webnovel
avataravatar

Chapter 8

Jazmine

"Are you sure you wanna ride that one?"May pagka-alanganing tanong ko sa kanya.

"Hell yeah! I'd like to ride this one. Gusto mo bang masubukan mamaya?" Magiliw na tanong nito habang nagchecheck ng motorsiklo na rerentahan namin.

"No..?" Alanganing sagot ko naman. "I don't know how to ride a motorbike. Ikaw nalang." Dagdag ko pa at ngumiti ng alanganin.

Saglit siyang natahimik at napatingin sakin. "Hmmm, alright! But I can teach you if you want?" Pangungumbinsi pa nito.

"My fiance will gonna kill you if you insist too much!" Atsaka ko itinaas baba ang aking kilay.

"Alright, sabi mo eh." Saka ito tumalikod na mula sa akin. Habang napapakagat labi nalang akong pinagmamasdan siya ng palihim.

Sa totoo lang, ayoko lang talagang subukan. Hindi naman sa natatakot ako kung hindi AYOKO lang talaga. Period.

"We'll take that one miss." Sabi nito sa kahera habang itinuturo ang motorsiklo na gusto niya.

"Which one Sir?" Magalang at medyo nahihiyang tanong nito atsaka ngumiti.

"The big one." Tipid naman na sagot ni Chris.

"Alright Sir, it's 800 pesos cost per day." May iniabot itong papel kay Chris, na siya namang binasa niya at penermahan. Isa itong Agreement between Renters and the owners, na nagsasabing hindi na nila pananagutan ang anumang mangyayari kapag nasa clients na ang motorsiklo. At ano mang mangyaring aksidente, ay hindi na rin nila pananagutan ngunit kailangang bayaran ang anumang masira sa sasakyan.

Pagkatapos pumerma ni Chris ay ibinigay nito ang kanyang I.D as a rule of the owner at syempre nagbayad...

"Thank you, Ma'am/Sir! Enjoy your adventure and have a good day!" Masiglang sabi nito sa amin at nag wave pa. Ngumiti ako rito at nag thank you. Habang palihim ko naman na kinurot si Chris sa tagiliran. Medyo napalakas ata kaya napa angat ang kabilang balikat nito.

"What?!" Iritableng tanong nito sakin.

Napairap ako atsaka ngumuso doon sa babaeng kahera na hanggang ngayon ay nakatingin parin pala samin. "Mag thank you ka naman." Medyo pabulong na sabi ko rito sakto lang para marinig niya.

Napahinga siya ng malaim at humarap sa babae. "Thank you, Miss." Walang kaemo-emosyon na sabi nito.

"Samahan mo naman ng konting ngiti." Medyo inis narin na bulong ko rito at mas madiin na kurot ang ibinigay ko sa kanya na lalong mas ikinapakla ng kanyang itsura.

"What the fuck is wrong with you?! Nag thank you na ako." Saka ito nakabusangot na nag walk-out. Pero infairness ang pogi parin kahit suplado.

Hay ano ba naman 'tong naiisip ko. Nagawa ko pa talagang isingit 'yung bagay na iyon sa isipan ko.

Pagkaraan ng ilang sandali ay nasa biyahe na kami habang binabaybay ang daan papuntang Busuanga. Yes! Pupunta kaming Busunga. Hindi ko man alam sa kasama kong ito kung bakit sa dami ng pwedeng mapuntahan rito sa Coron eh doon pa niya naisipang pumunta. Well, gusto ko naman mag-iinarte pa ba ako? At isa pa, iyon naman ang dahilan kaya ako napunta sa islang ito eh. Ang maglibang at eenjoy ang bawat moment na nandito ako.

Habang binabaybay namin ang main road going to Busuanga ay naglalakihan ang aking mga mata sa mga nagagandahang mga tanawin na matatanaw rito. Grabe! Panalo talaga ang Palawan sa likas nitong mga tanawin.

"Oh, bakit ka huminto?" Nagtatakang tanong ko sa kanya dahil sa bigla nitong paghinto.

"Nakakangalay pala, biruin mo isang oras na akong nagmamaneho samantalang ikaw diyan nakaupo lang." Reklamo nito sakin. At dahan dahan na bumaba ng motorsiklo kasabay narin ng pagtanggal ng helmet mula sa kanyang ulo.

Aba't nakuha pang ngisian ako! Hays talaga naman.

"Eh sino kaya itong ang lakas ng loob magyayayang pumunta dito?" Medyo naiinis na sambit ko. Habang papadyak padyak akong naglakad papalayo rito.

"At saan ka naman pupunta sa tingin mo?"

"Wala kana don! Maglalakad akong mag-isa at kayayanin ko." Nagpatuloy ako sa paglalakad ng hindi man lang siya nilingon pa.

Anong akala niya sakin? Nakakainis talaga siya kung minsan. Ang asungot niya. Ang suplado pa! Bigla ko na lamang namalayan na nasa ere na ako at pasan pasan niya na parang sako.

"Gotcha!" Saka ako patakbong buhat buhat nito pabalik kung saan man kami huminto kanina.

