho. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago i-start ang kotse at imaneho.

Kasalanan ko 'to kung bakit siya nahimatay, kung hindi ko aiya dinala dito at ipinalabas sa kanya ang mabigat na nasa dibdib niya ay hindi sana mangyayari 'to. Siguradong nagaalala na sila Dawn sa kanya dahil pagabi na at wala pa sa kanila si Belle. Malalagot ako kay Silvia nito sa kalokohan ko.

Tuloy-tuloy ang malalim na pagbuntong hininga ko at kinuha ang cellphone para maghanap ng malapit na clinic.

"Shit! Bakit wala." Naiinis kong sabi bago ibinato ang cellphone sa backseat. Patuloy ang pagtingin ko sa paligid ng makarinig ng mahinang pag-ungol mula sa katabi ko.

Gulat akong napatingin dito bago ihinto ang kotse sa gilid ng kalsada. Tinanggal ko muna ang seatbelt ko at hinarap si Belle. Kumalma ang puso ko dahil kanina pa ako nagaalala sa kanya mabuti na lang at hinimatay lang ito.

Inayos ko ang buhok nitong nakaharang sa mukha niya for me to see her half asleep eyes. Nagtagpo ang paningin namin bago niya binuksan ng tuluyan ang mga mata niya.

"Where are we? Bakit nandito na tayo sa sasakyan?" Umayos siya ng upo at inilibot ang tingin sa labas ng kotse. Medyo madilim na sa labas at tanging streetlights ang makikita bukod sa ilaw na nagmumula sa sasakyan ko.

"You passed out. Balak sana kitang dalhin sa malapit na clinic pero wala akong makitang malapit. Iuuwi na kita sa dorm mo, I'm sure the girls are looking for you."

Hindi na siya nagsalita kaya nagmaneho na lang ako. Patingin-tingin ako sa kanya dahil nakakapanibago ang tahimik niya. Hanggang sa makarating sa NLEX ay tahimik pa din ang byahe.

"Thank for bringing me there, Fio. It really helps me a lot." Napatingin ako dito at nakangiti ito sa akin. Agad kong iniwas ang paningin dito.

"May bayad 'yon. Wala ng libre ngayon." Biro ko. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa nito.

"Whatever." Sabi nito bago umayos ng upo. Nagpatuloy na lamang ako sa pagmamaneho na may ngiti sa mga labi.

---

"We're here."

Pinatay ko ang makina ng kotse at napatingin sa katabi kong tahimik na humihilik sa kinauupuan niya. Kahit kailan talaga ang hilig matulog.

Tinanggal ko ang seatbelt ko at marahang lumapit dito. Inialis ko ang iilang hibla ng buhok nito na nakatakip sa mukha niya bago matitigan ang buong mukha nitong maaliwalas kahit galing sa iyak kanina.

"Ang hilig mong iyakan 'yong taong wala namang pakialam sayo." Mahina kong sabi.

Inilibot ko ang paningin sa mukha nito. Ang may kakapalan nitong kilay, ang mahahaba nitong pilikmata, ang maliit ngunit matangos nitong ilong. Napadpad ang tingin ko sa mga mapupula niyang labi na bahagyang nakabukas at para bang iniimbitahan akong halikan iyon. Kinagat ko ang pangilalim kong labi at nagtatalo ang isipan ko sa mga bagay na naiisip ko.

Forgive me for doing this, Belle.

Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa mukha ni Belle at nanatili ang tingin ko sa mga labi nito. Nang isang hibla na lang ang layo ng mga labi namin ay ipinikit ko na ang mga mata ko.

"Sir? May tao po ba sa loob?"

Napadilat ako para lang mapapikit ng mariin, kinagat ko ang ilalim kong labi bago lumayo kay Belle. Marahas akong napailing bago sinabunutan ang sarili kong buhok.

Ano bang naiisip mo, Fio? Pwede mong halikan ang sino man na babae diyan pero heto ka at mangaagaw ng halik sa isang tulog? Nababaliw na ako.

Napatingin ako sa bintana ng kotse at nakita doon ang guard ng university na si Mang Tino. Malalim akong napabuntong hininga bago ininaba ang bintana. Mabuti na lang at heavily tinted ang kotse kung hindi, baka nakita na ni Mang Tino ang kabaliwan ko.

"Magandang gabi ho, Mang Tino." Bati ko dito. Ngumiti naman sa akin ang matanda bago pabirong sumaludo.

"Ikaw pala yan, Iho. Ikaw na lang kasi ang sasakyan sa parking lot at nagroronda na ako dahil malapit na ang curfew." Inilawan ng flashlight nito ang pwesto ni Belle. "Kasama mo pala si Ms. Hernandez. Mauuna na ko, bata. Ihatid mo na yan." Sumaludo ako kay Mang Tino bago itinaas ang bintana. Napabuntong hininga ako bago gisingin si Belle.

"Hoy, Hernandez. Gumising ka na diyan." Inalog-alog ko ang braso nito at bahagya naman iyong nagising. Agad kong iniiwas ang paningin dito dahil naaalala ko ang kabaliwan ko kanina.

"Kanina pa ba tayo nandito? Anong oras na ba?" Nagkusot ito ng mata bago tumingin sa gawi ko.

"It's 9:30. Lumabas ka na, pababayaran ko na sayoa ng driving fee ko. Sige ka."

"Yabang. Eto na po, bababa na."

Binuksan nito ang pintuan sa gilid niya at bumaba na ng sasakyan. Hindi ko naman ito matignan ng diretso sa mata.

"Hoy."

Napatingin ako dito.

"Salamat ulit, Fio." Matamis itong ngumiti ito sa akin kaya napaiwas ako ng tingin. Naramdaman ko naman na nagiinit ang mga tainga ko. Hindi na ako nagsalita kaya sinara na nito ang pinto ng kotse. Hinatid ko ito ng tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

Fio, nanganganib ka talagang bata ka.

Nächstes Kapitel