May Tiwala Ako
We sat down by the bonfire that gave light to the dark skies. The stars were also soaring high while the moon watches us from above.
Mayroong case ng beer at mga pulutan tulad ng sisig, potato chips, french fries, at lumpia.
Si Owen ay may hawak na gitara, Si Ali naman ay naka-upo sa beatbox, Si Zach ay nasa tabi ni Adrianna habang si Alec ay hawak-hawak ang aking kamay.
"Game, People?"
Sinimulan ni Zach ang kanta at sinabayan ito nina Owen at Ali. At si Alec ang kumanta ng chorus.
Take a little time baby
See the butterflies color's
Listen to the birds that were sent
To sing for me and you
Can you feel me
This is such a wonderful place to be
Pumalakpak kami ni Adrianna nang matapos nila ang kanta. Ang talented nilang magpipinsan. Hindi ako makapaniwala na ang gwapo gwapo nila tapos talented pa.
"You really sing well, Sweetheart." Puri ko sa kanya.
"That's the first time you called me 'Sweetheart'. Thank You." He kissed me on the cheek.
"How about you, Addie? Do you sing?" Tanong ni Ali kay Addie.
"I don't sing." Natawa siya.
"Ikaw, Carmen?" Tanong ni Zach.
"Wait, What's your last name again?" Tanong ni Owen.
"Llorente..." Medyo naguluhan ako.
"You do covers, right? I watched your videos on the internet."
"T-That was before. I was just 16 that time." I shyly replied.
"Maybe you can sing for us, Sweetheart."
"Yeah! Kahit para sa amin na lang na ikakasal? Please? We're sisters already." Adrianna pleaded.
"Sure." I smiled.
"Okay, What song?" Tanong nila Ali at Owen.
At nangangako sayo
Pag sinagot mong oo
Iaalay sayo buong puso ko
Sumangayon ka lamang
Kasama kang tumanda
"Thank You for the song, Carmen. Ang galing mo." Adrianna hugged me.
"You're welcome."
"You're lucky, Alec. Better take care of this young woman." Paalala ni Zach.
"I will, Zach."
"Paano, Guys? Mauuna na kami at maaga pa ang preparations para bukas." Nagpaalam na sila Addie at Zach.
"Go ahead. We'll see you both tomorrow, Mr. and Mrs. Buenavidez."
Kami ni Alec ay bumalik na rin sa aming kwarto.
"Hindi ko alam na kumakanta ka pala. You're good, in fact magaling ka talaga."
"Ngayon lang uli."
"Why did you stopped singing?"
"Wala lang. Maybe I had no inspiration or will to be that passionate for it."
"Now, You have." He softly kissed me.
Nagpalit na ako ng pajama. We ended the night with cuddles while watching comedy movies. Puro tawanan lang kami dito. Pero natulog na rin naman kami agad dahil may pre-nup shoot pa.
Ako na ang naunang gumising. Hindi naman halata na morning person ako, ano? Nauna na rin akong naligo.
"Alec, Gising na. May pre-nup shoot pa kayo nila Zach. Mag-aalmusal ka pa."
"Can I have breakfast in bed?"
"Oo naman, Mag-order na lang tayo dito sa kwarto."
"I want you, Sweetie."
"Maaga pa! Kumain muna tayo."
Nag-order kami ng pancake and waffles at kape para sa aming dalawa. Hindi naman matigas ang ulo niya. Huy! Yung ulo na may isip, ha! Hindi yung isa nako!
Habang kumakain kami ng almusal ay may tumawag sa cellphone ni Alec.
"Hello?... Nandito na kayo? Okay, Okay. Pababa na ako."
"Sino yun?" Pagtataka ko.
"Si Mommy nandito na raw sila."
"Ah, Sige, Pumunta ka na doon. Liligpitin ko muna ito."
"You have to come with me. I won't go there unless you come."
"Hay, Okay."
Inayos ko na muna ang sarili ko para mag-mukhang kumportable. Sinalubong kami ng isang babaeng may edad na rin at naka-sukbit ang kanyang Longchamp na bag.
