Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Si Jimmy, ang lalaking walang kwenta ay nasa harapan ko-- at nakatingin din sa akin. Walang sinuman sa aming dalawa ang nag-aalis ng tingin. Walang sinuman sa aming dalawa ang nais magpatalo.
"Sorry Jonnie natagalan ako." rinig kong sabi ni Bernard. Sabay lagay ng kamay nito sa balikat ko.
Naputol ang tinginan naming dalawa ng marinig namin si Bernard. Napansin kong tumutok ang mga mata ni Jimmy sa kamay ni Bernard na nakahawak sa balikat ko.
"Okay lang. Halika na alis na tayo? Malelate na din ako sa practice e." sabi ko rito sabay kuha sa bag ko. Hindi ko na ulit tinignan si Jimmy ngunit ramdam na ramdam kong may mga matang nakatingin sa akin.
Hindi ko naman siguro kailangang magpaalam sa kanya, ano?
"Sino yun?" tanong ni Bernard sa akin habang papunta kami sa parking lot.
"Sino?" maang-maangan kong sagot rito habang nagmamadaling naglalakad.
I don't want any reasons to talk about him. My goooosh.
"Oh come on. You know what I'm talking about, Jonnie."
Hinarap ko si Bernard habang kitang kita sa mukha ko ang kawalan ng gana na sagutin ang tanong niya.
"Not now, Bern. Pwede? Wala ako sa mood."
"Okay. Sige. Pero sasabihin mo din yan sa akin yan one of these days. Di pwedeng hindi."
"Yeah sure. Promise. Dalian mo na hatid mo ko sa Church.
8 o'clock na din oh." sabi ko sabay pakita sa relos ko rito.
"Aye aye, Captain!" sabi nito sabay saludo sa kanya.
Napatawa na lang ako sa ginawa nito. Baliw talaga.
---
Hindi ako makatulog ngayon as I try to analyze things that happened today.
This year's Valentine's day seems to be normal... na sana. Sanay na naman kasi ako na walang kadate tuwing Valentines. Walang jowa. Walang lovelife. Sanay na din akong tampulan ng tukso dahil sa pagiging single ko. What will I do? Wala sa schedule ko ang love na yan. I am so busy loving myself and my family that a romantic love is never in the picture. As I have said, I am okay on my own. I don't need a man to depend my happiness.
Hindi naman talaga ako ganito dati. When I was in highschool, I believed in love. I believed in having a "happily ever after" kind of story pero mula kasi ng saktan ni Jimmy ang damdamin ko 16 years ago, pinangako ko na sa sarili ko na hindi ko na hahayaan na masaktan akong muli, lalong lalo na ng isang lalaki. Sa una lang magaling yang mga lalaki na yan. Kakaibiganin ka, papakiligin ka, pero at the end, kaibigan ka lang pala.
All men are chauvinistic pigs, iba iba nga lang ng level. And Jimmy?He is the epitome of those pigs.
Sa ngayong taon, I am already 29 at next month, magti-thirty na ako. At alam mo naman dito sa Pilipinas, kapag umabot ka ng trenta, feeling nila, mamamatay ka ng mag-isa. Lagi kang sasabihan na mawawala na sa kalendaryo, kung tomboy ka ba o baka asexual ka. Actually, okay lang naman sa akin ang sasabihin ng iba, ang pressure nila pero ibang usapan na kapag mga magulang mo na ang naghahanap ng apo.
My gosh, apo talaga ang hinahanap di ba e jowa nga wala ako! Nabibili ba ang apo sa pet shop? Sana ganun na lang kadali di ba? Hay naku.
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko kanina sa KFC. Alam ko na okay naman ako mag-isa sa buhay pero noong makita ko ang mga pesteng magjojowa doon ay bigla akong nakaramdam ng inggit. Bigla kong naisip, "Ano kaya ang pakiramdam ng may kaholding hands? Ano kaya ang pakiramdam ng may nagsasabi sa'yong mahal ka nila? Ano kayang pakiramdam ng may yumayakap sa'yo...?" Iyan ang naglalaro sa isipan ko kanina kaya nagawa kong makipagkasundo o humingi ng sign kay Lord. Natutuwa naman ako na hindi bungi, kalbo o kung ano pa man ang unang lalaking pumasok sa KFC kanina pero bakit sa dinami dami ng pwedeng maging sagot ay bakit si Jimmy pa? Hindi ko nga alam na nakauwi na pala ito. Mula kasi ng umalis ito 16 years ago, iniwasan ko ng makarinig ng kahit ano mula rito. Iniwasan ko lahat ng bagay na pwedeng magpaalala sa kanya. I can be a little bit childish in this part but what can I do? He broke my heart and torn it to pieces.
