webnovel

4- Happy Birthday princess

|Dyena|

Monday. Wala akong ganang pumasok pero napilitan padin dahil sa encounter ko sa ginoong yon. Hanggang ngayon kasi apektado pa rin ako ng luha at emosyon niya. Ang lakas ng tama sa akin ng nangyari kagabi. Parang ang hirap kalimutan.

Sympathy.

Hindi ko siya kadugo, kaugnay, or even kakilala pero until now, I have the feeling that I have connection on him. Kahit imposible at malayong malayong mangyari dahil we're not blood related. But somehow, how I see the way he cried in front of me, naalala ko bigla si Warren oras na iwan ko siya- no di mangyayari yon. Hindi ko huhubarin ang singsing na to kahit may dumating na mas hihigit sa kanya.

We're deeply inlove to each other. Walang iwanan. Road to forever. Sounds corny, huh!

Pumasok ako sa school. Normal na umaga. Klase. Recess. Klare. Lunch time. Walang Warren na sumulpot sa paligid ko. Unang beses. At sobrang nakakairita. Sumabay pa siya sa nararamdaman ko kanina. What a guy.

-

To: Warren

Nasaan ka?

-

Dumaan ang mahabang limang minuto ng buhay ko at walang Warren na nagreply sa akin. Dati naman pagkasend ko palang ng message after a second nakareply na agad siya. Partida paragraph pa sagot niya kahit isang maiksing tanong lang laman ng message ko. Ngayon, wala! As in wala! Uwian na pero wala pa rin.

Dumaan na ako sa room nila wala siya doon. Even sa gymnasium ay wala rin siya habang naroon naman ang kateam mates niya. Di man lang niya nagawang magpaalam ngayon kung saan o ano ang gagawin niya. Hindi naman sa denedepende ko ang buhay niya sa akin dahil sa relasyon namin pero kasi nag aalala ako. Unang beses to. At hindi ako sanay.

-

To: Warren

Panget?

-

"You're looking for Warren, huh?" Napatingin ako sa babaeng nasa harapan ko. Lalo lang ako nakaramdam ng inis.

"Bakit?"

"Wala lang. It obvious na denepende mo na ang araw mo sa kanya. Look, hindi maipinta ang mukha mo." Ngumiti siya sa akin. Gusto kong burahin ang mukha niya sa paningin ko pero nagpigil pa ako. Ayokong ibunton sa kanya ang galit ko pero kung pipilitin niya ako, pabor sa akin yon.

"What do you need?" I calmly asked. Ayoko mag iskandalo. Pinagtitinginan na kami dito sa labas ng gate.

"Stay away from him. That's all."

Ngumiti ako sa kanya. Sinasagad niya talaga kagandahan ko ha.

"Hindi ako mawawalan dito." Ha.

Tumawa siya. Hindi matanggap ang sagot ko.

"Yeah. I know. Warren deeply inlove with you. To the point he can't live without you. But I assuring you, Dyena, you may regrets everything for messing up with his life. Before it's too late, break with him."

Tumalikod na siya at umalis.

I closed my eyes.

One

Two

Three

Four

Five

Six

Seven

Eight

Nine

Ten.

I open my eyes "YOU LOVE HIM?" I yell that made her stopped. She looks at me, eyes to eyes,

"I won't allow you to wrecked him." She said and she continue to walk away from me.

What did she means?

Dumaan ang tatlong araw na walang Warren na nagpakita sa akin. Tatlong araw na mag isa akong pumapasok. Kumakain. At umuuwi. Hindi ko alam kung ano ginagawa niya o nasaan siya ngayon. Ni hindi manlang nagawang magparamdam kahit sa text or call para sabihin na ayos lang siya.

Gusto kong tanungin si Amethys kung nasan si Panget pero maalala ko lang lahat ng sinabi niya, nagsisisi na akong isipin na tanungin siya. At isa pa, we're not on vibes. Di kami close at nag iinit din kami para sa isa't isa.

