"Hindi ka pa ba tapos?" Sigaw ko galing dito sa salas
"Chill Ayesha. Alam mo namang mabagal kumilos yang si Marcus" natatawang sabi ni Brent
"I'm done" sabi ni Marcus nang maka baba siya dala dala ang isang luggage
"Bakit ang laki niyang dala mo?" Tanong ko
"Tara na lang okay" he said at lumabas na leaving me and Brent
"Let's go Brent" sabi ko.
Isasama namin ngayon si Brent dahil kasama siya noon sa Batanes.
Sa harap ng van ulit sumakay si Brent tapos sa pangalawa kami at sa likod ang mga gamit.
Nacontact ko na ang beach resort nila and I made the reservation under our name dahil kilala kami doon. Pati ang proposal plan niya noon ay pinaayos ko na rin. Bukas nang gabi iyon magaganap.
May kalayuan ang biyahe kaya parelarehas kaming nakatulog. We did some stop over tapos balik tulog dahil 3am kami umalis sa bahay.
Mag gagabi na nang makarating kami.
"Goodness I'm tired" reklamo ko at nahiga sa kama ko. Tatlong room ang pinareserved ko.
I dialed the receptionist's number para magdeliver nang pagkain sa amin. Hindi ko alam kung kaya ko pang tumayo.
Maya maya ay dumating ang pagkain kaya napilitan akong tumayo. Nirecieve ko iyon at kumain na.
Nang matapos ako ay naligo ako at nagsuot nang cotton shorts at puting sando.
Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.
Kinabukasan ay maaga ako nagising. Kaya kumuha ako nang stretchable na shorts at racer back. Isinuot ko yon at sneakers. Nagjacket akk dahil maaga pa naman.
Dala dala ang cellphone at earphone ko ay lumabas ako nang mismong hotel at nagjog sa may sea shore.
Hanggang sa umaangat na ang araw kaya tumigil ako saglet para pagmasdan iyon. I sighed dati lamang ay nandito kami sabay na nagjajogging at sabay na nanonood sa pagangat ng araw. Ngayon ay ..
Hindi ko na tinuloy ang iniisip ko pero hindi ko maiwasang isipin na paano kung hindi na siya maka alala pa. Paano ako? Paano kami?
Dahil sa naisip ko hindi ko naiwasang hindi maluha.
"Umagang umaga umiiyak ka" mabilis kong pinunasan ang luha ko at hinarap siya
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Marcus
"Nag jogging. " simpleng sagot niya
"Ah. Sana sinabe mo nang nagsabay tayo" sabi ko
"Hindi na. Ayos lang naman. Paano diba kung wala ka kailangan ko ding masanay nang hindi nakadepende sayo kailangan ko ding masanay nang wala ka" walang habas na tuloy tuloy niyang sinabe kaya napaiwas ako ng tingin.
"Oo nga naman. Sige mauna na ako" malamig na sabi ko. Agad akong tumalikod at naglakad papalayo
Pero hinabol niya ako
"May nasabi ba akong mali?" Tanong niya habang nakatingin sa mata ko
"Wala naman. Magpapahinga lamang ako" sabi ko at tinanggal ang kamayniya sa pagkakahawak sa akin. Tinawag niya ang pangalan ko pero inilagay ko na ang earphones sa tenga ko at finull volume iyon para hindi ko na siya marinig pa.
Nang makarating ako sa room ko ay naibagsak ko na lang ang katawan ko sa kama. Nang naipahinga ko na saglet ay pinatay ko ang tugtog at inayos ang bath tub.
Hinubad ko ang mga suot ko at sumulong sa bath tub. Ngayon na lang ata ako makakapag relax ulit.
'Kailangan ko ding masanay ng wala ka'
'Kailangan ko ding masanay ng wala ka'
'Kailangan ko ding masanay ng wala ka'
Paulit ulit kong naiisip ang sinabe niyang iyon at hindi ko maiwasang hindi umiyak. Napaupo ako nang maayos ,niyakap ko ang binti ko at sinubsob sa tuhod ko ang mukha ko.
Hindi ko mapigilang hindi masaktan sa mga sinabe niya. Tama nga naman kasi kailangan din niyang masanay nang wala ako. Pag tapos nitong proposal ay ang huli niyang ginawa sa akin noon sa ospital ang gagawin namin. Yung surprise niya sa roof top ang gagawin ko. Pagkatapos non at wala pa rin. Ay hahayaan ko na siya pero papaalalayan ko na lamang kay Brent. Babalik na rin ako sa trabaho ko at susubukang mabuhay nang wala siya.
Nang matapos ako ay nagsuot ako nang short at tshirt. Habang pinapatuyo ko ang buhok ko may biglang kumatok. Pagka bukas ko ay si Brent iyon
"Need anything?" I asked pero hindi siya sumagot at pumasok lamang.
Nahiga siya sa bed ko at ako naman ay patuloy na nagpatuyo nang buhok.
"You cried daw sabi ni Marcus" panimula niya
"Let's not talk about it" walang ganang sabi ko.
"Ano na lang plano mo?" He asked tapos ay naupo
"After the proposal thingy kung wala pa rin ay uuwi tayo agad bukas nang alastress nang madaling araw. Pero if you want to stay here for another day pwede rin naman. Pagkauwi natin after tow or three days gagawin ko yung ginawa niya noon sa roof top nang ospital. Pagkatapos non at wala pa rin. Then hahayaan ko na siya. Kung wala talaga anong magagawa ko." Dire diretsong sabi ko
"What if hindi na siya maka alala?" Napahinto ako
"Hindi ko alam Brent" iyon lamang ang naisagot.
Saglet lamang ay lumabas na rin siya sa kwarto ko.
Nang magaalas kwatro ay naligo ako nang saglet at sinuot iyong damit na suot ko noong nagpropose siya sa akin.
Natapos ako nang ala singko kaya naman niyaya ko siyang maglakad lakad sa sea shore
"Ang iksi nang dress mo" puna niya rito habang naglalakad kami
"Eto iyong sinuot ko nung nagpropose ka sa akin four months and half ago" sabi ko
"Talaga?" Then he smiled
"Yes. Let's wait here saglet" sabi ko nang napansing kong papalubog na ang araw.
"I want you to wear this blind folds " sabi ko. He never asked for anything at sinuot niya na lang iyon gaya nang sabi ko.
Sinimulan nang ayusin ang mga kandila at petals tapos nagsimula nang tumugtog ang violin. Ito iyong tunog noon.
As I removed the blindfold nagulat siya sa nakita niya
"Exactly 114 days ago in this exact spot where you kneeled down. As you hold my hand and showed me this ring.." sabi ko sabay pakita nang singsing
"You asked me this. 'We met accidentally and I fell inlove with you unconditionally and falling for you again and again. And now here I am standing infront of you as man who loves you whole heartedly and asking. Will you spend your life time with me' you said that to me while you're on bended knees" then I smiled
"As I nodded you slowly slid the ring into my finger and kissed it. As you stood up you cupped my face" ganoon din ang ginagawa ko
"You kissed my forehead" sabi ko tumingkayad ako at kiniss ang noo niya
"You kissed my nose" so I also did that
"You gave me a peck" so I did give him a smack
"The lastly... you gave me passionate sweet kiss" as I said that I kiss him. A passionate one