webnovel

Friendship Goals

Lisa's Pov

Lumipas ang mga araw na palagi akong nasa laboratoryo. Hindi ko alam kung papaano ko natapos ang gamot. Ilang beses din naming sinubukan kung epektibo ba sya o hindi. Ilang beses ako pumalpak. Nawawalan na ako ng pag asa. Gusto ko lang naman na matapos na ito at ayokong may taong mahalaga sa akin ang mawala. 3 araw pa bago ko malaman ang resulta. Sana gumana na sya.

Laking pasasalamat ko sa asawa ko at sobrang maunawain sya. Madalas sya ang nag aalaga sa kambal pagwala ako. Ginawa nya na ring opisina ang bahay namin dahil sa pag aalaga sa kambal.

Maaga akong nagising dahil gusto kong ipaghanda ng pagkain si Jk. Namimiss ko na ring magbreakfast kasama sya. Mabuti na lang at tulog pa ang kambal.

Nang matapos ko na ang niluto kong special empanada, gumawa na din ako ng coffee para saming dalawa. Inilagay ko sya sa tray at dadalhin ko sa kwarto namin. Breakfast in bed lang naman ang trip ko.

Dahan dahan lang akong umakyat ng hagdan dahil baka matapon ang kape hahaha. Pumasok ako sa kwarto at inilapag ko muna ang pagkain sa maliit na lamesa. Binuksan ko muna ang ipad ko para malaman kung gising na ang kambal o hindi pa. Mukhang mahimbing ang tulog ng kambal.

Nahiga ako sa tabi ng asawa ko at hinaplos ko ang kanyang buhok hanggang sa magising ito. Shemay makalaglag panty talaga pagngumingiti ang asawa ko.

"Goodmorning mahal." bati sakin ng asawa ko.

"Goodmorning din mahal ko. Nagluto nga pala ako ng breakfast natin. Ayun oh." sabi ko sabay turo sa pagkain sa lamesa.

"Mamaya na yan nasan na ang morning kiss ko?" tanong nya. Binigyan ko naman sya ng kiss pero smack lang.

"Yun lang? Bitin naman mahal eh." tapos hinalikan nya ako. Naging mapusok ang halik nya. Tumigil lang kaming dalawa nang maramdaman ko na hindi na ako makahinga.

"Pasaway ka talaga Jk. Baka kung saan na naman mapunta to, mabuti pa magbreakfast na tayo. Ilang beses na nating ginawa yon. Di ka pa ba napapagod?"

"Hinding hindi ako mapapagod sayo mahal. Nakakagigil ka naman kasi eh." sabi nya.

"Tumigil ka nga. Masakit na kaya yung pem pem ko. Huhuhu!"

"Sarap mo kasi eh. Bumangon na nga tayo baka kung ano pa magawa ko sayo hehehe. Ano ba yang niluto mo?" tanong nya. Tumayo ako at inilagay ko ang pagkain sa foldable table bago ko ilapag sa kama namin.

"Kain na. Ibat iba yan. May chicken empanada, ham and cheese empanada at pork with veggies empanada hehehe. Syempre nde mawawala ang coffee." sabi ko.

"Ang sarap! Ang swerte ko masarap magluto ang asawa ko." sabi nya matapos nyang matikman ang empanada ko.

"Mana lang kay daddy. Si daddy kasi chef bukod sa pagiging agent. Si mommy naman doktor. Madalas hinahatiran namin ng pagkain si mommy pagbusy sya. Ayaw kasi ni daddy na malipasan si mommy ng gutom. Ako mana kay daddy at si Errol mana kay mommy." sabi ko. Di ko namamalayan tumutulo na ang luha ko.

"Wag ka na malungkot mahal nandito naman kami ng kambal para sayo eh. Hindi ka namin iiwan. Bubuo tayo ng isang masayang pamilya kasama ng mga kaibigan natin." sabi nya habang pinapahid ang mga luha ko.