"My unico hijo. How are you, Anak?"
"I'm good, Mom. How was your flight?"
"It's okay. Kasama mo na naman ba si Bobbie?"
"N-No, Hindi ko siya kasama at matagal na kaming tapos."
"Buti naman at wala na siya. And I see you have a beautiful young lady with you."
"Oh, Yes, Mom. She is—"
"Good Morning, Ma'am. I am Liv Cameron Llorente po."
"Hello, Liv. It's nice to meet you." Nakipag-beso siya sa akin.
"She's my girlfriend, Mom."
"Really? Sinagot mo ang anak ko? Bakit? Paano? Mag-iingat ka dyan."
"Mommy naman."
"Just kidding, Hijo. Nako, Looks can be deceiving, Liv. Playboy ang anak ko kaya kapag pina-iyak ka niyan ay sagot ko na ang bakasyon mo kapag gusto mo mapag-isa."
"Mommy!"
"Another joke, hijo. Anyway, You two love birds enjoy the day. Magpapahinga lang ako at kailangan ko bumawi ng tulog."
"Pag pasensyahan mo na si Mommy. Ganyan talaga siya, she's bubbly."
"Nako, Nakakatuwa nga siya eh. And it looks like you two are really close and kilalang kilala ka niya." May bahid ng panunuya ang aking boses.
"Whatever. Nandito na ang iba naming mga kamag-anak."
"Wait! How about your Dad? Where is he?" Pahabol na tanong ko.
"My Dad? You want to meet him?"
"Yes, Where is he?"
"I'll let you meet him but for now let's go back to our room."
"Wait! Why? You have a photoshoot, right?"
"Mamaya pa iyon before the wedding."
"Oh okay."
Sumunod na ako ay Alec pabalik sa kwarto. Naisip ko na pumili na ng aking isusuot para sa kasal.
"Ano ba motif ng kasal?" Tanong ko kay Alec na naka-hilata sa kama.
"White and Baby Blue."
"Tignan mo nga kung anong mas maganda."
Kinuha ko yung white na maxi dress at yung kulay baby blue ko na jumpshort.
"Mas maganda ito." May kinuha siyang paper bag mula sa maleta niya.
"W-Wow."
"Do you like it?" He asked.
"You chose this?" Manghang-mangha kong tinanong.
"Yup, I bought this for you."
Inabot niya sa akin yung sundress na v-neck lace na butterfly knot ang likuran na hanggang tuhod ang haba. I admit na magaling siyang pumili ng damit.
"Thank You, Sweetheart." Hinalikan ko siya.
"Anything for you."
"Mag-ayos ka na. Four o' clock ang wedding tapos may photoshoot ka pa ng two-thirty in the afternoon."
"You're right. Sige, Mag-bibihis na ako. Wait for me, okay?"
Nag-simula na akong mag make-up dahil gusto ko na maging pormal ang itsura ko.
Nag sunscreen ako sa buong katawan dahil kahapon ay naging tan na ang skin ko.
Nag lagay ako ng foundation, pressed powder sa aking mukha. Ni-brush ko rin ang eyebrows ko parang umayos ito. Nag mascara din ako at naglagay ng clay brush sa aking pisngi para fresh.
Inayos ko rin ang buhok ko at nilaylay ito para makita ang maliliit na waves. Nilagyan ko ang magkabilang dulo ng buhok ko malapit sa aking tainga ng hairpin.
Nag nude lipstick ako para neutral lang. Habang nag-aayos ako ay tumunog ang phone ni Alec. I don't want to invade anyone's privacy pero ilang beses na itong tumunog kaya tinignan ko na lang.
Isang unregistered number ito. Nakaka-ilan na rin itong missed calls at text.
Unregistered Number:
Alec! Where the hell are you? Baka nakakalimutan mo na ang pinag-usapan natin. You won't get what you want if you don't do what I say.
Pinag-usapan? Ano naman iyon? Ayaw ko maging paranoid dahil lang doon sa aking nabasa. Okay, May tiwala ako kay Alec. Hindi dapat ako magduda sa kanya.