Chapter 7
Belle
NAGLALAKAD kami ni Peter papuntang gym. Malayo pa kami ay maririnig mo na ang mai-ingay na hiyawan at malakas na tunog ng sound system mula doon.
Kanina pa tahimik si Peter at hindi nagsasalita kaya tumahimik lang din ako. Mabagal ang paglalakad naming dalawa at hawak niya pa din iyong kamay ko. Hindi ko na ipinilit na kuhanin iyon dahil sa tuwing hihilahin ko ang kamay ko mula sa kanya ay hinihigpitan niya lang ang kapit doon kaya hindi na ako nakipag-agawan pa.
Agad na napakunot ang noo ko ng hindi patungong gym ang tinatahak ni Peter.
"Peter? Hindi ito ang daan papuntang gym. Where are we going?" Malumanay kong sabi. Hindi naman niya ako sinagot at nagpatuloy lang sa paglalakad. Habang napapalayo kami ay paunti na ng paunti ang taong nakikita ko. Pamilyar naman itong daan na tinatahak namin. This is the way to the garden.
Once again, I ask Peter. "Pete? why are we going to garden?" But to my disappointment, he didn't say anything about my question.
Nakaramdam ako ng inis sa ginagawa niya sa akin. Bakit hindi niya ako pinapansin?
Tumigil ako sa paglalakad dahilan para matigilan din siya. Malakas kong hinila ang kamay ko sa kanya kaya nabitawan niya iyon.
"Bakit hindi mo ako kinakausap? Bakit tayo papunta sa garden? Akala ko ba kailangan mo ko for The Trials? Why are we here?" Sunod-sunod kong tanong. But I failed to get an answer from him na mas lalong nagpainis sa akin.
"Answer me, Peter!" I shout at him out of frustration. Ilang minuto pa ako naghintay pero wala akong nakuhang sagot sa kanya. Nanatili lang ang blankong tingin niya sa akin.
Pumihit ang katawan ko para talikuran siya bago naglakad palayo. Bakit siya nagsinungaling sa akin? Dapat kasama ko sila Rosè ngayon at sinusuportahan si Rhonin. Why---
I froze when there's a pair of arms encircled in my waist. I gasped when he placed his head on my shoulder. Nawalan ako ng kakayahang huminga ng maramdaman ang mahina niyang paghinga sa leeg ko.
"Is it so hard to be with you?"
Humigpit ang mga braso niyang nakayakap sa nga bewang ko. Imbis na alisin iyon ay mahigpit ko iyong hinawakan.
Kilala ko si Peter. When he's like this, he have a big problem on his back. This is a way of saying 'I need your help' for him. Maglalambing siya at nagiging clingy. I don't know if he's like that to other people and not only to me.
"Peter? What's the problem?" Mahina kong bulong pero I'm sure naman na maririnig niya iyon.
"I don't have any problems, Belle."
"Then, why are you like this? Diba dapat kasama mo si Dee ngayon sa gym?" Mapait naman akong napangiti sa sinabi.
"Kailangan ka niya doon. She needs the President of the Gazette. You shouldn't be here." Kinalas ko ang mga braso niyang nakayakap sa akin at dumistansya ako ng kaunti pero hindi ako humarap sa kanya.
"Tara na, baka hinahanap ka na ni Dee at baka hinahanap na din ako ng mga kaibigan ko." Sabi ko at nauna ng maglakad sa kanya. Pinakiramdaman ko kung susunod siya pero hindi niya iyon ginawa.
Nang lingunin ko siya ay nakatingin lang siya sa akin. Kaya naman inalis ko ang tingin ko sa kanya at binilisan ang paglakad.
I don't like the feeling being around with him. Napahawak ako sa dibdib ko at hinampas iyon. Bakit niya ba pinapabilis ang tibok ng puso ko? Kapag hindi pa tumigil si Peter sa mga ginagawa niya, baka lalo lang akong mahulog at ang masama doon ay walang sasalo sa akin.
