webnovel

♥ CHAPTER 40 ♥

(Saturday 6 pm)

⚚ Syden's POV ⚚

Nasaan na ba yung lalaking 'yon?

Inip na inip na ako. Kanina pa ako naghihintay dito, hinihintay ko siya. D'ba nga dapat ako yung hinihintay niya kasi ako yung babae?

Nakatulog ako kanina at pagkagising ko wala si Raven dito sa clinic. Tutal pinagdala niya ako ng damit, nagpalit ako habang hinihintay ko siya. Pero bakit hanggang ngayon wala pa siya. Mag-iisang oras na akong naghihintay dito.

Baka naman nakalimutan niyang may plano kami? Baka nawala sa isip niya at hindi niya ako masamahan. Huhu!

Kapag nakita ko siya, humanda talaga siya sa akin!

Nakatayo ako at mukhang tanga dito sa clinic. Sabi niya kasi hintayin ko daw siya, eh bakit hanggang ngayon wala pa? Eh kung lumabas na kaya ako?

*bang*

Ay shete!

Napatingin ako sa pintuan, nagulat ako sa kanya at halatang hinihingal siya. Anyare?

Nilapitan niya ako at mukhang nag-alala siya.

"Sorry Sy. Nakatulog kasi ako sa dorm, hindi ko namalayan na magsi-six na pala" kaya naman pala.

"Eh bakit mukhang pagod na pagod ka? May nangyari ba?" -S

"Sigurado naman kasi akong nagbabalak ka ng lumabas sa clinic dahil hindi pa ako dumadating?" -R

Paano naman niya nalaman? Manghuhula ba siya? Sabagay, kilalang-kilala na niya kasi ako eh.

"So nagmadali kang pumunta dito dahil lang baka lumabas ako ng clinic mag-isa?" -S

"Oo" concern talaga siya oh!

Usapan kasi namin, before 6 aalis na kami papunta sa stock room. Medyo malayo rin 'yon kasi ilang building pa ang madadaanan namin, lalo na't hindi pa ako makakapag-madali dahil sa sugat ko. Masakit pa din kasi pero hindi ko muna dapat isipin 'to.

"Tara na?" sabay tingin sa relo niya.

Tumango ako at lumabas na kami sa clinic.

Paglabas ko...Omo! Anong ginagawa niya dito?!

Nakasandal siya sa wall, naka-cross arms at nakayuko. Hinihintay niya ba kami?

"A-anong ginawa mo dito?" ang alam ko naman kasi hindi siya sasama dahil galit siya sa akin.

Tinignan niya kami ni Raven at ngumiti siya ng masama.

"Ano pa, edi sasamahan ko kayo"

"A-ah...about don sa kanina- " -S

"Okay lang 'yon. Di naman ako galit" may tinatago din palang bait ang lalaking 'to. Balak ko pa man ding mag-sorry sa kanya dahil nabad-mood siya kanina.

Nilapitan siya ni Raven at nginitian nila ako tapos naglakad na sila. Narinig kong tumatawa silang dalawa. Pinagtatawanan ba nila ako? Habang naglalakad sila, sumunod ako. Swerte ko na lang dahil may bodyguard ako, dalawa pa haha!

So ayon, sinusundan ko lang sila dahil nasa likuran nila ako. Pero parang may napansin ako eh. Wait! Tinignan ko sila ng maayos, mula ulo hanggang paa.

Pareho silang naka-itim. Oo as in black, t-shirt, pants, sapatos at yung cap na suot nila. As in parehong-pareho silang dalawa. Pati yung galaw ni Axelle, nagiging galaw na rin ni Raven. Lalo pa silang pumopogi dahil sa porma nila. Tigasin 'tong dalawang 'to ah.

Hindi ko napansin, natameme na pala ako kakatingin sa outfit nila. Ending, napansin nila ako.

"Hey, may problema ba?" nakatingin silang dalawa sa akin.

