webnovel

♥ CHAPTER 47♥

..Syden's POV..

Pagkalipas ng isang linggo, kumalat sa buong campus ang tungkol sa Black Vipers. Alam na ng lahat ang naging dahilan kung bakit nabuwag ang grupong Blood Rebels. Naging usap-usapan 'yon sa campus, pero hindi pa rin nawala ang kasikatan ni Roxanne at Clyde, lalung-lalo na si Carson.

Sa pagdaan ng bawat araw na kasama ko sila, may mga oras na nagiging masaya at may oras ding kinakatakutan ko sila. Oo natatakot ako minsan, pero kahit kailan, hindi nila ako sinaktan. Tinrato nila ako na parang kaibigan. Si Carson...ganon pa din, as usual sinusungitan ako at cold pa rin siya sa akin. Nakikita kong hanggang ngayon nasasaktan pa rin siya at galit na galit siya.

Marami na ring mga grupo ang kumalaban sa Black Vipers pero palagi ko silang pinagtatanggol kahit alam kong delikado dahil nga gusto kong bumawi sa kanila. Isa kasi sa rules ng BV group ay iiwasan na muna nilang makipag-away sa iba pang grupo kaya ngayon, nananahimik sila. Nagiging successful naman yung pagtatanggol ko sa kanila pero ang ending...ako yung hinahunting😂. Yung tungkol naman kay Clyde, alam niya na kasama ko ang Black Vipers, pero hindi ko lang alam kung bakit wala siyang ginagawa. Hindi ko muna iisipin 'yon😇.

Gumising ako ng maaga para magluto. Since dito muna ako nakatira, pinagseserve ko ang Black Vipers kasi sabi ni Carson dapat daw may kapalit ang pagtira ko dito sa tulugan nila. Kaya gumigising ako ng maaga para ipagluto sila ng pagkain😁.

Pumunta na'ko sa kusina nila, which was so dirty date dahil di nila ginagamit. Kaya inayos at nilinisan ko para magamit. Kinuha ko yung binili kong bacon at egg kahapon para sa almusal nila. Kaya niluto ko na pagkatapos inihapag ko 'yon sa lamesa na nilinisan ko rin.

Kainis nga eh. Parang katulong nila ako😠.

Ako palagi ang naglilinis dito, kahit saang sulok ng tambayan nila na naging tulugan na namin.

Ready na ang lahat at sila na lang ang hinihintay ko. Sakto namang tumingin ako sa pintuan, nakita ko sina Dave, Raven at Dustin, "Sarap ata ng tulog niyo ah?"

Ngumiti sila habang papalapit sa lamesa, "Naamoy kasi namin ang masarap na almusal kaya nagising kami" wika ni Dustin. Umupo na silang tatlo kaya umupo na rin ako. Sakto gutom na rin ako😆.

Nag-uunahan yung tatlo para dun sa bacon. Excuse me ang dami ko kayang niluto tapos mag-aagawan lang sila😣. Kumuha na lang ako ng pritong itlog kasi gutom na'ko. Alanganaman panuorin ko pa silang mag-away dahil sa bacon. Duh?!😌

"Akin yan"

" Pero ako ang nauna!"

"Sige sapakan tayo kung sino manalo sa kanya yung bacon!"

"Sige ba! Ako pa ang hahamunin mo? Lul!"

"Wala kang panama sa'kin!"

Mga isip bata!

Susubo na sana ako pero biglang bumukas ang pintuan sa kwarto ni Carson kaya napatingin ako sa kanya at natigilan yung tatlo.