---
"BELLE!" Napangiti ako ng marinig ang boses ng tumatawag sa akin. It's been a long time since we hangout and here she is.
Nakita kong nagpaalam siya sa mga kasama niya at tumakbong lumapit sa akin. Agad ko namang inibuka ang mga braso ko para salubungin siya ng yakap. Ilang hakbang na lang ang lapit niya sa akin nang bigla na lang siyang natapilok at su-subsob na sa sahig. Mabuti na lang at mabilis ang kilos ko para saluhin siya. Payakap ko naman siyang nasalo at agad na inalalayan patayo.
Always clumsy.
"Wahhh! Thank you, Belle! Shiz! bakit hindi ko naisip na nakawedge pala ako? hay nako! I miss you, Belle!" Sunod-sunod niyang sabi bago ako binigyan ng mahigpit na yakap. Ang cute talaga ni Dee.
Isip bata minsan si Dee pero isa iyon sa qualities na nagustuhan ko sa kanya. She likes being hugged and she likes hugging people a lot.
"I miss you too, Dee." Napayakap na din ako sa kanya.
"Now, now. Tama na ang hugs, Dee. Si Belle lang ba ang na-miss mo?" Napakalas sa akin ng yakap si Dee na makarinig kami ng boses sa gilid namin. It's Silvia with Rosè.
"Sisi! Roro! Wahh! I miss you~" Agad naman siyang niyakap ni Silvia at Kinurot lang ni Rosè ang pisngi niya.
Sa aming magkakaibigan si Wendee ang baby namin dahil siya ang pinakabata at napakacute niya talaga.
Sino ang hindi magkakagusto kay Wendee Montes? She's too cute to resist. She's like a walking doll because of her full bangs and long shiny hair. Kahit na chubby ito ay masasabi kong bagay lang iyon sa kanya because that what makes her beautiful. Hindi na ako nagtataka noong nagkagusto sa kanya si Peter kahit pa na hindi sila magkakilala nito noong una.
Nagkakilala lang sila nang una kong pinakilala si Dee kay Peter noong birthday ko. Sa ibang school nag-aaral si Peter kaya naman unang pagkakita niya sa dalaga ay nain-love na siya dito. Love at first sight, sabi ni Peter.
At ng nalaman ni Peter na sa Asterin kami mag-aaral ay sumunod siya sa amin dahil kay Dee. Sumali pa siya sa mismong club ni Dee dahil gusto niyang makasama ang dalaga.
Narinig ko naman ang cute ni tawa ni Dee kaya napangiti ako. Nakikinig lang ako sa kanilang naguusap at minsan ay sumasagot din naman. Napansin ko naman na wala si Dawn.
"Where's Dawn?" I asked Silvia. Napatingin sa akin si Silvia at alanganing itinuro ang bench sa likod namin. Kaya naman agad akong napatingin doon.
Nakita ko na kasama ni Dawn si Crimson at nagsasagutan ang dalawa base sa expression ng mga mukha nila. Napatawa naman ako ng biglang batukan ni Dawn si Crimson.
"Bakit kasama ni Dawn si Kuya Crim?" Napatingin ako kay Dee ng magsalita ito.
"Do you know him?" gulat na tanong ni Rosè.
"Of course! He's a 3rd year student actually. He's our kuya in our department. Why?" Maamong tanong ni Dee kay Rosè.
"He's one of my crush, but I guess he wants Dawn. So nah." Rosè shrugged. Nakita ko naman na nagulat si Dee pero hindi na lang ito nagsalita.
Inaya kami ni Rosè sa booth nila at nalula ako sa dami ng nagpapalista para doon. Karamihan sa mga sumasali sa club ni Rosè ay puro magaganda. Ang iba naman ay napapangiwi na lang ako sa itsura dahil punong-puno ng make up ang mukha. Cheerleading is not my style but I love watching them.