Anong uri ng joke ba ito ha, Lord? Anong gusto mong iparating? Siya ba talaga ang sagot Mo para sa akin? Di ba pwedeng iba na lang?
Napatingin ako sa wall clock dito sa kwarto ko. Two o'clock in the morning na pala. Hindi ko na namalayan na inabot na pala ako ng alas dos sa kakaisip ng mga bagay bagay. Meron na lang akong 2 and a half hour para makakuha kahit saglit na tulog. 4:30 am kasi kailangan ko ng bumangon at maghanda naman para sa pagpasok. Gooluck talaga ng bongga sa akin, malamang iinom na naman ako ng biogesic pampawala ng sakit ng ulo.
------
"Good morning po, Ma'am." bati ko sa department head namin. Pinatawag niya kasi ako sa isang estudyante namin kanina.
"O nak, pasok ka." sabi nito sa akin sabay turo sa upuan na nasa harapan nito.
"Ma'am, bakit ninyo po ako pinatawag?"
"Kasi nak ganito, naalala mo ba yung research na pinasa mo sa Division Office tapos nagdefense kayo?"
"Yes po Ma'am. Bakit po?"
May kinuha ito sa ilalim ng table nito na mga papel at inabot sa akin. "Read that nak."
Iniscan ko ang ibinigay na papel sa akin ni Ma'am. It is a memo from the Regional office stating the year's BERF grantees. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang binabasa ang listahan ng mga pangalang nakapasok sa BERF. Hindi kasi lahat ng nagpapasa ay nakakapasa rito. Nang makita ko na ang pangalan ko, di ko mapigilang mapangiti. Hindi ako makapaniwala na nakasali ako sa grantees!😊
"Congratulations nak!" bati nito sa akin sabay yakap ng mahigpit sa akin.
"Thank you po Ma'am!"
"Anyway, nga pala anak may isang reason pa kung bakit kita pinatawag. I need your help kasi."
"Ahm, ano po iyon Ma'am? Baka po makatulong ako."
"Di ba kumakanta ka naman?"
"Medyo po. Sa Church po kumakanta po ako. Bakit po ninyo natanong?"
"Kasi ganito nak. In a week's time, ikakasal na yung anak ko from Korea. Kaso nga lang, dito sila nagdecide na magpakasal nung fiancee niya. The problem is nagback out yung kinuha nilang wedding singer, pwede bang ikaw na lang ang kumanta sa kasal nila? Sige na nak, please? Wala na din kasing enough time para maghanap pa ng ibang singer na di namin kakilala, baka kasi magback out ulit."
Natahimik akong sandali sa sinabi nito. Oo, kumakanta ako pero sa Praise and Worship. Hindi ako sanay kumanta sa harap ng ibang tao lalo na at sa kasal pa. Paano kung magkamali ako ng lyrics? Paano kung pumiyok ako sa mismong wedding?
"Nak? Ano natahimik ka na diyan? Pumayag ka na, sige na. Pamasko mo na lang sa akin."
"Ahm, sige po--o-o. Susubukan ko po pero Ma'am ha, hindi po ako professional wedding singer kaya wag po kayo masyadong mag expect."
"Hay salamat! Thank you nak! Huwag kang mag-alala, di ka magkakamali. Alam kong magaling ka, okay! Salamat talaga!" sabi nito sa akin na tuwang tuwa at niyayakap ako ng sobrang higpit.
"Pero Ma'am, mag-isa lang po ba akong kakanta?" tanong ko rito.
"Naku hindi nak, may kasama ka. Pinsan daw ng groom iyon galing Korea."
"Ah okay po. Buti naman po. Atleast may sasalo sa akin kapag pumiyok ako haha."
"Wag ka ngang nega diyan nak! Di ka pipiyok okay? Ang ganda ng boses mo e." assurance nito sa kanya.
"Ahm Nanay, babae ba yung pinsan nung mapapangasawa ng anak ninyo?"
Sandali itong nag-isip, "Ang alam ko lalaki ata e. Sabi nung anak ko, nagbabanda daw yun sa Korea kaya sanay ng kumanta. Vocalist ata yun doon sa banda nila."
" Nakakapressure naman pala yung makakasama ko Nanay. Mas lalo ata akong kinabahan hahhahahaha."
"Heh! Tumigil ka nga! Anyway, ang alam ko bukas may practice ata ang mga abay at singers doon mismo sa venue."
"Anong oras po, Nay?"
"Ang alam ko 10 am e. Confirm ko lang sa anak ko tapos sabihan kita mamaya."