Halatang mainit ang ulo niya. Ano ba yan kauma-umaga😖. Masama ang tingin niya sa aming lahat. Nag-umpisa siyang maglakad papunta sa lamesa, ang akala namin kakain siya pero nilagpasan niya lang kami. Palabas na siya sa pintuan ng biglang magsalita si Dave, "Carson, di ka ba kakain? Ang sarap pa naman ng almusal"

Natigilan siya at tumalikod para harapin kami. Tumingin siya sa akin at ang sama ng tingin niya sa'kin. Well, what's new palagi namang masama ang tingin niya sa akin😔, "Ayoko. Dahil sa kaingayan niyo nawalan ako ng gana. Isa pa...hindi ako nag-aalmusal" wika niya habang nakatingin pa rin sa akin. Edi wag kang kumain😝.

Sa loob ng isang linggo na pinagluluto ko sila, never pa siyang kumain at yon lagi ang sinasabi niya. Wala daw siyang gana, hindi daw siya nag-aalmusal, etc😪. Bahala kang magutom😝.

...

Pagkatapos naming mag-almusal pumasok na kami. Hindi na rin naman ako lumipat ng classroom dahil araw-araw pinipilit ako nina Dave na sa classroom na lang nila ako pumasok. Kaya nakasanayan ko na rin kahit ako nag-iisang babae. Tsk!😒

Pagkapasok namin sa classroom, nandon na si Carson. As always, masama ang tingin sa amin lalo na sa akin😤, "Good Morning Sy!" pahayag naman ni Alvin. Abot langit ang ngiti!😅. Medyo ka-close ko na din tong lalaking 'to.

Tinignan ko lang siya ng masama tapos umupo na'ko, "Wala man lang bang good morning galing sa'yo?" sabay simangot niya.

Adik to ah! Kalalaking tao may pasima-simangot pang nalalaman😨.

"Ano bang good sa morning?" -S

"Ewan ko sa'yo. Bahala ka" wow! Nagtatampo ba? Haha!😂😂.

Tumingin na lang ako sa may board sakto namang dumating si Professor Lee. Math teacher namin. I hate math! Duh!😰. Kaya boring niyan.

....

Pagkatapos niyang magturo, break time na. Kaya tumayo ako para sumabay kila Raven. Sigurado naman kasing hihilain niya ko para sumama sa kanila kaya sasama na lang ako.

Since naging sikat ang Black Vipers sa buong campus, tinanggal nila ang mga characteristics ng isang Blood Rebels. Naka-black pa din naman sila pero hindi na nila ginagamit ang cap nila kaya kitang-kita na yung mukha nila. Iiwas muna raw sila sa kahit na anong gulo hangga't maaari. Hindi alam nila Raven kung anong plano ni Carson pero yon ang sinabi niya sa kanila.

Habang naglalakad kami sa hallway, may mga babaeng mukhang kinikilig habang tinitignan sila, yung iba naman mukhang takot pa din, "Ganyan talaga sila. Yung iba masayang nakikita kami, pero yung iba, takot pa din sa amin" wika ni Dustin kaya napatingin ako sa kanya.

"Buti na lang hindi na natatakot ang iba sa inyo?" -S

Umiling siya at parang dissappointed, "Gusto lang nila kami dahil wala ng Blood Rebels na kinatatakutan nila. Pero kapag bumalik ang Blood Rebels, tatalikuran na nila kami. Sabihin nating itsura lang ang habol nila sa amin ngayon"

Kaya pala kahit maraming kinikilig sa kanila, hindi nila pinapansin, except Dave. Ma-chicks siya eh hanggang ngayon😅.

Pagpasok namin sa cafeteria, mas lalong umingay at nagtilian yung mga babae. Pagdaan namin, nakatingin lahat sila sa apat kong kasama pero kapag nakikita nila ako, mag-uumpisa na silang magbulungan.

OP na'ko dito. Huhu!😭.

Ng makakuha na kami ng pagkain, umupo na sila sa may dulo ng isang table. Dahil nga OP na'ko, lumayo ako sa kanila, umupo ako dun sa kabilang dulo din ng table.

