~Umaga~
"Bakit ba kasi hindi ka maghanap ng trabaho, ha!? Puro ka na lang tambay dito sa bahay o di kaya dun sa billiaran!"
"Masisisi mo ba ako kung hindi ako tinatanggap ng mga kompanya!?"
"Edi sana pinagbutihan mo pa ung pagtatrabaho mo sa dati mong trabaho para hindi ka natanggal!"
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na nabankrupt nga ung kompanya na pinagtatrabahuhan ko dati!"
"Ano!? Hahayaan mo na lang ako na kumayod para sating lahat!?"
"Ba't di mo kausapin yang panganay mo!? Isa rin yan na wala pang trabaho kahit nakapag tapos na ng pag-aaral!"
"Bakit mo ipapasa sakaniya ang responsibilidad mo!? Ikaw ang ama rito! Hindi yang panganay mo!"
"Kaya hindi rin naghahanap ng trabaho un, e! Lagi mo kasing kinakampihan! Buti pa ung pangalawa may trabaho na!"
"Bakit ba sinasali mo pa yang mga anak natin sa usapang ito!? Lagi mo na lang sinasali ung dalawang un!"
"Totoo naman kase! Yang panganay mo hindi naghahanap ng trabaho kahit nakapag tapos ng kolehiyo! Samantalang ung pangalawa may magandang trabaho!"
"Sinabi nang wag mo ipasa sa mga anak mo ang responsibilidad ng pagiging isang ama!"
Nagising ang binata na si Jervin dahil sa pag-aaway nanaman ng kaniyang mga magulang. Dumapa na lamang ang binata at saka tinakpan ang pareho niyang tainga dahil naririndi na siya sa pag-aaway ng kaniyang mga magulang.
"Jervin?"
Tawag ng ate ni Jervin sakaniya dahil alam na ng dalaga na gising na ang binata.
"Natutulog pa ako."
Yan na lamang ang naisagot ni Jervin sa kaniyang ate, kaya't kinurot ng dalaga ang tagiliran ng binatang nakadapa.
"Aray!"
Sigaw ni Jervin ng napaupo na siya mula sa kaniyang pagkakadapa at saka tinignan ng masama ang kaniyang ate at pinalo ang hita nito.
"Aray ko! Pu+@Π&!Π@ mo!"
Sigaw naman ng ate ni Jervin at saka hinimas himas ang parte ng kaniyang hita na pinalo ng binata.
"Bakit mo ba ako ginigising?"
Tanong ni Jervin sakaniyang ate habang hinihimas din niya ang parte ng kaniyang tagiliran na kinurot ng kaniyang ate.
"Alam kong alam mo na nag-aaway nanaman sila mama't papa."
Sagot ng ate ni Jervin sa tanong ng binata. Napaiwas ng tingin ang binata habang tinignan naman ng dalaga ang binata.
"Ano ngayon? Lagi naman silang nag-aaway diba?"
Tanong muli ni Jervin sa kaniyang ate habang hindi pa rin ito tinitignan. Napabuntong hininga ang dalaga at saka hinawakan ang tuhod ng binata.
"Diseotso ka na diba?"
Tanong ng ate ni Jervin sakaniya. Dahil sa tanong ng dalaga ay napatingin na sa wakas sakaniya ang binata at tila bang magdidikit na ang kaniyang kilay dahil sobra na itong nagkakasalubong.
"O-oo."
Nauutal na sagot ni Jervin sa tanong sakaniya ng kaniyang ate at tila ba ay alam na niya kung saan patungo ang usapan nilang magkapatid.
"Alam kong wala akong karapatan para sabihin 'to sayo kasi ate mo lang ako at alam ko rin na mas gusto mong makapag tapos muna ng pag-aaral, pero nagmamakaawa ako sayo ngayon."
