Chapter 13
Belle
Sa gazebo kami nakapwesto kung saan maaliwalas ang simoy ng hangin. May mga ibang estudyante din dito pero puro mga nakatambay lang naman sila. May mga nakikita pa ako na naglalambingan na magjowa, hindi ba nila alam na NO PDA sa school na 'to?
Ang iba ay tumitigil sa lamesa namin at paminsan-minsan ay binabati ang dalawang lalake, yung iba kinikilig-kilig pa kapag napapansin nila. Si Fio maiintindihan ko pa kasi malandi naman talaga yan kaya sikat sa mga babae. Pero yung mga babae na lumalapit at bumabati kay Rhonin ang siyang kinakataka ko. Sikat na din pala 'tong si pogi? Kailan pa?
"Hi, Rhonin!" Sabi nung dalawang sophomore na napadaan sa lamesa namin. Binati lang din naman sila pabalik ni Rhonin na siyang nagpataas sa kilay ko.
Ilang linggo na lang ay prelim na namin, lahat ay naghahabol ng projects na ipapasa. Kanya-kanyang pasa ng activities at group projects sa faculty ang mga kaklase ko. Samantalang ako ay nakatingin lang sa dalawa kong kagrupo.
"Bro, are you sure you can handle that?" Tanong ni Fio kay Rhonin habang may tina-type sa laptop niya.
"Yep, kaya ko na 'to. May isa pang naiwan na papel diyan sa folder. Natype ko na 'ata iyon, eh." Sabi naman ni Rhonin na nagsusulat sa isang notepad na nasa harapan niya.
Nakatunganga lang ako sa kanila dahil wala man lang ako maintindihan sa mga sinasabi nila sa isa't-isa. Jusko! Bakit kasi naisipan ko matulog kahapon, eh! Iyan tuloy hindi ko alam gagawin ko!
Ilang linggo na din namin pinagtatrabuhuan itong group project na binigay ni sir Pochollo sa amin, at sa ilang linggo na iyon ay pamimigay pa lang ng survey questions ang nagagawa ko. Silang dalawa ang gumagawa ng final output at page-encode. Oo na, ako na ang bobo at tamad.
"Ano, Hernandez? Ganyan ka na lang? Malapit na deadline! Galaw-galaw!" Sabi ni Fio. Magkasalubong ang kilay ni yabang habang nagta-type sa harap ng laptop niya. Magi-isang oras na siya diyan, hindi ba sumasakit mata niya? Kung ako 'yan, nakatulog na ako.
Si Fio ang tumatayong leader namin dahil puro ito utos simula pa noong unang araw na ginawa namin itong group project na 'to. Ang nakakabanas sa nilalang na 'to, ako ang laging inuutusan! Ako laging nakikita!
"Bumili ka nga doon ng isang box ng pizza at tatlong iced coffee, bilisan mo. Wala ka naman ginagawa."
Kagaya na lang ngayon. 'Ni wala man lang connected 'tong utos niya sa project namin.
Bubuka pa lang yung bibig ko para magreklamo ng bigla na lang tumayo si Rhonin sa tabi ko. Napatigil si Fio sa ginagawa at napatingin kami kay Rhonin parehas.
"Ako na ang bibili, may dadaanan din ako sa shop namin." May iniabot si Fio kay Rhonin na card. Hindi na ito nagpaalam pa at bigla-bigla na lang umalis. Sayang, papabili sana ako ng cake sa shop nila.
Napatingin naman ako kay Fio ng nagpeke ito ng ubo. "Oh? Ganyan ka na lang? Tatanga-tanga? Ituloy mo yung ginagawa ni Rhonin doon. Para may matulong ka naman." Masama akong tinignan nito bago binalik ang tingin sa laptop niya.
Napairap na lang ako sa sinabi nito. Kahit kailan talaga ang yabang, porket matalino siya. Kahit kailan talaga ang sakit magsalita nito ni yabang. E'di siya na matalino. Mawindang ka sana diyan sa kakatype mo!
Pinuntahan ko iyong ginagawa ni Rhonin at nawindang ako sa dami ng papel dito sa pwesto niya. May naka-ayos na yellow paper na mga tally ng sagot at mga bond paper kung nasaan ang mga questionnaires namin. Dahil sa humanities si sir Pochollo ay about sa behavior ng society ang survey questionnaires namin. Sila ang gumawa ng questions at ako ang nagpapacheck lagi kay Sir sa faculty, dahil puro revise ay pabalik-balik ako doon. Demonyo si Fio, eh.
Binabasa ko lang yung mga papel ay nahihilo na ako. Imbis na ituloy ang pagbabasa ay dumukdok na lang ako sa lamesa at inumpog-umpog ang ulo ko doon.