Alam kong tinignan ako nila Dave pero hindi ko na lang sila pinansin. Habang kumakain ako ng carbonara, may mga babaeng lumapit sa'kin kaya napatingin ako sa kanila. Apat sila. Umupo sila sa tabi ko, yung as in sobrang lapit, "Pwede ba kaming humingi ng favor sa'yo?" tanong nila kaya nabigla ako.

Ano naman kayang favor 'yon?😮

Ibinaba ko yung hawak kong kutsara bago sila tinignan ulit, "S-sige. Ano ba 'yon?"

May pinakita silang apat na sulat sa akin. Parang love letter, "Pwede bang pakibigay

sa Black Vipers 'to?"

Ako?! Ibibigay ang sulat sa Black Vipers!? No way!😱.

"A-ayoko. Kayo na lang" aalis na sana ako pero pinigilan nila ako.

"Sige na please? Ikaw lang kasi ang malapit sa kanila eh" sabay puppy eyes sa akin.

Magpakyut ba naman sa harapan ko huhu!😧.

"Sige na. Please? Please?" ang kulit!

"FINE. Asan na?" sabay pakita ng kamay ko sa kanila para kunin yung mga sulat nila.

Nagkatrabaho pa'ko ng wala sa oras!😩. Gusto ko na kasing kumain eh. Kaya pumayag na'ko para lubayan na nila ako.

Binigay nila sa'kin yung mga sulat nila. May mga pangalan naman yon kaya alam ko kung kanino ko ibibigay.

"Wiee! Thank you!" sabay yakap nila sa akin.

Taena! Bakit di pa sila umalis?!😤

"Oo na! Sige na umalis na kayo" gutom na'ko eh!😬.

"Thank you talaga!" sambit nila bago ako iniwanan. Buti naman😇.

Itutuloy ko na sana yung pagkain ko. Hindi ko pa man nasusubo yung kutsara ko, may umupo nanaman sa harapan ko kaya napatingin ako sa kanya, "Wow! Ano 'yan letters para sa'yo?" tanong niya.

Itinago ko na yung mga sulat na hawak ko sa bulsa ko, "Tsismoso! Ano bang ginagawa mo dito Alvin?" sabay tingin ng masama sa kanya. Akala ko bang nagtatampo siya?😒

"Wala naman. Gusto lang kitang kausapin" sabay ngiti sa akin.

"Bahala ka" kumain na lang ako hindi ko na lang siya pinansin. Napansin kong nakatitig siya sa akin habang kumakain ako. Sh*t ! Hindi ako makakain ng maayos kapag may nanonood sa akin!😨

Tinignan ko siya, "Pwede ba? Kumain ka na lang kesa sa tinitignan mo'ko"

Nagulat siya sa sinabi ko at natawa siya, "Asa ka namang tinitignan kita?! Haha!" edi wow Alvin! Bakit ba kasi feelingera ka Syden?😒

Hinagis ko papunta sa kanya yung tinidor ko kaya napatayo siya. Naiwasan niya naman yon tapos nginitian niya ako bago siya umalis.

Ano bang problema niya?😮

Finally, makakakain na'ko wala ng surot na iistorbo sa'kin. Kinain ko na yung carbonara ko, after kong kainin 'yon, may lumapit nanaman sa akin kaya napatingin ako sa kanila. Tatlo silang babae at masama ang tingin nila sa akin. Sino naman sila?🙅

"Kaya siguro napasama ka sa Black Vipers dahil dyan sa kalandian mo. Hindi ka pa nakuntento sa kanila, pati boyfriend ko nilalandi mo!" sambit ng isa sa kanila na nasa pinakagitna.

Boyfriend niya?! Nilalandi ko?! Hanu daw?😨😵

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya,

"Wala akong alam sa sinasabi mo. Wrong person ang kinakausap mo" wika ko sabay tayo para umalis.

Hiniwakan niya yung braso ko para pigilan ako sa pag-alis, "Huwag mo akong tinatalikuran kapag kinakausap kita! Isa pa, wag kang magkunwari na wala kang alam sa sinasabi ko!"