May iilan pang lalaking napapatigil at tinitignan ang mga kababaihan na nakapila sa booth at madalas ay nagtatawanan sila habang nanunuod, napairap ako. Mga manyak.
Napatingin ako kay Dee nang humigpit ang pagkakahawak niya sa mga braso ko. Napatingin din naman ito sa akin.
"You know where Peter is? Nabanggit ko kasi kanina na nami-miss na kita, kayo. Kaya naman nagulat ako ng bigla na lang siyang umalis sa booth natin. Sabi niya hahanapin ka daw niya for me, but hindi naman na siya bumalik."
"I-I don't know. Maybe he's somewhere." Pagsisinungaling ko. I'm sorry Dee.
Ibinalik naman niya ang tingin sa mga nagsasayaw na kababaihan kaya ganoon na lang din ang ginawa ko.
Nagpaalam si Rosè samin dahil daw magju-judge siya sa mga try-out kaya naman nagpaalam na din kaming tatlo. Maya-maya ay nagpaalam sa amin si Silvia dahil may nagpunta sa aming kamember niya at hinahanap daw siya, kaya kami na lang ni Dee ang magkasama ngayon. Naisipan namin na pumunta sa booth namin para magbantay doon. Shift na kasi ni Dee at napagpasyahan ko na samahan siya.
"Belle, I want some hotdogs." She pouted at me. Kaya naman napangiti ako kaagad. Bukod kay Rosè, si Dee ang isa pang mahilig sa hotdogs.
"Okay, I will buy you some. Stay here, okay?" Pinaupo ko siya sa isa mga monoblocks doon at umalis para bumili ng makakakain namin.
Habang naglalakad palabas ng gym ay nadaanan ko ang booth ng basketball club kaya naman napatigil ako sa paglalakad palabas at nakisilip doon. Sakop halos ng basketball club ang isang part ng basketball stand kaya naman isa iyon sa pinakamalaking booth sa loob ng gym.
May mga maiingay na lalake na nakapila doon pero hindi ko nakita si Rhonin. Paalis na ako ng may narinig akong sumigaw.
"Hey! Hey! Nakadilaw na shirt! Yung maliit! Yung nakapony-tail!"
Nakita ko naman na naglibot ng tingin ang mga nakarinig sa kanya kaya naman napalibot na din ako kung sino yung sumigaw. Nakatingin sa akin ang mga tao sa booth ng basketball club.
Napakunot ang noo ko ng mamukhaan ang kumakaway sa akin. Siya iyong isa sa mga lalake kahapon na kumakausap kay Rhonin about try-outs.
James? Justine? Jasper? Arghh! I can't remember!
Nang marealize ko na ako iyong tinatawag niya ay agad kong itinuro ang sarili ko. Tumango naman ito bago sumigaw na naman.
"Oo, ikaw! Yung maliit!" Sigaw nito dahilan para samaan ko siya ng tingin sa itinawag niya sa akin. Masama pa din ang tingin ko sa kanya ng makalapit ako sa booth nila. Napansin ko naman na tumatawa iyong ilang kalalakihan na nakapila.
"Anong nakakatawa?" Naiinis kong sabi sa kanila. Napa 'ohhh' naman sila sa akin na siyang inirapan ko lang. Hinarap ko ang lalakeng tumawag sa akin ng maliit at humalukipkip ako.
"Bakit?" Masungit kong tanong. Napatawa naman ito.
"Where's your boyfriend? I thought he's going to try-out?" Napataas naman ako ng kilay sa tinanong niya.
"Sinong boyfriend? I don't have any."
"Wehh? Yung kasama mo kahapon. Si Rhonin!" Sabi nito. Kaya naman napairap ako.
"Hindi ko siya boyfriend. Pwede ba, Mukha ba akong hanapan ng taong nawawala? Go find him yourself!" Sabi ko bago nagmartsa na umalis doon. Ang ayaw ko sa lahat tinatawag akong maliit. Okay lang sana kung harapan lang kami, masasapak ko pa siya. Pero isinigaw niya! Nakaka-stress iyong lalake na iyon ah.