Nagkwento na lang sya ng mga masasayang nangyari sa kanya habang wala ako. Naikwento nya na pinaggrocery kami ni V kasi bayad daw kasi lagi silang kumakain sa bahay. Kaya naman pala punong puno ang kusina ko at ref. Nakwento nya rin ang tungkol kina Jisoo at Jin. Sabi ko na nga ba at magkakatuluyan sila.

Narinig kong umiyak na si Lala habang si Leo gising na rin ng makita ko sa ipad ko. Pinuntahan ko ang kambal, si Jk naman ibinaba naman nya ang kinainan namin sa kusina. Habang nagbebreastfeed ako kay Lala pumasok si Jk at nilock ang pinto. Baka daw kasi biglang pumasok sina V at Jimin. Feel at home kasi palagi yung dalawang yon. Yung mga tanders sa baba lang palagi .

"Alam mo mahal napapansin ko lagi na lang si Lala unang nadede sakin. Si Leo iiyak lang pagtapos nang dumede ang kakambal nya. Parang nakakaramdam sya." sabi ko.

"Napansin ko nga yun. Ganun din sya nung wala ka. Tahimik lang sya palagi. 2 buwan na silang ganyang ang ginagawa. Feeling ko magiging maalaga si Leo kay Lala paglaki nila." sabi ni Jk. Napangiti ako sa sinabi ni Jk. Parang kami lang ni Errol. Lagi akong inuuna ni Errol. Spoiled nga ako dun.

"Tara baba na tayo. Tapos na akong magpadede kay Leo. Buhatin mo na si Lala." sabi ko.

Lumabas kami ng kwarto at bumaba. Nadatnan namin sila V at Jimin na kumakain sa sala.

"Kapal nyo talaga eh noh. Di pa kayo nagpapaalam tapos nalamon na kayo dyan." sita ni Jk sa dalawa.

"Hayaan mo na mahal madami akong niluto. Bigyan nyo na rin ang mga tanders nyan para matikman nila." sabi ko.

"Iniispoiled mo naman sila Lisa eh. Kaya namimihasa." sabi pa ni Jk.

Nailing na lang ako. Ganyan naman si Jk eh nagsasalita sa dalawa kala mo sya ang matanda. Hindi naman pinapatulan ng dalawa kasi sanay na sila. Kahit nung pinatira ako ni Jk sa bahay nya ganyan na sya pero marami pa din ang pinapaluto nya kay Manang Rita para sa mga kaibigan nya.

"Nga pala Jimin kamusta ang kompanya mo? Naayos mo na ba ang problema mo?" tanong ni Jk kay Jimin.

"Paano mo nalaman? Oo nga pala meron kang investor na naging investor ko din. Hindi ko pa naaayos. Malinis ang pagkakagawa nila. Parang pinagplanuhan nila ng maige ang pagnanakaw sa kompanya ko. Pinatay nila ang mga kasabwat nila. Yung nag iisang witness sana nawawala na rin." malungkot na sabi ni Jimin.

"Malaki ba ang nakuha nila?" tanong ni V.

"Sobra. Nalulugi na ang kompanya ko. Baka ipasara ko na lang. Di ko alam kung pano pa ako makakabawi. Ang dami kong binayaran na mga investors na naloko ng mga hayop na yun. Yung natitira kong pera ibabayad ko sa mga tauhan ko." sabi ni Jimin.

"Tangna naman Jimin ngayon mo lang sinabi samin matagal ka na palang may problema! Ano mo ba kami?" sigaw ni V.

"Alam ko naman na kaibigan ko kayo at paglumapit ako sa inyo tutulungan nyo ako. Akala ko maaayos ko ng mag isa ang problema ko. Maling tao ang mga napagkatiwalaan ko. Pasensya na." sabi ni Jimin. Halata ang lungkot sa mga mata nya.

