Paglabas ni Edmund ng opisina ng Tiya, nakasalubong nya si Nadine. Pero huminto lang ang huli para magbigay galang sabay pasok sa opisina ni Issay.
Napakunot ang noo ni Edmund.
'Pati ba naman sya?!'
Lalo itong nainis.
Umalis sya ng opisina at dumiretso sa isang bar para mag inom.
Maaring hindi napapansin ni Edmund na simula ng namatay ang kanyang ama, marami ng nagbago sa kanya. Ayaw nya lang tanggapin lalo na kapag may sumisita.
Kung minsan mahirap talagang tanggapin na unti unti na palang nababalot ng lungkot ang buo mong katauhan.
Dahil ang sakit ng pagkawala ng isang mahal sa buhay ay kailan man hindi maalis sa puso ng mga naiwan.
Ang hindi alam ni Edmund dahil sa ginawa nya sa presentation, magsisimula ng lumayo ang kalooban ni Nadine sa kanya na lubos nyang pagsisihan pagdating ng araw.
******
Pag pasok ni Nadine sa office ni Issay, saka lang sya nakaramdam ng pagod.
Parang syang hapong hapo at tila nauupos.
Pinilit nyang lumakad patungong sofa para makaupo.
Kanina pa nya nararamdaman na nanghihina ang dalawa nyang binti at parang bibigay na sa pagod ang kanyang mga mata.
Hanggang sa....
Blag!
Pagpasok ni Issay, nagulat na lang sya ng makita si Nadine na nasa sahig at walang malay.
Nilapitan nya ito upang malaman kung anong nangyari at napansin nyang sobrang taas ng lagnat nito.
"Tess! tawagin mo si Ate Belen! Bilis! Tapos tumawag ka ng tulong!"
Natatarantang utos ni Issay kay Tess.
Sinunod naman agad ni Tess ang mga pinagagawa nya at saka muli itong bumalik kay Issay para malaman kung anong nangyayari kay Nadine.
Inilusob nilang tatlo sa ospital si Nadine.
Sobrang stress daw at over fatigue. Napakahina ng pangangatawan dahil lagi itong nalilipasan ng gutom.
"Mukhang hindi nakayanan ng katawan nya ang sobrang pagod at puyat Idagdag pa ang kakulangan nya sa nutrisyon. Hindi rin sya agad nakainom ng gamot sa lagnat kaya ganyan kataas ang lagnat nya! Mas mainam na i-confine muna natin sya para maobserbahan."
Sabi ng duktor na tumingin.
Nang magkamalay si Nadine, naramdaman nya na may mga tao sa paligid.
Hindi sya agad nagbukas ng mata at nakiramdam muna.
"Kasalanan ko 'to, Ate Belen!
Napabayaan ko sya!"
Sabi ni Issay ng paulit ulit pero parang mas kinakausap ang sarili.
Pabalik balik ito at walang tigil sa paglakad. Alalang alala kay Nadine.
"Oo kasalanan mo!
Oh, ayan narinig mo na! Pwede ka na bang maupo at naririndi na 'ko at nahihilo sa kalalakad mo!"
Sabi ni Belen.
Nangingiti naman pinagmasdan ni Tess ang dalawa na kanina pa nagsasagutan pero halatang parehong nagaalala.
Hindi na rin napigilan ni Nadine ang sarili, nangiti ito ng madinig sila na napansin naman agad ni Tess.
"Uhmm .... mukhang nagkamalay na sya!"
Sabi ni Tess sa dalawa.
Walang ng nagawa si Nadine kungdi magbukas na ng mata at ngumiti sa kanila.
Pinilit nyang maupo ng makita sila.
Sabay sabay naman na lumapit ang tatlo para tulungan sya.
"Nadine kamusta ka na? May masakit ba sa'yo?"
Agad na tanong ni Belen.
Umiiyak na umiling si Nadine na kinatakot ng tatlo.
"Bakit ano nangyari? Tess tawagin mo nga ang duktor!"
Kinakabahan na utos ni Belen.
"Wagna po okey lang po ako!
Masaya lang po ako kasi andito kayo at inaalala nyo ako."
At humagulgol na si Nadine sa pagiyak.
Hinayaan na nyang lumabas ang mga luhang kanina pa nya pilit na pinipigilan. Lahat ng sama ng loob na kinikimkim nya sa dibdib ay isinama nya sa pagiyak nyang iyon.
si Issay na kanina pa walang imik at pinagmamasdan si Nadine, nilapitan siya saka niyakap ng mahigpit.
Walang itong mahagilap na salita para patahanin si Nadine. Alam nyang mas mainam na iiyak na lang nya ng iiyak ang bigat na nararamdaman sa dibdib.
Nang masigurong okey na si Nadine nagpaalam na si Tess at Belen. Nagpaiwan naman si Issay para magbantay kay Nadine.
Hiniling ni Nadine sa kanila na 'wag sasabihin kay Edmund ang nangyari sa kanya.
Madaling araw na ng makuwi sila Belen at Tess.
Kinabukasan nagpumilit ng lumabas si Nadine ng ospital para sa bahay na lang ito magpahinga.
Masyado na nyang naistorbo si Issay at nahihiya na sya sa kabaitan nito.
Ngunit paguwi ni Nadine, sinalubong agad sya ni Nicole ng mga tanong.
"San ka galing? Bakit ba hindi mo sinasagot ang phone mo? May ipapabili pa naman ako sa'yo!Naayos mo na ba ang mga requirements ko? Ang tagal na nun! Ano ba kasing pinaggagawa mo ba't simpleng pagaasikaso lang ng requirements hindi mo pa magawa?"
Sunod sunod na tanong ni Nicole.
Pero dire diretso lang si Nadine sa kwarto, hindi pinapansin ang kapatid.
At saka pinagsarhan ang maingay na si Nicole.
Hindi nagustuhan ni Nicole ang ginawa ng ate nya kaya tumawag at nagsumbong ito sa ina.
Pagkakita ni Nadine sa kama nya, nahiga na ito. Pagod pa sya at medyo nahihilo pa.
Maya maya tumunog ang phone nya at ng makitang ang Mama nya ang tumatawag sinagot nya ito kahit alam na nya ang dahilan ng pagtawag.
Nadine: "Hello po!"
Nelda: "Bakit mo pinagsarhan ang kapatid mo? Maayos ka nyang kinakausap tapos gaganyanin mo!
At bakit hindi mo pa daw naasikaso yang requirements nya?
Matagal na yan ni hindi mo man lang binigyan ng oras para tapusin?
Ang tamad mo talaga!
Bakit, ano bang pinagkakaabalahan mong mas mahalaga pa dyan sa requirements nya?
Sinasabi ko sa'yo Nadine, asikasuhin mo na yan! Ngayon din!"
Sabay baba ng phone.
Sanay na si Nadine sa ina pero hindi ibig sabihin hindi sya nasasaktan sa pagbabalewala nito sa kanya.
"Hindi man lang nya ko kinamusta! Bakit ba hindi ko maramdaman sa'yo ang pagaalalang ibinibigay sa kin ni Ate Issay?"
Naluluha nitong sabi.
Sa sama ng loob ni Nadine, kahit nahihilo pa ito, bumangon sya at nagdesisyon na bumalik sa ospital.
Alam nyang hindi sya gagaling kung mananatili sya sa condo.