"Kapag hindi ko kayo kilala, for sure tatakbo ako palayo sa inyong dalawa" nakakatakot kasi yung dating nila eh, pero kapag nakita mo na yung itsura nila, mapapanganga ka. Aaminin ko, ang gwapo nilang dalawa.

Napakunot ang noo nila at alam kong nagtaka sila sa sinabi ko.

"Ha?! Bakit naman?" -R

"Tignan niyo nga, naka-itim kayo pareho tapos ang init-init naka-cap pa kayo. Ano bang meron? Nakakatakot na kayo eh" Tae! Bakit kasi naka-itim sila eh. Araw ba ng mga patay?

Natawa silang dalawa sa sinabi ko. Sige, pagtawanan niyo pa ako. Tapos naglakad na lang ulit sila. Aba! Snobber na pala 'tong mga ungas na 'to.

Susunod na nga lang ako sa kanila. Napatingin ako sa bintana at napansin kong padilim na sa daan. Sabagay, pagabi na rin kasi. Habang nadadaanan namin yung ibang building, medyo nanginig ako dahil sa kaba at nanlalamig din yung palad ko. Kaya ko ba? Feeling ko hindi, pero kailangan kong kayanin. It's now or never, wala ng atrasan 'to.

Feeling ko ang tagal-tagal na naming naglalakad. Tapos ang dilim na. Hala! Huwag kang matakot Bliss Syden, tandaan mo kung bakit ka nandito.

Habang naglalakad kami, syempre sino pa nga bang mapapansin ng mga estudyante. Edi yung dalawa kong kasama na proud na proud sa sarili nila dahil gwapo DAW sila.

Eto namang mga babae, todo kilig kina Raven at Axelle. Ma-chicks na talaga sila eh.

Pero kapag napapatingin sila sa akin, pinagbubulungan nila ako. I know why. Dahil lang naman sa ginawang pagpapahiya sa akin ni Roxanne at Clyde. Kaya ngayon, eto na ang tingin sa akin ng mga tao, isang kahihiyan.

Bigla nanaman akong nalungkot. Habang naglalakad ako nawala ako sa sarili ko dahil ang dami kong naiisip. Napatingin ako kay Raven, ang laki na ng pinagbago niya simula ng makasama niya sina Axelle. Ako kaya? Mababago ko pa ba yung tingin sa akin ng mga tao?

Pagdaan namin sa gym, maraming naglalabasan na mga estudyante. Karamihan kasi, dito sila tumatambay at nagpapalipas ng oras. Nakasalubong namin sila kaya medyo napalayo ako kila Raven, medyo nahuli ako. Ang sakit na nga ng paa ko eh, pero konting lakad na lang, malapit na rin kami sa building kung saan nagiistay si Carson. Hinabol ko sila at nakipagsiksikan ako sa mga estudyante, pero biglang may humablot sa akin kaya nabigla ako. Sisigaw sana ako pero tinakpan niya ng panyo ang bibig ko kaya nahilo ako at nanghina ang paa ko.

Lalaki siya at parang pamilyar siya sa akin. Dinala niya ako sa loob ng gym at lumabas kami sa likod. Saan niya ba ako dadalhin?!

Hindi ko siya matakasan, ang lakas niya.

"Saan mo ba ako dadalhin?!" pilit kong tanong kahit nanghihina ako.

Sapilitan niya akong hinila kaya nangasugat-sugat pa ako.

"Saan mo ba talaga ako dadalhin? Bitawan mo ako!" pumapalag ako sa pagkakahawak niya sa akin. Ang lakas niya talaga eh! G*gu 'to saan niya ba talaga ako dadalhin!

Dinala niya ako sa lugar na madilim kaya natakot na ako. Hindi na maganda ang pakiramdam ko dito.

Hinawakan niya ako ng sobrang higpit sa braso at itinulak niya ako ng malakas kaya nasubsob ako, nagkagalos ako sa kamay.

Hindi ako agad nakatayo.