"Hoy, para kang tanga."
Napaangat ako ng ulo ko sa demonyong kaharap ko. Hindi ito nakatingin sa akin at nakatingin lang sa harap ng laptop niya.
"Maka-tanga. Hindi ako tanga, matalino lang kayo." Tinatamad kong sabi dito at nakapalumbabang tinitigan si yabang.
"Hindi ko talaga maintihan iyong ginagawa niyo ni Rhonin. Kapag nagmemeeting tayo, wala akong maintindihan sa sinasabi mo." Sabi ko dito.
"Ayaw mo intindihin kaya hindi mo talaga maiintindihan. Kapag meeting naman, nakatulala ka lang sa amin talagang wala kang maiintindihan." Nakabusangot na sabi nito. Napanguso na lang ako sa sinabi nito at hindi na sumagot. Nanatiling nakatitig ako dito hanggang sa mapansin niya iyon, napatigil siya sa pagtipa sa laptop at napatingin sa akin.
"Wag mo ko titigan, hindi ako ang dapat na pag-aralan mo."
"Paanong matalino ka? Eh, mayabang ka nga." Nakangisi kong sabi.
"Mayabang ako kasi may iyayabang ako."
"Yabang." Sabi ko na lang.
"Ano ba gagawin ko dito?" Napa-ayos ako ng upo at tinignan ulit ang mga papel na nasa harapan ko.
"What?! Hindi ka ba talaga nakikinig kanina sa mga sinasabi ko? Ang dami-dami kong sinabi kanina, tapos hindi ka pala nakikinig." Iritableng tanong nito. Sinamaan ako ng tingin nito kaya naman tinaasan ko lang ito ng kilay. Hindi ako papatalo sa bakla na 'to.
Ito ang unang umiwas ng tingin, lagi naman, eh. Malalim itong napabuntong hininga bago tumayo sa kinauupuan niya at umikot para tumabi sa akin. Umusog naman ako para makaupo siya.
"Look at this," pinakita nito sa akin ang bond paper na hawak. "You will tally their answer here," pinakita nito ang yellow paper. "So that we can get the answer, all I need is the tally para mai-type ko na sa document. Did you get it?" Nagpatango-tango naman ako dito habang sinusuri ang hawak niyang papel. Binigay niya iyon sa akin at kinuha niya ang laptop na nasa harap ko bago iyon iharap sa kanya, hindi na siya umalis sa tabi ko at nagsimula na naman magtype ng mga bagay na hindi ko na naman maintindihan.
Nakuha ko naman yung sinasabi niya about doon sa tally, kaya agad ko iyong ginawa. Nakakasampung papel pa lang ako ay naghihikab na ako dahil sa paka-boring. Dumukdok ako sa lamesa habang ginagawa pa rin iyong inuutos niya sa akin. Napahikab ako ng maibaba ang panglabing limang papel na hawak ko. Yung mata ko hindi na nakisama kaya ipinikit ko na muna ito, hindi naman masama magpahinga muna diba?
Fiodore
Napatingin ako kay Hernandez ng bigla na lang nito dinukdok ang ulo sa lamesa at nakaharap sa akin ang ulo nito. May hawak pa din siyang papel at nagsusulat pa din, pero hula ko wala na sa wisyo 'tong babae na 'to.
Kahit kailan talaga 'to, puro tulog na lang ang inatupag. Kahapon din, habang gumagawa kami sa Starbucks ng paper works ay bigla na lang natulog sa lamesa. Balak ko sana gisingin pero itong si Rhonin ay ayaw ipagising. Paano makakatulong sa gawain yan si Hernandez kung papatulugin lang? Tsk.
Pinagpatuloy ko ang pagta-type sa laptop ko ng makarinig ng mahinang paghilik mula dito sa katabing kong antukin. Nakaharang ang papel sa mukha niya kaya dahan-dahan ko itong kinuha at baka magising. Napangisi ako ng malaman na natutulog na naman itong si liit. Isinara ko ang laptop ko at inilayo iyon sa akin, Inilagay ko ang kanang braso ko sa ibabaw ng lamesa at ipinatong ang ulo ko sa palad ko paharap kay liit. Napangiti ako ng marinig na naman ang mahinang paghilik nito, Parang bata matulog.
Habang nakatingin ako dito ay naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Agad akong napailing sa naramdaman at kinalampag ang dibdib ko. I shouldn't feel this towards her, not to her.
Pinakalma ko ang sarili ko at napatingin na naman sa babaeng may ibang dating sa sistema ko bago napailing na naman. Hindi 'ko pwedeng maramdaman ito sa isang babae lang.
