Syden's POV
Pagkaalis namin ni Clyde sa area ng Prison Tree, sinundan ko lang siya. Mabilis ang lakad niya na parang galit at mainit ang ulo, ganoon din ang mga mata niya.
Pumasok siya sa school building at may pinasukang classroom na walang tao at walang gumagamit. Nanatiling nakabukas ang pinto.
Pero bakit nga ba ako sumusunod sa kanya? Wala naman siyang sinabing sundan ko siya.
Hindi na ako pumasok sa classroom na 'yon dahil baka may importante siyang gagawin or baka mag-iisip isip siya dahil sa nangyari sa kanila ni Roxanne.
Tumalikod na ako sa pinto para umalis.
"May sinabi ba akong pwede ka ng umalis?" malakas niyang sabi.
Humarap ulit ako sa classroom kung nasaan siya at pumasok ako sa loob. Tumingin siya sa akin ng masama at parang galit siya.
Nag-umpisa siyang maglakad ng pabalik-balik habang ang kanang kamay niya nasa baywang niya at ang kaliwang kamay naman niya nasa ulo niya. Parang mainit talaga ang ulo.
Pagkatapos no'n, tumingin ulit siya sa akin.
"Anong sinabi mo sa kanya?" masama ang tingin niya sa akin pero seryoso niyang tinanong.
Tumitingin ako sa paligid dahil hindi ako komportable sa tanong niya.
Parang may mali.
"A-anong sinabi ko sa kanya?" pagtataka ko, dahil hindi ko naman alam kung ano ang tinatanong niya.
"Huwag mo nga akong lokohin! May sinabi ka sa kanya d'ba?" nagtaas siya ng boses kaya medyo nanginig na ako, pero hindi ko naman talaga alam kung anong ibig niyang sabihin.
"Ano bang pinagsasasabi mo? Hindi ko maintindihan" pahayag ko sa kanya.
"May sinasabi ka ba kay Carson tungkol sa amin ni Roxanne?" matapang niyang tanong. Nag-iiba na rin ang pananalita niya at nag-iiba na rin ang ekspresyon ng mukha niya kaya kinakabahan na ako.
"Ha?! Ano bang sinasabi mo? Wal-" magsasalita pa sana ako pero nakita kong papalapit siya sa akin at halatang galit na galit siya.
Pero wala talaga akong alam sa sinasabi niya.
Nabalutan ako ng takot dahil nag-iba ang kilos ni Clyde kaya naisip kong takbuhan siya, total malapit lang din naman ako sa pintuan at mabilis akong makakalabas.
Bago pa man ako makalabas, nahabol na niya ako. Mabilis niyang sinara at ni-lock ang pintuan.
Nakaharap lang ako sa pintuan dahil bago pa ako makalabas, naunahan na niya ako kaya hindi ko rin siya natakasan. Humarap ako ng dahan-dahan at nasa harapan ko siya. Nag-aapoy ang mga mata niyang nakatingin sa akin kaya wala akong nagawa kundi sumandal na lang sa pintuan.
"Maniwala ka. Wala akong sinabi sa kanya" pagpupumilit ko.
"Kung wala kang sinabi sa kanya, bakit magkausap kayo at mukhang galit na galit siya?!" galit niyang tanong.
"Gusto ko kasing tulungan ang biktima nila kanina dahil naaawa ako, k-kaya nilapitan ko. Pero hindi ko naman alam na nandoon pa pala si Carson at ang member niya" pahayag ko sa kanya.
Tinignan ko siya ng diretso para hindi niya isiping nagsisinungaling ako sa kanya.
"Phantom Sinners ka...at hindi ka dapat nakiki-involve sa kanila. Hindi ba 'yon ang sinabi ko sa'yo?! Ang linaw!" sigaw niya.
"Gusto ko lang naman tumulong-" naiyak na'ko dahil sa takot sa kanya.
"Ang Phantom Sinners hindi dapat maawa! Pasalamat ka nga hinayaan kitang huwag makiisa sa amin kahit dapat nakakulong ka!" sigaw niya.
Nakatingin siya sa akin pero hindi ko siya tinitignan. Kahit anong pigil kong lumuha, hindi ko magawang pigilan.