Lumabas ako ng gym at nagtungo sa mga booths ng pagkain. Agad kong hinanap iyong nagtitinda ng hotdogs. I ordered two hotdogs and two iced tea for me and Dee.
Pagkabayad ay agad akong naglakad papalapit sa loob ng gym. Nakakailang hakbang pa lang ako ng may biglang humawak sa balikat ko, dahilan para maging aktibo ang buo kong katawan.
Mabilis na hinawakan ng libre kong kamay ang kamay niyang nakahawak sa balikat ko bago ako umikot at pinihit patalikod ang braso nito. Bigla naman itong napahiyaw sa sakit.
"A-aray! aray! aray! Belle, it's me Rhonin! Aww!" Agad akong natauhan at mabilis siyang binitawan. Agad naman siyang dumistansya sa akin.
"Rhonin! I'm so sorry! I didn't know that it was you. I'm sorry!" Agad akong lumapit dito. Nakahawak ito sa braso nito at bahagya pang iniikot.
"Shit, 'di ko akalain na ganoon kalakas ang reflexes mo 'edi sana pala tinawag na lang kita. Ang sakit." Daing nito na nakapagpatawa sa akin. Napatingin siya sa akin.
"Anong nakakatawa? Ang sakit na nga ng braso ko eh, nagagawa mo pang tumawa? Dalhin mo ako sa clinic!" Utos nito. Nakita ko naman na napanguso ito habang nakahawak pa din sa braso niya.
"What? Clinic? Are you joking? It's not even a severe injury!" Reklamo ko dito. Inirapan lang naman ako nito.
"Aww ang sakit talaga!" Napalaki naman ang mata ko ng bigla itong sumigaw kaya naman napatingin sa amin ang iilang tao na naglalakad. Nagpatuloy pa ito sa ginagawa.
"Rhonin! Tumigil ka nga, nakakahiya ka!" Mahina kong sabi dito hampas sa braso niya. Hindi malakas iyong pagkakahampas ko sa kanya pero nagulat ako ng sumigaw na naman ito.
"Grabe ka, Belle. Bakit mo binali ang braso ko? Tapos ayaw mo pa ako dalhin sa clinic? Aray!"
Agad ko namang tinakpan ang bibig nito ng makita kong nagbubulungan na ang mga estudyante sa paligid, ang iilan pa ay naglabas pa ng cellphone kaya naman nagpanic na ako.
"Oo na! dadalhin na kita sa clinic, tumahimik ka lang, leche ka!" Naiinis kong sigaw dito bago siya kinaladkad papunta sa nagi-isang clinic ng school.
---
"THERE ARE NO complications on your muscles and bones of your arms. I can give you some pain relievers if it aches. You can go now." Malumanay na sabi ni Doc. Santiago. Ang Doctor ng university. Bumalik ito sa lamesa niya at hindi na kami muli pang pinansin.
Napairap naman ako ng tumango si Rhonin habang nakangiti. Ang plastik, leche. Nakangiti naman itong tumingin sa akin na inirapan ko lang ulit. Tumayo na ito mula sa kamang kinauupuan niya at lumapit sa akin.
"Okay na daw ako, Belle." Nakangiti nitong sabi.
"Are you happy now? Ang galing ng acting mo. Pang-FAMAS." I sarcastically said. Napatawa naman ito sa sinabi ko.
Nauna akong lumabas at sumunod naman siya. Sumabay ito sa paglalakad ko at inagaw ang dala ko na plastic ng pagkain dahilan para mapaharap ako dito.
"Ako na ang magdadala." Nakangiti niyang sabi. Hindi na ako nagreklamo at nagpatuloy na lang sa paglalakad pabalik sa gym. May naalala akong itanong sa kanya.
"I checked you in the booth of basketball club but you're not there. Why?" Napatingin naman ito sa akin.
