webnovel

♥ CHAPTER 49 ♥

Syden's POV

Hindi ko alam kung paano ako nakatiis sa lugar na 'to. Ni hindi ko alam kung bakit kailangan pang humantong sa ganito ang lahat. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan ang sinabi niya sa'kin. Masama pa rin ang loob ko sa mga sinabi niya😤😤

Dahil don, ninais ko munang magpalamig ng ulo para naman hindi kami mag-away, baka kasi mas masabihan niya pa ako ng masakit na salita kapag nag-away ulit kami. Ilang araw na rin akong hindi pumapasok at hindi nagpapakita sa kanila. Di ko pa kaya😑😢

Hindi ako nag-stay sa tambayan nila kasi ayaw ko pa silang makita, kaya naghanap na muna ako ng matutuluyan pampalipas ng gabi. Tatlong araw na ko sa malamok at maduming kwarto na'to😡. Nakita ko kasing walang tao at walang gumagamit kaya dito muna ako nag-stay para makaiwas sa kanila. Alam kong hinahanap nila ako lalo na si Raven. Siguradong nag-aalala na 'yon😢.

Nakapunta na rin sila sa kwartong 'to kung saan ako nagiistay, pero hindi nila ako nakita dahil nagtago ako lalo na't madilim pa at walang ilaw.

Pero dahil sa kagutuman, hindi ko na natiis pa. Kaya lumabas ako kahit na ayaw ko. Ilang oras ko ng naririnig ang pagrereklamo ng tiyan ko kaya tuluyan na 'kong lumabas sa kwartong 'to. Pumunta ako dun sa tambayan nila kasi nandon lahat ng gamit ko, kaylangan kong maligo, ang baho ko na kasi😥. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, buti naman wala pa sila. Pumasok ako sa loob at kumuha ng damit para maligo. Pagkatapos, nagluto ako ng pagkain para makakain, buti naman at may stock silang pagkain. Pero sigurado naman akong pabalik na yung mga 'yon. Dismissal na eh.

Nang matapos akong kumain, niligpit ko na agad para makaalis na'ko. Ayoko naman na abutan pa nila ako dito! Kaya good-to-go!

Pagkabukas ko sa pintuan, nanigas ako sa kinatatayuan ko ng makita ko sila😱. Masama ang tingin nila sa akin habang ako naman, nanlaki ang mata ko. Hala shet! Nakita nila ko! Pero napatingin ako sa likuran nila at nakita ko si Carson kaya kumulo ang dugo ko. Tinignan ko siya ng masama at nilagpasan ko silang apat. Buti na lang at walang pumigil sa akin kaya tuluyan akong nakawala sa mga nagaapoy nilang mata.

"Sy"

Napahinto ako ng marinig ko ang boses ni Raven. Alam kong nakatingin siya sa'kin pero hindi ko na lang siya pinansin at tuluyan na'kong umalis. Hindi ko pa sila kayang harapin lalo na yung leader nila.

Hanggang ngayon galit pa din ako sa kanya. Hindi naman kasi ako malandi kagaya ng iniisip niya! 😠😬

Tinuloy ko ang paglalakad papunta sa classroom nila Julez para doon magpahinga.

Ayoko naman kasing bumalik doon sa kwarto kung san ako nagstay. As usual, syempre pagkapasok ko sa classroom nila, tahimik at nagbabasa lang silang lahat ng libro. Di man nga nila ako napansin na pumasok.

Umupo na lang ako sa may tabi ng bintana habang nakatingin sa malayo. Iniisip ko pa rin lahat ng nangyari magmula umpisa hanggang ngayon. Oo nga pala, finrame up lang ako kaya napunta ako dito at nadamay lang si Raven. Wala naman siya dapat dito. Pero bakit nga ba kami dinala dito? Para saan? Sana balang araw, bumalik na ang lahat sa date. Yung mataray at matapang na Syden, biglang nawala. Naging matakutin ako at naging mahina ang loob ko. Pero sa dami ng naranasan ko, ngayon pa ba ako susuko?

Napagpasyahan kong lumabas na lang ng classroom at maglakad-lakad sa campus. Nawala yung pagiging absent-minded ko nung nakarinig ako ng mga sumisigaw, umiiyak at nagmamakaawa. Hindi ko alam kung bakit hindi ako kinabahan. Natulala na lang ako habang nakikita sila. May isa o dalawang estudyante sa bawat room na nadadaanan ko. Pinapalo sila ng tubo. Ang iba naman, binubugbog at pinapaso. Sa paglakad ko sa hallway, yun lang ang nakikita ko sa mga classroom. Yung iba duguan na at nagmamakaawa. Nang makita ko yung mga nagpapahirap sa kanila, hindi na ako nagtaka. Masyado ng nakontrol ng mga Phantoms Sinners ang buong campus.

Isa lang naman ang dahilan kung bakit pinapahirapan nila yung mga estudyante. Pinepwersa sila na mag-join sa Phantom Sinners, pero dahil ayaw nila, kaya pinapahirapan sila ng mga Phantoms hanggang sa pumayag silang mag-join.

