webnovel

♥ CHAPTER 44 ♥

⚚ Syden's POV ⚚

Iminulat ko ng dahan-dahan ang mata ko. Nakita ko siyang galit na nakatingin sa akin at parang pinipigilan niya ang sarili niya dahil hindi niya ako nasaktan gamit ang hawak niyang bote, "Anong ginagawa mo dito?!"

Pawis na pawis siya at nanginginig. Pero kahit nakikita kong galit siya, alam kong nasasaktan din siya dahil sa break up nila ni Roxanne at sa nangyari sa grupo niya. Hindi ako nakapag-salita dahil parang may pumipigil sa akin kaya hindi ko mabuksan ang bibig ko. Nanginginig din naman ako dahil nakakatakot yung mga tingin niya.

Inihagis niya palayo yung hawak niyang bote at dinig na dinig 'yon sa buong kwarto kaya nagulat ako. Siguradong nag-aalala na yung mga iniwan ko sa labas. Tinignan ko ulit siya at ganon pa din ang tingin niya sa akin, "Umalis ka na dito. Baka masaktan pa kita!" galit niyang sabi pero halatang nagpipigil siya.

Ayoko pang mamatay. Pero ayoko ring umalis dito. Hindi ako aalis. Babawi pa ako sa kanya. Dahil sa akin nagkakaganito lahat, kaya dapat kong ayusin ang gulong nagawa ko.

Hindi pa rin ako gumalaw sa kinatatayuan ko habang siya, nakatingin pa din sa akin at halatang nagpipigil siya ng galit. Sinabayan ko na lang din yung tingin niya, seryoso ko lang siyang tinitignan. Kasi nga hindi ako aalis.

Bahala na kung anong gawin niya sa'kin. Dito lang ako.

Tinalikuran niya ako. Habang naglalakad siya sinisipa niya yung mga nakaharang sa dadaanan niya. Umupo siya sa pinakasulok. Kaya nilapitan ko ulit siya. Nakaupo siya ngayon sa harap ko habang nakatayo ako. Hinawakan niya yung ulo niya na parang nasasaktan siya. Napansin ko ngang namumula na siya pero hindi pa rin ako aalis. Umupo ako sa tabi niya pero di naman ganon kalapit at tinignan ko siya. Ilang segundo ko rin siyang tinitignan habang nakayuko siya at nakatingin sa sahig.

"Kelan mo pa nalaman?" seryoso niyang tanong habang nakatingin pa rin sa sahig.

Isa lang naman ang pinag-uusapan dito. Yung tungkol sa relasyon ni Clyde at Roxanne.

"P-pagkapasok pa lang namin ni Raven dito sa PS...I heard them, kaso nakita ako ni Clyde. Kaya...doon din nag-umpisa ang kalbaryo ko" wika ko habang tinitignan siya. Sorry talaga. Sorry.

Natawa lang siya sa sinabi ko pero bumalik rin siya sa pagiging seryoso.

"Sorry talaga. Natakot kasi ako sa kanya eh. Gustung-gusto kong sabihin sa'yo...pero hindi ko alam kung paano. Dahil sa akin kaya nangyari 'to, kaya...sorry, sorry talaga" -S

"Buti alam mo. Kung pwede lang tanggalin ng sorry mo lahat ng sakit. Pero huli na...para magsisi ka. Wala na lahat. Sira na" tinignan niya ako ng masama tapos tumayo na siya. Nakita kong pumasok siya sa isang kwarto. Malaki kasi ang room na 'to pero pagka-pasok mo, may makikita kang mga pintuan na parang kwarto din, pero maliit lang sila.

"Sana nga, pwede ko pang ibalik ang lahat sa dati para magawa ko yung dapat. Pero hanggang sana na lang lahat ng 'yon. Sabi nga nila, nasa huli ang pagsisisi" bulong ko sa sarili ko.

Kahit ilang beses ko sabihin ng paulit-ulit sa sarili ko, gagawin ko pa rin. Babawi ako sa kanila...kahit anong mangyari.

Tumayo na din ako para umalis sa lugar na'to. Pagkabukas ko sa pintuan, nakatingin sila sa akin at halatang nag-alala sila at hinihintay nila ako.

Buti naman hindi sila gaanong serious mode ngayon.

Lumapit si Raven sa akin, "Sy, anong ginawa niya sa'yo?! Okay ka lang ba?!"

Halata namang nag-alala din si Dave, pero yung Dustin masama pa din yung tingin sa akin. Ano bang problema non? May mabigat ba siyang dinadala?

"Okay lang ako. Nakikita mo naman d'ba?" ngiti ko sa kanya.

"Alam mo ba kung gaano kadelikado ang ginawa mo?! Hindi mo pa siya talagang kilala!" sermon niya sa akin.

