webnovel

Chapter 16(fear)

Halos manlumo si arriane ng ma confirmed ng doctor na dengue si niel,Mabuti na lamang at nadala niya agad ang anak niya sa hospital dahil sa sobrang taas ng lagnat nito.Ayon sa doctor mabuti na lamang at naagapan agad si niel dahil maaring dumugo na ang ilong nito at baka mahirapan na ang anak niya na makasurvive.

Umiiyak siya at hindi niya alam ang kanyang gagawin kung kaya tinawagan niya ang ate Monica niya na kasalukuyang nasa Newyork dahil may two days business seminar ito doon.Hindi niya alam ang gagawin niya kung kaya sinabihan siya ng ate niya na magpakatatag lang dahil makakayanan niya rin iyon.Hindi na rin niya naekwento rito ang tungkol kay Nathaniel at pagkikita nila uli dahil nagmamadali ang kapatid niya dahil nasa meeting ito sa mga oras na yon.Uuwi naman daw ito agad oras na matapos ang seminar nito sa Newyork.Si manang Coreng naman ay pinasunod niya na lamang sa hospital dahil marami pang kailangan asikasuhin sa condo niya kung kaya siya na muna ang magbabantay sa anak niya na hanggang ngayon ay under observation pa.Naalala niya pa ang sabi ng doktor sa kanya na baka kailangan ng anak niya ng dugo dahil mababa na ang plitlets nito at kailangan masalinan ito na dugo sa mas madaling panahon.

Tanging pag iyak lamang ang nagagawa niya dahil wala siyang masandalan sa ganitong pagkakataon dahil ang kapatid niya ay nasa malayo naman at ang ama dapat nang anak niya na dapat nasasandalan niya ay wala na rin dahil may iba na itong mahal,mali, may minamahal itong iba dahil hindu naman talaga siya nito minahal, bagkus tanging panlalait lamang at pagpapakababa ng kanyang pagkatao ang pinapakita nito.Muli ay umiyak na naman siya hindu dahil sa pag aalala para sa kalagayan ni Niel kundi sa sakit na nararamdaman niya dahil sa pagmamahal niya sa maling tao.Oo, maling tao ang minamahal niya dahil hanggang ngayon kagaya parin ng dating arriane ang tingin nito sa kanya.Kahit pa nga siguro tumambling siya ng paulit ulit sa harapan ng binata ay talagang mananatiling mababang arriane ang makikita nito sa kanya.Iyon ang isiping nakatulugan niya habang nasa tabi ng kanyang anak.

Kinabukasan ay hindi nakayanan ni Nathaniel ang ginawang pang iinsulto ng kanyang nobya kay arriane kung kaya naisipan niyang puntahan ito sa restaurant nito dahil hindi niya naman alam ang unit ng condo nito sa building na tinitirhan niya kung kaya sa restaurant siya nito dumiretso.Nakita niya kasing parang nag aalala ito kagabi kung kaya nga mas pinanigan niya ito keysa sa nobya niya,napansin niya kasi ang mga gamot na bitbit nito kagabi kung kaya naisip niya na baka maysakit ang anak nito.NGunit sayang lamang ang oras niya dahil ayon sa staff ng dalaga ay wala ito roon at nasa hospital dahil naka confine ang anak nito dahil sa dengue.Hindi niya alam kung bakit ganun na lamang ang naramdaman niyang pag aalala para sa anak nito kung kaya dumeritso siya sa hospital kung saan nakaconfine ang anak ni arriane.

Kung tutuusin hindi na siya dapat magsayang ng oras para sa mag ina ngunit hindi niya maipaliwanag kung bakit ganun na lamang ang awa niya kay arriane, ngunit tuwing naalala niya ang pagiging maharot nito ay parang isa isang bumabalik ang galit niya sa babae.Pero sa ngayon ay isasantabi niya muna ang nararamdaman niya,isa pa naawa talaga siya dahil sa pang iinsulto ni kaithleen rito kagabi.Naalala niya ang matinding away na naman nila kagabi ng nobya niya.

"ito na naman ba tayo huh!!"kakaayos lang nating dalawa tapos mag aaway na naman uli tayo dahil uli sa babaeng iyon?"nanggagalaiting sigaw ni kaithleen ng makarating sila ng unit niya.