"Ano ba! Bitiwan mo nga ako!" Sa halip ay pinagtawanan lamang ako nito at nagpatuloy sa kanyang ginagawa.

Nakasimangot at masama ang loob ko nang muli naming binaybay ang kalsada.

Tahimik at hindi man lamang ako kumikibo dahil pakiramdam ko sasabog na ang dibdib ko sa sama ng loob. Hinayaan ko nalang din siya sa pagmamaneho at nanatiling tikom ang mga bibig para hindi na kami magtalo. Maaga pa lamang ay mainit na at tirik na tirik ang sikat ng araw kaya mas lalong umiinit ang ulo ko sa kasama kong ito.

Kung hindi lang siya pogi. Hmp!

Ewan ko ba at bakit ganito nalang ang pagka disgusto ko sa lalaking ito minsan. Nakapahirap niya kasing pakisamahan. Daig pa ang babae sa pagiging mood swing nito.

Pasado alas nuebe na noong makarating kami sa dulo ng Busunga, kung saan maraming bangka, bangkero at mga sasakyan ang nandoon. Mga turistang naroroon pati narin mga Tour Guide na kasama para gumabay sa mga naroroong turista.

Dito kasi sumasakay para makarating sa isla ng Calauit Safari Park. Kung saan maraming iba't ibang mga hayop ang nandoon. And they said, that the animals there was originated from Africa like Zebras, Giraffes, Bushbucks at marami pang iba. Isang isla kung saan ang mga hayop roon ay malayang namumuhay sa malawak na lupain.

I also know that the Calauit Safari Park is one of the most popular tourist attractions here in the Philippines. And the most I love is that the visitors are allowed to feed them and apparently they have a passion for bananas. Sobrang nakakatuwa at nakakagiliw silang tignan at panoorin.

Pagkatapos naming mananghalian roon ay bumiyahe narin kami kaagad ni Chris pabalik ng bayan ng Coron. Alam kong maging siya rin ay napahanga sa pinuntahan naming lugar. Panay pa ang tawa nito kanina dahil sa tanang buhay niya ngayon lamang daw siya nakahawak at nahalikan ng isang Giraffe.

Natutuwa at syempre palihim ko siyang pinagmamasdan. Kung tutuusin ang dali lang naman talagang pasayahin ni Chris. Hindi ko alam pero mas lalong napapalapit na yata ang loob ko sa kanya ng lubusan. Sa hindi ko rin malaman na dahilan.

Medyo nakaramdam narin ako ng hiya at the same time naaawa, dahil kanina pa siya nagmamaneho, pagod at sigurado akong nangangalay na ang mga braso at kamay nito sa paghawak ng manobela.

Pero bakit yata bigla na lamang naging good mood siya? Kanina pa kasi ito ngiting-ngiti habang napapailing.

"Stop staring at me." Huli nito sa akin dahil kanina pa ako pasulyap sulyap dito at kung hindi naman ito nakatingin sa akin ay talagang pinagmamasdan ko siya ng maigi.

Nandito na kami ngayon sa tapat ng backpakers na tinutuluyan ko.

"H-hindi 'no?" Medyo nautal na depensa ko naman sa aking sarili sabay bawi ng tingin. "M-may dumi ka lang sa mukha." Palusot ko pa at palihim na nakikipagtalo sa sarili.

Napahulukipkip ito at mas lalong tinignan rin ako ng maigi sa mukha na para bang may iniisip siya na hindi ko mawari kung ano, atsaka ito ngumiti ng nakakaloko.

"Pwede ba? Stop pretending that you don't like me. Kasi ang totoo gusto mo na ako." Mayabang na sabi nito.

Napanganga ako in this belief.

"Ha! Hoy lalaking mas bugnutin pa sa lolo ko. Pwede rin ba? Wag kang assuming masyado. Atsaka..." Saglit akong napahinto. Pinandilatan lang naman ako ng mata nito sa na para bang sinasabi na huling huli na niya ako, tumatanggi pa.

"Atsaka?" Yumuko pa ito at mas lalong inilapit ang kanyang kanang tenga sa akin, naghihintay sa susunod na bibitawan kong salita.

Napahuga ako ng hangin sa ere, napahalukipkip rin kagaya ng ginagawa niya ngayon at napairap ang mga mata.

"Ano naman ngayon kung...gusto nga kita?" Taas noo at mataray ngunit may diin na sabi ko rito bilang panghahamon.

Halatang nagulat ko ito ng konti sa nasabi ko, ngunit mabilis naman niya itong naitago. Napangisi rin ako kagaya ng madalas niyang ginagawa sakin bago ko siya nilagpasan na at nagpatuloy na sa paglakad.

"See you tomorow Mr. Sungit!" Sigaw ko rito upang marinig niya with wave pa para mas feel.

Saglit ko siyang nilingon para tignan ngunit ganoon parin ang posisyon nito. Nakatulala lamang habang hindi gumagalaw na animo'y nakakita ng multo.

"Problema 'non?" Bulong ko sa sarili.

Saglit ko itong iniwaglit sa aking isipan at nagpatuloy na sa paglalakad.

Nächstes Kapitel