"Alam kong nalulungkot ka Jimin. Magkano ba kailangan mo para maisalba mo ang kompanya mo? Kahit magkano pa yan sabihin mo lang. Alam namin ni V kung gaano mo pinaghirapan ang kompanya mo. Sa ating lahat na magkakaibigan kayo ni Suga ang galing sa hirap. Bukod sa maliit na pursyento nyo sa school, yang kompanya lang ang meron ka. Paano pag wala na yan?" sabi ni Jk.

"May kinikita naman ako sa pagiging agent ko eh. Mag iipon na lang ako para makapagpundar ulit ng isang kompanya." sabi ni Jimin.

Tahimik lang ako na nakikinig sa usapan nila habang nilalaro ko ang kambal. Alam ko naman na di pababayaan ng asawa ko si Jimin.

"Jimin naman eh. Sa ating magkakaibigan kami ni Jk ang nakakaangat. Hindi kawalan sa amin ang tulungan ka. Sa ginawa mo para tuloy kaming walang kwentang kaibigan ni Jk. Kung si Suga nga dati natulungan namin ikaw pa ba na mas malapit sa amin." sabi ni V.

"Hayaan nyo na lang. Salamat sa tulong nyo. Hindi maganda na pahiramin nyo pa ako, malaking pera ang kailangan ko. Nakakahiya kay Lisa at sa mga anak mo Jk kung pati ako makikihati sa pera mo. Kahit pa hiram yan malaki pa ring halaga yun. Paano gastusin nyo?" sabi ni Jimin. Mukhang nawalan na ng pag asa tong si Jimin sa pananalita nya.

"Sasapakin na kita Jimin. Isa pang tanggi mo sa alok namin baka nde na ako makapagpigil! Kahit pa isang daang milyon o higit pa papahiramin ka namin!" sigaw ni V.

"Tama naman si V, Jimin. Wag kang sumuko. Pera lang yan kaya natin kitain ulit yan at kung nahihiya kay Lisa, wag mong alalahanin papayag naman ang asawa ko. At isa pa pera ko ang ipapahiram ko sayo. Hindi ako mapipilayan sa perang ipapahiram ko sayo." pagkukumbinsi ni Jk kay Jimin. Tumingin sakin si Jimin at tumango ako. Duon na bumagsak ang luha ni Jimin

"Salamat. Pasensya na kayo, gulong gulo kasi utak ko eh. Ayo...ko lang kasi... na kaawaan ako huhuhu!" Iyak na ng iyak si Jimin. Mukhang matagal na nya itong kinikimkim.

"Tangna mo Jimin tigilan mo na pag iyak. Ang panget mo umiyak." tumalikod samin si V. Malamang nagpipigil to ng iyak.

Tumabi naman si Jk kay Jimin. Tinatapik lang nya at hinahagod ang likod nito. Hinayaan namin na umiyak si Jimin upang mailabas ang bigat sa dibdib nya. Pati ako naluha na din. Walang nagsalita sa amin.

Tama sila Jk at V. Kayang kaya nyang bigyan si Jimin ng pera. Sa kanila kasi si Jk ang pinakamayaman at pumapangalawa si V. Hindi ako nakisawsaw sa kanila kasi alam ko lalong tatanggi si Jimin. Kahit papaano may pride ang tao at ayokong tapakan ito. Tama lang na ang mga kaibigan nito ang kumausap sa kanya. Kaya sobra akong proud sa asawa ko.

Sa kanila ko natutunan ang tunay na kahulugan ng friendship. Masyadong malalim ang pagkakaibigan nila. Ultimo buhay nila kaya nilang ibigay sa kaibigan nila. Napatunayan ko dito sa tatlong ito. Nung nagkaroon kami ng mission. Sinalo ni V ang bala na dapat tatama kay Jk. Buti daplis lang sa braso.

True love and loyal friends are two of the hardest things to find. And Im so thankful and blessed for having them in my life.

Nächstes Kapitel