Sabi ng ate ni Jervin sa binata at saka hinawakan na ang parehong kamay ng binata. Napalayo ng bahagya ang binata sa ate nito dahil kinakabahan na ito sa susunod na sasabihin nito.
"Please, magtrabaho ka na. Pwede naman sainyo ung working-student diba?"
Dugtong ng ate ni Jervin sa sinabi nito sa binata kanina. Agad na tinanggal ng binata ang pagkakahawak ng ate niya sa kaniyang mga kamay at saka lumayo.
"Ba't ako? Ba't hindi si kuya? Diba nakapagtapos naman na siya tsaka maganda ung course na pinagtapusan niya? Ba't hindi siya ang ganyanin mo?"
Tuloy-tuloy na tanong ni Jervin sa kaniyang ate. Napaiwas na lamang ng tingin ang dalaga. Dahil sa galit ng binata ay hindi na niya napigilan ang kaniyang sarili at binato na ang kaniyang sariling ate ng unan. Habang patuloy na binabato ni Jervin ang kaniyang ate ng mga unan ay biglang sumulpot ang kanilang kuya at ang huling unan na binato ng binata sakaniyang ate ay pinigilan ng kanilang kuya.
"Jervin. Ba't mo binabato ng unan ang ate mo?"
Tanong ng kanilang kuya kay Jervin na may awtoridad sa kaniyang boses. Tinignan lang ng masama ng binata ang kaniyang kuya, tumayo mula sa kama at saka akmang lalabas na ng kuwarto nang bigla siyang hinatak pabalik ng kanilang kuya. Dahil sa lakas ng pagkakahatak sakaniya ay napaupo siya sa sahig at tumama ang kaniyang siko sa sahig.
"Tinatanong kita!"
Galit na sigaw ng kuya ni Jervin sakaniya. Sinamaan lamang muli ng tingin ng binata ang kaniyang kuya habang umaayos siya ng upo sa sahig at hawak ang kaniyang siko.
"Ba't hindi siya ang tanungin mo?"
Tanong pabalik ni Jervin sa kaniyang kuya habang masama pa rin ang tingin nito sakaniyang kuya. Dahil sa galit na nararamdaman ng kuya ng binata ay hindi na nito napigilan ang kaniyang sarili kaya't agad na lumuhod ito sa harapan ng binata at saka sinapak ng pagkalakas-lakas. Nagulat ang ate ni Jervin sa ginawa sa binata ng kanilang kuya.
"Kuya tama na!"
Pag-aawat ng ate ni Jervin sa kanilang kuya na patuloy pa ring sinasapak ang binata.
"Ako ang dahilan kung bakit umaasta ng ganyan ngayon si Jervin!"
Sigaw ng ate ni Jervin na nagpatigil sa kanilang kuya sa pagbugbog sa binata. Agad na tumayo ang kanilang kuya at hinarap ang ate ni Jervin. Tinignan lang ng kanilang kuya ang ate ni Jervin na may naguguluhang ekspresyon sa kaniyang mukha.
"Nagmakaawa ako sakaniya na magtrabaho na siya dahil pwede naman sakanila ang working student. Alam kong ayaw pa niya magtrabaho pero ibinibigay ko sakaniya ang dapat na ginagawa mo kuya."
Sagot ng ate ni Jervin sa tanong ng kanilang kuya sa binata kanina. Nanghina bigla ang kanilang kuya at napaupo na sa kama. Agad na nilapitan ng dalaga ang binata at tinulungan itong makatayo ngunit hindi tinanggap ng binata ang tulong ng kaniyang ate at naglakad na siya patungo sa kanilang cr.
"Jervin."
Tawag ng ate ni Jervin sakaniya ngunit hindi pinansin ng binata ang pagtawag sakaniya ng kaniyang ate at sinarado na ang pintuan ng kanilang cr, tinalikuran ang pinto saka umupo sa sahig at nagsimula nang umiyak ng tahimik.
Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko.
Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story.
"Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!
Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!