This time my sleep was good. Napainat ako sa upuan ko habang hinihintay kong magsimula ang klase. Pansin ko na wala pa ang mga kaklase ko kanina pa, ako lang ang tao dito. Maaga akong pumasok dahil wala naman akong gagawin sa bahay, instead pinagpatuloy ko nalang ang tulog ko dito. Tumayo na ako pagkatapos ay lumabas ng room. Kahit sa hallway ay wala rin tao. Ano ba mayroon ngayon na nakalimutan ko?
I check my calendar and I was shocked. "May banda nga pala ngayon!" Gulantang kong sabi. Wala ako sa sariling pumunta sa gym. Tama nga ako nandoon lahat sila kaya napakamot ako ng ulo ng nakatingin saakin ang isang teacher. "Saan ka galing?" Tanong saakin.
"Nag Cr lang po." Pagsisinungaling ko kaya pinapasok na niya ako. Mabuti na lamang ay may nakita akong bakanteng upuan kaya agad akong umupo doon. "This seat is for the teachers." Binuhusan ako ng malamig na tubig dahil narinig ko ang pamilyar na boses saaking pandinig. Dahan dahan akong lumingon sa kanya.
"G-ganon po ba, sige hanap na ako ng ibang upuan." Utal utal kong sagot sa kanya habang siya ay kunot noo niya akong tinitignan. Ang lapit namin sa isat isa ni Sir Zach kaya dahan dahan akong lumayo sa kanya na hindi niya napapansin. Naaamoy ko ang pabango niya na satingin ko ay maiiwan sa ilong ko.
Kinurot ko ang sarili ko bago tumayo pagkatapos ay naghanap ng mauupuan. Wala akong makitang bakante dahil occupied na ang lahat, maliban sa upuan na katabi ni sir Zach. "Sit down. Umalis si Ma'am Riana dahil may inaasikaso sa likod ng stage baka hindi na bumalik 'yon." Narinig ko ang sinabi ni Sir Zach kaya agad akong lumingon sa kanya.
"Okay, no choice po." Tugon ko bago umupo. Napatingin naman saakin ang katabi kong teacher na ikinanlaki ng mata ko. "Sir Leo, akala ko po ba absent ka this day?" Taka kong tanong sa kanya na ikinatawa niya. Pinagigitnaan ako nina sir Leo at sir Zach.
"Akala ko nga din, nandoon ang kapatid ko sa hospital kaya ayos na." Nakangiti niyang sagot. "Hindi ko napansin na katabi kita." Dugtong niya. Lumabas ang kanyang dimple dahil sa pagngiti niya. "Matatapos din ba agad 'to sir?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi naman saglit lang kaya may quiz tayo mamaya. Akala niyo makakatakas kayo saakin." Natatawa niyang saad kaya natawa din ako.
"We have quiz too."
Napalingon ako kay sir Zach na biglang nagsalita. "Friday nga pala ngayon." Kumento ko. Tuwing friday ay may nagaganap na long quiz para sa isang linggong pinag aralan namin. Tumikhim siya bago lumingon saakin. "Hindi na suprise quiz 'yon sayo." Seryoso niyang sabi kaya napatawa ako ng mahina pero napatikom ako dahil hindi ko alam kung nagbibiro ba siya or sinasabi niya lang saakin. He's a serious man.
"Raven!"
Napalingon ako sa taong tumawag saakin. Kumakaway ito habang malawak na nakangiting papalapit saakin. "Nandito ka lang pala akala ko absent ka." Hingal niyang sabi.
"Nakalimutan kong may ganap ngayon, dumiretso ako ng room eh." Paliwanag ko sa kanya na ikina-iling niya. Napatingin siya sa katabi ko pagkatapos ay makahulugan niya akong tinignan. "Iba pala pinaparty mo dito." Bulong niya kaya hinampas ko ang braso niya ng mahina dahil pakiramdam ko napalakas siya ng pagkakabulong.
Tumikhim siya bago magsalita. "Hinahanap ka ni ma'am kanina pa." Sabi niya na ikinanoot ng ulo ko. Advicer namin ang tinutukoy niya. "Bakit daw?" Tanong ko.
"Wala pa kasi yung banda kaya kailangan may magpe-perform muna. Kumunta ka daw sabi ni ma'am." Sagot niya. Napailing ako dahil sa sinabi ni Crisa. Paano nila nalaman na marunong akong kumanta? Pangalawa, nahihiya ako sa dami ng tao.