Bahala na siya sa buhay niya. Kung gusto nyang magsolo, wag na siyang bumalik.

**

Biyernes.

Birthday ko na mamayang 12:00 am. Sasalubungin ko. Wala rin naman akong gagawin bukas kaya magpupuyat ako. At isa pa... babalik ako sa lugar na yon. Lagi kong binibisita yon tuwing birthday ko at nagbabakasakali na bumalik sila. Ngayon 18th ko na mamaya, nasa legal age na ako. Sana naroon sila.

Nagprepare ako sandali at nag online sa facebook. May notif at ilang message na hindi naman galing kay Warren kaya di na ako nagabalang buksan pa.

Nang sumapit ang 8 pm ay lumabas na ako sa unit ko at nag umpisang baybayin ang bahay namin noon.

Kung naroon man ang isa sa kanila, handa na kaya akong makita sila? Makikilala kaya nila ako? Makikilala ko rin kaya sila dahil sa tagal ng panahon na lumipas? Well, marami ng nagbago. Halos di ko na rin nga namalayan na nabuhay ako sa isang mundo na puno ng kasinungalingan at kung hindi pa dumating si Warren sa buhay ko baka ni hindi manlang ako ngumingiti. Baka naging cold-heartless pa ako. Gusto ko ng bumalik sa mundong meron ako dati. Atleast doon, malaya ako.

"Isang taon na ulit." Nabulong ko nalang nang nasa harap na ako ng malaking bahay. Ilang oras din ang byahe mula roon hanggang dito. Matagal tagal na rin noong huli akong pumunta dito.

Binuksan ko ang malaking gate at pumasok sa loob ng hardin nito. Napaglisan na talaga to ng panahon simula ng mangyare ang trahedyang sumira ng buong angkan namin. Nagsitubuan na ang malalaking damo sa bandang gilid ng bahay. Madumi ng tignan ang mga log chair sa labas. Matataas na rin ang puno at wala na rin sa porma at tabas.

Kung ano iniwanan ko, ganun rin ang binabalikan ko. Walang pagbabago na bumalik na nga sila.

Timingin ako sa relo ko. Eksakto. Alas dose na.

Tumagingting ang ungol ng grand main door ng mansyon. Maalikabok pa rin. Bakas pa rin ang natuyong dugo sa bawat paligid.

Nilapitan ko ang switch ng buong mansyon.

"1, 2, 3, 4, 5, 6, 7,... 35.... 47.... 68.... 76...."

Tumingin ako sa buong paligid. Nagliwanag at halos lahat, kitang kita na ng mata ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Tila'y hinahabol ang hininga ko dahil sa gulat.

"Who are you..." I almost whispered ng makita ko ang isang tao na nasa hagdan at nakaupo habang nakayuko. Hindi malaman kung lalaki o babae dahil balot siya ng cape na suot niya. "...why are you here?"

Sunod sunod ang paglunok ko. Kinakabahan ako. Wala pa siyang ginagawa pero ramdam ko na ang paggapang ng takot sa buong katawan ko.

Nakita kong dahan dahan siyang tumayo. Para akong bata na nanginginig sa takot baka pagalitan ng magulang. Gusto kong sumigaw pero useless yon dahil alam kong malayo sa kabihasnan ang kinatitirikan ng mansyon at imposibleng may makarinig sa akin dahil walang magtatangkang pumunta dito.

"Long time no see... princess,"

I almost lost my balance when I heard his voice. I was facing the demon today. I almost feel the intensified fear and trembling of my body as he turned to me and remove the cape he's wearing.

|Flashback|

"Don't shout...shhh!" Pigil ang hininga ko ng takpan niya ang bibig ko. "I can kill you" he whispered again. At wala manlang ako magawa kundi ang umiyak dito.

"What's your lolo's next plan, little princess?"

"I-I dont k-know" I answered between my sobs. I feel my own fears. Is there someone can help me?