"Sige po Nanay, salamat po. Alis na din po ako kasi may klase na din po ako." paalam ko rito. Kung hindi kasi ako magpapaalam, siguradong aabutin na naman ako ng siyam siyam dito.
"O sige nak. Salamat ulit ha. Basta mamaya sasabihan kita kung kailan ang schedule ng practice."
------
Andito ako ngayon sa MC Events Center. Dito mismo yung venue ng kasal nung anak ni Ma'am. Medyo naaalangan pa nga ako kasi wala naman akong kakilala doon kung hindi si Nanay lang.
Halos lahat ng abay pati narin ang bride and groom andito na. Isa na lang ang kulang: yung kasama kong kakanta.
Paartista effect. Kainis.
"Yes! Nandito na siya!" rinig kong sabi ng isang abay habang binibigyan ng palakpak ang bagong dating.
Taray. May fans club.
Deadma walking ang drama ko. Hindi ako lumingon kahit na narinig kong nag-uusap sila nung 'fan' niyang abay. Haha. Nakakabadtrip kasi. Di niya ba alam ang sense of time responsibility? Nakakainis talaga yung mga ganong tao.
"Okay, mga Ma'am and Sir. Start na tayo ng practice." sabi ng coordinator. "Ma'am, dun po kayo sa pinakaharap kasama ni Sir. Kausapin ninyo na lang po yung music team."
"Hi, pasensya ka na ha. Naging cause of delay ako." narinig kong sabi sa akin ng nasa likod ko. Tumaas na ang kilay ko pero bago ako humarap, nakasmile na ako. Plastic mode lang.
"Naku, oka-a-y... What the f--" my words left hanging ng makita ko kung sino ang nasa harapan ko. Si Jimmy!
"Ssssh. Lady, your mouth. Cursing doesn't suit you." bulong nito sa akin sabay alis ng daliri nito sa mga labi ko.
Nacaught off guard ako sa ginawa nito. Ramdam na ramdam ko ang hininga nito sa tenga ko pati na rin ang daliri nitong dumampi sa mga labi ko. At kahit hindi ko tingnan ang sarili sa salamin, alam kong sobrang pula ng mukha ko ngayon. Bakit ba kasi nagbablush ako ngayon? Sa dami ng panahon, bakit ngayon pa?
Tumikhim ako upang alisin ang tensyon sa katawan ko. Hindi pwede ito, di ako pwedeng matalo ngayon! Not now, not ever!
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko rito habang nakaismid dito at taas noong nakatingin dito. Mamatay na ang magbaba ng tingin!
Nakita kong tumawa ito habang nakatingin sa akin. Di ko maiwasan na hindi bigyan ito ng death glares dahil sa ginawa nito.
"Anong nakakatawa?"
"Wala. Anyway, to answer your question earlier, I'm here because I am the wedding singer of this wedding. How about you? Anong ginagawa mo dito?"
Sasagot na sana siya ng lapitan siya ng music coordinator.
"Ma'am, kayo po ba yung bagong nakuha ni Ma'am na wedding singer?" Hindi niya alam kung paano sasagutin yung music coordinator sa tanong nito. Tumango na lang siya bilang pagsagot dito, tila kasi umurong ang dila niya at napipi na siya. Inaatake na naman ako ng kaba.
"Hindi ka pa rin nagbabago. May stage fright ka pa rin?" sabi sa akin ni Jimmy habang nakatingin sa mukha ko.
"A-a-anong sinasabi mo diyan?" pautal kong sagot dito.
Bakit ba kasi ganyan ka makatingin?
Naramdaman kong dumapo ang kamay nito sa balikat ko. Taray, feeling close Kuya?
"Huwag kang mag-alala, aalalayan kita."
"Thanks but no thanks. Kaya ko ang sarili ko. I don't need help. Especially, your help."
"Ah okay. Sige, sabi mo e."
After ng pag-uusap nila, nagstart na ang wedding practice. Actually, gusto ko yung song choices ng ikakasal kasi pamilyar ako sa mga kanta. Plakada ko na yung ibang kanta tulad ng, "A Thousand Years", "Ikaw" pati na din yung "The Gift." Samantalang halatang halata mo naman na sanay na sanay ng kumanta si Jimmy sa marami dahil sa galing nito. Pinakafavorite niya yung "Beaitiful in White" nito kasi kaboses nito si Shane Filan.
Sabi nung music coordinator, may isa pa silang kakantahin pero sa susunod na practice na lang daw nila kakantahin. Nagkibit balikat na lang ako. Napapagod na din kasi ako tapos may pasok pa bukas. Umalis na ako ng hindi na nagpaalam pa kay Jimmy. Bakit? Tatay ko ba siya?