"Kumakanta ka?"
Napalingon ako sa dalawang gurong lalaki dahil sabay itong nagsalita. Nagtinginan sila sa hindi inaasahang sabay silang nagsalita. "A-ayaw ko Crisa iba nalang." Basag ko sa pagtititigan nilang dalawa pagkatapos ay lumingon ako kay Crisa.
"Alam kong tatanggi ka kaya libre na raw ticket mo sa science festival next month." Nakangisi niyang sagot. "Alam kong gusto mo 'yon." Dugtong pa niya na may halong pang aasar. Mamaya ako gegerahin ng kadaldalan nito dahil sa dalawang guro.
Palagi akong sumasama sa ganong activities dahil may additional point sa bawat grade na sinasalihan. Madami din akong natutunan sa pagsali ko ng ganong bagay at nililibang ko ang sarili ko. Napahinga ako ng malalim dahil doon. "Sabihin mo kay ma'am ayaw ko." Sagot ko sa kanya.
"Ikaw magsabi bakit ako." Nakanguso niyang sabi. "Sama na ako sayo." Bulong ko sa kanya kaya siningkitan niya ako ng mata. "Bye mga zer! Isasama ko lang 'to." Pagkatapos ay hinigit na ako ni Crisa palayo kina sir. Napahinga ako ng maluwag dahil don. "Ikaw ha! May pagtabi ka sa dalawang gwapo, sana all!" Natatawa niyang pangaasar saakin.
Nag-ayos na ako ng sarili dahil uwian na. Pakiramdam ko tuyot ang utak ko dahil sunod-sunod ang mga quiz ngayong araw. Hindi ko rin makalimutan ang nangyari kanina sa gym dahil imbes na ako ang kumanta kundi si sir Zach. Halos yumanig ang buong gym sa sigawan ng mga kababaihan dahil sa ganda ng boses niya. Hindi maka-move on mga kaklase ko dahil doon.
"Mabuti nalang vinideo-han ko si Sir!" Sunod non ay ang pagtili ni Crisa dahil kanina niya pa pinapakinggan ang kinanta ni sir. Nakalimutan ko title pero english 'yon. Hindi ko tinatanggi na maganda ang boses ni sir talagang mamamangha at malalalag ang iyong panga sa sobrang gwapo niya.
"Umuwi na tayo mamaya mo na ituloy 'yan sa bahay niyo." Suway ko kay Crisa. Tinapik ko ang kanyang balikat bago umalis sa tabi niya.
"Raven! Bumaba ka dali!" Napalingon ako sa baklang sumigaw mula sa labas ng pinto. "Hoy bakit anong nangyayari?" Tanong ni Crisa na natauhan sa sigaw ni Joseph.
Walang ginawa si Joseph kundi ang kaladkarin niya paibaba ng building muntikan pa akong matalisod sa pagmamadali niya. Hindi ko alam kung bakit niya ako pinapapunta sa ibaba dahil hindi naman siya sumasagot. Kanina pa siya kinikilig na ewan at malawak ang ngiti.
Huminto kaming tatlo at si Crisa ay napatili dahil sa nasaksihan namin. Sumunod naman si Joseph na tumitili habang sinusundot ang tagiliran ko. Habang ako blanko ang ekspresyon ko.
"Pwede ba akong manligaw?" Pagkatapos ay inabot niya saakin ang bouquet habang siya ay matamis na nakangiti.
Marami ang nakiisyoso at nakikichismis sa paligid. Mukhang hinihintay nila ang isasagot ko. Ang manliligaw ay si Troy at ang strand niya ay TVL. Kilala ko siya dahil kapitbahay ko at kumare ni tita ang nanay niya.
"Raven, pumunta ka aa office ko bago ka umuwi."
Napatingin ako sa likuran ni Troy kung nasaan si Sir Zach na seryoso ang mukha. "Magsi uwi na kayo." Dugtong pa niya bago siya tumalikod saaming lahat. Parang may anghel na dumaan dahil biglang tumahimik.
"A-anong maisasagot mo? Handa ako." Basag ni Troy sa katahimikan.
"Pasensya na, God bless." Sagot ko bago ko hilahin si Crisa papunta sa opisina ni Sir Zach.
🥀