"Hahaha!!" ang boses na 'to, kilala ko.

Ang nakakainis niyang boses at higit sa lahat, ang malandi niyang boses. Kaya nga siguro naakit niya si Clyde at Carson.

Habang nasa sahig ako, nakita ko na ang pula niyang heels kaya napatawa na lang ako. So siya pala ang may pakana nito? Dahan-dahan akong tumingala at tinignan ko siya sarcastically. Siya naman, halatang natutuwa sa lagay ko.

"Ano nanaman bang gagawin mo sa akin ha?! Hindi pa ba sapat sa'yo na ipinahiya niyo ako sa cafeteria?" tanong ko sa kanya. Yung isa naman niyang alagad, yung lalaking nagdala sa akin dito, todo bantay sa paligid.

"Hahaha!! Sapat na sana eh. Pero ngayon, wala ng mas sasapat pa sa mangyayari sa'yo" wow, talaga lang ha?

"Bakit? Papatayin mo na ba ako? Kung papatayin mo na ako, gawin mo na. Kasi baka maunahan pa kita" sagot ko sa kanya. Akala mo ikaw lang ang may panama.

Simula nung pinlano kong sabihin ang totoo kay Carson, reding-ready na akong mamatay.

"Oo papatayin ka na namin...pero syempre papahirapan ka muna namin hanggang sa mamatay ka" nilapitan niya ako at sinabi niya 'yon ng harapan sa akin.

Sinampal niya ako kaya napahawak ako sa pisngi ko at medyo naluha ako. Sa lahat ata ng sampal niya, ito ang pinakamalakas. Humahapdi ang pisngi ko at tingin ko sobrang pula na sa init.

Sinenyasan niya yung lalaking kasama niya. Este yung alagad niya. Sapilitan nanaman akong itinayo at nagalusan nanaman ako. Kinagat ko yung kamay niya para makatakas ako, pero nahuli niya din ako agad dahil bigla akong nahilo kaya na-out of balance ako. Pinilit kong kumawala sa kanya pero sinuntok niya ako sa bandang tiyan. Unang umalis si Roxanne pagkatapos sumunod sa kanya 'tong mokong na'to dala-dala ako. Hindi ako makapaglakad ng maayos kasi natamaan niya yung sugat ko kaya humapdi nanaman.

Dinala nila ako sa isang malaking kwarto. Bigla akong nakaramdam ng kaba kasi nakita kong puno ng dugo ang kwartong 'yon. Bigla akong natulala sa nakita ko. Siya ba yung sinasabi ni Roxanne na kasama niyang magpapahirap sa akin?

"Ano Syden?! Mukha atang takot na takot ka?" ngiti ni Roxanne.

Handa na akong mamatay eh, pero bakit parang umaatras na ako. Tinulak nanaman ako kaya nasubsob ulit ako. Ilang beses na rin akong nasusubsob, sanay na naman ako eh.

Alam kong nilapitan niya ako at hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Ni hindi ko siya matignan dahil sa takot. Siya lang naman ang kinakatakutan ko, mula noon hanggang ngayon.

Napaluhod na lang ako sa harap niya dahil sa takot, nakayuko lang ako. Lumuhod siya sa harapan ko para tapatan ako.

Sinabunutan niya ako at sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa buhok ko kaya napatingin ako sa kanya. Sobrang sama ng tingin niya sa akin at alam kong gusto na niya akong patayin.

"Ano nanaman ba 'to Clyde?" -S

"Nalaman ko lang naman na plano mong kausapin si Carson ngayon, right?" -C

Napalunok ako at nabigla ako sa sinabi niya. Paano niyang nalaman ang plano ko?!

"Kalokohan! Saan mo naman narinig 'yan?" kahit anong mangyari hindi ako aamin sa kanya.

Sinampal niya ako ng malakas. Mas malakas sa pagsampal sa akin ni Roxanne kanina. Napahawak ako sa pisngi ko at naluha nanaman ako. Hindi ko mapigilan, ang sakit!

