webnovel

Chapter 13

Jazmine

"So...any other plans? Kapag nakabalik na tayo sa town?" Tanong nito sa akin habang palipat-lipat ang kanyang paningin sa kalsada at sa akin.

Nagbibiyahe na kami ulit ngayon pabalik sa Coron town. Maaga kaming umalis ng resort na iyon pagkatapos ng picture taking kanina at matapos kong pag tripan si Chris.

Ni hindi na nga kami nakapag almusal pa ng maayos eh. Ewan ko ba at bakit tila nagmamadali ang lalaking ito sa pag-alis. Wala naman kaming hinahabol na oras, pero aakalain mong sinisindihan ang pwet sa pagmamadali.

Ang buong akala ko nga eh ako lamang mag-isa ang babalik sa Town. Hindi ko alam na sasama rin pala siya at hindi lamang ako basta ihahatid.

Nakangiting tumingin ako rito habang kagat-kagat ang aking labi at nag-iisip kung ano ba ang pwede naming gawin oras na makabalik na nga kami ng town.

"Hmmmm, I'd like to ride a motorbike!" Bigla na lamang iyong lumabas sa labi ko.

Tama! Magpapaturo nalang ako sa kanya magdrive. Mabilis na napalingon ito sa akin habang namimilog ang kanyang mga mata. Hindi maitago ang excitement sa biglang pagkislap ng mga ito noong marinig ang sinabi ko.

"Really?!" Di makapaniwalang sambit nito. "Akala ko ba magagalit ang fiance mo?" May mapanuksong tono na dagdag pa niya ngunit nandoon parin ang ngiti sa kanyang labi.

Napatawa naman ako dahil sa sinabi nito.

"Secret lang naman natin eh. Hindi ako magkukwento. Promise!" Bago ko itinaas ang aking kanang kamay bilang tanda ng hindi ko babaliin ang aking sinabi at pangako.

Naiiling na napasulyap itong muli sa akin bago ibinalik ang mga mata sa kalsada. "Alright, then! Walang sisihan ha." Excited na sabi nito at mas binilisan pa ang pagpapatakbo ng sasakyan.

---

Pagdating namin sa Coron town ay inihatid lamang namin sa kanya-kanya naming tinutuluyan ang aming mga gamit. Pagkatapos ay agad na dumiretso na kami sa pagrenta ng motorsiklo.

Si Chris na muna ang nagdrive nito hanggang sa makarating kami sa may Busuanga Airport. Perfect kasi ang lugar na ito para matuto ako. Bukod sa iilan lamang at walang masyadong dumadaan na mga sasakyan, ay nakapa peaceful ng lugar.

Napapalibutan kasi ito ng mga nagbeberdehang bulubundukin at malawak na kapatagan. Sariwa ang hangin at talagang napaka tahimik ng buong paligid. Walang ibang makikita rito kung hindi ang mga pagala-galang mga hayop katulad ng baka at kabayo na inaalagaan mismo dito sa malapit na farm.

Hindi ko mapigilan ang mapaibig sa lugar. Ang sarap sigurong manirahan dito. Haaaaay. Napaka swerte ko dahil narating at puntahan ko mismo ang paraisong ito. Hindi lamang kasi panay dagat ang makikita rito sa Coron. Bukod sa beaches nila, Lagoons, waterfalls ay mayroong katulad nitong mga bulubundukin na talagang mas nagpapahulog sa akin.

Hindi ko mapigilan ang mapasulyap kay Chris habang abala itong tinitignan kung na flat ko ba ang gulong ng motorsiklo kanina o hindi.

Grabe siya. Sabi ko sa loob ko. Hindi naman ako kabigatan ah. Hmp!

Mabilis na napaiwas ako ng tingin mula sa kanya noong nagbaling ito ng kanyang mga mata sa akin. Baka kasi kung ano na naman ang isipin niya.

