♡♥"SWEETIE VS. MUFFIN"♥♡
✿ Syden's POV ✿
Maaga akong nagising ngayong araw na 'to at 5:11 am pa lang kaya naisipan kong dumiretso na sa kusina para magluto dahil wala rin naman akong magawa. Siguradong maiinip lang ako dito sa kwarto. Habang papunta ako sa kusina, tahimik lang kaya alam kong tulog pa ang mga 'yon. Hindi ko nga rin alam kung bakit maaga akong nagising ngayon kung late naman akong natulog kagabi. Paano ba naman kasi, hindi ko alam kung saan sila nagpunta kagabi kaya hinintay ko na lang sila sa kwarto ko hanggang sa inantok at makatulog na ako. Bigla na lang silang nawala na parang bula.
Pagkarating ko sa kusina, natigilan muna ako at napatingin sa paligid kakaisip kung anong lulutuin ko, baka naman kasi walang laman yung refrigerator. May refrigerator dito dati pa, kasi hiniling nila 'yon sa council kaya pinagbigyan naman sila. Paminsan-minsan may dumarating rin na kahon na puro pagkain ang laman at iba pang pangluto. Sigurado namang pinadala 'yon ng mga parents namin sa Heaven's Ward High, kaya pinadala dito ng council. Binuksan ko yung ref at konti lang ang laman noon, nagtaka na lang ako ng makakita ako ng blueberries na nakabalot sa may freezer. Kinuha ko 'yon at nakita ko ring may gatas na nakalagay sa ref kaya napaisip ako habang hawak ko yung blueberries.
Parang naisip kong gamitin yung blueberries para sa iluluto ko lalo na't nakita ko pa yung gatas at maliban doon, iilang ingredients na lang naman ang kailangan ko, pero sana kompleto para mailuto ko. Tinignan ko ang iba pang laman ng ref para maghanap pa ng ibang ingredients. Nakakita ako ng asukal, asin, baking powder, flour at isang tray ng itlog. Pero hindi pa sapat 'yon kaya mas naghanap pa ako. Sa pinakailalim ng ref, nakita kong may baking soda at sa tabi nito ay may vanilla yogurt. Inilabas ko lahat ng kakailanganin ko at mas natuwa pa ako dahil ang kaisa-isang ingredients na wala pa, nakita kong nakalagay sa itaas ng ref na may kasama pang ibang pagkain kaya agad kong kinuha 'yon at inilapag sa may lamesa.
Naisip ko na lang na masyadong imposible na makumpleto ang mga kakailanganin ko kaya naisip ko na siguradong ipinadala ito nina mommy at daddy sa akin dahil alam nilang mahilig akong gumawa ng muffins. Kaya't inumpisahan ko ng gawin 'yon dahil baka magising na sila at hindi pa ako nakakapagluto. Buti na lang at medyo marami yung ingredients kaya makakagawa ako ng marami. Hindi naman kasi pwedeng konti lang ang iluto ko dahil marami sila.
Pinaghalu-halo ko na ang mga ingredients at ginawa lahat ng kailangang gawin para magawa ko na yung muffin dahil medyo matrabaho pero hindi naman ganon katagal. Since may vanilla yogurt naman, inilagay ko 'yon sa loob ng muffin para mas magkaroon ng lasa bukod doon sa blueberries na nakahalo sa mismong muffin. Habang ginagawa ko 'yon ay amoy na amoy ito kaya mas lalo pa akong natatakam at nakakaramdam ng gutom.
Pagkalipas ng ilang minuto, nagawa ko na 'yon at inihanda ko sa isang malaking lalagyan. Nakita ko namang marami kaya siguro naman hindi na magkukulangan pa, habang inaayos ko ang mga ito ay narinig ko na lang ang pagdating nila kaya napatingin ako sa kanila pero muli kong hinarapan ang ginagawa ko, "What's that smell? Nakakagutom!" sambit ni Dustin kaya napangiti na lang ako.