"yes,!Dahil ikaw naman talaga ang nagsisimula ng gulo,."kanina, nung pumasok ng elevator yung tao, nagparinig ka agad samantalang hindi mo naisip na andon ako!"

"ofcourse!!dahil talagang hindi pa ako nakakabawi sa pang iinsulto niya saakin doon sa restaurant, tapos heto na naman makikita ko at makakasabay sa elevator tapos kasing clumsy din pala siya ng staff niya.. syempre magrereact ako dahil sayo mismo natapon yung sabaw ng dala dala niya tapos baliwala lang sayo!'"Ano yun?!"galit na sabi nito.

"oh my god kaithleen,, your so childish!'"Hindi mo ba nakita iyong hitsura ng tao tapos dadagdagan pa ba natin!"mataas na din ang boses na sabi niya rito.

"eh di ikaw na!! wala naman palang kwenta ang pagkakaayos natin kung ganun din palang mag aaway din pala tayo!!"pagkasabi nito ay agad nitong kinuha ang dala nitong sling bag at saka lumabas ng kanyang unit.

"hey, kaith.. ano ba.. let's talk about this'"hinabol niya ito ngunit hindi ito nakinig.Mabilis itong nakasakay ng elevator kung kaya hindi na lamang niya ito sinundan. Huminga siya ng malalim saka ibinalik ang diwa sa kasalukuyan,Hindi niya talaga maintindihan kung bakit parang biglang nagbago si kaithleen sa kanya.Hindi niya alam kung nananadya lamang ba ito o talagang gusto na nitong mawala na siya sa landas nito,ngunit wala naman itong sinasabi.Sa halip lagi lamang itong nag wo walk out o di kaya ay umiiwas sa tuwing pinag uusapan nila ang tungkol sa baby.Para sa kanya ay ito na ang gusto niya makasama habang buhay ngunit papaano niya gagawin iyon kung ito mismo ang kusang nagtutulak sa kanya palayo.Muli ay napabuntong hininga siya dahil sa kanyang mga naiisip at itinuon na lamang ang kanyang mga mata sa pagmamaneho dahil malapit na siya sa hospital kung saan naroon ang anak ni arriane.

Samantala, mas tumindi ang pag aalala ni arriane para sa kaligtasan ni Niel dahil nag declare ang doctor na ilipat ang anak niya sa ICU,halos umiyak na lamang siya dahil sa matinding pag aalala.Nakalimutan na nga niyang kumain dahil sa stress na pinagdadaanan niya.

Kung ibang sakit lamang sana ay okay lang dahil kaya niyang magbayad ng magagaling na doctor,ngunit ang problema ay dengue kasi iyon at talagang kailangan ng matinding pag babantay dahil pabago bago ang plitlets at BP ng anak niya.

"Lord please help me,Help my son please".umiiyak na usal niya habang nakaupo sa isa sa mga upuan sa waiting area.Siya lamang mag isa doon dahil lumabas si manang coreng upang bumili ng makakain.

"Di bale mawala na saakin lahat basta huwag lang ang anak ko please."muli ay usal niya habang nakapikit.

Maya maya ay nakaramdam siya ng presensiya ng tao sa katabi niya ngunit hindi lamang niya iyon pinansin at patuloy lamang siyang nagdarasal para sa kaligtasan ni Niel.Naramdaman niyang may kamay na pumatong sa balikat niya kung kaya napadilat siya at halos manlaki ang mga mata niya ng mapagtantong si Nathaniel ang nasa tabi niya.

"hi,, are you okay?"wika nito na bakas sa mukha ang pag aalala o baka guni guni lamang niya iyon.

"what are you doing here?"gusto na naman sumiklab ng galit niya ngunit nagpigil siya dahil nasa hospital sila at isa pa wala sa mood makipag awat rito.

"nabalitaan ko kasi ang nangyari sa anak mo kaya pinuntahan kita dito."

"oh really?"bakit close ba tayo?"naiinis niyang tanong.

Napansin niya ang bahagyang pamumula ng mukha nito ngunit saglit lamang iyon saka nagsalita.