Nagsimula itong ihakbang ang kanyang mga paa palapit sa akin, habang mayroong nakakalokong ngiti sa kanyang labi.

"Mabilis ka lang naman palang matuto eh." Komento nito sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti ng malawak at tela ba pumapalakpak pa ang aking mga tenga dahil sa narinig.

"Konting practice nalang. Pwede ka ng magpabili sa fiance mo ng big bike." Natatawa na dagdag pa nito dahilan upang tignan ko ito ng masama.

Pero sa totoo lang. Napakabilis ko nga yatang natuto. At hindi ko akalain na ganoon ko lamang kabilis mababalanse ang motorsiklo. Para bang pakiramdam ko matagal na akong marunong mag drive nito at nakalimutan ko lamang kung paano. Alam niyo ba 'yung ganoong feeling?

Weird. Hindi makapaniwala na sabi ko sa aking isipan.

Isa pa, habang tinuturuan ako ni Chris kanina, hindi man lamang ako nakaramdam ng kahit konting takot at pag-aalinlangan. Siguro dahil alam kong safe ako sa kanya? Dahil alam kong hindi ako nito pababayaan.

Tama! Baka nga. Napapatango na pagsang ayon naman ng aking isipan.

Hindi nagtagal ay basta at bigla na lamang naming naramdaman ni Chris ang sunod-sunod na pagpatak ng malalaking butil ng ulan. Hanggang sa tuluyan na nga itong bumuhos at hindi na nagpaayat pa.

Narinig kong napamura si Chris habang nagpapalinga-linga sa paligid. Marahil naghahanap ng pwede naming masisilungan. Ngunit kahit kubo ay wala kaming natatanaw dito. Kung meron man ay napakalayo pa mula sa amin at tiyak kong bago pa man kami makarating ay mukha na kaming mga basang sisiw.

Kaagad na niyakap ko ang aking sarili noong umihip ang malamig na simoy ng hangin. Noon din ay nakita ko na lamang na natigilan si Chris atsaka dahan-dahan na nagbaling muli ng kanyang paningin sa akin.

Napalunok ako ng mariin nang inihakbang nito ang kanyang mga paa palapit sa akin. At pagkatapos ng ilang segundo ay huminto ito sa tapat ko. Hindi ko alam pero para bang may kung ano sa mga mata niya na doon lamang din nakatutok ang mga mata ko.

Basta ko na lamang din na hindi na naramdaman pa ang lamig na kanina ay halos manginig na ako. Kahit pa basang basa na rin kaming dalawa ngayon.

Hindi nakaligtas sa aking paningin ang paglunok nito bago nito marahan na hinapit ang beywang ko, habang nakatitig lamang ito sa aking mukha. Hanggang sa tuluyan na ngang magdikit ang aming katawan sa isa't isa. Dahilan upang mapasinghap ako.

Nag poprotesta ang aking isipan. Gusto nitong itulak ko si Chris palayo mula sa aking katawan ngunit hindi ko magawa. At para bang mayroong saliring utak ang mga kamay ko na napahawak at napakapit na lamang din ng basta sa kanyang balikat, hanggang sa batok nito.

Habang kapwa nakapako lamang ang aming mga mata sa isa't isa, na tila ba nag-uusap ang mga ito at sila lamang ang nagkaka intindihan.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Napaka panatag ng aking puso at napaka sarap damhin na nasa beywang ko ang mga kamay ni Chris.

Ngunit bakit pakiramdam ko, niloloko ko si David. Pero bakit paulit-ulit siyang iwinawaglit ng aking isipan at ibinabalik ako sa kasalukuyan kung saan si Chris ang nasa harap ko. Ang kasama ko.

Hanggang sa dahan-dahan ko na lamang naramdaman ang unti-unting paggalaw ng mga paa ni Chris. Hindi ko napigilan ang hindi bumaba ang paningin ko sa kanyang labi atsaka muling napalunok ng mariin, noong bigla itong nagpakawala ng isang matamis na ngiti.