"Let me guess, Blueberry yogurt muffins?" tanong naman ni Raven kaya napatingin ako sa kanya at napangiti ako. Alam na alam na niya ang inihahanda kong pagkain dahil sa tuwing nagluluto ako, siya ang pinakaunang nakakatikim at naging isa na rin itong muffin na ginagawa ko sa naging paborito niya.
"Matagal pa ba 'yan?" natatakam na tanong ni Dustin dahil nakaupo na silang lahat at naghihintay. Nang maihanda ko na lahat ay hinarapan ko silang lahat at nakatingin naman sila sa akin na naghihintay, "Saan ba kayo galing kagabi? Nakatulog na ako sa kwarto kakahintay sa inyo. Tinatanong ko naman si Stephen at Caleb hindi makasagot na parang naputulan ng dila" sambit ko sa mga ito at nagtinginan sila kaya napatingin ako kay Dean, "Sweetie, kauma-umaga nanenermon ka" sambit nito sa akin kaya pinagtaasan ko siya ng kilay. Sermon ba tawag don? Nakaugalian na niya talagang tawagin akong sweetie. Tss!
Nagkibit balikat muna ako habang nakatayo bago nagsalita, "Hindi ako nanenermon. Tinatanong ko lang kung saan ba kayo nanggaling?"
"Well, binigyan lang naman namin sila ng leksyon" sambit nito at napayuko siya.
"S-sino?" pagtataka ko.
"Yung gago mong ex at yung taksil mong bestfriend!" diretso namang sabi ni Raven na halatang nagpipigil ng galit kaya napatingin ako sa kanya.
"Tell me, what kind of lesson Raven?" tanong ko naman dito.
"Do I need to explain it? Basta. Pinahirapan namin sila and you might want to see their faces again?" sambit nito na sinabayan naman ni Dave, "It was so harsh. You would never want to let them escape again" saad niya at napatingin sa akin habang nakangiti ng masama.
"Next time we'll do it again kung gusto mong makita o baka gusto mo ikaw naman ang gumawa sa kanila?" dagdag pa nito kaya mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko, "Fine, hindi ko na tatanungin kung paano niyo sila pinahirapan kasi alam ko namang brutal kayo but please stop it! Sapat na 'yon, huwag niyo ng planuhin na ulitin pa!" sambit ko sa mga ito dahil baka ulit-ulitin pa nila 'yon at ayaw ko namang mangyari 'yon. Sapat ng nangyari 'yon ng isang beses at hindi na kailangan na ulitin pa.
"Oo na. Kung ayaw mong ulitin namin mag-ingat ka and don't let someone hurt you. Basta kung may problema, just tell us" sagot naman ni Dean kaya bigla kong naalala yung sulat dahil doon sa sinabi niya. Hanggang ngayon, wala pa rin akong balak na sabihin sa kanila ang natanggap kong sulat at yung nangyari sa akin, para wala na ring problema.
Hinarapan ko na lang yung mga niluto kong muffins at inayos 'yon para ihapag sa lamesa kaya napatingin sila doon. Pagkahapag ko pa lang, nagsilapitan na sila at kumuha ng tig-isa at sabay kain doon kahit hindi pa man sila nakakaupo. Pagdating nga naman sa pagkain, "Sakto gutom na ako" sambit ni Dustin bago kinain 'yon at nakita kong napakaseryoso nilang kumakain habang tinitignan yung muffins na ginawa ko.
"Hindi mo nasabing magaling ka pa lang magluto sweetie!" sambit ni Dean kaya napatingin ako sa kanya. Halatang napakasaya niya na parang batang maliit kaya mapait ko na lang siyang nginitian at napansin niya 'yon kaya itinuloy na niya ang pagkain, "Ang sarap!" sambit ni Dave habang ngumunguya pa rin kaya napangiti na lang ako.