Di ko alam kung bakit hindi ako nakaramdam ng takot. Siguro nasanay na rin ako na halos araw-araw eto yung nakikita ko. Wala nakong maramdaman.

Gusto ko man silang tulungan pero ano namang magagawa ko. Deep inside, nagi-guilty ako sa mga nakikita ko.

Hindi ko namalayang nakarating na pala ako sa pinakadulo. May isang classroom na puro Phantom Sinners' members lang ang naroon. Nung makita ko sila, kinabahan ako. Biglang napatingin sa direksyon ko ang isa sa kanila. Kung hindi ako nagkakamali siya yung right hand ni Clyde. Tinignan niya ako ng masama at ngumiti siya na parang may gagawing hindi maganda. Lalo pa akong kinabahan kaya tumalikod na'ko para umalis.

Bago pa man ako makaalis, may humawak sa braso ko at nakita ko siya kaya nanlaki ang mata ko. Nakatingin ng masama at nakangiti, "Long time no see, Syden" sambit niya.

Pinalibutan ako ng mga Phantoms kaya nanginig na yung paa ko, "Bitawan mo ako!" sigaw ko sa kanya. Pumalag ako para alisin yung kamay niya sa braso ko.

Tinignan ko sila isa-isa at mukhang may binabalak nga sila kaya takut na takot na ako, "Hindi mo ba kami namiss?" tanong niya gamit ang maamo niyang boses, "I hope you still remember me?"

Bakit naman Hindi ko siya matatandaan, eh siya lang naman yung walang hiyang right hand ni Clyde. Pero ano nga bang pangalan niya?

......Xander

Tinignan ko siya ng masama at hindi na lang ako kumibo. Aalis na sana ako pero hinarangan nila ako at tinulak kaya napaatras ako, "Ano bang kailangan niyo?" inis kong tanong.

Hindi ba talaga nila ako lalayuan?!

Lumapit ng sobra sa'kin si Xander kaya napaatras ako habang nanginginig yung mga paa ko hanggang sa wala na'kong maatrasan kaya napahinto na lang ako. Nakatingin pa din siya sa akin at nakangisi. Itutulak ko sana siya palayo para makaalis na sa lugar na'to pero naunahan niya ako. Naglabas siya ng kutsilyo at itinutok sa leeg ko kaya napatingala na lang ako, "Huwag kang magkakamaling takasan ako" pahayag niya.

Hinawakan niya ulit ako sa braso at hinila nila ako papunta don sa classroom kung nasaan sila kanina. Itinulak niya ako ng malakas sa may book shelf kaya di maipinta sa mukha ko ang sakit. Tinignan niya yung mga kamembers niya at ngumisi siya. Mukhang nakuha naman nila kung anong ibig niyang sabihin kaya lumabas sila at nilock ang pinto.

Ano bang gagawin niya sa'kin?!

Lumapit siya at ikinulong ako sa mga kamay niya. Nanatili lang akong nakatingin ng masama sa kanya  habang hawak ko ang braso kong nangingitim dahil sa pagkakatulak niya sa akin sa book shelf.

"Wala ka na ba talagang balak na bumalik sa amin?" sarcastic niyang tanong.

"Bakit ako babalik? Fvck you!" cold kong sabi.

Nagbuntong-hininga siya at ngumiti ng masama, "Since from the start I like the way you act. Masyado kang matapang pero ang totoo takot ka din naman d'ba?"

Tinignan ko lang siya ng masama.

"Ano bang kailangan mo sa akin?!" inis kong tanong.

Lumapit pa siya lalo kaya ang lapit na ng mukha namin sa isa't-isa. Mas lalo pa akong kinabahan sa kinatatayuan ko, "Kung di ka na talaga babalik. Give me a sweet farewell then" bulong niya kaya nanginig na yung paa ko.

Tinignan niya ako sa mata at unti-unti niyang pinagdikit ang labi namin. Bago niya pa man magawa 'yon, itinulak ko na siya palayo para makatakas. Hahawakan ko na sana yung door knob pero nahabol niya ako at itinulak ulit ako sa may book shelf. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko pataas gamit ang isa niyang kamay at tinakpan ang labi ko dahil napansin niyang gusto ko ng sumigaw. Habang tinatakpan niya ang labi ko, naiiyak na ako dahil alam ko na kung anong gagawin niya sa akin. Hindi ako makapalag dahil mahigpit niyang hinahawakan ang dalawa kong kamay.

Unti-unti niyang inilapit ang bibig niya sa leeg ko at hinalikan ako ng ilang beses mula sa mukha hanggang sa leeg.

Pumapalag pa din ako kahit na alam kong hindi ako makakatakas. Wala akong magawa kundi umiyak na lang.

Binuksan niya lahat ng butones ng coat ko kaya kita na rin ang sando ko. Hinawakan niya ang bewang ko at hinalikan ako ng paulit-ulit.

Napakababoy niya!!😫

Habang tuluy-tuloy pa din siya sa paghalik sa akin, kumuha ako ng pwersa para maitulak siya papalayo.