Alam ko naman na magagalit siya dahil sa ginawa ko.

Hindi na lang ako nagsalita para di na humaba yung usapan. Tumingin si Dave  sa likuran ko at parang may hinahanap siya, "Asan si Carson?"

Tumingin din ako sa likuran ko bago ko siya tinignan, "May pinasukan siyang kwarto eh" sabay kamot ng ulo.

Tinignan nila ako ng maayos at nagtinginan sila na parang nagtataka, "May problema ba?"

"W-wala naman" -Dave

Dapat ba silang magtaka?

Tumango na lang ako at ngumiti ako sa kanila. Napatingin ako dun sa Dustin at nakangiti siya sarcastically sa akin. Hmmm, hindi ko naman hahayaan na ganituhin niya ako noh?

Nilapitan ko siya pero nakangiti pa din siya sa akin, yeah sarcastically again. Sina Raven naman, napatingin lang sa akin.

"Excuse me? May problema ka ba sa akin?" tanong ko sa kanya. Nakatingin lang siya at hindi nagsasalita. Pipi ba siya o bingi? Tinanong ko siya ng maayos para naman hindi magalit ang Blood Rebels, baka siya pa ang makapatay sa akin.

Nilapitan niya ako kaya ang lapit-lapit ng mukha namin pero tinignan ko lang siya sa mata, "Oo! Marami akong problema sa'yo" sarcastic niyang sabi sa akin na ikinagulat ko. Kasi naman di ko expect na magsasalita siya.

"Kagaya ng ano?" nanginginig kong tanong. Marami daw siyang problema sa akin?

"By the way, I'm Dustin" wow! Di niya sinagot yung tanong ko. Kanina kung makatingin sa akin kulang na lang patayin na niya ako tapos ngayon makikipagkilala. Wow lang ha!

Inabot niya yung kamay niya sa akin pero nagdadalawang-isip pa ko eh, di na lang ako nakipagshake-hands sa kanya, "Akala ko bang may problema ka sa akin tapos bigla-bigla ka na lang magpapakilala? Isa pa, alam ko. Kilala kita, ikaw yung right hand ni Carson d'ba?" ibinaba niya yung kamay niya at natawa silang tatlo sa sinabi ko.

Ha?! Ano bang nakakatawa? Marunong pa lang tumawa ang mga Rebels? Ngayon ko lang sila nakitang tumawa ng sabay, lagi kasi silang serious mode eh. Minsan naman beastmode.

Tinignan ko silang tatlo, "Bakit kayo tumatawa ha?!" pagtawanan daw ba ako?

"I'm not Carson's right hand. It's really Dave. Nagpapanggap lang ako" sagot netong Dustin kaya naguluhan ako.

D'ba kilala sa buong campus na si Dustin yung right hand?

"Si Dave nga yung right hand. Fake lang si Dustin" wika ni Raven.

Manghuhula ba talaga sila? Hindi ko pa man kasi sinasabi alam na nila yung nasa isip ko eh. Tapos, hanggang ngayon, pinagtatawanan pa nila ako. Aiys! Bwiset sila! Sige. Tawa pa.

Tinignan ko sila ng masama isa-isa, "Ewan ko sa inyo. Bahala nga kayo dyan!" sabay walk out.

Aalis na sana ako sa lugar na 'yon. Sakto namang paghakbang ko, biglang umulan ng malakas. Alam kong natahimik sila at napatingin sa akin, maya-maya...nagtawanan nanaman sila, pinagtatawanan talaga ako. Malakas din pala topak ng mga 'to.

"Ano? Akala ko ba aalis ka na?" sambit niya habang nagtatawanan pa rin silang tatlo. Nakisali pa tong si Raven!

Sinamaan ko sila ng tingin tapos umupo na lang muna ako para hintayin ang pagtigil ng ulan. Bad timing naman oh!

"Bakit ba kayo tawa ng tawa ha?! Ano bang nakakatawa? D'ba nga dapat malungkot kayo dahil sa nangyari sa grupo niyo?" napatingin sila sa akin at unti-unting nawala ang masayahin nilang mukha. Naging seryoso sila. Hala! Ayan na naman yung mga leon! Magtratransform nanaman sila! Natakot tuloy ako!

Ano ka ba naman Syden?! Bakit mo pa kasi sinabi 'yon?! Tanga naman oh.

Nabingi ako sa katahimikan kasi alam mo na. Hindi ko rin naman sila matignan ng diretso kasi ayoko. Ayoko talaga!

....

30 minutes na ang lumipas pero di pa rin tumitigil ang pag-ulan. Tinignan ko sila at tahimik pa din, "Hindi ba kayo magpapahinga?"