Napabalik ako sa pwesto ko ng pagkakatingin dito sa babae na 'to. Ibang klase, buti nagagawa niyang matulog dito sa lugar na maraming tao at ganyan pa ang ayos? Doesn't she feel uncomfortable? Baka mangawit ang leeg niya sa pwesto niya? Naghanap ako ng pwedeng ipang-unan sa ulo niya ng may mahagip ang mga mata ko. Dahan-dahan akong napangisi ng may maisip na kalokohan.
Maya-maya ay namataan ko na papalapit sa pwesto namin si Rhonin kaya umayos na ako ng upo at itinago na ang marker na hawak.
"Fio! Ito na---" Agad kong sinenyasan si Rhonin na tumahimik. May dala itong tatlong box ng pizza sa kanang kamay at tatlong Iced coffee sa kaliwa. Nagtataka naman itong napatingin sa akin kaya itinuro ko si liit na natutulog pa din. Napatingin ito sa babae at napangiti. Tahimik itong umupo sa harap ko at dahan-dahang ibinaba ang mga boxes sa lamesa, ibinigay nito sa akin ang credit card na binigay ko dito kanina.
"Should we wake her up?" Mahinang sabi ni Rhonin.
"Remember in the Starbucks? She slap my face when I tried to wake her. Kung gusto mo siya gisingin ay ikaw ang gumising, wag ako. Sayang naman pagmumukha ko, kawawa mga girlfriends ko." Nakangisi ko ditong sabi. Napailing na lang ito sa sinabi ko habang nakangiti at iniligpit na ang ilang papel na nakakalat sa lamesa.
Napangiti ako ng maalala iyong unang training namin with Rhonin. Siya lang itong hindi nailang sa akin during the training, hindi katulad ng iba na naiilang kapag katabi ako sa training. Nagawa niya pa akong kausapin at kwentuhan kahit hindi ko siya pinapansin. I thought na iiwas na siya kasi hindi ko naman siya pinapansin pero hindi siya nag-give up. He did invite me to come with the Cruz to eat a lunch. I honestly didn't expect that. Siya yung unang tao na nagapproach sa akin at hindi ako yung nagaapproach. Sa classroom kasi ay mga kaklase lang ang turing ko doon sa mga nakakasama ko unlike this guy, na pinakilala akong kaibigan sa pinsan niya na nagtatrabaho sa coffee shop. In return, I did treat him as a friend na din.
"Yari tayo once na magising 'yang si Belle." Natatawang sambit ni Rhonin sa akin ng mailigpit sa folder ang mga papel. Inilagay ko na sa bag ko ang laptop at natatawang napailing. Baka nga katayin ako niyan ni liit kapag nakita niya iyong ginawa ko sa kanya.
"Iced coffee..."
Nagkatinginan kami ni Rhonin ng marinig iyong sinabi ni liit bago tahimik na natawa. Baka magising ang prinsesa sa pagtulog, eh. Pati ba naman sa pagtulog Iced coffee pa din iniisip, grabeng katakawan sa kape.
Belle
Nagising ako sa mahinang pagyugyog sa balikat ko. Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy sa pagtulog. Nakaayos na ako ng higa ng maramdaman na naman iyong pagyugyog sa akin kaya nagsimula na akong mainis. Isa pang yugyog, sasampalin ko na bumbunan ng gumigising sa akin.
Naramdaman ko na naman iyong yugyog kaya napabalikwas na ako ng upo at hinawakan ang unang bagay na nahawakan ko.
"Aray ko! Shit! Sabi ko na, eh." Nakarinig ako ng mahinang impit sa kanang gilid ko kaya napatingin ako dito. Si Fio pala itong nahawakan ko sa braso at mahigpit ang pagkakahawak ko dito. Agad ko rin iyong binitawan na parang walang nangyari, bigla naman nitong hinimas ang braso na binitawan ko at narinig pa ang reklamo niya. Napahikab naman ako dahil nakulangan talaga ako sa pagtulog ko.
Napalibot ang tingin ko sa paligid ng mapansin na madilim na ang kalangitan. Gabi na pala. Ilang oras ba akong nakatulog?
"Anong oras na?" Tanong ko.
"It's 7pm for pete's sake! Ang tagal mo matulog." Hindi ko na lang pinansin iyong reklamo ni Fio sa tabi ko at napatingin kay Rhonin na nakatingin lang sa akin habang nakalagay ang kamay sa bibig at para bang nagpipigil ng tawa.
"Bakit? Anong nakakatawa?"
Umubo ito at nagiwas ng tingin sa akin pero natatawa pa din. Weird naman. Napatingin ako sa lamesa na kaharap ko at para bang nagningning ang mata ko sa nakita. Iced coffee at pizza! Parang kanina lang nanaginip pa ako nito, eh. Ngayon totoo na, ang saya naman.