Kumuha ako ng panibagong plato para ibigay sa mga members na nasa tapat ng pintuan papasok ng Black House at iniabot ko 'yon kina Stephen, "Bango ah!" sambit ni Stephen pagkaabot ko pa lang sa kanya na nginitian ko lang din pagkatapos ay binalikan ko sina Raven. Alam ko naman na masarap talaga kaya hindi na kailangan pang ulit-ulitin.
"Ang tagal ko ng hindi natikman yung luto mo!" sambit ni Raven kaya sa kanya naman ako napatingin, "Maaga lang talaga akong nagising kaya naisipan kong magluto" sagot ko bago pumunta sa tabi ni Dean na seryosong kumakain at parang ninanamnam yung ginawa ko kaya tinignan ko siya habang nakatayo ako sa gilid niya, "Sweetie, it has vanilla?" tanong nito na masusing tinitignan yung muffin kaya nagtaka ako.
"Yah. Hindi mo ba gusto?" kinabahan na lang ako ng makita kong nakatingin siya doon sa muffins kasi baka hindi niya nagustuhan.
"Syden actually, gusto niya" sagot ni Dave kaya napatingin ako sa kanya, "He loves muffins and his favorite flavor is vanilla. And you just made the right choice of combination, a muffin with vanilla inside" pahayag nito kaya natuwa ako at napatingin kay Dean na kumakain pa rin, "Really?" tinignan na lang ako nito at muling nagsalita, "Can you please make muffins everyday?" tanong nito.
"Oo nga Sy" harang ni Dustin kaya tinignan siya ni Dean, "No, not you Vipers! Ako lang ang gagawan niya ng muffins so shut up and find your own girlfriend" seryosong sabi nito bago ako muling tinignan kaya natawa ako, "Bakit naman?"
"Do it everyday for me" pakiusap nito na parang bata kaya nagdalawang-isip muna ako. Napangiti na lang ako ng masama at naglakad para umupo sa tapat niya, "Seriosly? The Viper King is asking me for more muffins?" natatawa kong sabi. F*ck! Kinatatakutan siya ng lahat tapos pagdating sa akin, muffin lang pala hihilingin niya?
"Kasi wala namang magluluto noon para sa kanya!" sarcastic na sabi ni Dustin kaya mas natawa pa ako pati na rin sila except sa kanya, "Not anymore" sagot naman nito habang nakatingin sa akin at nakangiti.
Nagkibit-balikat muna ako at pinagtaasan siya ng kilay bago nagsalita, "Fine....muffin" at ngumiti ako ng masama. Muffin lang pala ah?
"What did you just say?" tanong nito na halatang nagtataka.
"Muffin. I said muffin, my muffin!" mas lalo ko pa itong nilapitan at nilakasan ko 'yon habang nakangiti ng masama.
"What the hell sweetie?!" sigaw nito na parang hindi makapaniwala.
"Haha! Muffin lang pala tawag niya sa'yo!" malakas na sabi naman ni Dave habang natatawa na sila pero pinipigilan nila dahil seryoso siya.
"I call you sweetie and you call me muffin. Are you crazy?!" sambit niya na parang hindi makapaniwala.
"Isn't it cute?" sarcastic kong tanong dito. Cute naman dba?
"Sa campus, Viper King ang tawag sa'yo, pagdating kay Syden muffin ka lang pala! A dangerous muffin!" mas lalo pa silang natawa at hindi na napigilan na mas tumawa pa dahil doon kaya natawa na rin ako.
"Shut up! Bahala nga kayo!" inis na tumayo ito at masama akong tinignan pero nginitian ko lang siya habang tuloy pa rin sa pagtawa ang mga members niya, "Oh he's mad Syden" dagdag pa ni Dave.
"He's not. He can't be mad at me" sambit ko naman dito at nakita namin siyang umalis sa kusina at pagkalabas niya ay may kumausap sa kanyang isang members.
Nang makita naming lahat ang kausap niya ay tuluyan na rin kaming natahimik habang nakaupo at nakatingin lang sa direksyon niya, "He always say that he's lucky to have you" bulong ni Dave at tumingin siya sa akin kaya napatingin na rin ako sa kanya na nasa tabi ko lang.