"What did you say, little princess?" Naramdaman ko ang matulis na bagay sa leeg ko na lalong bumabaon.

Cursed him to death! Cursed you to death old man!

"My birthday..."

"Ah. Good little princess. Good night and see you again, soon."

|End of Flashback|

After ng huli namin encounter, hindi na kami ulit nagkita. At ngayon, kaharap ko na siya ulit. Lumalala ang takot ko sa kanya.

Commission. He's the head of Commission who almost killed us.

"Happy Birthday" he said while plastering a genuine smile "Shall I kill you now, Princess? You hide from me for eight years. You became independent for almost exactly eight years and you shut yourself in lie." Muli siyang ngumiti sa akin.

I'm not ready to die. I'm too weak to face the death. I have not offsets any and avenged for all he had done to my family.

"No." Matigas kong saad kahit kinakain na ako ng sarili kong takot "Hindi pa ako nakakabawi sa ginawa mo! You will pay all the debts you've done to my family! I will freeze you to death!"

Kitang kita ko sa mata niya ang mangha matapos ng mga sinabi ko. Parang hindi niya inaasahan ang mga sasabihin ko.

"Kiddo...kiddo... You are weak so how you can kill me?"

"I h-have may ways!"

"Then... show off!" Kasabay non ang pagkawala niya sa paningin ko ay pagpunta niya sa likuran ko. Ni hindi ko manlang nakita sa sobrang bilis ng pangyayari.

Nakaipit na ang leeg ko sa braso niya at ramdam ko ang hininga niya sa tenga ko "You are still weak, princess. You're more slower than turtle and if I want to kill you right now, I can do that as easy as you think. Go, find your father. Bring him to me and his son. Let's exchange..." bumagal ang mundo ko at ni hindi ko nagawang huminga ng maayos "his son and your mother."

Mom....

Simula ng gabing yon hindi na ako mapakali. Pakiramdam ko maraming mata na ang nagmamanman sa akin at binabantayan ang bawat kilos ko. Kahit saan ako pumunta, ramdam ko sila.

"Are you okay, bi?"

"H-Ha? O-Oo." Sagot ko ng makabalik ako sa reyalidad. Nakabalik na pala si Warren at hindi na ako nag usisa pa kung bakit siya nawala for almost a week. Preoccupied pa ako sa nangyari ng araw na yon. Ni hindi mawala sa isip ko ang gustong mangyari ng matandang yon. I was scared by him. Naroon pa rin ang epekto niya sa akin.

Nasa kanya si mommy at worst baka pati sila lolo. Paano nahuli sila lolo ng demonyong to? I need to take him back at paano?

Bring him to me and his son. Let's exchange...

Bring him to me and his son. Let's exchange...

Bring him to me and his son. Let's exchange...

That's all I need to do. To find my father. But who is he? Ni pangalan di ko kilala. And his son. May kapatid pa pala ako. Pero sabi ni lolo, nag iisa lang akong anak ni mommy. Nagsasabi ba si lolo ng totoo? Or baka kapatid ko sa ama ang son na sinasabi niya?

"Dyena. I'm worrying about you. Bakit napapadalas ang pag iisip mo ng malalim?"

Napabuntong hininga ako ulit. Kasama ko si Warren. Siya muna dapat.

"Nothing. Anong oras laban nyo sa kabilang school?" I asked shifting the topic.

"7 exactly in evening. You'll watch me."

Tumango ako at kumain nalang ng binili niyang burger sa cafeteria. Pagod na ako kakaisip. I need some rest dahil ichecheer ko pa si Warren mamaya.

**

"Wala bang goodluck kiss dyan?"

Inangat ko ang kamao ko sa harap ni Warren dahil balak nya akong halikan. Fifteen minutes before the game ay dapat kompleto na sila pero ang isang to di mapakali habang walang kiss na nakukuha sa akin. Naiwan tuloy siya dito sa locker area nila kasama ako.