Ang sakit sakit.

"Huwag mo akong lokohin! Alam ko ang plano ng Blood Rebels pero hindi ko sila pinigilan dahil alam kong wala kang balak na sabihin sa kanila ang totoo!" ano bang pinagsasabi niya?!

"Pero mali pala ako. Kaya tatapusin na kita hangga't maaga pa" naglabas siya ng kutsilyo kaya nanlaki  ang mata ko.

"Sige! Sige patayin mo na ako para matapos na ang problema mo!" sigaw ko sa kanya habang umiiyak ako.

Nagulat siya sa sinabi ko, pero nginitian niya ako ng masama. Tinago niya ang kutsilyo niya at tinignan niya ako ng masama.

"Oo, papatayin na talaga kita...pero hindi sa madaling paraan" -C

Sinampal nanaman niya ako sa kabilang pisngi, sobrang init na ng nararamdaman ko at mahapdi na rin ang pisngi ko.

Sobrang hapdi. Pero wala akong magawa, kundi umiyak na lang.

Nakahandusay lang ako sa sahig, pinipilit kong tumayo, hangga't kaya ko pa. Nang makita ko si Clyde, napayuko na lang ako at nag-iiyak, "Tama na!"

Pagkasabi ko non, hinampas niya sa akin ang hawak niyang tubo. Tumama 'yon sa likuran ko kaya napasigaw ako sa sakit.

Lalaban pa rin ako hanggang sa huli.

Pinilit kong tumayo kahit hindi ko kaya. Pagkatayo ko, hinampas niya yon sa paa ko kaya bumagsak na ako. Kanina pa ako umiiyak sa sakit pero feeling ko, hindi ako nauubusan ng luha. Nagsuka na rin ako ng dugo.

Sa huling pagkakataon, pipilitin kong ngumiti para sabihin 'to sa kanilang dalawa.

Alam ko naman na ilang minuto na lang, susuko na ang katawan ko.

"Mukha lang kayong matapang! Pero ang totoo, takutin kayo. Takot kayong malaman ni Carson at ng Blood Rebels ang totoo kaya nagtatapang-tapangan kayo. Takot kayong malaman nila, na si Roxanne at si Clyde na tinitingala ng lahat...ay may relasyon. Relasyon na hindi alam ni Carson. May secret relationship kayo at ayaw niyong malaman ni Carson dahil takot kayo sa kung anong pwede niyang gawin- " hindi pa man ako natatapos, sinuntok ako ni Clyde sa part na nasaksak ako. Humapdi ang sugat ko at nakita kong dumudugo ito kaya napahawak ako sa gilid ng tiyan ko. Nagsuka nanaman ako ng dugo. Pero ang pag-iyak ko, hindi pa rin tumitigil.

Sapilitan akong itinayo ni Roxanne. Dinala niya ako sa sulok at nakita kong may drum doon na puno ng tubig. Nilublob niya ako sa drum at hindi na ako makahinga pero naririnig ko siya, "Mamatay ka na!!"

Umabot din ng ilang segundo bago siya pinigilan ni Clyde.

"Roxanne tama na!" -C

Hinila niya pataas yung buhok ko kaya nakahinga ako. Masama ang tingin nilang dalawa sa akin. Habang hawak ni Roxanne ang buhok ko, nasa likuran ko siya at si Clyde nasa harapan ko. Nakaharap ako kay Clyde at hinang-hina na ako habang nakatingin sa kanya. Pero nabaling ang atensyon ko sa may bintana.

Tumigil ang mundo ko. Nakita ko siya. Natulala ako. Tumigil ang oras at nanigas ako sa kinayatayuan ko.

Kasabay ng pagsasalubungan ng mata namin.

Sinaksak ako ni Clyde. Kasabay ng pagtulo ng luha ko, tumulo din ang dugo sa bibig ko. Ito na nga siguro, sumuko na rin ang katawan ko.

To be continued...

Nächstes Kapitel