Napatingin sa akin si Raven, "Hindi ka pa kasi nagpapahinga kaya hinihintay ka namin. Mukha atang hinihintay mo pang huminto ang ulan?" so ako lang pala talaga ang hinihintay nila. Bakit naman kailangan nila akong hintayin?

Napatingin na lang ako sa taas, "Okay lang ako. Magpahinga na kayo, sigurado akong pagod na pagod na kayo. Marami na rin nangyari ngayong araw. Isa pa, bakit hinihintay niyo pa ako? D'ba nga dapat hayaan niyo ako. Kasi dahil sa'kin, nasira ang grupong iniingat-ingatan niyo?"

Babawi ako sa inyo. Huwag kayong mag-alala.

"Alam mo bang hindi maganda na sinisisi mo yung sarili mo? Wala ka namang kasalanan eh" wika ni Dave kaya napatingin ako sa kanya.

"Sy?" napatingin din ako kay Raven, mukhang nag-aalala at naaawa siya, "Bakit?" -S

"Bakit mo pa hinihintay na tumigil ang ulan?" -R

"Para magpahinga na rin at makabalik ako sa dorm- " natigilan ako. Naalala ko, pinalayas na pala ako doon. Haha Tanga ko! Naghihintay lang pala ako sa wala😂

"Pupunta na lang ako kina Julez" sabay ngiti kay Raven.

"Huwag ka na munang magpakalat-kalat sa campus. Siguradong nalaman ni Clyde na nakatakas ka at buhay ka pa kaya sigurado rin akong ipapahanap ka niya para patayin ka ulit" natigilan ako sa sinabi ni Dave. Oo nga pala! Di ako pwedeng makita ni Clyde. Ano ng gagawin ko? Sigurado akong gagantihan niya ako😣

Bakit ba kasi makakalimutin ako?

"Magpahinga na kayo. May kalaban pa tayo bukas. Hangga't hindi tayo nauubos, di nila tayo titigilan" ang boses na 'yon.

Napatingin kaming lahat sa kanya, si Carson. Tumayo silang lahat at papasok na sana sa loob, pero nanatili pa rin akong nakaupo. Di naman ako kasama sa grupo nila, bakit ako sasama sa kanila d'ba?

"Hey you!" luh! Ayan na siya! Ako ba kinakausap niya?😱

Napatingin ako sa kanya at ang cold ng mata niya habang nakatingin sa akin. Halatang galit pa din siya.

"Kung hihintayin mong tumigil ang ulan, baka abutin ka hanggang bukas ng umaga. Better stay here, pero bukas umalis ka na" seryoso ba siya? O galit siya? Iba kasi yung tono ng pananalita niya eh.

Pagkatapos niyang sabihin 'yon, iniwanan na niya kami. Nakatayo na silang lahat at ako, nakaupo pa rin.

Inabot ni Dustin yung kamay niya sa akin kaya nagtaka ako, "Para san yan?"

Natawa silang tatlo habang nakatingin sa akin, "Obvious ba? Tinutulungan kitang tumayo. Ang slow mo!" eh sa di ko nga alam eh!

Tinutulungan lang pala akong tumayo. May bait din pa lang tinatago tong Dustin na'to eh.

Inabot ko na lang yung kamay ko sa kanya, baka kasi magalit pa at sabihing nag-iinarte ako. Pumasok kami sa loob, at binigyan nila ako ng room na matutulugan. Medyo maayos naman yung kwartong binigay nila at presko kaya masarap matulog neto.

"Ayos ka lang ba dito?" tanong ni Dave.

Tumango ako. Tinignan ko ang paligid at ngumiti, "Oo naman"

"Sige. Magpapahinga na rin kami" sabay ngiti ni Dave sa akin.

Tinignan ko si Dustin dahil kanina ko pa siya napapansin na tinitignan ako mula ulo hanggang paa. Manyak ata to eh!?

"Ba't ganyan ka makatingin?" tanong ko.

"Sigurado ka bang di ka talaga niya sinaktan kanina?" -Dustin

Si Carson siguro tinutukoy niya. Bakit niya pa tinatanong, eh halata naman d'ba?

"H-hindi. Bakit naman?" pagtataka ko.

Bigla na lang siyang ngumiti at ginulo niya ang buhok ko, "You're lucky then" ha? lucky daw? Bakit naman? Dahil di ako sinaktan ni Carson? 😮

Wiehh! Ang cute pala ni Dustin kapag nakangiti😍😍

Lumabas na silang tatlo kaya sinundan ko sila para i-lock ang pinto. Pero bago tuluyang umalis si Dustin, humarap siya sa akin, "Don't ever mention Blood Rebels"

"Call us Black Vipers" 👌

To be continued...

New badboys' group: Black Vipers😘

Nächstes Kapitel