Nagpout siya at seriously, ang panget niya. Mukha siyang tuta na nawawala.

"Stop pouting, Warren. Parang ewan lang ha." Akmang tatalikod na ako ng higitin nya ang braso ko at yakapin ako "Ang damot mo talaga kahit kailan. Goodluck hug nalang at lahat ng ishoshoot ko, katumbas nun isang halik ah, mamaya? I love you bi. Ikaw lang pakakasalan ko." Tinap niya ang shoulders ko at nilead na palabas ng locker room.

Di ko mapigilan mapangiti dahil sa sweetness niya sa buto. Daig pa niya kumakain ng Stevia na 300 times sweeter than sugar. Effortless magpangiti.

"Watch and get ready all my three points shoot kiss hahaha." Bulong niya sa akin pagkatapos akong paupuin sa isa sa mga bench na tanging sa players lang dapat. Lumapit siya sa grupo niya at kumindat pa.

Kung ibang babae lang ako, baka nagwala na ako sa sobrang kilig.

Buti nalang din wala akong kaagaw sa kanyang malalanding babae dahil alam nilang lahat na sa akin siya at sa kanya lang ako. Walang sumubok na manira. Takot lang nila.

Nag start ang laban between St Brent Academy at sa school namin. Unang puntos para sa amin at partida di pa pumapasok ang main player namin na sila Warren. Napansin ni Warren na nakatingin ako sa kanya at lumapit siya sa akin. "Are you okay here?"

I nodded as a answer. Komportable ang upo ko malayo sa maingay at masikip na pwesto sa bleachers. Sana hinatak ko yung dalawang bruha dito.

Umupo sa tabi ko si Warren at kinoncentrate ang atensyon sa laban. Magaling ang St Brent dah nakakasabay rin sila sa players ng school namin.

Medyo puno rin ang malaking gymnasium namin dahil narito rin ang ibang girls ng SBA to cheer their players and whole team.

Second quarter na at pumasok na sila Warren sa laban. Medyo mainit ang tunggalian dahil nagkakapikunan na sa loob ng court. Equal score lang. Kung may makakalamang, nahahabol agad.

Nakaramdam ako ng gutom kaya tumayo ako para pumunta muna sa cafeteria. Hindi ko manlang namalayan ang oras at dinner na pala.

Sigurado naman ako na sila ang mananalo.

Bumili ako ng foods sa cafe at kumain sa dulo ng cafeteria para iwas atensyon. Until now, I'm still the same.

|Cha|

"Di ba natin pupuntahan si Fuentez sa school? Laban ng Basketball e."

Nako! Kung ako lang masusunod, iiwan ko na tong babaeng to eh! Tss.

"Wala ka naman gagawin don kundi mambabae!"

Napakunot ang noo ko sa kanya "Kailan ko pa ginawa yan, Alliah?" as if na lumandi ako. Ni isang babae nga wala kong pinatulan dahil ang papanget nilang lahat. At ang patunay, nasa harapan ko.

"Bat ganyan ka makatingin ha?"

Umiling lang ko. "Dalian nalang natin" bulong ko at inassemble ang riffle sniper na dala ko.

Lumipat ako ng pwesto at kinuha ang cutter na dala ko. Hindi lang to basta-basta cutter kasi silently to pumutol ng steal or glass.

Dinikit ko muna ang glass magnet na device na gawa ni Tita Camila para mabuhat ko to at malapag after kong macut ang glass. Iba na at baka mahulog at mabasag. Gumawa na ako ng malaking bilog at cinut using my cutter.

"Dalian mo kaya. Mamaya matapos na yung transaction ng panget na yan sa drug lord na yan. Lagot ka kay Eythan!"

"Tss. Aim the gun to him. Get ready. Nahack na ba ni Amethys ang lahat ng CCTV records dito sa buong condomium?" Tanong ko

(I already hacked.) I heard Amethys voice on earpiece I wearing. Tss nakalimutan ko ng nag eexist si Amethys sa other line. Napakatahimik kasi e.