"Pwede ba tigilan mo 'ko! Hindi ko nga alam kung anong sinasabi mo!" sigaw ko kaya natahimik ang buong cafeteria at napatingin sa amin.

"Ahh ganon. Hindi mo pala alam ah?" tumingin siya sa table ko at kinuha yung baso. Tinapunan niya ako ng tubig kaya nabigla ako.

Shete! Ano bang problema niya?! Di naman ako magpapatalo!😠

Kumuha rin ako ng baso tapos tinapon ko yun sa kanya kaya nabigla siya. Pareho na tayong basa ngayon!😈

"How dare you!" sasampalin niya sana ako pero may humawak sa kamay niya. Nabigla kami pareho at nakita namin si Alvin.

"Itigil muna 'yan Aby" sabi niya dun sa babae tapos tinignan niya ako, "Syden, sorry sa ginawa ng girlfriend ko" so siya pala yung boyfriend nitong babaeng to. Kelan ko ba nilandi si Alvin eh siya nga itong lumalapit sa akin!😤😣

Hinila niya palabas ng cafeteria ang girlfriend niya. Tinignan ko yung sarili ko at basang-basa yung mukha ko. Buti naman hindi nabasa yung palda ko kaya safe rin yung sulat na ipinapabigay sa akin.

May sumipol kaya hinanap ko kung saan. Nakita ko si Raven at sinenyasan niya ko na lumapit sa kanila. Paglapit ko nakatingin silang tatlo sa'kin except kay Carson na busy sa pagkain, "Anong nangyari?" tanong ni Raven.

"Obvious ba? Pinagbibintangan lang naman ako nung babaeng 'yon na nilalandi ko daw yung boyfriend niya" wika ko.

Narinig naming pabagsak na ibinaba ni Carson yung hawak niyang kutsara tapos tinignan niya ako gamit ang cold niyang mata, "Bakit? Hindi ba?" tanong niya.

Nagulat kaming lahat sa sinabi niya at feeling ko nanginginig ako sa galit. Parang gusto kong lumuha pero pinigilan ko. Bakit ang baba ng tingin niya sa'kin?😶 Parang nanigas ako sa kinatatayuan ko.

"G-ganyan ba ang tingin mo sa'kin?" tanong ko sa kanya. Nakatingin pa rin siya sa'kin.

"So, all this time ang tingin mo sa'kin malandi ako sa tuwing nagkakausap kami ni Alvin?!" hindi ko napigilan kaya napaiyak ako.

Tanggap ko naman lahat ng ginagawa niya sa'kin. Pero ang sinabi niya ngayon...hindi ko tanggap! At wala akong intensyon na gawin yon.

Nanatili lang siyang nakatingin sa'kin at parang wala siyang balak na sagutin ako.

Hindi ko alam kung bakit napaiyak ako habang nakaramdam ng galit sa kanya.

Kinuha ko yung mga sulat sa bulsa ko at pabagsak kong inilapag yon sa lamesa nila tapos tinignan ko sila ng masama isa-isa. Pasensya na kung pati yung mga inosente madadamay, di ko lang talaga mapigilan yung sama ng loob ko.

Nakatingin silang apat sa'kin, "May nagpapabigay sa inyo! May pangalan naman kaya tignan niyo na lang kung nasaan ang sa inyo!" bago ako umalis, pinunasan ko ang luha ko tapos tinignan ko ng masama si Carson.

Lumabas na'ko agad sa cafeteria. Tumakbo lang ako ng tumakbo kahit hindi ko alam kung saan ako papunta ng may biglang humila sa'kin at tinakpan niya ang bibig ko. Gulat na gulat akong nakatingin sa kanya at masama ang tingin niya sa'kin, "Layuan mo na sila hangga't maaga pa, dahil bilang na lang ang oras ng Prison School" sambit niya.

To be continued...

Nächstes Kapitel