~Hapon~
"Yvonne?"
Natigil sa paglalakad si Jervin ng marinig na may bumanggit sa pangalan ni Yvonne. Agad na nilingon ni Jervin ang taong un at nakita ang isang lalaking nakatingin sakanila ni Yvonne. Napatingin na rin si Yvonne sa direksyon ng lalaking binanggit ang pangalan niya at walang pag-aalinlangan na hinatak papalayo si Jervin. Walang kibong sinundan ng binata ang dalaga habang nakatingin pa rin sa lalaking binanggit ang pangalan ni Yvonne kanina. Ilang saglit pa ay nakarating na ang dalawa sa sinehan at nginitian bigla ni Yvonne si Jervin ng pagkatamis-tamis.
"Anong mukha yan?"
Tanong ni Jervin kay Yvonne habang nakatingin ito sakanya ng walang kaalam-alam. Napabusangot bigla ang dalaga at natawa naman ang binata dahil dito.
"Ba't ka tumatawa ngayon?"
Tanong ni Yvonne kay Jervin habang nakabusangot pa rin sakanya. Tumigil na sa pagtawa ang binata at nginitian na lang ang dalaga. Umiling si Jervin bilang sagot sa tanong sakanya ni Yvonne.
"May saltik ka ba?"
Tanong muli ni Yvonne kay Jervin sabay pameywang nito at saka nginitian ang binata. Nilapitan ng sobra ng binata ang dalaga kaya't napaurong ng bahagya ang dalaga dahil nagulat ito sa ginawa ng binata.
"A-anong ginagawa mo!?"
Nagpapanik na tanong ni Yvonne kay Jervin habang nakapameywang pa rin ito. Dahil sa naging reaksyon ng dalaga ay mas lalu pang lumawak ang ngisi ng binata.
"Diba sabi mo may saltik ako?"
Tanong pabalik ni Jervin kay Yvonne sabay lapit ng bibig niya sa tainga ng dalaga habang nakangisi pa rin.
"J-Jervin..."
Tawag ni Yvonne kay Jervin ng nauutal. Natuwa ng sobra ang binata sa naging reaksyon ng dalaga sa ginawa niya. Tumayo na ng maayos si Jervin at tinignan si Yvonne habang nakangisi pa rin. Tinignan ng dalaga ang binata habang nanlalaki ang mga mata nito. Ilang saglit pa ay may nakakuha ng atensyon ni Yvonne. Ang lalaking bumanggit ng pangalan kanina ni Yvonne ay nakatinging muli sakanilang dalawa ni Jervin. Nataranta ang dalaga at biglang hinatak ang kwelyo ng binata, pumikit at saka hinalikan ito sa labi. Nanlaki ang mga mata ni Jervin sa ginawa ni Yvonne.
Nainis ang mga taong napapatingin sa dalaga at binata habang ang lalaking bumanggit ng pangalan kanina ni Yvonne ay umiwas ng tingin at naglakad na papalayo. Di nagtagal ay pinakawalan na ni Yvonne sa kanyang halik si Jervin at saka inikot ang kanyang paningin. Ang binata nama'y nakatitig na sa dalaga habang nanlalaki pa rin ang kanyang mga mata. Matapos ikutin ni Yvonne ang paningin at hindi na muling nakita ang lalaki ay ibinalik niya ang kanyang tingin kay Jervin.
"Ano? First time mo ba?"
Tanong ni Yvonne kay Jervin habang nakakunot ang noo sabay cross arm at nguso. Tumango ang binata bilang sagot sa tanong ng dalaga sakanya.
"Tsk. Sa pogi mong yan? Sure ako na nakakarami ka na."
Sabi ni Yvonne kay Jervin at lakad na papunta sa bilihan ng ticket. Napakunot ng noo ang binata at hinabol agad ang dalaga na patungo sa bilihan ng mga ticket sa sine.
"Weathering with You. Dalawa."
Sabi agad ni Jervin sa kahera.
"XXX pesos po, Sir."
Iniabot na agad ni Jervin ang kanyang pambayad sa kahera habang tinitignan lang ni Yvonne si Jervin at ang kahera ng tahimik sa tabi ng binata.
"I recieved XXX pesos."
"Enjoy the movie."
Nakangiting inabot ni Jervin ang isang ticket kay Yvonne. Padabog na kinuha ng dalaga ang ticket habang nakasimangot at lakad na patungo sa sinehan. Sinundan naman agad ni Jervin si Yvonne ng may halong pagtataka sa kanyang mukha.
"Ba't ka nakasimangot?"
Tanong ni Jervin kay Yvonne nang makapila na sila papasok sa sine at hinarap ang dalaga. Tinignan ng masama ng dalaga ang binata at umiwas agad ng tingin.
"Basta."
Tipid na sagot ni Yvonne sa tanong sakanya ni Jervin ng hindi tumitingin sakanya sabay cross arms habang nakasimangot pa rin.