"Sasabihin ko ulit 'to sa iyo at siguraduhin mong hindi mo makakalimutan. Huwag kang makiki-involve sa anumang pangyayari na kasama ang Blood Rebels...at higit sa lahat, huwag na huwag kang lalapit sa kanila, lalo na sa leader nila. Naiintindihan mo?"
Hindi na ako nagsalita at tumango na lang ako.
Wala naman akong ginawang masama pero bakit ganoon siyang magalit sa akin.
Umalis na siya sa harapan ko at naglakad palabas ng room, sa back door siya dumaan habang ako naiwan lang na nakasandal dito sa front door, pero bago siya lumabas, dumating si Roxanne.
Napahinto silang dalawa sa mismong entrance ng back door at seryoso silang nagtinginan.
Pagkatapos noon, umalis na ng tuluyan si Clyde at pumasok si Roxanne. Tinignan niya muna ako ng masama bago niya ako nilapitan.
Nandito siya ngayon sa harapan ko at tinitignan ko lang siya habang lumuluha ako. Tinitignan niya ako ng masama mula ulo hanggang paa.
"So, this is the stupid girl na nakakaalam ng tanging sikreto ko" she smiled wickedly.
Sinampal niya ako ng sobrang lakas kaya napatingin ako sa kanya ng masama.
Akala ko una at huling sampal na niya 'yon. Pero sinampal niya ako ulit ng mas malakas kaya nasubsob nanaman ako sa flooring.
Kahit masakit ang magkabilang pisngi ko, tumayo pa rin ako at hinarapan siya.
"Subukan mong sabihin kay Carson ang nalalaman mo at mas masahol pa d'yan ang aabutin mo sa akin" mataray niyang sabi.
Sasampalin ko rin sana siya pero nahawakan niya ang kamay ko kaya hindi ko siya nasampal.
"I'm just giving you a lesson. Kaya kung nagbabalak kang sabihin sa Blood Rebels ang sikreto namin ni Clyde. Huwag mo ng ituloy" dagdag pa niya.
Tinawanan ko na lang siya at nagtaka siya sa ginawa ko.
"I know my words Roxanne" tinapatan ko siya at nagkatinginan kaming dalawa ng sobrang sama.
"Alam kong tuparin ang mga pangako ko"
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa habang siya naman, nakatingin pa rin siya sa akin.
"Ikaw ba? Marunong ka bang tumupad sa pangako mo? D'ba kung ano ang pangako mo kay Carson, ganon din ang sasabihin mo kay Clyde d'ba?" sarcastic kong tanong sa kanya.
Hindi ko naman balak na patamaan siya pero mukhang sumakto naman ata ang mga sinabi kong words sa kanya.
Nainis siya sa akin dahil sa sinabi ko kahit hindi ko namang intensyong inisin siya. Aktong sasampalin niya ako ulit pero this time, inunahan ko naman siya.
"You're lucky dahil pinoprotektahan ka ni Clyde. But I know him. Hindi araw-araw
proprotektahan ka niya. Tignan natin kung makakatagal ka sa Phantom Sinners!"
Hawak ko pa rin ang kamay niya, kaya inalis niya ang pagkakahawak ko sa kanya. Tinignan niya ako ng masama and I did the same to her at umalis na siya.
Minabuti ko na rin na umalis na sa classroom na 'yon at pumunta sa lugar na tahimik para makapag-isip-isip.
Binilisan ko ang paglalakad hanggang sa tumakbo na ako. Nakayuko lang ako dahil ayaw kong may makakita sa akin na umiiyak. Sinusundan ko lang ang daanan sa hallway at hindi ko na tinignan kung saan ako papunta. Umakyat ako sa hagdanan at sinundan lang 'yon hanggang sa pinakatuktok which is the rooftop.
Binuksan ko ng dahan-dahan ang pintuan dahil baka may tao. Tumingin ako sa paligid pero mukhang wala namang tao kaya lumabas na ako.
Naghanap ako ng malinis na mauupuan, pero lahat madumi. Kaya umupo na lang ako sa sahig kahit alam kong mas madumi. Mas komportable na akong umupo sa sahig kaysa sa upuan.
Kapag nakikita kong galit si Clyde natatakot ako sa kanya kaya naiiyak ako at kahit pa anong pigil ang gawin ko hindi ko mapigilan.
Naniniwala na ako sa mga sinasabi ng mga estudyante rito.