"Why? Dba nga ako dapat ang magsabi that I'm lucky to have him?" sagot ko dito habang nakangiti.
"You're wrong. He's lucky to have you because despite of his flaws, you still accepted him. You accepted what's worst in him and still chooses to love him" pahayag niya na kahit natahimik ako, natuwa ako sa narinig ko.
"Ganon naman kapag nagmamahal dba? If you really love a person you will accept them for who they are, no matter how bad and good it is"
"You don't know how much he loves you at kung ano ang kaya niyang gawin para sa'yo. Iba siyang magmahal Sy, I'm telling you iba siya. He's not just a total lover but a psycho lover. He's willing to do everything just for you"
"How could you say that?"
Muli siyang napatingin kay Dean , "He's willing to give up the group just for you" at ibinalik ang tingin sa akin, "How about you? What can you do for him?"
Natahimik muna ako bago ko sinagot ang tanong ni Dustin, "I love him and- "
"That's it!" sambit nito kaya hindi ko na naituloy ang sasabihin ko at nagtaka ako, "What?"
"Sapat na sa kanya na marinig 'yon. Ang gusto lang niya mahalin mo siya. Loving him is a dangerous thing but you won't regret it"
Muli akong napatingin sa kanya bago ulit nagsalita, "Kilalang-kilala niyo na talaga siya"
Napansin ko na lang na lumabas ang mga members na kausap niya kanina at muli kaming nilapitan. Tumabi siya sa kinauupuan ko kaya tinignan ko kung galit ba siya pero mukha namang hindi, "Are you mad at me?" tanong ko dito at bahagya siyang ngumiti, "I'm not sweetie" napansin kong naging seryoso ulit siya at medyo napayuko kaya mas tinignan ko pa siya kaya muli niya akong tinignan, "May problema ba?" tanong ko dito.
"Huwag ka munang sasama sa new members" saad niya kaya nagtaka ako.
"Ha? Bakit naman?" napansin kong nakatingin din sina Raven sa amin at nakikinig sila. Nagkatinginan silang lahat na mas lalo ko pang ipinagtaka, "You can't trust them" sagot ni Dave kaya tinignan ko
siya.
"They are your new members and how will the group work if you won't trust them?" tanong ko.
"The way they want to join the group, we're not satisfied at naisip naming baka spy lang ang iba. Malaki ang posibilidad na hindi sila loyal and that's the number one rule. They joined to keep an eye on us" sagot naman ni Dean.
"Pero sa tingin namin maybe we could still give them a chance to prove that they would be loyal kaya tinanggap namin sila dahil baka mali lang ang hinala namin pero may kakaiba sa ikinikilos nila at minsan, hindi sila mapakali" pahayag ni Dustin.
"It's better to avoid them except main members" sabi ni Dean kaya nagsalita ako,
"What about Stephen and Caleb tsaka si Oliver?" tanong ko sa kanya. Kung pwede lang akong magtiwala sa main members, is it possible na hindi pa rin mapagkakatiwalaan ang dalawang 'yon?
"Oliver is loyal, he's watching the two pero ayon sa kanya, wala naman daw ginagawang kakaiba ang dalawa kaya sa tingin namin, mga members lang talaga nila ang may problema and that's what we need to find out"
"How did you know that they might just be a spy? Hindi ba sila sumusunod sa rules?" tanong ko sa kanila.
"We only have two rules. The first one is to be loyal and you don't need to know the second one" sagot ni Dustin na ipinagtaka ko.
"Ha bakit naman?"
"That's the secret and only main members should know it" pahayag ni Dean kaya napasimangot na lang ako, sabagay hindi naman ako main member kaya bakit naman ako magrereklamo?
"Ang daya naman" sambit ko sa mga ito na napangiti na lang. Napayuko ako ng konti at bigla ko na lang naramdaman ang pagsakit ng ulo ko kaya napahawak na lang ako dito.
