webnovel

Chapter 9 Brother Support

Ayun… natraffic na nga ng mga security yung mga taga Media…

Kala naman nila ako si Kieth … na ikakasal kay Prince William… Kawawang si Ako… Parang pag

fifiestahan sa balita nito… tapos… huhukayin yung picture ko na ultimate throwback kung sino ako… My

Ghad… Goodnesss naman tayo nito…

Nakita ko na may familiar na mukhang papalapit sa sasakyan.. Kasama yung ilang security… Si Kuya.

Binuksan ni Kuya ang pinto.

"Para ka nang kakatayin sa Hitsura mo Charm… Kinakabahan ka… Halatang-halata."

Ang sarap ni Kuya hampasin ng boquet kong hawak… O siya na ang isusunod na ikakasal… siya unang

nakasalo… Sino naman talaga kasi ang hindi kakabahan! Huhuhu…

Siya nga rin… halatang halata na sobrang putla nito.

"Kuya…" humaba pa yung nguso ko sa sobrang simangot ko…

"I'll be your Support Charm. Huwag kang mag-alala. Okey? So, kailangan mo na sigurong lumabas?"

Inilahad niya sa akin ang kamay niya… Parang isang princippi na makikipag-sayaw sa kawawang

princessa. Malaki ang tiwala ko sa kanya. Sa lahat ng Tao… siya lang ang pinagkakatiwalaan ko sa

mundong ito.

Naalala ko no'ng tatawid kami sa tulay na gawa sa lubid at kahoy… Hanging Bridge … at sa ibaba… ang

malalakas na hampas ng tubig dahil mahangin at malakas na ulan ang sumalubong sa amin, nung nag-

camping kami… Pinagtatawanan ako ng mg aka-girls scout ko… at si Kuya naman noon ang Team Leader

ng ibang pangkat… kaya malayo siya sa akin… at ibang pangkat ang kasama… Ngunit namalayan ko na

lang… may kamay na nagpaangat ng paningin ko sa may Ari… Si Kuya…

"Kaya natin to Charm… Don't be weak."

Ngayon… heto na naman yung pakiramdam na yun… Kahit natatakot siya para sa amin… matapang parin

niyang hinaharap… Sa oras na yun kapag isa sa amin ang nadulas maaring ika-aksidente namin… Until we

reach the end of the Bridge…

Ngayon… saan ako ihahatid ng Kuya ko?

Inabot ko ang aking kamay ulit… Tiwalang-tiwala parin ako sa kanya… Ngumiti siya… At ang ngiti niyang

yun… parang ang saya niya para sa akin. Kahit nanginginig ang mga kamay ko… hawak lang ni Kuya…

naikampante ko ang sarili ko… napatango ako sa kanya. Sa paglabas ko… lalo kong hinigpitan ang hawak

sa mga kamay niya.

Sinalubong kaagad ako ng Flash ng Camera… Biglang nagkaroon ng commotion sa likuran namin… Yung

mga Media na halos mahirapan ang security na pigilan sila.

"Huwag kang lilingon… Look forward Charm…"

Maraming tao ang naghihintay sa labas ng simbahan. Naglakad kami ni Kuya with escort ng mga

security.

Sana maglaho na lamang ako bigla… Yung tipo na para kang Bula… Wala na.. disappear na…

Pero… NO!

I must do it! Wag kang duwag Charm! Di ko tatalikuran ang kapatid ko. Ano'to… Yung balita na … Run

Away Bride?... Si Jeff tinakbuhan ng Bride niya… At sa tingin ko te-trending yan kapag nagkataon.

Namalayan ko na lamang ang sarili ko… dahil napamangha ako sa ganda ng pagka-ayos ng simbahan…

labas pa lang… ang ganda na… paano pa kaya sa loob. Nagliliparang white feathers at petals ng rosas…

parang umuulan nang ganoon sa simbahan… Ay wow…

Sarado yung pinto ng simbahan… at lahat ng mga tao na nasa labas… ang mga mata nila'y sa akin

nakatuon.

Ngayon lang ba sila nakakita ng ikakasal? Tsk.

Matutunaw po ako… please…

"Charm?."

"I'm fine Kuya."

"Huh?" Halatang di nakumbinsi sa sinabi ko …

"Whoooo…. Ang totoo niyan … sobra na akong kinakabahan at parang namamanhid na ako Kuya."

"Halata. Your hands was cold as an Ice… lalo na kung alisin natin ang gwantes na ito… You're trembling

too."

Napilitin ako ngumiti… " Siguro Kuya… nanninibago lang ako sa dami ng tao … di ako sanay na madaming

Tao ang nakatingin sa akin. At feeling ko din Kuya… bigla tayo nagteleport sa Alaska."

Kahit Ten pa lang nang umga… at tirik na tirik ang araw… Ganoon ang nararamdaman ko… saka parang

may drummer na nagcoconcert sa puso ko.

" Can I leave you here… Kaya mo ba maglakad mag-isa? Don't worry… aantayin kita sa gitna…"

"Kuya…"

" Kaya mo yan Charm…" saka niya binitiwan yung kamay ko… Then… tinalikuran ako…

Parang lalamunin na ako sa Kaba… Yung Bulaklak na hawak ko… parang mafo-froze na sa sobrang…

lamig… God, give me strength po… Kakayanin ko'to. Fight lang MIssamy Charm!

Inayos nila yung Damit ko… at yung Belo… Parang Calla Lily ako tignan… dahil Slim ang gown na ito…

Napapikit ako… at sa pagmulat ko… Sumalubong sa tenga ko ang kantang… Thousand Years… Nang

mabuksan ang pinto na nasa harapan ko.

Lahat sila nakatayo… ang mata'y sa akin nakapako… parang di ko kaya ihakbang ang mga paa ko… At

halos mangiyak ako… ng makita ko nga si Kuya… naghahantay sa akin… para ihatid ako ng tuluyan sa

larong to.

Nächstes Kapitel