webnovel

XI

"Ok class, that's all for today. Ipasa nyo na lang yung homework ninyo sa monitor (teacher assistant for the subject). And Miss Madrigal, dahil wala ka kahapon sagutan mo yung question sa chapter 6 page 87 to 90. Yun ang ipasa mo sakin bukas." Sabi ng prof naming si Ma'am Livia habang nakatingin sakin.

"Okay po ma'am."

"Okay class dismiss." Sabi nya at umalis na sya.

Kinuha ko yung libro namin sa Business management at tinignan yung pinapasagot nya sakin. Medyo marami pero kaya naman tong matapos agad. May internet naman akong ma tatanungan sa mga words na pinapa explain sa questions dito eh. Gawin ko na lang agad mamayang pag kauwi ko para maaga akong matapos. At baka mapagalitan nanaman ako ni Tita Eliz, mula nung nahimatay ako ayaw nya nang nakikitang nag pupuyat ako.

Two day ago nung nahimatay ako at puntahan ako ni Tita Eliz dito sa school para sunduin. At dahil don hindi na muna nya ako pinapasok kahapon para daw makapagpahinga ako. Tapos tong si Hazel hindi ko na nakita bago ako umuwi non nag txt lang sakin. Sumakit daw tyan nya kaya hindi na ako napuntahan nung nasa clinic ako.

Pero hindi lang si Hazel yung weird nung araw na yun eh, pati si Tita. Nung nakita nya kasi si Mr. Kumi sa labas nung clinic na kausap si Zero ang sama ng tingin nya kay Sir nung nag paalam kami. Nung tinanong ko naman kung kilala nya ba si Sir sabi nya hindi daw.

Napabuntong hininga na lang ako at inayos ko na rin ang gamit ko at nakakaramdam na ako ng gutom.

"Ang lalim non ah." natigilan ako sa pag aayos ng gamit ko ng may biglang nag salita sa tabi ko.

"Ha?" naka kunot noong tanong ko sa kanya. Bat parang ngaun ko lang nakita tong lalaking to dito sa subject ko na to.

"Sabi ko ang lalim ng buntong hininga mo, bakit may poblema ka?" nakangiting sabi neto at tumabi sakin.

Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang kumilos mag isang kamay ko, at bigla ko na lang syang kinurot sa pisngi nya. Nakita ko ang pag rehistro ng gulat sa mukha nya sa ginawa ko at pati ako nagulat din. At bigla kong kong inalis ang pag kakakurot ko sa pisngi nya. Ano bang nangyayari sakin nakakahiya yung ginawa ko.

"Ay sorry, mag isang gumalaw yung kamay ko. Hindi ko talaga sinasadya." Hinging dispensya ko. Anong naisipan ko naman kasi at na ngungurot ako nang pisngi ng may pisngi. Okay pa sana kung kaybigan ko, tulad ni Hazel kaso hindi ko naman kilala tong lalaki sa harap ko.

Tumayo na ako at binitbit ko na ang gamit ko at tumingin ako sa kanya. "Sorry po talaga, sige alis na ako." Sabi ko at nag lakad na palabas ng room pero nakakailang hakbang pa lang ako ng napahinto ako ng narinig kong tinawag nya ang pangalan ko.

"Yuki." napaharap ako sa kanya. " Hindi ka pa rin nag babago." Nakangiting sabi nya sakin.

"Ha? hindi pa rin nag babago, kilala ba kita dati pa? Hindi kasi kita matandaan eh" nag tatakang tanong ko sa kanya kasi sa paraan ng pag kakasabi nya parang mag kakilala kami. Saka bat alam nya yung pangalan ko? Sure naman akong ngayon ko pa lang sya nakita. Hindi naman ako sikat dito sa school para makilala ng karamihan ng mga student dito.

"Pakinggan mo ang tibok ng puso mo, hindi ka non ipapangamak." nakangiting sabi pa nito bago lumabas na ng room.

Akala ko ako lang weird ngayon pati pala yung lalaking yun. Anong sundin ang pusong pinag sasabi nya?

Nasundan ko na lang sya ng tingin hanggang makalabas na talaga sya. Ang layo naman ng sagot nya sa tanong ko. Napakamot na lang tuloy ako sa ulo.

"Pakinggan mo ang tibok ng puso mo, hindi ka non ipapahamak? Anong ibig nyang sabihin don? Pero mukha, kilala ko kaya yung lalaking yon?" Sabi ko nalang kahit wala na akong kausap.

Nag kibit balikat na lang ako at nag lakad na ako palabas ng class room. Nag aantay na kasi si Hazel sakin sa library at may i re research daw sya at need nya ng tulong.

Habang nag lalakad ako na ako papuntang Library na nasa kabilang building pa. Andon kasi sya sa main library ng school namin na may sariling building. Kada academic department kasi may mga sariling library sa school na to. Pero meron kaming Main Library na may sariling building. Don mo makikita lahat ng uri ng libro na kaylangan ng mga student regardless sa department nila. And dun mo rin makikita yung history ng school na to. Pero hindi naman ako pumupunta don sa BA Library lang kami talaga pumupunta ni Hazel pag may kaylangan kaming asikasuhin. Ewan ko lang kung anong meron at dun nya naisipang mag research.