Iyong ngiti na ngayon ko lamang nasilayan mula sa kanya magmula noong makilala ko siya.

Iyong ngiti na awtomatikong nagpabilis ng pagtibok ng aking puso ngayon.

Iyong ngiti na inaamin kong tumutunaw sa aking puso at wala akong ibang maramdaman sa mga sandaling ito, kung hindi kagalakan.

Bakit paningin ko rin, ang gwapo gwapo niya sa mga sandaling ito. Mas lalo pa siyang gumagwapo lalo kapag tinitignan at nginingitian niya ako ng ganito. Nakakapanghina ng mga tuhod. Ngunit pilit na hindi ko iyon ipinapahalata sa kanya.

Hindi ko namalayan na sinasabayan ko na rin pala ang bawat paggalaw ng kanyang mga paa.

Sumasayaw na pala kami sa gitna ng ulan ng hindi ko namamalayan. At ang tanging nagsisilbi naming musika ay ang ingay ng pagbuhos ng ulan, pati na rin ang mumunting simoy ng hangin na sumasabay sa aming mga paghakbang.

Hindi ko magawang alisin ang aking paningin sa kanya. Na tila ba wala akong ibang nakikita ngayon kung hindi siya at ako lamang. Naging manhid ang aking katawan sa ginaw at lamig na kanina ay akin lamang nararamdaman.

Nakapako lamang din ang mga mata nito sa akin. Nangungusap ang mga ito at mayroong sinasabi ngunit hindi ko mawari kung ano.

Muli ay binigyan ako ni Chris ng isang matamis na ngiti. Ngunit hindi inaasahan na napapikit ako at bigla akong napabahing sa kanyang harapan.

Sa pagmulat muli ng aking mga mata ay pikon na mukha na naman ni Chris ang bumungad sa akin habang nakapikit ito ng mariin. Mabilis na napaatras ako mula sa kanya habang naka peace sign. At pagkatapos ay nagpakawala ng isang malutong na pagtawa.

"Damn it!" Pagmura nito bago muling iminulat ang kanyang mga mata at binigyan ako ng isang pamatay na tingin.

"Sorry." Naka peace sign parin na paghingi ko ng tawad habang pinipigilan ang muling pagtawa.

Napahinga ito ng malalim bago mabilis na akong tinalikuran atsaka muling lumapit na sa motorsiklo. Unti-unti na rin sa pagtila ang ulan kaya naman agad na niyaya ko na itong umuwi. Habang siya naman ay walang imik na muling binuhay na ang makina ng motorsiklo.

Hindi na lamang din ako nagsalita pa at agad na sumakay na. Ngunit mayroon paring sumisilip na ngiti sa aking labi. Lalo na noong awtomatikong yakapin ko ito mula sa kanyang likuran.

Agad naman na naramdaman ko ang paninigas ng kanyang katawan. Hindi ko alam pero basta at kusa ko na lamang din itong nahalikan sa kanyang pisngi habang binabaybay na namin ang daan.

Kitang kita ng aking mga mata ang pamumula ng kanyang tenga, dahil sa ginawa ko na siyang dahilan upang mapangiti na ako ng tuluyan.

"Thank you." Buong puso na pasasalamat ko sa kanya. May ilang segundong natahimik ito.

"Magpapasalamat nalang kailangan may kiss pa. Tss!" Bubulong-bulong na reklamo nito na rinig na rinig ko naman.

"Anong sabi mo?" Sa halip na sagutin ako ay biglang na lamang nitong binilisan ang kanyang pagpapatakbo. Dahilan upang mapakapit at mapayakap ako sa kanya ng mas mahigpit.

Hanggang sa naramdaman ko na lamang din ang unti-unting pag relax ng kanyang katawan. Kaya naman, marahan na ipinatong ko na lamang din ang aking baba sa kanyang balikat at ninamnam ang bawat segundong yakap ko ito sa kanyang katawan.

Nächstes Kapitel