webnovel

Blessing in disguise

*Market*

Bumaba na kami sa van at pumunta muna kami sa bilihan ng damit malapit dito. Bumili ako ng maraming damit different sizes para sa mama, tapos sa dalawa niyang kuya, sa ate niya at kay bunso nila. Pinagbihis ko na rin siya, baka tuksuhin pa siya ng mga nandito.

Pagkatapos namin sa Bilihan ng damit pumunta na kami sa Market.

Bumili kami ng maraming pagkain, like vegetables, fruits and meats. Bumili na din kami ng mga gamot nung mama niya.

Pagkatapos namin mamili pinuntahan na namin kung san yung bahay nila, grabe ang hirap pala pumunta sa kanila, now i know. After 1 hour nakarating na kami, yung mga taga dito sinalubong nila yung van at parang manghang mangha sila dito, at yung iba parang ngayon lang nakakita ng van. I understand them ang layo ng lugar nila at nasa looban sila kaya siguro ganyan sila makareact.

Bumaba na kami ng van at parang nagulat sila nung bumaba kami kasama yung bata na hanggang ngayon di ko pa alam ang pangalan

"Grace saan ka galing, at sino sila, bakit ka nakasakay dyan at bakit mo sila kasama, at tsaka saan galing yang suot mo?"- sunod sunod na tanong nung lalaki na parang kasing edad ko lang.

"Ahm excuse me, pwede ako na lang sasagot sa mga tanong mo?"- kuha ko sa atensyon niya

Nabaling naman yung tingin niya sakin

"Uhm nakita ko sa may tabi ng daan si grace (daw) and naawa ako sa kanya so i decided na tulungan siya, at nakasakay siya sa van namin kasi nga tinulungan namin siya, bumili kami ng mga pagkain, damit at gamot nang mama niya, kaya ganyan yung suot niya. Nasagot ko na ba lahat ng tanong mo Mr.?"- mahabang sagot ko sa kanya

"Totoo yun kuya, ang bait bait nga ni ate eh, kahit di niya ko kilala tinulungan niya ko at hindi pa siya nandiri sakin."- sabi ni grace sa kuya niya daw

"Ganun ba, salamat ha sa tulong mo."- sabi niya sakin

"No problem"

"Heto nga pala yung mga binili namin nandyan na rin yung mga gamot nung mama niyo."- sabi ko sabay abot nang mga pinamili namin, binigay na rin nila kuya yung mga bitbit nila na pinamili din namin

"Salamat talaga dito, malaking tulong na to samin."- sabi niya, na halatang sincere siya

"Wala yun, i should be the one thanking your sister"- sabi ko na ikinakunot naman ng noo niya

"Ha ano?"- tanong niya na parang hindi naintindihan ang sinabi ko

"Hindi ba kayo nakakaintindi ng english?"- tanong ko sa kanila, umiling naman sila

"Hindi po kami nakakaintindi ng english, kasi po iilan lang ang nakapag-aral samin dahil sa kahirapan namin."- sagot naman sakin ni grace

"Ganun ba, sorry hindi ko alam"- sabi ko na hiyang hiya dahil mukhang namaliit ko sila.

"Ok lang po yun ate, ako nga dapat magsorry sayo eh mukhang nakaabala ako sa lakad niyo."- sabi niya na humihingi ng tawad

"Ha bakit mo naman nasabi na may lakad kami?"- tanong ko sa kanya

"Dahil po sa suot niyong lahat, ang ganda po kasi ng mga suot niyo eh. Siguro po hindi ako makakapagsuot ng ganyang kagarang damit"- sabi niya na parang naiinggit siya

"Gusto mo ba bilhan kita ng ganito?"- tanong ko sa kanya na ikinasaya at ikinaexcite naman niya

"Pwede po ba?"-tanong na habang nakangiting malapad

"Sige ba, walang problema sakin"- pagkasabi ko nun tumalon talon siya habang sumisigaw

"Grace huwag ka na magpabili, nakakahiya na sa kanila. Ang rami na nga nilang binili para satin sobra sobra na yun."- sabi niya sa kapatid niya

