⚚ Carson's POV ⚚
Hindi ko naman hahayaan na maging masaya sila sa harapan ko.
Humanda lang sila!
Pumunta ako sa may pintuan at pabagsak kong binuksan 'yon para marinig talaga nila Nilapitan ko silang dalawa at halatang nabigla sila. Talagang mabigla na kayo! Hindi ko palalampasin ang panloloko niyo sa akin!
"C-car...son?! A-anong...ginagawa mo dito?!" nauutal na tanong ng magaling kong girlfriend. Nilayuan nila ang isa't-isa...pero kanina dikit na dikit sila, di nga mapaghiwalay eh.
Wow! Nakaistorbo ata ako haha t*ngina!
"Mukhang nakakaistorbo ata ako sa moment niyong dalawa?" -CS
Tinitignan ko sila with my deathly glare. Mamatay na kayo sa tingin! Kung pwede ko lang talaga kayong patayin gamit ang mata ko, kanina ko pa ginawa.
Hindi sila nakakibo at halatang gulat na gulat talaga sila. Hindi kasi nila inexpect na pupunta ako. Sana sinabihan ko sila para naman napag-handaan nila ang pagdating ko.
Nagpa-invitation sana sila para expect nila na dadating ako. Hayop sila!
Nilapitan ko si Clyde at hinawakan ko ng mahigpit ang kwelyo niya, "Alam ko na ang pinaggagagawa niyo! Hayop ka Clyde!" sinuntok ko siya kaya nasubsob siya sa sahig. Taena! Sana Chained School na para mapatay ko na siya!!
Bawat nakakatayo siya, sinusuntok ko siya. Isang napakalakas na suntok. Pero ngayon, hindi pa man siya nakakatayo, sinuntok ko na siya ng paulit-ulit. Galit na galit ako kaya natural lang na gawin ko 'to. Dumudugo na ang labi niya at tinulungan siya ni Roxanne,
"Tama na!" hinarangan niya ako. Hinawakan niya si Clyde at tinulungan para makatayo. Harap-harapan talaga akong ginagago ng babaeng 'to.
"Pagkatapos ng ginawa niyo sa akin! Sasabihin mong tama na!? Ang sakit lang eh! KASI HARAP-HARAPAN MO KONG NILOLOKO! ANO HA?! Lantaran na rin ba ang kalandian mo sa mismong harapan ko pa?!" bigla niya akong sinampal. Natawa na lang ako. Ako pa ata ang nag-mukhang masama dito.
"Bakit ba?! Bakit Roxanne?! Saan ba ako nagkulang?! Binigay ko lahat sa'yo! Alam mo 'yan. Tapos...ganito na lang? Ito ang igaganti mo sa akin?!" -CS
"Hindi siya nanghingi sa'yo, kusa mong binigay sa kanya lahat dahil umasa ka na mahal ka niya. Isa pa, never siyang naging sa'yo. Simula umpisa, akin na siya. Inagaw mo lang siya sa akin!- " hindi pa man natatapos si Clyde, sinuntok ko ulit siya.
"Ako ang pumalit sa'yo noong oras na ibinasura mo siya. Hindi ko siya inagaw sa'yo! Pero anong ginawa mo Roxanne, pinag-mukha mo akong TANGA!" -CS
Ang TANGA ko! Isang napakalaking Tanga! All along, ang inakala ko, mahal niya ako. Pero hindi pala! Ginagamit niya lang pala ako bwiset siya! Fvck?!
Sa sobrang galit ko, hindi ko napigilan ang sarili ko. Hinila ko si Roxanne, hinawakan ko ang braso niya ng mahigpit,
"Bitawan mo ako! Nasasaktan ako- " pagkasabi na pagkasabi niya palang non. Sinampal ko na siya ng malakas kaya napahawak na siya sa pisngi niya. Nagdidilim na ang paningin ko sa kanilang dalawa.