"Yuki."

Natigil ako sa pag lalakad ko nung may marinig akong tumawag sakin. Lumingon naman ako sa likuran ko pero wala namanng tumawag sakin, lahat kasi ng student na nasa hallway rin wala naman nakatingin sakin at may sari sarili silang kausap. Yung iba naman dumadaan lang sila.

"Yuki, mahal na mahal kita"

Bigla akong napahawak sa ulo ko at napa pikit ng mariin. Ang sakit nang ulo ko sobra. Napahawak nanaman ako sa ulo ko. Pakiramdam ko may pumipitik sa ulo ko.

"Yuki, hindi kita pababayaan"

Napadilat ako at napatingin sa harap ko. Ang labo nang nakikita ko. Napa pikit nanamn ako at piniling ko ang ulo ko, pag dilat ko ok na, balik na sa dati yung nakikita ko. Kaylangan ko na atang mg pa tingin sa doctor napapadalas na yung biglang lalabo paningin ko eh. Saka ano bang nang yayari sakin at may naririnig akong mga boses.

Napapuntong hininga na lang ako at tinuloy ko na ang pag lalakad ko. Baka mamaya naiinis na sakin si Hazel.

Nung nakarating na ako sa loob ng library nag log na akoat iniwan ko na yung gamit ko sa locker na lalagyanan ng mga bag ng mga pumupunta dito. Iniwan ko yung i.d. ko sa library staff na nag babantay sa mga gamit. Bawal kasing mag pasok ng bag dito sa loob kaya pinapaiwan. Ang pwede llang dalhin sa loob pen and note book. Bawal din kasi ilabas mga libro dito di tulad ng mga library ng mga department's.

"YUKI!!!"

Halos mapatalon ako ng may bigla sumigaw sa pangalan ko ng mapatingin ako kung saan ko narinig yung tumawag sakin, nakita ko si Hazel na nakangiti at kumakaway.

Napatingin ako sa paligid namin at nakita kong nakatingin kay Hazel yung mga student and staff na nasa library.

"Wag kayong maingay dito, wala kayo sa canteen!" Mahina pero nakakatakot na sabi nung staff.

"Sorry po." Sabi ko na medyo na medyo nag bow ng konti.

Tinignan ko si Hazel na hawak hawak nya ngayon yung bibig nya. Sarap batukan ng babaeng to, anong naisipan at biglang sumigaw dito sa library, saka ano yung mga librong naka tambak sa mesa.

Lumapit na ako sa kanya sa History Section ng library. Ibat iba kasi ang sections ng nga libro dito. May History Section kung san makikita mo yung history ng school since nagawa to. General Reference Section, na kung saan makikita naman yung mga thesis, business plan, Feasibility Study and other paper works na ginawa nung mga dating student na nakapasa. Para naman yun sa mga student na kasalukuyang ginagawa yung mga paper works nila sa school. Kung baga, guide nila para sa sarili nilang thesis or study. And marami pa na hindi ko na iisa isahin dahil ang dami non. Ang lawak kaya kaya ng library nato.

"Bakit ang tagal mo naman, saan ka pa nag punta?" Naka simangot na sabi nya sakin.

Kanina lang naka ngiti to nung nakalapit na ako naka simangot na.

"Sa klase ko kay Ma'am Livia sa business management. San pa ba ako pupunta ikaw lang naman tong maluwang ang schedule ngayon sating dalawa. Ano pala yang mga libro na yan at ang dami?" Sabi ko sa kanya pagka upo ko sa tabi nya

Siguro nasa 12 or more na libro ang andito sa mesa. Malalaki kasi yung mesa dito na napapalibutan ng 8 na upuan, at dito sa History Section may 3 mesa.

"May hinahanap lang ako." Sabi nya habang nakatingin nang seryoso sa librong hawak nya.

"Ano namanng hinahanap mo?" Sabi ko habang nakikitingin na rin ako sa mga librong nasa mesa. " Helwing University year 2005." Mahinang basa ko.

"Basta, importante to kaya jan ka lang. Baka mamaya bigla ka nanaman himatayin tapos wala ka mang kasama." Sabi nya nang di tumitingin sakin. Napangiti ako sa sinabi nya, kahit tuloy wala naman akong kapatid feeling ko meron dahil sa kanya.

"Sabihin mo na baka matulungan pa kita sa hinahanap mo. Saka bakit ang dami mo namang librong kinuha?"

" Since 1995 to 2014 yang mga librong yan. Diba na kwento ko sayo dati na dito sa school na to nag kakilala mga magulang ko. Kilala kasi sila nung nag aaral pa sila dito dahil parehas silang laging top 1 sa kanya kanyang department nila. Kaya tinitignan ko tong mga libro, may kaylangan lang kasi akong malaman." Sabi nya na binaba yung hawak nyang libro at kinuha nya yung nasa kanan nya na libro din na makapal.