"Sabi mo kasi manunuod ka sa try-out ko. But then, you're not there. Kaya hindi na din ako nagtry-out." Ngumiti ito sa akin at ibinalik ang tingin sa daan.
"Dahil sa akin kaya hindi ka na nagtry-out?" Napatigil ako sa paglalakad at hinarap siya. Hinarap din naman niya ako.
"Yeah. There's no one who will support me after all. You know naman, I'm new here and I still don't have friends. Yung pinsan ko naman bigla na lang nawala kanina habang nakapila ako kaya hindi na ko na lang din itinuloy." Ngumiti ito sa akin bago nagpatuloy sa paglalakad na sinundan ko.
Bigla akong nagsisi sa sinabi niya. Ngayon ko lang narealize.Transferee pala siya dito at wala pa masyadong kakilala, maliban sa mga kaibigan ko at sa akin. Meron itong mga nakakausap na mga babae pero sinasabi niyang hindi naman daw pagkakaibigan ang habol ng mga iyon.
Ang iilan sa mga kaklase ko na lalake ay hindi siya pinapansin at madalas ay masama ang tingin sa kanya dahil mas pinapansin siya ng mga babae kaysa sa mga ito.
"Will you try-out if I support you? I'm your friend, right?" Napatigil naman ito sa paglalakad at napatingin sa akin. Nginitian ko naman siya.
"You will support me?" Nagaalangan pa nitong sabi.
"Of course! You are one of my friends now kaya I will support you." Nakangiti kong sabi sa kanya. Nagsimula naman akong maglakad kaya sumunod siya.
Napabuntong hininga naman ito bago sumagot. "Yeah, we're friends."
---
"RHONIN."
"What?" Napatingin naman ito sa akin bago lumapit sa pwesto ko. Baka hindi rin kami magkarinigan dahil sa dami ng tao dito sa gym.
"Ibibigay ko lang sa kaibigan ko itong pagkain then we will go the Basketball club, deal?" Sabi ko dito. Tumango naman ito at sumunod sa akin.
At dahil sa kabilang dulo pa ng gym ang booth ng Gazette Club ay nilagpasan muna namin ang mga estudyante at ang mga tabi-tabing booths.
Tumatagaktak na ang pawis sa noo ko dahil sa init kaya pinunasan ko iyon kaagad. Nilingon ko naman si Rhonin na katabi ko lang at busy sa pagtingin sa ibang club booths.
Hindi na ako magtataka kung bakit gusto siya pasalihin noong lalake na tumawag sa akin ng maliit sa Basketball Club. Kahit sinong bumangga dito ay mapapa-angat ang tingin sa kanya dahil sa taglay niyang tangkad.
Noong nagpapila 'ata para sa height si Bathala, nasa unahan ng pila si Rhonin at inubos lahat ng benta ni Bathala kaya wala ng naibigay sa akin. Halos hanggang dibdib lang ako nito. Pero hindi naman ako nanliliit kapag katabi ko siya.
Napatingin naman ito sa akin at biglang napangiti kaya agad akong nag-iwas ng tingin dito. Naramdaman ko naman na nag-init ang mukha ko dahil sa nahuli niya ako.
Bakit kasi ang gwapo niya eh, nakakainis. Nahuli tuloy ako!
Nagpatuloy ako sa paglalakad ng matanaw ang arch ng club namin, napangiti ako at binilisan ang paglalakad para mahatid agad kay Dee ang pagkain niya. Sigurado akong nagugutom na iyon. Nai-imagine ko na iyong nakanguso niyang labi at magkasalubong na kilay.
Nakangiti kong binungad ang booth namin pero naitulos ako sa kinatatayuan ko nang makita ang ginagawa ng dalawang tao sa loob ng booth. Naramdaman ko naman na napatingin sa akin si Rhonin bago sinundan ang tinitignan ko.
It's Peter and Wendee.