"Nasasaktan ka? Ikaw lang ba ang nasasaktan dito?! Kung meron mang mas nasasaktan dito, ako 'yon! Kasi ako yung naloko at hindi ikaw!" hinila siya ni Clyde papunta sa likuran niya,
"Huwag na huwag mong sasaktan ang girlfriend ko!" -CL
Wow! Girlfriend?! Haha! Natawa naman ako. Bagay nga silang dalawa, malandi sila!
Habang nakikita ko silang dalawa na magkahawak-kamay, di ko maiwasang masaktan. Nagagalit ako at the same time, nasasaktan. Ganon na lang ba talaga 'yon? Parang nawalan ako ng tapang at lakas. Tinignan ko si Roxanne, mata sa mata.
"Ganon na lang ba talaga 'yon? Bakit kailangang paniwalain mo pa ako na mahal mo ako?" -CS
Sabihin mo sa akin na naguguluhan ka lang Roxanne. Sabihin mong hindi totoo 'to. Sabihin mong mahal mo pa ako.
"Sorry Carson. I'm breaking up with you" ang sweet na mga mata niya habang nakatingin date sa akin, ngayon wala ng emosyon na parang hindi niya ako kilala at wala akong halaga sa kanya.
Parang paulit-ulit akong sinasaksak sa puso. Paulit-ulit na nadudurog ang puso ko.
Ang sakit lang p*kshit! Ang sakit. Sobrang sakit!
"No. You can't do this to me. You said mahal mo ako. Nangako ka sa akin at nangako ako sa'yo" -CS
Please naman, nagmamakaawa ako sa'yo.
"Yes I did love you. But I never said that I would love you forever" ang cold na ng mga mata niya. Minahal niya ba talaga ako o ako lang itong umaasa?
Bakit?! Feeling ko mamamatay na'ko. Feeling ko totoo na yung pagmamahalan namin. Pero hindi pala. Umasa lang pala ako sa wala. Kaya pala masakit! Sobrang sakit!
Hindi ko matanggap!
Nanginginig na ako sa galit at nag-iinit na ang kamay ko. Nilusob ko ulit si Clyde at pinagsusuntok ko siya, gustung-gusto ko na siyang patayin. Papatayin ko na siya! Wala nakong pakielam kung anong mangyayari sa akin! Habang sinusuntok ko siya, pinipigilan ako ni Roxanne, dahil puno na ako ng galit. Pati siya nasaktan ko na, bawat hahawakan niya ako para pigilan ako, nasasampal ko siya.
Ang hirap kasi eh! Hindi ko matanggap. Ang hirap lang kasing tanggapin. Yung sakit, tagos yon sa puso ko.
Puro pasa na si Clyde at duguan na siya dahil sa mga suntok ko. Si Roxanne naman, pulang-pula na ang pisngi. Hinila ako ni Roxanne kaya napaharap ako sa kanya.
"Tumigil ka na-" sasampalin ko pa lang sana siya pero inunahan niya ako. What can I do? Nagpadala ako sa emosyon ko.
"Sige! Sige ituloy mo! Dyan ka naman magaling d'ba?! Yung saktan ako" natigilan ako sa sinabi niya kaya ibinaba ko na ang kamay ko.
Oo, nasaktan ko siya date pero pinagsisihan ko lahat yon.
"Ano?! Tapos ka na bang pahirapan kami?!" hindi ko siya sinagot dahil kahit ano pang gawin ko sa kanila, hindi ako makuntento. Kahit kanina ko pa sila sinasaktan, hindi pa rin mawala o mabawasan ang galit ko.
Bakit?! Saan ba ako nagkulang?
"Kung tapos ka na, kami naman. Hindi pwedeng palaging ikaw ang nananakit, kailangan maranasan mo rin ang sakit. Kaya bagay lang sa'yo na masaktan ng sobra" wika ni Clyde, napatingin ako sa kanilang dalawa at tinitignan nila ako ng masama.