Sa Heaven's Ward High sobrang lakas ng loob ko, pero dito...unti-unting nawawala at nababalutan ako ng takot dahil sa mga nangyayari.
Lumuluha pa rin ako hanggang ngayon, kahit wala naman akong ginagawang masama, napagbibintangan ako. Humagulgol na ako sa pag-iyak para mailabas ang sama ng loob ko, para pagkatapos nito, gumaan na ang loob ko.
"Paano naman ako makakatulog kung may maingay dito?"
Nabigla ako sa nagsalita kaya hinanap ko kung nasaan siya. Nasa pinakasulok siya at nakahiga kaya hindi ko siya napansin kanina. Tumayo siya at papalapit sa akin.
"Sino ka?! Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya.
"Ako dapat ang magtanong kung bakit ka nandito sa teritoryo ko?" tanong niya ng pabalik.
Nag-uusap kami habang papalapit siya sa akin nasa bandang dulo pa kasi siya,
"Gusto ko lang kasi ng lug-"
Tumingin ako sa kanya dahil umuupo na siya sa tabi ko at tumingin na lang ulit ako sa malayo.
Biglang nanlaki ang mata ko dahil parang pamilyar ang itsura niya kaya tinignan ko ulit siya.
"A-ano bakit ganyan ang tingin mo sa akin?" sabi niya.
"Ikaw 'yon!" tinuro ko siya.
Tinuro niya ang sarili niya dahil nagtataka din sa akin.
"A-ako?" tanong niya. Tumingin din siya sa likod niya para siguraduhin na siya nga ang tinuturo ko.
"Oo ikaw! Yung mapulang mata. Yung humablot sa akin ng hinahabol ako ni Clyde habang may hawak siyang kutsilyo" explain ko sa kanya.
Kahit saang anggulo ko tignan, siya talaga 'yon pero hindi na gaanong mapula ang mata niya. Slight na lang.
"Hmmm..wala akong natatandaan na nagkita tayo" sagot niya.
"Isipin mong mabuti. Nagkita na tayo. Tinulungan mo pa ako noon kaya natakasan ko si Clyde d'ba?" sabi ko.
Nagisip-isip siya ng ilang segundo pero parang hindi niya pa rin ako matandaan.
"Isipin mong mabuti. Gamitin mo ang utak mo!" pagpupumilit ko sa kanya.
Bigla siyang tumingin sa akin na parang may natatandaan na siya,
"Ano? Natatandaan mo na?" na-e-excite kong tanong.
Ngumiti siya at mukhang natatandaan na nga niya,
"Hindi pa eh" sagot niya.
Adik talaga 'to. Ang akala ko natatandaan na niya pero hindi pa pala.
Tumayo na'ko dahil nawala ang pagkatuwa ko sa kanya.
"Ano ba namang klasing utak mayroon ka?" naiinis kong tanong sa kanya.
Nagiisip pa rin siya kahit wala naman talagang pumapasok sa isip niya. Pagkatayo niya, susuntukin ko sana siya dahil baka sa ganoong paraan, maalala niya. Pero naunahan niya ako, napalipit niya ang kamay ko papunta sa likod ko kaya hindi ako nakagalaw.
Magaling sa self-defense kahit adik siya.
"Hindi ko na kailangang mag-isip dahil nakita pa lang kitang umupo sa sahig, nakilala na kita" bumulong siya sa akin dahil nasa likuran ko siya habang hawak niya ang kamay ko.
Natukoy kong siya talaga 'yon dahil sa boses niya. Binitawan na niya ako at humarap ako sa kanya.
"Bakit hindi mo kaagad sinabi? Pinagmukha mo pa akong tanga?" naiinis kong tanong.
"Gusto lang kitang pagtripan" ngumiti siya at inisnob ko siya, at umupo na lang ulit ako.
"Bakit ba umiiyak ka?" umupo ulit siya sa tabi ko.
Tumingin akong muli sa malayo habang humahangin ng malakas,
"Wala ka na don!" pagsusungit ko sa kanya.
Since napatigil ako sa pag-iyak dahil sa kanya, medyo okay na'ko at wala ng luhang lumalabas mula sa mga mata ko.
"Did he threaten you?" tumingin siya sa akin.
"W-who?" nagtataka kong tanong.