Naitulak ko siya ng malakas at hinawakan ko yung coat ko para takpan ang sando ko. Habang ginagawa ko 'yon, hindi ko pa rin mapigilan na hindi umiyak dahil sa ginawa niya sa akin. Kumukuha na ako ng hangin dahil nahihirapan akong huminga.

Ngumisi siya at aktong lalapitan ako pero nagtangka akong tumakas. Nahawakan niya ng mahigpit ang braso ko at tinutukan ako ng kutsilyo, "Subukan mong tumakas!" panakot niya sa akin. Ni hindi ako nakagalaw dahil sa takot.

"Tigilan niyo na ako pwede ba?!" sigaw ko habang umiiyak.

Tinulak niya ulit ako sa may book shelf at ikinulong ako sa mga braso niya. Tinignan niya ako ng masama kaya hindi na talaga ako nakagalaw.

"Sumama ka sa amin. Hinahanap ka ni Clyde"

Pagkatapos niyang gawin sa'kin to, sasabihin niyang sumama ako sa kanila. Fvck him! I hate Phantom Sinners. I curse every one of them.

"Bakit naman ako sasama sa iny-" -S

"Kung ayaw mong ituloy ko ang ginagawa ko sa'yo, sumama ka sa amin"

Natulala ako sa sinabi niya habang tuluy-tuloy pa din ang pagiyak ko. Ayokong sumama sa kanila dahil siguradong may binabalak nanaman silang masama. Pero, ayaw kong mangyari ulit yung ginawa niya sa akin kanina.

Hinawakan niya ko sa braso at kinaladkad palabas. Sumunod lahat ng kasama niya. Lumapit siya sa akin at bumulong, "Umayos ka, kung hindi malilintikan ka sa'kin" panakot niya. Inayos niya yung pagkakahawak sa braso ko. Tinignan ko siya at tinignan niya ako ng masama kaya pinilit ko na ring ayusin ang paglalakad para hindi na niya ulitin yung ginawa niya sa'kin.

Napakalaki kong tanga!

Pinagtitinginan kaming lahat at halatang takot sila. Tumingin ako sa paligid at mukhang wala naman ang Black Vipers.

Ano nga bang paki ko sa kanila! Wala naman silang inisip kundi sarili nila!

Nakarating kami sa isang lugar na hindi pamilyar sa akin. Puno ng dugo ang pintuan. Habang tinitignan ko yung pintuan, biglang binuksan yun ng mga kasama kong Phantom Sinners, tinulak nila ko para makapasok sa loob. Tinignan ko sila ng masama bago ulit tumingin sa harapan ko.

Nakita ko si Clyde, nakaupo siya at mukhang hinihintay talaga kami. Nagyoyosi siya at nakayuko. Nang mapansin niyang nandito na kami, tinignan niya ako ng masama at ngumisi siya bago tumayo.

"Ano nanaman bang kailangan mo Clyde?!" diretso kong tanong.

Nilapitan niya ako habang nakangisi siya at binugahan ako ng nakakainis na amoy ng sigarilyo niya. Pero matapang ko pa rin siyang tinignan.

"Alam mo naman na marami akong kailangan sa'yo d'ba?...Isa na don ay, kailangan kitang tapusin"

Nga pala ipapapatay niya ako.

Tinignan ko pa rin siya ng masama kahit na deep inside kinakabahan na'ko.

"But of course, pwede ka pa namang mabuhay ng matagal. Kung makikipag-cooperate ka sa'min"

Mas lalo akong kinabahan sa sinabi niya at seryoso ko siyang tinignan.

"W-what do you mean?" -S

Ngumiti siya lalo at hinawakan ang yosi niya. Pagkatapos itinapon niya yon sa harapan ko at inapakan.

"We're planning to take Black Vipers down. But we need someone to lure them. Someone na pinagkakatiwalaan nila para mahulog sa bitag namin" pahayag niya.

Tinignan ko pa rin siya thinking what should I do.

"What if hindi ako pumayag sa gusto mo?" seryoso kong tanong.

Mas lalo pa niya akong nilapitan kaya napaatras ako, "If you won't help us, you know what will happen. But, if you will do what I want, you could be saved" banta niya.

I could be saved? Nagbibiro ba siya😑

I don't trust his words. Any of his words. Hindi ko ilalaglag ang kakambal ko. Kahit na sobrang nasaktan ako sa ginagawa ng leader nila na si Carson. I would never do such thing na ikakapahamak nila.

Nginitian ko ng masama si Clyde. Nilapitan ko din siya as he did, "Patayin mo na ako ngayon, pero hindi ko gagawin ang gusto mo!"

Tinalikuran ko siya pero bago ako makaalis, hinawakan ako ng mga members niya, "Hayaan niyo siya" napatingin ako dahil sa sinabi niya, "Hayaan niyong magpakasaya siya, dahil bilang na lang ang oras niya" pagkatapos niyang sabihin 'yon binitawan na nila ako. Bago ako tuluyang umalis tinignan ko siya ng sobrang sama.

To be continued...😏😏

Nächstes Kapitel