"Get ready" Alliah's said and she shut the target's head and fell on floor.

Using my binocular ay tinignan ko sila sa kabilang building na nagkakagulo. Nahinto ang transaction. We're success. (Get ready both of you on trouble.)

"What! Shems!"

Napansin ko ang red dot sa white shirt ni Alliah. Shit lang! Agad ko siyang binalya pahiga at saktong sunod sunod na putok ang narinig namin.

Doon ko lang din napagtantong nakatingin na ang mga men in guns sa dereksyon at nagkukumakhol na makapunta sa kinalulugaran namin.

"Go. Get the attache case!"

"Go with me! Sasalubungin nila ako-"

(Alliah jump! May lubid akong hinulog na konektado sa kabilang building. Use it.)

After upon hearing her command ay tumayo na si Alliah at hinanap ang lubid. All I need to do is to block them para makuha ang attache case na yon. "I'll follow." Sabi ko dahil nakatingin siya sa akin at mukhang inaantay ako.

"Yeah kahit hindi na."

"Brute."

**

"Tagal ha."

"Let's go."

Pagkarating ko sa pwesto nila ay ito agad ibubungad nila? Di man lang ako pagpapahingahin? Napagod ako oh. Dami nilang niligpit ko. Ang hirap pang bumaba dahil hagdan ang ginamit ko kaysa sa elevator na pinanggalingan ng kalaban.

"Five minutes rest-"

"We're going to watch the game."

"Hell'yah Amethys?"

"We're going to be late"

Automatikong nawala ang pagod ko ng marinig ko ang sinabi ni Amethys. Kahit kailan talaga hindi ako binigo ng babaeng to!

Sumakay na kami sa sasakyan niya since ito lang ginamit para gawin ang mission namin. At dahil si Amethys ang driver, byaheng langit na naman kami.

|Dyena|

"Dyena" Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko. Paglingon ko, nakita ko si Amethys na may kasamang isang babae at lalake. Ipapabanat na ba niya ako?

Lumapit siya kasama nung dalawa na titig na titig sa mukha ko.

"This can't be Amethys!" The girl

"A-Almost..." And the guy

Parehas napunta ang tingin nila kay Amethys matapos sa akin. What's their probs?

"Sì, copia carbone. Lei quasi sembrava da lei."

"Ma come?"

"Se sono collegati?"

Ha? Ano daw? Anong lengwahe gamit ng dalawang baguhan na to?

"That's why I hates her." Sa sinabi ni Amethys sa dalawa, nagconclude na agad ako ng ibig nilang sabihin. NA PANGET AKO? How dared them!!!

"Ano bang problema sa akin, Reid?" I asked her impatiently! Hindi ko na kaya tong ginagawa ng babaeng to! Naiirita na ko. Wala naman akong ginagawa sa kanya pero ang laki ng galit niya sa akin to the point na kulang nalang hatawin nya ang mukha ko.

"Walang problema sayo. Kay Warren, meron." And now, She's talking about my boyfriend.

"Bitter ka ba sa relasyon namin?"

Yung mata niya, sumingkit dahil sa tanong ko. Maski yung dalawa napatingin sa akin ng seryoso. "Why would I?"

"Co'z you're inlove with him! You kicked by jealousy!"

Ngumiti siya at lumapit sa akin. Hinaplos nya yung pisngi ko "The feelings is not mutual over between us, Dyena." Tsaka niya ako nilagpasan.

Yung dalawang kasama niya napailing sa akin at sumunod sa kanya. Pero bago pa ako tuluyan lagpasan ng babaeng kasama niya ay huminto to sa akin "I don't know if you're connected to Alys Cruz. You almost seemed like her. Carbon copy. Although nakikita ko sayo ang mata ni tito Ezekiel."

A goosebump runned to my body after hearing all those words. She knows my mom. And Ezekiel, maybe he's my dad.

Ezekiel.

~~

Nächstes Kapitel