"Pwede ba Carson? Tigilan mo na kami ni Clyde, mas masaya na ako ngayon kumpara sa pagsasama natin! Kaya kalimutan mo na ako, wala ng tayo. Kaya umalis ka na!" -R
"Narinig mo naman ang sinabi niya d'ba? Umalis ka na!" pagkasabi ni Clyde lulusubin ko sana siya pero may biglang humawak sa akin kaya napigilan nila ako.
Ng tignan ko sila, ang mga traydor kong members, "Traydor kayo!"
Tumawa si Roxanne kaya napatingin ako sa kanya, "Ako lang naman ang kumausap sa kanila para lumipat sa mga Phantoms. Para naman hindi ka makaganti, dahil malakas ka lang kapag nandyan ang Blood Rebels" so siya pala ang dahilan ng lahat ng 'to!
Hindi talaga ako makapaniwala!
Mas lalo pang dumoble ang galit ko sa kanya.
Yung babaeng kaharap ko ngayon, hindi na siya yung babaeng minahal ko. Ngayon ko lang na-realize na ang tanga ko pala.
Gustung-gusto ko silang lusubin pero wala akong magawa dahil hawak ako ng mga traydor na'to, "Nakakahiya ka. Dati, tinitingala ka ng lahat pero ngayon, sisiguraduhin kong pagtatawanan ka na lang" hayop ka Clyde!
Kahit nasasaktan ako, alam kong kailangan kong tanggapin ang totoo na sira na ang lahat. Hindi ko siya kayang kalimutan dahil mahal ko siya. Iniisip ko pa lang, namamatay na'ko. Alam kong mahirap para sa'kin na kalimutan siya, pero kailangan. Balang araw makakalimutan ko din siya, dahil sa galit na namumuo sa'kin.
Hindi ako magpapatalo sa kanila. Hindi pa dito matatapos ang lahat!
"Sige! Aalis na'ko. Pero eto ang tatandaan niyo! Hangga't nandito ako, hindi kayo magiging masaya. At ikaw Roxanne, sige kung mas masaya ka sa lalaking 'yan ipapaubaya na kita sa kanya" wala namang sense kung ipaglalaban mo ang isang taong bumitaw na.
"Pero eto ang tatandaan mo, ex-girlfriend ko...sa susunod na magkikita tayo, wala na'kong nararamdaman pa para sa'yo. Kung ako sa inyo, ihahanda ko na ang sarili ko. Hindi pa dito natatapos ang lahat. BABALIKAN KO KAYO!"
Iniwan ko na sila, natulala sila sa sinabi ko. Alam kong natakot sila. Hindi porke walang Blood Rebels, wala na ring Carson. Dito pa lang mag-uumpisa ang tunay na Carson.
Itaga niyo sa bato...babalikan ko kayo at papahirapan ko kayo...mas mahirap pa at mas masaklap sa Blood Rebels na nakilala niyo.
...
Pagkalabas ko pa lang, naririnig kong may kaguluhan. Sinundan ko 'yon at nakita ko si Dave, nakikipaglaban. Tumingin ako sa likuran niya, si Syden nakabulagta sa sahig. Nilapitan ko siya para tulungan siya sa pakikipag-laban. Nabigla siya ng makita niya ako. Akalain mo nga naman, ang mga kalaban namin, dati kong members sa Blood Rebels. Madami sila kaya hindi pwedeng hayaan ko si Dave na lumaban mag-isa. Ilan na rin ang napatumba ko.
Nakita kong tinignan niya si Syden bago niya ako tinignan, mukhang nagulat siya.
"Carson alam kong hindi ito ang tamang oras para humingi ng pabor sa'yo..." napatingin ako sa kanya.
"Can you please save her?" -Dave
Habang nakikipaglaban kami, nag-uusap kami, no choice eh. Mas lalo pa nga akong gumaling at bumilis dahil sa kanila ko inilalabas ang sakit at galit na nararamdaman ko.
