webnovel

The fiance? (3)

*at home

"hoy akin yan"

"sakin to noh"

"sabi nang akin yan eh"

"akin nga to"

"ibigay mo nga sakin yan"

"ano ka maliit kaya yung sau malaki sakin"

"pero mas mahirap ipasok yung akin kahit na maliit"

"wala akong pake"

hay nakakarindi na, kanina pa sila nagtatalo.

kuno daw mas malaki yung kay Ian kesa kay Anthony

hoy wag kayong green, ang pinag-aawayan nila is yung game na nilalaro nila

malay ko kung anong game yun,

pinagtatalunan pa nga nilang dalawa kung kanino sino papatay sa kalaban eh.

hay mga lalaki talaga ang weird minsan

nakakainis lang kasi di na namin maintindihan yung pinapanuod namin dahil ang ingay nung dalawa.

*bzzzt* *bzzzt*

nagulat ako nung nanginig yung inuupuan ko, tiningnan ko naman kung bakit.

ah kaya pala may nagtext eh

"hai"

unknown number yung nagtext kaya

"cnu 2?"

"yung fiancè mo"

fiance?

"sino ka ba?"

"malalaman mo rin sa tamang panahon"

wow ha parang narinig ko na kay  kuya yan ah.

"kilala ba kita?"

i have a feeling na kilala ko siya eh, pero sino?

haysst mababaliw na ko sa kakaisip kung sino yung lalaking yun

"yes, you know me very well"

kilala ko siya? ibig sabihin isa sa mga kaibigan ko yung fiancee ko.

pero sino sa kanila?

"Dinner time guys"- sabi ni ate steff samin kaya tumayo na kami at pumuntang dining area.

kalimutan ko nga muna tong pag-iisip kong sino na naman ba fiancè ko, kakain muna ko mabubusog pa ko.

Nagkwentuhan lang kami at kailan pa ba nawala yung kahanginan nila.

Nandito ako ngayon sa kwarto, nagsosoundtrip lang. Ang aga pa naman para matulog eh.

Sino kaya yung bagong fiance ko? Kilala ko daw siya eh.

Baka naman manyak yun ah, o kaya naman mahangin rin katulad nila kuya.

Haysst mababaliw na talaga ko,

The next thing i know nandito na ko sa tapat nang kwarto ni kuya.

Kakatok ba ko o hind? Tatanungin ko ba o hindi? Magagalit ba ko o hindi?

Hay ewan

Pero sa huli kumatok din ako

*tok**tok*

"Kuya?"- tawag ko sa kanya,  baka naman tulog na siya.

Impossible ang aga pa.

" Bukas yan lil sis"- sigaw niya

Binuksan ko yung pinto at nakita kong kakaligo lang niya kasi nagpupunas siya nang basa niyang buhok eh.

"May problema ba? Di ka ba makatulog?"- tanong niya sakin

"May itatanong lang ako kuya"

"Ano yun, mukhang importante yan ah?"

"Uhm totoo ba na hindi pa kinancel nila mommy yung kasal?"- tanong ko sa kanya,

Natigilan siya sa pagpupunas ng buhok niya at tumingin sakin

"Si steff ba nagsabi sayo?"- tanong niya

"It's ok i won't get mad at her, actually I'm thankful because she told you about that. Because i can't tell you"- anong ibig niyang sabihin

"What do you mean by that?"

"Alam ko kasi na mahal na mahal mo si Justine,  at alam ko rin na magagalit ka pag nalaman mo yung tungkol sa kasal"

"Ah kaya hindi mo sinabi sakin, Wow ha thank you ha"- sarcastic kong sabi sa kanya

"Lil sis naman,  kaya ayoko sabihin kasi baka hindi rin naman matuloy yung kasal"- sabi niya

"Baka hindi matuloy? Seryoso ka ba diyan kuya?"- gulat kong tanong sa kanya,  at the same time natutuwa ako sa naririnig ko

"Yeah kaya nga hindi ko pa sinasabi sau,  baka kasi pag sinabi ko magdradrama ka na naman diyan at baka makipagdeal ka na naman"- sabi niya sakin sabay pitik niya sa noo ko

"Bakit bawal? Alangan namang basta basta na lang ako papayag na ipakasal sa kung sino sino lang na lalaki"- sabi ko sa kanya habang hinahawakan yung noo ko

"Hay naku, ang tigas talaga ng ulo."

"Mana sayo"- sabi ko sa kanya

Talaga naman eh,  pero mas matigas ulo ko diyan

"Pero kuya, sino ba yung fiance ko na yun?"- tanong ko sa kanya

"Malalaman mo bukas, pupunta sila dito ng dinner- "

Pinutol ko yung sasabihin ni kuya

"Para pag-uusapan yung kasal?"- tanong ko ka kanya

"Yeah"

"Ah ok"- sabi ko

"Wag ka nga sumimangot, di bagay sayo di ako papayag na ikasal ka sa di mo mahal. Ok"

"Knowing you gagawa at gagawa ka ng paraan para di matuloy yung kasal"

Kilalang kilala talaga ako ni kuya,  ayaw na ayaw ko kasing pinipilit ako sa ayokong gawin.

At sigurado akong kawawa yung fiance ko ngaun, kung kilala ko kung sino siya.

Naggood night na ko kay kuya at bumalik na ko sa kwarto ko. Nagpalit muna ko ng pantulog saka humiga sa kama at unti unti na kong dinalaw ng antok.

Nächstes Kapitel