webnovel

Sino Ka?!

"Sino Ka?!"

Tanong ng nagtatakang si Winnie habang nakabaluktot at tinatakpan ang maseselang bahagi ng kanyang katawan.

"Ako lang naman tunay na asawa ng lalaking nilalandi mo!!!"

Napaisip si Winnie.

'Wala pang asawa si Anthon, sigurado ko yun kaya sino 'to!'

Nang biglang bumukas ang pinto at lumabas ang lalaking na naka bathrobe.

"Gusto ko rin malaman kung sino ka at pano ka nakapasok sa silid namin? Espiya ka ba?"

Nagdududang tingin nito kay Winnie.

Nanlaki ang mata ni Winnie. Kasing katawan niya si Anthon pero mas matapang ang aura ng lalaking ito.

Pareho sila ng hugis ng mata pero mas maamo ang kay Anthon. Malupit kung tumingin ang mga matang ito na akala mo kakain ng buhay na tao.

'Pero paano sya napunta sa silid ni Anthon?

Nagtatakang tanong nya.

Nakita ng lalaki ang manager.

"Akala ko ba maayos ang security ng hotel na ito?"

Hindi makapagsalita ang manager.

Kilala nya ang lalaking ito, isa sya sa kilalang gobernador sa Visaya.

Manager: "Pasensya na Gob. aalamin ko kung ano talaga ang tunay na nangyari!"

Gob.: "Gusto kong makakuha ng kopya ng surveillance camera nyo!"

Hindi na nakakilos si Winnie dahil hawak sya ng mga tauhan ni Gob.

Pano nangyari 'to? Tama naman ang silid na pinasukan ko!'

Nagpupuyos pa rin sa galit ang asawa ng gobernador pero pilit nyang kinalma ang sarili dahil marami ng tao at baka masira ang imahe ng asawa. Hahayaan na lang nya ang asawa umayos nito.

Manager: "Naiintindihan ko po Gob. pero maari po bang pumasok muna tayo sa silid?"

Mahinahon nyang sabi.

Kailangan nyang maialis muna ang mga ito sa mata ng maraming tao.

Napapansin na rin ni Gob na dumarami ang tao kaya pinadala nya si Winnie sa silid ng mga tauhan nya upang duon tanungin.

Sa silid, tinanong nila si Winnie pano sya nagkaroon ng susi ng silid nila at ano ang motibo nya?

Hindi na nakapagsalita si Winnie. Pano sya magsasalita gayong maging sya ay nabigla pa rin sa mga pangyayari.

Pano nya sasabihin na hindi talaga sya ang pakay nya na nagkamali lang sya! Hindi ba parang idiniin nya lang ang sarili?

At isa pa kitang kita sa video ang lahat ng ginawa nya ay kusang loob at hindi sya pinilit kaya bakit pa sya magaaksaya ng lakas para ipagtanggol ang sarili.

Aantayin na lang nyang matapos ang lahat at saka hihingi sya ng tulong sa tiyuhin nyang congressman para linisin ito.

Kaso hindi alam ni Winnie sa mga oras na ito ay may mga nag upload ng video ng skandalo nya kanina at ilang oras na lang makakarating na ito sa tiyuhin nyang congressman.

Manager: "Gob. maari bang ipaubaya mo muna sa amin ang kaso bago kayo magsumbong sa pulis? Gusto lang muna namin malinawan ang lahat sana maintindihan nyo!"

Kailangan nyang isipin ang hotel baka lumala pa ito pagnakarating sa publiko.

Natuwa naman si Winnie ng madinig ang pakiusap ng manager pero nawala ulit ang tuwa nito sa susunod na sinabi ni Gob.

Gob.: "Ikaw ang bahala pero hindi mo pwedeng makuha ang babaeng iyan!"

Alam nyang iniisip ng manager ang reputasyon ng hotel kaya hiniling nya ito.

Manager: "Naintindihan ko po Gob.!"

Saka nagpaalam na ito at umalis.

Wala syang pakialam sa babae ang tanging pakialam nya ay kung paano sya nagkaroon ng sariling duplicate key ng kwarto ni Gob. at kung paano palalamigin ang ulo ng magasawa sa nangyari.

Gob.: "Kayo na ang bahala dyan!"

Sabi nya sa mga tauhan niya.

Nagulat si Winnie sa sinabi ni Gob. sa mga tauhan nya, ito rin ang huling salitang sinabi niya ng ibigay nya si Issay sa mga lalaking inupahan nya.

Kumakabog na ang dibdib nya sa lakas.

At nakita nyang inakbayan na ni Gob ang asawa para lumabas ng silid.

"Siguraduhin mong hindi sya magkakaroon ng anak sa'yo!"

Nakataas ang kilay na sabi ni Mrs. Gob. sa asawa nya habang nakatingin kay Winnie.

Tumango lang si Gob at naintindihan na sya ng mga tauhan nya.

Natakot si Winnie, biglang tayo at lalapitan sana si Gob. pero naramdaman nyang may humatak sa kanya.

"Hindi! Hindi nyo magagawa sa akin ito!"

Nagsisigaw ito pero hindi na sya nadidinig ng magasawa dahil magka akbay na itong bumalik sa kanilang silid.

Ngunit paano nga ba napunta ang silid na ito kila Gob.?

Ito talaga ang silid na pina reserve ni Anthon sa hotel na ito pero pagdating nila duon kasabay din nilang nag check in sila Gob. kaya naibigay sa kanila ang reservation.

Nauna lang sila Gob ng isang minuto pero wala syang reservation dahil biglaang aya ito ng asawa nya.

Pareho sila ng palayaw at pareho din sila ng apelyido.

Antonio Santiago ang pangalan ni Gob at Anthony Santiago naman ang nobyo ni Issay. Parehong Anthon ang tawag sa kanila.

Nang malaman nila Issay at Anthon ito, sinabi ni Issay na mas mainam kung sa kanila na lang mapupunta ang silid at duon na lang sila sa mas maliit. At iyon ang simula ng pagiging magkaibigan nilang apat.

Pero para hindi magkalituhan pa, hiniling ni Issay sa nobyo na kung maari ay ilagay sa ibang pangalan ang silid at naisip nyang Alejandro Santiago ang ipalagay. Ito ang pangalan ng ama ni Anthon.

Kaya ng magimbestiga si Winnie isang Anthon Santiago lang ang nakita nya.

Mabuti na lang nangyari ito. Sinong magaakala na sa simpleng pagpayag na iyon ni Issay nailigtas nya sa tyak na kapahamakan si Anthon.

Sa silid kung saan naiwan si Winnie, pinagpasapasahan sya ng mga tauhan ni Gob. hanggang magsawa ang mga ito.

Wala ng lakas na lumaban pa si Winnie, tila mawawala na siya ng katinuan. Ang tanging kinakapitan na lang ng kanyang katinuan ay ang natitiyak nyang ganito rin ang sinasapit ni Isabel sa mga tauhan nya ngayon.

Nangiti siya sa isiping iyon.

Pagkatapos pagsawaan, dinala si Winnie sa isang klinik upang masigurado na hindi magkaka anak ng bastardo si Gob. sa kanya.

Hindi babaero si Gob. pero may mga babae talaga na sobrang mapangahas, bigla na lang maghuhubad sa harapan nya. Lalaki lang sya!

Hindi ito gusto ng asawa nya na si Mariza, pero mahirap talagang pigilan ang mga ganitong klaseng babae kaya isa lang ang lagi nyang sinasabi sa asawa.

"Siguraduhin mong hindi ka magkakaanak dyan!"

Nächstes Kapitel