"Clyde. Hindi ba hinahabol ka niya noon. Galit na galit siya. So it means there's something wrong" yumuko siya at may kinuhang maliit na stick at pinagputul-putol niya na parang naglalaro siya.
"Nakilala niya ako. So, I didn't have the choice na takasan pa siya since kahit saan, mahahanap niya rin naman ako" sambit ko habang nakatingin sa stick na pinaglalaruan niya.
"Masyado bang importante ang nalaman mo kaya lagi siyang nakabantay sa'yo?"
tanong niya.
Tumingin siya sa akin at kumunot ang noo ko dahil nakakapagtaka lang,
"Bakit alam mo na may nalalaman ako?" tanong ko.
"It's obvious. Hinahabol ka niya, lagi siyang nakabantay sa'yo. Bawat kilos at galaw mo pinapanood niya. So it means may pinoprotektahan siya and I know it's not you. It's a secret involving Blood Rebels right? Kasi ayaw ka niyang palapitin sa kanila. Nakita ko rin kanina kung paano ka niya ilayo sa Blood Rebels" sambit niya.
"Wait!? Paano mo nasabing sinusundan ako ni Clyde?!" gulat kong tanong sa kanya, masyado na siyang maraming alam na hindi naman niya dapat alam.
"Remember the man na nakita mo sa isang puno na nakatingin sa'yo pagkatapos niyong mag-away ng kakambal mo?" tumayo siya at tumingin sa akin.
..☯ Flashback ☯..
"Kung ikaw kaya mong magtiis dito, ako hindi!! Marami akong naririnig na hindi maganda at natatakot na ako. Simula umpisa naman ikaw lang ang malakas ang loob sa ating dalawa. Kaya bahala ka!" umalis na si Raven at iniwanan ako, may mga nakakita sa pag-aaway namin pero konti lang.
"Sean!! Bumalik ka dito!!" sigaw ko pero hindi niya ako pinansin at tuluy-tuloy lang siya sa paglalakad.
Napaluha ako pero pinunasan ko rin agad.
Pagkatingin ko sa isang poste may nakasilip at nakatingin siya sa akin. Parang nakita niya ang pag-aaway namin ni Raven.
Noong napansin niyang nakita ko siya, bigla siyang tumakbo. Hindi ko gaanong namukhaan dahil naluluha ako noon at malabo ang paningin ko.
Tinuloy ko na lang ang paglalakad kahit alam kong wala ako sa sarili.
☯..End of Flashback..☯
Tumango ako dahil naalala ko na kung ano ang ibig niyang sabihin.
"Sinusundan kita noon" sambit niya.
Ako naman napatingin ng diretso sa kanya.
Bakit niya naman ako sinusundan? Stalker ko ba siya?
"B-bakit mo 'ko sinusundan?" pagtataka ko. Tumayo na rin ako dahil medyo nakakangalay na.
"A friend of mine is asking for my favor na alamin ko kung anong lagay niyo ng kakambal mo. Kaya ko kayo sinusubaybayan but not all the time. In exchange, gagawin niya rin ang pabor na hiniling kong gawin niya. That time ako lang ang nakita mo. Pero sa other side, nakatingin din sa'yo si Clyde, hindi mo lang napansin" tinalikuran niya ako pero tumingin ulit siya sa akin.
Sinong kaibigan ang tinutukoy niya?
"But don't ever think na gusto kitang iligtas. I'm just doing it to repay my friend. But I will say this to you. I know the reason kung bakit ka umiiyak. It's because of Clyde, right? You joined them because he threatened you. Pero kung inaakala mong okay na ang lahat, pwes hindi pa. Do you think Clyde really cares sa mga member niya? Think carefully habang maaga pa, baka hindi mo makayanan ang lupit niya. Umpisa pa lang, iniiyakan mo na siya, paano pa kaya kung makita mo ang tunay na bangis niya" umalis na siya at sinundan ko lang siya gamit ang mga mata ko.
Kailangan ko siyang makausap. Kailangang ma-clear sa utak ko ang mga sinabi niya dahil kinabahan nanaman ako.
Hinabol ko siya hanggang sa ground floor pero hindi ko na siya makita. Tumingin ako ng mabilisan sa paligid pero wala siya. Lumabas na rin ako ng school building pero wala na talaga siya. Hindi ko man lang natanong ang pangalan niya.
To be continued...