"No it's ok, i mean ang ibig kong sabihin. Ok lang naman sakin at tsaka natutuwa kasi ako sa kanya. Wala kasi akong kapatid na babae kaya aliw na aliw ako kay grace"

"At tsaka alam mo bang magkapareho tayo ng pangalan?"- sabi ko kay grace

"Talaga po?"- tanong niya na parang namangha sa narinig niya

"Oo pareho tayo kaya lang mahaba ang pangalan ko at palayaw lang ang grace "- pagpapaliwanag ko sa kanya

"Ano ba pangalan mo hija?"- sabi nung lolo, na mukhang kanina pa sila nakikinig sa mga usapan namin simula nung pumunta kami

"Uhm Graciella Elise Mirra Gerald po lo"- sabi ko kay lolo

"Wow ate ang haba naman ng pangalan mo at ang ganda, bagay na bagay sayo."- sabi ni grace sakin

"Thank you ang ganda rin naman ng pangalan mo eh, Grace"

"Lil sis we need to head back now, I'm hungry we haven't eaten lunch yet"- sabi niya na halatang naiinip na sila at halatang gutom na rin sila

"We ate snacks earlier"- sabi ko na parang nagdududa sa gusto nilang mangyari

"You said it yourself it's snacks, not lunch"- sabi ni kuya, naguilty naman ako mukhang gutom na nga sila dahil sakin ang iinit na nang ulo eh, yan ba epekto ng gutom sa kanila

"Ate ano pong lenggwahe yang sinasabi niyo hindi po namin maintindihan."-sabi ni grace na parang naguguluhan

"English pa rin ang tawag dun"- sabi ko saka ko siya pinantayan

"Ahh ganun po ba, bakit po iba ang lenggwahe niyo samin eh taga rito rin po kayo di ba?"- tanong niya na parang nagtatanong siya sa teacher niya

"Nagkakamali ka, hindi kasi kami taga rito kaya iba ang lenggwahe namin. Taga Korea kami "- sabi ko sa kanya pero mukhang mas naguluhan siya

" Korea?"

"Eh bakit alam mo magsalita ng lenggwahe namin sa pagkakaalam ko hindi english ang lenggwahe dun?"- tanong naman ng kuya ni grace na hanggang ngayon di ko pa rin alam ang pangalan

"Mahabang kwento, pero dito ako lumaki sa Pilipinas kasi may inasikasong negasyo sila mommy at daddy dito kaya nanirahan muna kami dito pansamantala kaya alam ko magtagalog at sila naman nagstay rin sila dito ng one year kaya alam din nila"- paliwanag ko sa kanila

"Ah"- sabi nung kuya ni grace

"Ganun nga, so pano mauna na po kami malayo pa po yung uuwian namin eh"- pamamaalam ko sa kanila

"Uuwi na kayo ate, pano yung damit ko"- sabi niya na nakasimangot

"Wag kang mag- alala ipapadala ko na lang dito yung damit na gusto mo."

"Talaga ate, salamat"- sabi niya sabay yakap sakin ng mahigpit

"Grace tama na yan baka madumihan mo yung suot niya."- sabi nung kuya ni grace sabay kuha kay grace na nakayakap sakin kanina

"Nako ok lang yun, hindi naman ako maselan eh"- sabi ko na nakangiti

"Lil sis "- tawag sakin ni kuya, ou nga pala nakalimutan ko na

"Ok just a sec."- sabi ko kay kuya sabay harap sa kuya ni grace

"Bago kami umalis may gusto sana akong tanungin sayo?"

"Ano yun?"

"Kanina pa tayo nag-uusap dito pero hindi ko pa rin alam pangalan mo"

"Ai pasensya na nawala sa isip ko, Ako nga pala si Antonio Garcia"- sabi niya sabay lahad ng kamay niya, makikipag shakehands na sana ako ng biglang

"Let's go Mirra"- sabi ni Ethan,

Grabe kinuha ba naman yung kamay ko nung makikipag shake hands ako. Ano nangyayari sa kanya

"Sige una na po kami"- paalam ko sa kanila tapos umalis na kami.

Nächstes Kapitel