They are talking and laughing. Makikita sa mukha nila ang kasayahan habang nagkekwentuhan. Napangiti ako ng mapait ng bigla na lang ilapat ni Peter ang kamay niya sa mga pisngi ni Dee at pinanggigilan iyon.
Ang sakit pala na makita na masaya sa ibang tao yung taong gusto mo. Naninikip yung dibdib ko at parang gusto kong sumigaw. I calmed myself and take a deep breath. Umiling ako at ibinalik sa mukha ko iyong masayang ngiti but I failed, it turns out to be a fake smile.
Napalingon ako kay Rhonin ng hawakan niya iyong kamay ko na walang hawak na plastic bag at pinisil iyon. Nginitian niya lang ako na siyang sinuklian ko. Somehow, it calms me.
"The cute girl there are my friend at baka gutom na iyon. Stay here, I will give it to them." Sabi ko bago hinila ang kamay ko mula sa kanya at nakayukong naglakad papunta sa booth. Hanggang sa makarating sa booth ay nakayuko ako. Narinig ko naman ang pagtawag sa akin ni Dee.
"Omg! Belle! What took you so long? My babies are hungry." Tipid akong napangiti bago ipakita iyong hawak kong plastic bag sa kanya. Nakita ko naman iyong tuwa sa mukha niya bago iyon kunin sa akin.
Napatingin naman ako kay Peter na matiim na nakatingin sa akin. Ilang minuto kaming nagtitigan doon bago lumipat ang mga tingin niya sa likod ko. Naramdaman ko naman na may nakatayong tao sa likod ko kaya nilingon ko iyon.
"Welcome to Gazette of Asterin! How may I help you?" Masiglang sabi ni Dee kaya napatingin kaming lahat sa kanya. Nakatingin naman siya kay Rhonin na nasa likod ko.
"Let's go." Rinig kong bulong ni Rhonin.
"Dee, alis muna ako. May pupuntahan lang ako. By the way, this is my friend, Rhonin and Rhonin this is Wendee." Pagpapakilala ko sa kanila. Iniabot naman ni Dee ang kamay niya para makipagkamay kay Rhonin.
"Hi, Rhonin. I'm Wendee but you can call me Dee." Nginitian siya ni Dee pero ilang segundo ang lumipas ng hindi iyon tinaggap ni Rhonin.
Napa-angat naman ako ng tingin kay Rhonin. Napakunot ang noo ko ng makitang may blankong tingin sa mukha niya pero, hindi iyon nakatingin kay Dee kundi kay Peter na nakasalubong naman ang kilay habang nakatingin din kay Rhonin.
Nagkatingin naman kami ni Dee dahil naramdaman ko din iyong tensyon na namamayani sa paligid.
"ahm... tara na. Baka nags-start na iyong try-out mo. Dee, alis na kami." Nakangiti namang tumango sa akin si Dee bago nagpaalam sa akin. Hinila ko naman sa kamay si Rhonin dahil nakatingin parin siya kay Peter.
Ano ba ang nangyayari?
"Magkakilala ba kayo ni Peter?" Hindi ko napigilang tanong sa kanya ng makalayo kami sa booth namin.
"I don't know him and I don't like him." He flatly said. Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatiuna na sa booth ng basktball club.
Napatigil ako sa paglalakad ng bigla akong hilahin ni Rhonin. At dahil sa hawak ko ang kamay niya ay napabalik ako at napaharap sa kanya. Tiningala ko naman siya para pagalitan sana pero naunahan na niya ako.
"May gusto ka ba doon sa Peter na 'yon?" Diretso niyang tanong sa akin habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Bahagya akong nagulat sa tanong niya pero hindi ko iyon pinahalata sa kanya.
"A-ano ba ang sinasabi mo dyan? kaibigan ko yun---"
"Gusto mo nga siya." Sabi niya na may pinalidad. It's more like a statement than a question. Hindi na lang ako nagsalita.
"He's so lucky." Huling sabi niya bago ako hilahin.
So he notice. Ganoon ba ako kahalata?
---