Napatango tango ako at tinitignan yung mga picture sa librong hawak ko nung may mapag tanto ako.

"Bakit 1995 to 2014 tinitignan mo? Gano ba katagal nag aral mga magulang mo dito para mag karon sila ng record since 2014?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Bigla syang napatingin sakin pero hindi sya sumagot.

Ilang singundong nakatingin lang sya sakin at nung mag sasalita na sana sya biglang may humampas ng mesa kung asan kaming dalawa.

"Kayong dalawa, bakit ba ang iingay nyo? Kung mag kukwentuhan lang kayo, dun kayo sa labas. Kung dun sa mga Library sa Department ninyo, they allowing you to talk like that inside the library. Pwes dito it's a BIG NO!! Last warning, if i hear any kind of noise from this table papalabasin ko na kayong dalawa naiintindihan nyo." Seryosong nakatingin samin si Miss Dolores head staff dito sa library.

"Yes po ma'am, sorry po." Sabi ko at nung umalis na sya napatingin ako kay Hazel at sabay naming tinakpan ang bibig namin para hindi matawa.

Sumenyas ako ng wag maingay sa kanya sya naman ginalaw nya yung daliri nya na parang zini zipper nya yung bibig nya.

Dahil di ko na naman nakakausap tong si Hazel at di ko naman alam yung hinahanap nya, tumayo na lang ako para tumingin tingin.

History lang ng school yung andito bat ang daming libro naman ata. Ilang taon na nga pala tong school na to. Alam kong matagal na tong school na to pero di ko alam kung kaylang to na tayo. Basta ang alam ko lang na ang Helwing Family ang nag tayo neto. Obvious naman diba kaya nga Helwing University yung pangalan nitong school.

Tumingin ako sa may table ng mga staff dito sa library at nakita ko si Ma'am Dolores na may ginagawa sa computer nya kaya naman lumapit ako kay Hazel.

Kinalabit ko sya at lumapit sa tenga nya para bumulong.

"Alam mo ba kung ilang taon na tong school natin?" Sabi ko sa kanya ng pinaka mahinang boses na tama lang para marinig nya.

Tumango sya sakin at nilapit nya rin yung bibig nya sa tenga ko.

"Natayo to July 20, 1819. So sa darating na July 20, 200 years old na tong school natin." Sabi nya na pabulong din.

"Weh?!" Sabi ko na di makapaniwala ang tanda na pala ng school namin. Alam kong matagal na tong school na to pero di ko naman inisip na 200 years na pala sa darating na July 20. Wait July 20? Birthday ko yun ah!

"Oo, 200 years na to next month at ka birthday mo tong school. Nag aaral ka dito di mo man lang alam kaylan na stablish tong school." Sabi nya at binalik na yung tingin sa librong binabasa nya.

Grabe ang tagal na netong school na to, panahon pa ng mga spaniards nakatayo na pala to. At ka birthday ko pa. Second year kasi ako nag start pumasok dito. Home based study muna kasi ako nung first year ako tas August and start ng klase dito kaya hindi ko na abutan nung nag anniversary tong school namin last year.

Nag lakad lakad ako sa mga bookshelf, kaya pala ang daming libro dito. Isang librong makapal isang school year yon. Yung unang bookshelf yung school year 2017-2018 yung andon naka arrange kasi yung bookshelf ng present to past. Kaya yung mga una kong nakikita yung bagong libro.

Kada lumalayo ako mas lumuluma yung mga libro. Asa huling bookshelf na ako nung mapansin kong yung pinaka lumang libro don is 1900. Asan yung ibang libro?

"Yuki."

Napatingin ako sa likod ko pero wala namang ibang tao dito ako lang at pader na yung nasa likod ko. Ano bang nang yayari sakin, ilang beses ko nang naririnig na tinatawag yung pangalan ko pero wala namang taong tumatawag sakin.

Napatingin ako sa pinaka gitna nung pader dahil kulay light brow yung kulay nya di mo mahahalata pero may pinto sa pagitan ng pader.

Lumapit ako at medyo tinulak ko yon at medyo bumukas sya. Mas tinulak ko pa at tuluyang bumikas yung pinto. Tumingin ako sa likod ko, hindi ko kita dito si Hazel dahil nasa gitna yung mga bookshelf. Tatawagin ko pa ba sya para samahan akong pumasok?

"Bahala na nga." Sabi ko at tuluyang pumasok na. Kung malamig sa library mas malamig dito at dimlight lang ang gamit na ilaw dito. Naglakad ako papasok, nung nakapasok na ako sumara yung pinto. Lumingon lang ako at tinuloy ko na yung pag lalakad ko.

Hi guys, so update ulit ako. Mahaba tong update na to kasi hindi ako makakapag update bukas. I try ko yung best ko na makapag update everyday except Sunday. Because Sunday is rest day, kaya rest day ko bukas. And sa Monday na lang ulit..

So yun lang please leave a comment kung ano mang thoughts nya regarding sa takbo ng story. Yun lang thanks!!!!!

Deirdre_Ailethcreators' thoughts
Nächstes Kapitel