Naalala ko na lang yung ginawa ni Roxanne
at ng Redblades sa akin. Yung ipinukpok nila ng paulit-ulit sa pader ang ulo ko kaya napuno ako ng dugo dahil doon, ngayon ko lang ulit naramdaman yung sakit. Sobrang hapdi at tila ramdam ko na dumudugo ang ulo ko kahit wala naman talagang dugo.
"Aalis kami Sy, gusto mo bang sumama?" tanong ni Raven at ibinaba ko na ang kamay ko para tignan siya at pinilit na ngumiti ng normal dahil baka mapansin nila.
"S-sige. Pupunta lang ako sa kwarto" sambit ko dito at dahan-dahan akong tumayo para maglakad papunta sa kwarto. Pero nakakailang hakbang pa lang ako, naramdaman ko na ang pagkahilo kaya napahawak ako sa ulo ko na masakit pa rin. Napahawak din ako sa may upuan dahil kulang na lang bumagsak ako at nakita kong mabilis na tumayo si Dean at inalalayan ako, "What happened to you? Are you okay?" tinignan ko ito at pinilit na ngumiti. Napansin ko rin na nag-aalala silang napatingin sa akin.
Tumango na lang ako bago nagsalita, "Y-yah. Sumakit lang ang ulo ko, but I'm fine"
"Ano bang nangyari diyan? Anong ginawa nila at noong araw na nakita ka namin, punung-puno ng dugo ang ulo mo?" tanong pa ni Raven. Hindi ko nga pala nasabing may ginawa din sa akin ang Redblades. Pero dahil sa sakit na nararamdaman ko, ayaw ko munang magsalita dahil gusto ko ng magpahinga lalo na't nahihilo ako.
"W-wala, nauntog lang ako" kahit na alam kong useless ang sasabihin kong excuse, sinabi ko pa rin. Tsk!
"Punung-puno ng dugo ang ulo mo Sy, paanong nauntog yon? Kung naalala ko lang, sana ipinukpok ko na rin ng paulit ulit sa pader ang ulo ni Blake" galit na sabi nito kaya pinilit kong magsalita.
"It wasn't him!"
"Kung ganon sino?" napansin kong hinihintay niya ang sagot ko, "No one. I need to rest, tsaka na lang tayo mag-usap" saad ko dito at naglakad na ako, "Sige magpahinga ka muna tapos babalikan kita kapag okay na" dagdag pa niya.
Gustung-gusto ko na talagang humiga.
Inalalayan ako ni Dean hanggang sa kwarto ko at dahan-dahan niya akong pinaupo sa kama. Pagkatapis noon ay tinignan ko siya dahil parang wala ata siyang balak na umalis dahil nakatayo pa rin siya sa harapan ko at nag-aalalang nakatingin sa akin, "I can rest, muffin" saad ko dito at bahagyang ngumiti.
"Can you make it more sweet, sweetie?" sagot naman niya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko kaya diretso akong napatingin sa kanya habang napapapikit na ako dahil mas lalong sumasakit ang ulo ko.
"My muffin" pagkasabi ko noon ay mas lumawak pa ang ngiti ko at kitang-kita ko sa mukha niya na hindi siya makapaniwala.
"Fine if that's what you want. Hindi talaga kita matitiis sweetie" ibinaba niya ang kamay niya at umupo sa tabi ko kaya tinignan ko siya. Napatingin siya sa ulo ko at nagsalita, "Masakit pa rin ba?" nag-aalalang tanong nito.
Tumango na lang ako at muli siyang nginitian, "Gusto mo ba dalhin kita sa clinic?" tanong niya pero umiling ako, "Hindi na kailangan. Ikaw lang sapat na" hindi ko na lang nakita ang ekspresyon nito dahil dahan-dahan na lang akong sumandal sa balikat niya dahil napapapikit na rin ako. Naramdaman ko na lang na sa pagpikit ko, hinawakan niya ang kamay ko, "I'll be here til you wake up sweetie"
To be continued...