"Im sorry about last night,.. wika nito."alam kung hindi mo intensiyon na matapunan ako ng soup na dala mo dahil nagmamadali ka,and I just want to say sorry about what kaithleen did to you."Im really sorry."Sa sinabi nito ay pakiramdam niya ay inuugoy na naman siya sa alapaap ngunit agad niyang nasaway ang sarili.

"arriane tumigil ka!!kinikilig ka agad,samantalang hindi pa nga iyan nagsosorry sa ginawang panghahalik sayo!"pagalit niya sa sarili.

"anyway, panu ka nakapunta dito?"nagtatakang tanong niya.

"well, si manang coreng kasi,itinuro niya kung nasaan ka dahil tinanong ko siya sa labas kanina dahil nakasalubong ko siya sa entrance kanina."seryusong sagot nito.

"ganun ba?"tanging nasabi niya.

"so hindi ka na galit sa akin"?nabigla siya sa naging tanong ng binata ngunit tumango na lamang siya.Ang totoo naman kasi ay hindi naman talaga siya galit rito, kundi nasasaktan lang siya dahil sa pinapakita nito sa kanya.Kung tutuusin nga hindi naman talaga siya magtanim ng galit sa binata dahil siya nga halos ang may kasalanan sa lahat nang nangyari sa kanya.

Nag uusap pa silang dalawa ni Nathaniel ng biglang magkagulo ang doktor na nasa ICU kung saan naroon ang anak niya kung kaya kinakabahan siyang napalapit doon sa pintuan kasunod si Nathaniel.

"Oh my God ang anak ko!"halos ibuhos na niya ang lahat ng luha dahil sa matinding takot para sa kaligtasan ng kanyang anak.Ilang saglit pa ang lumipas ng may lumabas na doktor at tinatawag ang apelyido niya kung kaya halos magkandarapa na siya sa paglapit rito.

"dok, ako ho yung mommy niya,"umiiyak na sabi niya sa kaharap.

"mrs, kailangan na ng anak mo madagdagan ng dugo dahil napakababa na ng baby niya, mas mapanganib kung hindi agad natin siya malagyan ng dugo at baka sa next siezure niya ay hindi na siya makaligtas."sa sinabi ng doktor ay napahikbi siya,kasabay ang pagyakap sa kanya ng mga braso ni Nathaniel habang pinalakas ang loob niya.Gusto niya sanang ganun na lamang sila habambuhay ngunit malabo pa sa kulay ng tubig ng pasig ilog na magkatotoo iyon.

"Im willing to give my blood for my son doc'" aniya saka kumalas sa mga braso ng binata.

"mrs,.mahirap kang makuhaan ng dugo dahil napakaputla mo isa pa we need type A+ ng blood for your son".walang kagatol gatol na pahayag ng doctor.Sa sinabi ng doktor ay napaisip siya ngunit bago paman siya makapagsalita ay nauna manh magsalita si Nathaniel.

"Ako dok,type A+ ako.. pwede ako mag pakuha ng blood to save the kid."sagot ng binata na agad naman sinang ayunan ng doctor.

"okay sir, kung gayun huwag na tayo mag aksaya ng oras, kailangan na malagyang ng dugo yung bata, meron lang kaming mga kunting check up na gagawin sayo par ma reassure na safe ang blood mo for the little boy."Magsasalita pa sana siya ngunit tinalikuran na siya ng binata at sumunod sa doktor na kausap nito at siya naman ay naiwang nakatungaga.Kinakabahan siya sa maaring mangyari ngunit mas nanaig parin ang pagiging ina niya.Natatakot siya pag nalaman ni Nathaniel na anak nito si Niel, ngunit hindi naman siguro iyon mag iisip nang ganun dahil marami naman ang halos magkapaehas ang dugo ang mahalaga ay makaligtas ang anak niya.Alam niyang selfish siya pero hindi naman na dapat malaman ni Nathaniel na anak nito si Niel dahil magkakaroon narin naman ito ng pamilya sa pamamagitan ng kaithleen na iyon.

"bahala na".wala naman siyang pakialam at kung malaman man niyang anak niya si Niel, siguro naman hindi iyon maghahabol dahil hindi nga nito alam na nagbuntis siya."tanging nasabi niya sa kanyang sarili.

Nächstes Kapitel