"Ayaw mo na ba manuod ng sine kasama ako?"
Tanong muli ni Jervin kay Yvonne. Tinignang muli ng masama ng dalaga ang binata at umiwas muli ng tingin at mas lalo pang napasimangot. Napakamot ng ulo si Jervin dahil naguguluhan siya sa inaasta ngayon ni Yvonne.
"May sinabi ba ako na ayaw kitang kasama?"
Tanong pabalik ni Yvonne kay Jervin habang nakatingin sa ibang direksyon at nakasimangot pa rin. Napakunot na ng noo ang binata dahil sa dalaga.
"Ba't ganyan mukha mo?"
Tanong nanaman ni Jervin kay Yvonne dahil hindi na niya kayang hulaan ng mag-isa ang dahilan kung bakit nagkakaganuon ang dalaga. Hinarap ni Yvonne si Jervin at tinignan ng diretso sa mga mata.
"Kasi ikaw ang first kiss ko at sure ako na hindi ako ang first kiss mo. Naiinis ako sa thought na un."
Deretsong sagot ni Yvonne sa tanong ni Jervin sabay iwas kaagad ng tingin dahil ramdam na niya na namumula na ang kanyang pisngi. Nanatiling nakatayo si Jervin habang nakaharap pa rin kay Yvonne.
"First kiss mo un?"
Tanong muli ni Jervin kay Yvonne habang nakatingin sa dalaga ang nanlalaking mga mata nito. Nahihiyang tinignan ni Yvonne si Jervin at tumango sabay iwas muli ng tingin.
"Weh?"
Di makapaniwalang tanong muli ni Jervin kay Yvonne habang namumula na ang kanyang mga tainga. Tinignan nanamang muli ng dalaga ang binata.
"Oo nga! First ko un, okay!? Palibhasa kasi ikaw hindi, e!"
Naiinis na sagot ni Yvonne sa tanong ni Jervin habang namumula na ng sobra ang kanyang mukha na maaari na maihalintulad sa kamatis. Ang mapupulang tainga ng binata ay mas lalu pang namula dahil sa sagot na narinig niya mula sa dalaga.
"Wala pa akong nahahalikang babae. Ikaw pa lang."
Namumulang sabi ni Jervin kay Yvonne kaya't biglang napalingon ang dalaga at tinitigan ng maigi ang binata. Wala silang pakialam sa mga taong nakakarinig ng usapan nila dahil sanay naman na rin sila pareho.
"Ano daw?"
"Naghalikan na raw sila."
"Saan daw?"
"Ewan. Pero bagay sila, ha."
"Wala namang itsura ung babae, e."
"Cute kaya niya."
"Cute mo mukha mo. Ang panget nga nung babae."
"Di sila bagay ni kuyang pogi."
"Sana ako na lang ung hinalikan ni kuya."
"Paki ready na po ang mga ticket niyo! Ilang saglit na lang po magpapapasok na po, ako sa sinehan!"
Anunsyo ng isang staff sa sinehan. Dito na natauhan ang dalaga't binata at naiilang na nginitian ang isa't isa.
"Excuse me, kuya. Ano raw po name mo, tanong ng friend ko."
"Sorry. Di ko binibigay pangalan ko sa kung sino-sino."
"Hahahaha! Lagapak ang confidence!"
"Amina pera niyo! Hahahaha! Talo kayo sa pustahan!"
"Ano ba! Marinig ka nila!"
"Ate… baka pwede mo naman ako tulungan. Please~"
Nginitian na lang ni Yvonne ang babaeng nagtatanong sa pangalan ni Jervin.
"Hindi mo ba narinig sinabi niya? Hindi raw niya binibigay pangalan niya sa kung sino-sino."
Sabi ni Yvonne sa babaeng nagtatanong ng pangalan ni Jervin sabay ngiti ng pagkatamis-tamis.
"Kala mo kung sino kang maganda! Hindi naman kayo bagay ni kuya!"
Sigaw ng babae sabay hablot ng inumin sa kaibigan niya at akmang itatapon iyon kay Yvonne ngunit agad na itinulak pabalik ng dalaga ang inumin sa babaeng may hawak nito.
"Argh!"
"Next po!"
Sigaw nung isang staff sa sinehan kaya naglakad na sila Jervin at Yvonne papalapit sa entrance ng sinehan at iniwan ang babae na basa. Pumasok na sila pareho ng may ngiti sa mga labi at magkahawak ang kamay.
"Hoy! Bumalik ka rito! Palitan mo 'tong mamahaling damit ko!"
Hello po~!! Please vote, rate and support my story!!! Maraming salamat po sa pagbabasa ng story ko.
Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong story na ginawa.
"Love Yourself: Wonder" po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story, too!!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo~!!
Merry Christmas and a Happy New Year! More Happiness to come!