"Ikaw na lang hindi kumakain, sayo na 'yan. Baka kulang pa, ma'am?" Sinamaan ko ng tingin si Fio sa sinabi nito. Nangaasar pa 'tong si yabang boset.
"'Wag mo 'kong asarin, ah. Sasampalin kita." Banta ko dito. Napataas naman ito ng dalawang kamay na para bang sumusuko habang nakangisi, tumayo ito at tumabi kay Rhonin. Inirapan ko lang ito at nagsimulang kumain ng pagkain sa harapan ko.
Narinig ko na naman iyong pigil nilang tawa kaya napatingin ako sa kanilang dalawa, sabay naman silang nagiwas ng tingin. Napailing na lang ako dito sa dalawang bakla. Mga baliw.
Nang makatapos sa pagkain ay niligpit na ni Rhonin iyong mga boxes ng pizza at pinaglagyan ng Iced Coffee bago kami umalis.
Habang naglalakad ay may nakakasalubong pa kaming estudyante na napapatingin sa amin. Noong una ay hindi ko pinapansin kasi akala ko hindi sa akin nakatingin kasi alam ko naman na may kasama akong dalawang bakla. Pero noong nagtatagal ay nagtataka ako kasi para bang yung mga tingin nila sa akin ay natatawa o kaya naman ay iiwas ng tingin. Hindi ko na lang pinansin kasi baka mga baliw din sila katulad nitong dalawa.
Nang makarating sa arch ay nagpaalam na sila sa akin dahil iba-iba naman kami ni way ng dadaanan.
"Maghilamos ka ng maigi, Belle." Seryosong sabi ni Rhonin sa akin kaya napakunot ang noo ko habang nakatingin dito. Si Fio naman sa gilid nito ay nagpipigil ng tawa.
"Oo na, umalis na kayo."
Si Rhonin ay sumabay kay Fio sa paglabas ng University dahil may trabaho pa raw si Rhonin at si Fio naman ay may dalang sasakyan.
Dumiretso na ako sa dorm namin at sa lobby pa lang ay naramdaman ko na naman iyong tingin sa akin ng mga makakasalubong ko kaya napatungo na lang ako at nagmadaling naglakad patungo sa elevator paakyat sa kwarto namin. Bakit ganoon sila tumingin? May dumi ba sa mukha ko?
Nang makarating sa loob ng kwarto namin ay sabay-sabay na napatingin sa akin sila Dawn. Pare-parehas pang nakakunot ang mga noo nila habang nakatingin sa akin. Maya-maya ay humagalpak na ng tawa na pagkalakas-lakas si Dawn at parang naluluha-luha pa. Si Silvia naman na may hawak na baso ay biglang nailapag sa ibabaw ng lamesa ang hawak habang nakakunot noo pa din na nakatingin sa akin. Si Rosè naman ang lunapit sa pwesto ko.
"What happened to you, Belle?" Nagtataka naman akong napatingin kay Rosè dahil sa sinabi nito. Hinawakan nito ang mukha ko at para bang sinuri iyon.
"Bakit ginawang drawing book 'yang mukha mo, Belle?" Natatawang sabi ni Dawn bago pinigilan ang sarili na humalakhak na naman, nakahawak pa siya sa tiyan niya.
Napakunot noo ako sa sinabi nito. Anong drawing book? Yung mukha ko? Nagpatianod na lang ako ng hinila ako ni Rosè sa malaki naming salamin dito sa kwarto, nagulantang naman ako sa nakitang itsura ko sa salamin.
"AAHHHHHH!!!!" Napasigaw ako sa nakita sa harap ng salamin. Halos mapuno na ang buong mukha ko sa dami ng drawing na nakascribble sa mukha ko. May nakita pa akong bola ng basketball at may puno pa na nakadrawing sa mukha ko. Sa noo ko ay may nakadrawing na araw at halos sakop 'non ang buong noo ko! May parang blush-on pa sa pisngi ko na katulad doon sa mga manika na kulay black naman ang kulay at ang iba ay hindi ko na maintindihan ang drawing.
"Sinong matapang na nilalang ang may gawa nito?!" Galit na sigaw ko bago napatingin sa kanilang tatlo.
"Sino bang kasama mo kanina bago ka makauwi? Pfftt!" Nagpipigil na tanong ni Dawn.
Dalawa lang naman iyong huling nakasama ko kanina at alam ko na kung sino ang may gawa nito.
"Lagot sa akin iyong Torres na 'yon! Humanda siya sa akin! Puputulan ko siya!!"