"But I can't leave you here bro. Madami pa sila" -C
"Isipin mo na lang ang pinangako natin kay Sean, na kapag nalaman natin ang totoo, we'll protect her sister. Tandaan mo, siya na lang ang member na natitira sa atin, huwag nating hayaang pati siya umalis sa grupo" -D
Alam ko naman 'yon. Pero ayaw ko lang naman na iwanan siya.
"Pero pano ka Dave?" -C
"Huwag mo akong intindihin. Alam mo namang kayang-kaya ko ang mga ungas na'to. We need to save her for Sean" -D
Fine! May tiwala naman ako sa'yo.
Tumingin ako sa direksyon ni Syden. Nakabulagta siya, tuluy-tuloy pa rin ang pagdurugo ng mga sugat niya, lalo na ang pagkakasaksak sa kanya ni Clyde. Tinignan ko si Dave, madami pang kalaban.
Sh*t! Wala na akong choice but to do it!
Never ko pang ginawa 'to. Binuhat ko si Syden at nagmadali akong umalis. Tinignan ko siya ng maayos, namumutla na siya at konting oras na lang, pwede na siyang mamatay. Puno siya ng sugat at puro pasa siya.
Parang nakonsensya ako! D*mn !
Kailangan kong magmadali para pumunta sa clinic. Ano ng oras? 8:57 pm na shit. Magsasara na yung clinic. Tumakbo na ako dahil nauubusan na ng dugo ang babaeng 'to. Ang bigat pa naman niya.
Kapag talaga gumising siya, humanda siya sa akin. Pinagbuhat niya pa ako, ni si Roxanne nga hindi ko binuhat. Kahit kailan wala pa akong binuhat sa buong buhay ko.
Papasok na sana ako sa clinic pero nakita kong lumabas yung doktor. Ila-lock na niya sana yung pintuan pero ng mapansin niya ako, natigilan siya. Nakita niya rin na buhat-buhat ko 'tong babaeng 'to. Kaya parang na-gets na niya kung anong dapat niyang gawin.
"Kakagaling pa lang niya dito kanina. Kakagamot ko pa lang sa kanya" tsk!
"Alam ko. Hindi ako tanga para hindi ko malaman" sagot ko sa doktor na'to.
Nilapitan ko pa siya lalo at nanginig siya sa ginawa ko, "Hoy Doktor! Gamutin mo 'tong kasama ko. Siguraduhin mo lang na mabubuhay siya, dahil kung hindi...isusunod kita sa kanya!" panakot ko.
Dinala ko si Syden sa loob ng clinic at inilapag ko siya don sa kama. Lumapit naman yung doktor, pero bago ako umalis, pinagbantaan ko siya.
"Kapag bumalik ako, gusto ko okay na 'yan ah? Buhayin mo 'yan kung hindi papatayin kita!" -C
Hinarapan ako nung doktor at mukhang kinakabahan siya, "Maliit ang possibility na mabuhay siya, marami ng dugo ang nawala sa kanya" mahinhin niyang sabi.
"Wala akong pakielam! Basta't buhayin mo" -C
Kung hindi ko talaga kailangan ang doktor na'to, baka kanina ko pa inistapler ang bibig niya. Makaalis na nga, lalo niyang pinapainit ang ulo ko, baka mapatay ko pa siya.
Pumunta muna ako sa club dahil gusto kong mapag-isa. Mabigat pa din kasi ang pakiramdam ko. Hindi ko pa rin kasi matanggap ang lahat. Pagkapasok ko, naghanap ako ng bakanteng upuan pero wala na. Aalis na sana ako pero may pumunta sa harapan ko,
"Long time no see, Dean!" bati niya sa akin at ang laki din ng ngiti niya.
Tinignan ko siya ng mabuti,
"Nash, is that you?" -C
To be continued...